You are on page 1of 9

GRADE 2 School: Tala Elementary School Grade Level: II

DAILY LESSON LOG Teacher: Anna Gemeleyh S. Qubing Learning Area: FILIPINO
Teaching Date and Time: February 5, 2024 9:10 – 10:00 Quarter: 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan. Nagagamit
ang mga kaalaman sa wika.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
ang code ng bawat kasanayan pangyayari (F2WG-Ic-e-2)
II. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro MELC BASED
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang FIL2 SLM Q3 Week 1
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo SLM, visual Aid, mga larawan,

III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at / o Magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng pangngalan.
pagsisimula ng bagong aralin 1. Pangalan ng tao: ___________________ ________________________
2. Pangalan ng hayop: ____________________ _____________________
3. Pangalan ng bagay: ____________________ _____________________
4. Pangalan ng lunan o pook: _________________ _________________
5. Pangalan ng pangyayari: ___________________ _________________
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Basahin ang talata. Piliin ang mga pangngalang binanggit sa talata.
Masayang naglalaro sa kanilang bakuran si Lisa at ang kaniyang alagang pusa na si Kitkat. Bigay ito ng
kaniyang ama na si Mang Cesar. Binili ito ng kaniyang ama malapit sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa
Ermita, Maynila. Masayang-masaya si Lisa, dahil bukod sa kaniyang manika, ay meron pa siyang
alagang pusa.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ang Pagpunta ng Pamilya Santos sa Pampanga
bagong aralin Akda ni Leslie R. Sedentario at ni Mary Ann Torres

Buwan ng Abril noon nang umuwi ng Pampanga ang pamilya nila Aling Lily at Mang Ely upang dumalo
sa anibersaryo ng pag-iisang dibdib ng kapatid ni Mang Ely. Masaya at nasasabik ang kanilang mga
anak na sina Apol, Leya, at Bidi. Nagsimula na silang mag-ayos ng kanilang mga gamit. Dinala ni Apol
ang kaniyang selpon upang kumuha ng larawan, samantalang si Leya ay dinala ang kaniyang mga libro
at ang kaniyang mga bag na di na niya ginagamit dahil ibibigay niya ito sa kaniyang mga pinsan. Si Bidi
naman ay dinala ang kaniyang mga robot at maliliit na sasakyan upang makapaglaro kasama ang
kaniyang mga akababatang pinsan. Masayang-masaya ang mag- anak habang sila ay nasa biyahe. May
mga baon silang pagkain na binili nila sa palengke. Marami silang nakitang magagandang lugar sa
kanilang dinaanan. Nakarating sila nang mapayapa at masaya silang sinalubong ng kanilang mag-anak
kasama na rin ng kanilang aso at pusa.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sagutin Natin: Piliin ang letra ng tamang sagot.
paglalahad ng bagong kasanayan #1 1. Bakit masaya ang pamilya nila Aling Lily at Mang Ely?
A. Sapagkat bibili sila ng magagandang damit. B. Sapagkat pupunta ang kanilang pamilya sa
Pampanga. C. Sapagkat kaarawan ng kanilang Lolo.
2. Saang lugar pupunta ang mag-anak?
A.Bicol B. Laguna C. Pampanga
3. Ilan ang anak nina Aling Lily at Mang Ely?
A.3 B. 5 C. 1
4. Ano-ano ang nakasalungguhit na salita? Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_________ __________ __________ ________ ________
5. Ano ang tawag sa mga nakasalungguhit na salita?
A.Pandiwa B. Panlapi C. Pangngalan
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangngalan- tumutukoy ito sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Halimbawa:
nanay – tao lapis – bagay ibon– hayop palengke – lugar pasko – pangyayari
Sa binasa mong kuwento, ang mga nakasalungguhit na salita ay mga halimbawa ng pangngalan.
anak- pangngalan ng tao
telepono , robot, bag , libro – pangngalan ng bagay
palengke – pangngalan ng lugar
aso , pusa – pangngalan ng hayop
anibersaryo - pangngalan ng pangyayari.
Iba pang halimbawa:
Namasyal kami nila nanay tatay, at ate sa parke.
Pangkatang Gawain:
F. Paglinang sa kabihasaan Pangkat 1: Tukuyin ang kategorya ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang T kung ito ay tao, B
( Leads to Formative Assessment ) kung bagay, H kung hayop, L kung lugar at P kung pangyayari.
______1. isda , ibon , aso , daga
______2. pinsan , anak , lola , tiya
______3. kwarto , ospital , palengke , palaruan
______4. sombrero , lamesa , bote , papel
______5. lapis, papel, kwaderno, bag
Pangkat 2: Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o
pangyayari. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Si Rico ay matalinong bata.
2. Bumili ng bagong sapatos ang ate ko.
3. Masaya ang pista sa aming probinsya.
4. Pumupunta si Jhon sa palengke.
5. Kumain ng buto ang aso.
G.Paglalapat ng aralin sa pang araw- Hanapin at isulat ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng pangngalan na nasa kaliwa. Isulat sa
araw na buhay patlang ang tamang sagot.
(tao)__________1. Masaya si Ben sa nalalapit niyang kaarawan.
(bagay)__________2. Masayang masaya si Lita sa regalong bisikleta ng kaniyang tiyo.
(hayop)__________3. Malakas ang tahol ng alagang aso nila Nena.
(bagay)__________4. Kulay asul ang binili kong sombrero kahapon.
(lugar)____________5. Masarap ang simoy ng hangin sa Baguio.
H.Paglalahat ng Aralin Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao ,bagay , hayop , lugar at pangyayari. Nararapat
na gamitin mo nang tama ang pangngalan sa pangungusap.

I.Pagtataya ng Aralin Sabihin kung ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari ang ngalan ng bawat
pangkat.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-


aralin at remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Stratehiyang dapat gamitin:
ang nakatulong ng lubos ? Paano ito __Kolaborasyon __Pangkatang Gawain __ANA / KWL __Fishbone Planner
nakatulong? __Sanhi at Bunga __Paint Me A Picture __Event Map __Decision Chart
__Data Retrieval Chart __I –Search __Discussion
f. Anong suliranin ang aking naranasan Mga Suliraning aking naranasan:
na solusyon sa tulong ng aking punong __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
guro at suberbisor? __Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan

g. Anong kagamitang panturo ang aking __Pagpapanuod ng video presentation __Paggamit ng Big Book
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga __Community Language Learning __Ang “Suggestopedia”
kapwa ko guro? __ Ang pagkatutong Task Based __Instraksyunal na material

Prepared by: Checked and Validated by:

ANNA GEMELEYH S. QUBING RODA T. CANALES


Teacher II Master Teacher -in- Charge

Noted by:
REMEDIOS B. LICONG
Principal III
GRADE 2 School: Tala Elementary School Grade Level: II
DAILY LESSON LOG Teacher: Anna Gemeleyh S. Qubing Learning Area: FILIPINO
Teaching Date and Time: February 6, 2024 9:10 – 10:00 Quarter: 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari .
B. Pamantayan sa Pagganap 1.Natutukoy ang wastong pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari.
2. Nagagamit nang wasto ang Pangngalan sa pagbibigay ng panganlan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari sa mga pangungusap.
3. Nakasusulat ng maikling talata na ginagamitan ng Pangnalan ng tao, lugar, hayop, bagay
at pangyayari.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Wastong paggamit nang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay
Isulat ang code ng bawat kasanayan at pangyayari . (F2WG-lc-e-2)

II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian SLM sa Filipino 2 Kuwarter 3 – Unang Linggo

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Teachers Guide Filipino 2


2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Caloocan SLM Filipino 2 Kuwarter 3- Unang Linggo
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Ang Bagong Batang Pinoy 2, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 2 - pahina 27- 32
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Batayang Aklat, Laptop/tablet/cellphone/computer

IV. PAMAMARAAN
Ikahon ang mga pangngalan na ginamit sa maikling talata sa ibaba.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at /
o pagsisimula ng bagong aralin Nanghihina si Ruel. Ilang beses na siyang paroo’t parito sa palikuran. Nasira ang kaniyang
tiyan sa ulam na kinain kahapon. Nagpunta sila sa isang pistahan sa sa Lungsod ng Quezon.
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Hayaang magtala ang bawat pangkat ng mga ngalan ng mga makikita sa
loob ng silid-aralan.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Nasaan Ka, Inay ?
bagong aralin

Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang tabi. Nakadama siya ng takot kaya niyakap
niya ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso. Bumangon siya para hanapin ang ina.
Pumunta siya sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang namatay ang ilaw. Kumulog
nang malakas. Isang matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang malakas na ulan.
May kalakasan din ang hangin. Pilit nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Ipinikit niya
ang mga mata at nagdasal nang taimtim.
Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi
nitong pumunta ang ina sa palengke upang bumili ng bigas.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sagutin:


paglalahad ng bagong kasanayan #1 1. Bakit natakot si Nena?
2. Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
3. Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang pagmamalasakit sa kapatid?
4. Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi ng pamilya niyo?
5. Ano-anong pangngalang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at pook ang iyongnapakinggan
sa kuwento?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung dapat gawin at ekis (X)naman kung HINDI dapat
paglalahad ng bagong kasanayan #2 gawin.
1. Pupunta ako sa kuwarto ni Ate kapag
malakas ang ulan.
2. Hahanapin ko sa labas ng bahay si Tatay.
3. Magtatampo ako kay Nanay kapag iniwan
niya ako.
4. Mag-aantay na lang ako sa pagdating ni Nanay.
5. Iiyak ako nang malakas kapag wala si Nanay sa bahay.
Pangkatang Gawain:
F. Paglinang sa kabihasaan Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung
( Leads to Formative Assessment ) tao, B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar.
Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.
___1. bukid parke silid
___2. baka ibon kalabaw
___3. bag lapis papel
___4. kamera sombrero telepono
___5. ate guro lolo

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw- Isulat sa kuwaderno ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay, H kung hayop, at P kung lugar.
araw na buhay ____1. basket
____2. ospital
____3. BenignoAquino
____4. Lapis
____5. kalabaw
H.Paglalahat ng Aralin Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao , bagay , hayop , lugar at pangyayari.
Nararapat na gamitin mo nang tama ang pangngalan sa pangungusap.

I. Pagtataya ng Aralin Gawin sa sagutang papel. Hanapin ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng pangngalang
nasa kaliwa. Isulat nang tama ang sagot.
tao 1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna.
bagay 2. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.
hayop 3. Mabilis tumakbo ang kabayo.
lugar 4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta Park kahapon.
bagay 5. Nawala ang lapis na mahaba.

J. Karagdagang Gawain para sa


takdang- aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
e. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos ?
Paano ito nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking
naranasan
na solusyon sa tulong ng aking
punong guro at suberbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Validated by:

ANNA GEMELEYH S. QUBING RODA T. CANALES


Teacher II Master Teacher -in- Charge

Noted by:
REMEDIOS B. LICONG
Principal III

GRADE 2 School: Tala Elementary School Grade Level: II


DAILY LESSON LOG Teacher: Anna Gemeleyh S. Qubing Learning Area: FILIPINO
Teaching Date and Time: February 7, 2024 9:10 – 10:00 Quarter: 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari .
B. Pamantayan sa Pagganap 1.Natutukoy ang wastong pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari.
2. Nagagamit nang wasto ang Pangngalan sa pagbibigay ng panganlan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari sa mga pangungusap.
3. Nakasusulat ng maikling talata na ginagamitan ng Pangnalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat Wastong paggamit nang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
ang code ng bawat kasanayan pangyayari . (F2WG-lc-e-2)

II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian SLM sa Filipino 2 Kuwarter 3 – Unang Linggo

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Teachers Guide Filipino 2


2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag- Caloocan SLM Filipino 2 Kuwarter 3- Unang Linggo
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Ang Bagong Batang Pinoy 2, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 2 - pahina 27- 32
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Batayang Aklat, Laptop/tablet/cellphone/computer

IV. PAMAMARAAN
Magbigay ng ngalan ng tao, bagay,hayop. Lugar o pangyayari na nakikita mo sa iyong paligid?
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at / o
pagsisimula ng bagong aralin
Sa araw na ito ay magagamit mo ng wasto ang pangngalan sa
B. Paghahabi sa layunin ng aralin pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mahilig ka ba sa mga hayop?


bagong aralin Ano ang alaga ong hayop?
Tunghayan natin ang kwento tungkol sa mga alagang hayop ni Rico.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin at unawain ang kuwento.


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang mga Alagang Hayop ni Rico


ni: Denmark Soco

Mahilig si Rico sa mga hayop. Sa katunayan marami siyang


alagang hayop. May alaga siyang aso, kuneho, palaka,
pagong, pusa, at ibon. Sa tuwing pumupunta si Rico sa palengke ay
isinasama niya ang kaniyang aso. Katabi naman niya ang kaniyang
pusa sa pagtulog. Pagkagaling ng paaralan ay agad niyang
binibigyan ng patuka ang kaniyang alagang ibon habang
sinasabayan ito ng pagkanta. Hindi niya rin pinapabayaan ang
kaniyang alagang pagong at palaka. Sinisigurado niya na malinis ang
tubig sa kulungan nito. Itinuturing ni Rico ang kaniyang mga alaga na
kaniyang pamilya. Mahal na mahal ito ni Rico.
Ngunit isang araw, biglang may dumating na bagyo. Binaha
ang bahay nila Rico. Nang humupa na ang tubig nawawala ang
kanyang alagang pagong at palaka. Labis siyang umiyak sa
nangyari. Kinabukasan ay agad siyang nagising sa sobrang ingay ng
kaniyang paligid. Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang
sobrang daming palakang nagkukumpolan. Agad niyang
napagtanto ang pamilya na kabilang ang kaniyang alagang palaka.
Ganoon din ang kaniyang naisip sa kaniyang nawawalang pagong
na may kasama na itong kapwa niya pagong.
Masaya na rin si Rico sa nangyari. At ang kaniyang inalagaan
na lamang ay ang kaniyang aso, pusa at kuneho. Pinakawalan niya
na rin ang kaniyang alagang ibon dahil hindi ito dapat na ikinukulong.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at 1. Ano-ano ang alagang hayop ni Rico?


paglalahad ng bagong kasanayan #2 2. Sino ang kasama ni Rico kapag pumupunta siya sa palengke?
3. Sino ang katabi ni Rico tuwing siya ay natutulog?
4. Anong hayop ang pinapatuka ni Rico na sinasabayan niya pa
ng pagkanta?
5. Anong ugali mayroon si Rico?
Batay sa binasang kuwento, magbigay
ng dalawang (2) halimbawa ng pangngalan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Pangalan ng tao: ___________________
2. Pangalan ng hayop: ____________________
3. Pangalan ng bagay: ____________________
4. Pangalan ng lunan o pook: _________________
5. Pangalan ng pangyayari: ___________________

Isulat ang tama kung wasto ang pagkakagamit ng pangngalan sa mga sumusunod na pangungusap at
F. Paglinang sa kabihasaan mali naman kung hindi wasto.
( Leads to Formative Assessment )

Si Maria ay pumunta sa palengke.


Ako ay mag-aaral sa salamin.
Ang dalaga ay may mahaba at magandang buhok.
Tumakbo ang aklat palayo sa bata.
Mabilis lumundag ang kangaroo.

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Bawat nakikita natin sa ating paligid ay maituturing na pangngalan. Maging ito man ay
na buhay tao,hayop,bagay,lugar o pangyayari.

H.Paglalahat ng Aralin Nabatid ko na ang ________________ ay salita o bahagi


ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop, at pangyayari.

I. Pagtataya ng Aralin Ilagay sa tamang column ang mga sumusunod na pangngalan.

Gitara, salamin
Lola, bubong
Tambo
Mesa
Maynila
Palaisdaan
Araw ng Kalayaan
Langgam
Maris
Presidente
kuneho

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-


aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos ? Paano ito
nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyon sa tulong ng aking punong
guro at suberbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Validated by:

ANNA GEMELEYH S. QUBING RODA T. CANALES


Teacher II Master Teacher -in- Charge

Noted by:
REMEDIOS B. LICONG
Principal III
GRADE 2 School: Tala Elementary School Grade Level: II
DAILY LESSON LOG Teacher: Anna Gemeleyh S. Qubing Learning Area: FILIPINO
Teaching Date and Time: February 8, 2024 9:10 – 10:00 Quarter: 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari .
B. Pamantayan sa Pagganap 1.Natutukoy ang wastong pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari.
2. Nagagamit nang wasto ang Pangngalan sa pagbibigay ng panganlan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari sa mga pangungusap.
3. Nakasusulat ng maikling talata na ginagamitan ng Pangnalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
pangyayari.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat Wastong paggamit nang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at
ang code ng bawat kasanayan pangyayari . (F2WG-lc-e-2)

II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian SLM sa Filipino 2 Kuwarter 3 – Unang Linggo

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Teachers Guide Filipino 2


2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag- Caloocan SLM Filipino 2 Kuwarter 3- Unang Linggo
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Ang Bagong Batang Pinoy 2, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 2 - pahina 27- 32
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Batayang Aklat, Laptop/tablet/cellphone/computer

IV. PAMAMARAAN
Ano ang Pangngalan?
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at / o
pagsisimula ng bagong aralin
Sa araling ito ay matututunan mo ang pagsulat ng pangungusap na may tamang gamit ng pangngalan.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Muli nating balikan kung ano ang pamantayan sa pagsulat ng pangungusap?
bagong aralin
Ano ang pangungusap?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sa paggamit ng pangngalan sa pangungusap ay tiyaking tama ang ngalan na iyong ilalagay.
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Tiyaking may buong diwa ang pangungusap. Ginagamit ang tamang bantas,laki at liit ng letrang
gagamitin.

Pansinin ang mga halimbawa

paaralan- ngalan ng lugar


Ang aming paaralan ay malinis at maganda.

Kuya-ngalan ng tao

Si kuya ay tumutulong kay tatay sa pag-aayos ng pananim.

Aso-ngalan ng hayop

Ang aking alagang aso ay maamo.

Pasko-ngalan ng pangyayari.
Sobrang sayo ko noong nakaraang pasko.

Tsinelas-ngalan ng bagay

Kulay pula ang tsinelas na ibinigay sa akin ni Nanay.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Magkakaroon tayo ng pagtatalakay sa pamamagitan ng paglalaro.


paglalahad ng bagong kasanayan #2
Bubunot kayo ng mga strips na may nakalagay ng pangngalan.
Bumuo ng pangungusap batay sa inyong nabunot.

Telebisyon

bote
Unan

Simbahan

Ate

Jona

Baboy

Isda

Ibon

Kaarawan

Bagong taon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 : Tukuyin kung ang salitang may


F. Paglinang sa kabihasaan salungguhit ay pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o
( Leads to Formative Assessment ) pangyayari. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Rico ay matalinong bata.


2. Bumili ng bagong sapatos ang ate ko.
3. Sa Luneta Park binaril si Dr. Jose Rizal.
4. Gusto kong manood ng telebisyon.
5. Mababa ang ulap ngayong hapon.

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Bakit mahalaga na matutunan ang tamang paggamit ng pangngalan sa pangungusap?
na buhay
H.Paglalahat ng Aralin Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng pangngalan sa pangungusap?

I. Pagtataya ng Aralin Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na pangngalan.

Payong
Jollibee
Pusa
Bb. Cruz
Bagong taon

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-


aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aara na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
d. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos ? Paano ito
nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyon sa tulong ng aking punong
guro at suberbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Validated by:

ANNA GEMELEYH S. QUBING RODA T. CANALES


Teacher II Master Teacher -in- Charge

Noted by:
REMEDIOS B. LICONG
Principal III

You might also like