You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Filipino

Baitang: Una(1) Linggo: Ikaanim (6) Kuwarter: Ikalawa (2)

I. Layunin: Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa


pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari
MELCs Code #: F1WG-IIc-f-2
II. Paglalahad ng Aralin:
Ang Pangngalan ay nagsasabi tungkol sa ngalan ng
tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari.

III. Pagsasanay:
Panuto: Bilugan ang pangngalang nasa loob ng panaklong
na dapat gamitin sa sumusunod na tanong.

1. Alin ang ngalan ng pangyayari?


( manok, ate, Araw ng mga Puso, sapatos )

2. Alin ang ngalan ng lugar?


( tito, parke, telebisyon, pato )

3. Alin ang ngalan ng hayop?


( mangga, Araw ng Kalayaan, pusa, madre )

4. Alin ang ngalan ng bagay?


( radyo, lolo, palengke, kuneho )

5. Alin ang ngalan ng tao?


( kabayo, laruan, Naga City, ate )
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa blangko ang tamang pangngalan na


angkop gamitin sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

aso kaarawan bag


doktor simbahan

1. Binigyan ako ni kuya ng bagong ___________.

2. Magaling ang ____________ na gumamot sa akin.

3. Matapang ang alagang _____________ ni Kardo.

4. Binigyan ko ng bulaklak si Ena nang ______________ niya.

5. Sa _________________ ng San Francisco kami nagsisimba.

You might also like