You are on page 1of 2

Division ILIGAN CTY

School NAPOCOR ELEMENTARY SCHOOL Grade Level II


Teacher Maria Ofelia O. Opamin Learning Area Filipino
Time & Date 8:00am-8:30am; September 21, 2023 Quarter First

I. LAYUNIN Nagagamit ng wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, at mga
bagay kasarian F2WD-Ic-e-2
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,kaisipa
Pagnilalaman n, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Naipapahayag ang ideya, kaisipan, damdamin/ reaksiyon nang may wastong tono, diin,
Pagganap bilis, at intonasyon
II. NILALAMAN
A. Paksa Mga Kasarian ng Pangngalan
B. References
1. Sanggunian QUARTER 1- CG CODE: F2WG-Ic-e-2
2. Integrasyon ESP: Pangngasiwa sa Basura
Pagiging Mapagbigay
MATEMATIKA: Ordinal Numbers
GAD: Pagkakapantay-pantay ano man ang kasarian
3. Dagdag na larawan, laptop, powerpoint, activity sheets
kagamitan
III. PAMAMARAA
N
A. Pangganyak: Sa magic box, kumuha ng isang larawan at tukuyin kung ito ba ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.
B. Paglalahad Basahin ang kwento at sagutan ang mga tanong.
Nasaan ka Nena?
Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang tabi. Nakadama siya ng takot kaya niyakap
niya ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso. Bumangon siya para hanapin ang ina.
Pumunta siya sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang namatay ang ilaw. Kumulog
nang malakas. Isang matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang malakas na ulan.
May kalakasan din ang hangin. Pilit nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Ipinikit niya
ang mga mata at nagdasal nang taimtim. Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang
Ate Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong pumunta ang ina sa palengke
upang bumili ng bigas.
Mga Tanong
1. Bakit natakot si Nena?
2. Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
3. Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang pagmamalasakit sa kapatid?
4. Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi ng pamilya?
5. Ano-anong pangngalang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at pook ang iyong
napakinggan sa kuwento?
Sabihin kung ang mga sumusunod ay ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari.
1. Nena
2. kalabaw
3. kambing
4. Lucena
C. Patnubayang
5. Maynila
Pagsasanay
6. Pasko
7. Bagong Taon
8. Bb. Cruz
9. lapis
10. aklat
Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung
tao, B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar. Isulat ang wastong letra sa sagutang
papel.
D. Isahang ___1. parke silid bukid
Pagsasanay ___2. ibon baka kalabaw
___3. lapis papel bag
___4. sumbrero kamera telepono
___5. lolo guro ate
IV. PAGLALAPAT
Isulat ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay, H kung hayop, at P kung lugar.
____1. basket
____2. ospital
____3. Benigno Aquino
____4. Lapis
V. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak o Walang Kasarian sa mga sumusunod na pangngalan.
1. madre __________
2. sabon __________
3. manggagamot __________
4. pari __________
5. pinsan ___________
VI. TAKDANG ARALIN
Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng bawat kasarian at gamitin sa
pangungusap.
VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliraninang naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa ga kapwa ko guro?

You might also like