You are on page 1of 4

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng

pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari . F1WG-IIc-f-2

Natutukoy ang kailanan ng pangngalan . F1WG-IIc-f-2.1

Lesson Plan in Filipino Grade 2


I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, at mga bagay kasarian. F2WG-Ic-e-2
II. Paksang Aralin
A. Sanggunian: CG pahina 23 , Filipino LM 28-30
B. Kagamitan: magic box, tsart
III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Sa magic box, kumuha ng isang larawan at tukuyin kung ito ba
ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
B. Paglalahad at Pagtalakay
Basahin ang kwento at sagutan ang mga tanong.
Nasaan ka Nena?
Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang tabi. Nakadama
siya ng takot kaya niyakap niya ang unan. Narinig niyang
tumatahol ang aso. Bumangon siya para hanapin ang ina.
Pumunta siya sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang
namatay ang ilaw. Kumulog nang malakas. Isang matalim na
kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang malakas na ulan. May
kalakasan din ang hangin. Pilit nilabanan ni Nena ang takot na
nadarama. Ipinikit niya ang mga mata at nagdasal nang
taimtim. Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate Nelia. May
dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong pumunta ang ina sa
palengke upang bumili ng bigas.
Mga Tanong

1. Bakit natakot si Nena?


2. Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
3. Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang pagmamalasakit sa
kapatid?
4. Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi ng pamilya?
5. Ano-anong pangngalang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at
pook ang iyong napakinggan sa kuwento?

C. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin kung ang mga sumusunod ay ngalan ng tao, bagay,
lugar o pangyayari.

1. Nena
2. kalabaw
3. kambing
4. Lucena
5. Maynila
6. Pasko
7. Bagong Taon
8. Bb. Cruz
9. lapis
10. aklat

D. Isahang Pagsasanay
Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa
bawat bilang. Isulat ang A kung tao, B kung hayop, C kung
bagay, at D kung lugar. Isulat ang wastong letra sa sagutang
papel.
___1. parke silid bukid
___2. ibon baka kalabaw
___3. lapis papel bag
___4. sumbrero kamera telepono
___5. lolo guro ate
E. Paglalapat
Isulat ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay, H kung hayop,
at P kung lugar.
____1. basket
____2. ospital
____3. Benigno Aquino
____4. Lapis
_____5. kalabaw
F. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng pangngalan?
G. Pagtataya
Hanapin ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng
pangngalang nasa kaliwa. Ikahon ang tamang sagot.
tao 1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna.
bagay 2. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.
hayop 3. Mabilis tumakbo ang kabayo.
lugar 4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta Park kahapon.
bagay 5. Nawala ang lapis na mahaba.
H. Takdang Aralin
Maglista ng limang (5) ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.

You might also like