You are on page 1of 41

1

Modyul sa Filipino
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
1
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kailanan ng Pangngalan:
Tukuyin at Gamitin
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kailanan ng Pangngalan: Tukuyin at Gamitin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gemma A. Reyes


Yolanda D. Santos

Editor: Maria Fe C. Balaba at Lalaine A. Gaoat

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Gloria B. Samulde

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta aking mag-aaral! Ano-anong mga bagay ang nasa loob ng iyong bag? Ano
naman ang mga bagay na nasa loob at labas ng inyong tahanan? Anong pangyayari
o mga pangyayari ang nagpapasaya sa iyo? Ngayon ay pag-aaralan mo ang tungkol
sa mga bagay at pangyayari sa iyong kapaligiran.

Ang modyul na ito ay isinulat upang matutuhan mo ang kailanan ng pangngalan


partikular ng mga bagay at pangyayari at ang wastong paggamit ng mga
pangngalan sa pagbibigay ng ngalan ng tao, hayop at lugar.

Sa katapusan ng pag-aaral mo sa modyul na ito, inaasahan na malilinang sa iyo ang


mga kasanayan at layuning ito.
1. Natutukoy ang kailanan ng pangngalan (bagay at pangyayari); at
(F1WG-IIc-f-2.1, F1WG-IIc-f-2.1)
• Isahan
• Maramihan
2. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng:
• tao
• hayop
• lugar

Subukin
Bago tayo magsimula ng ating aralin, nais kong malaman kung may kasanayan ka na
sa ating paksa. Aalamin natin sa bahaging ito kung ano na ang dati mong kaalaman.
Handa ka na ba?

Gawain 1: TAYO’Y MAGBILANG: Ilan ang mga bagay na iyong nakikita?


Panuto: Bilugan ang mga bagay na isa lamang. Ikahon ang mga bagay na 2 o
mahigit pa.

face mask sabon lobo bola aklat

sapatos kutsara lapis saging sumbrero

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang tinaguriang haligi ng tahanan?
A. kuya B. tatay C. lolo D. nanay
2. Sino ang tinaguriang ilaw ng tahanan?
A. ate B. tatay C. nanay D. bunso

1
3. Ito ang gumigising sa atin kung madaling araw. Ang tunog na nalilikha niya ay
“Kokkokook! Kok!” Anong hayop ito?
A. aso B. pusa C. kambing D. manok
4. Si Mang Kanor na isang ___________ ay nagluluto ng tinapay tuwing umaga. Anong
angkop na pangngalan ang dapat ipuno sa patlang?
A. dentista B. panadero C. sastre D. guro
5. Pumasyal kami sa ____________ kung saan naroon ang Bantayog ni Dr. Jose P. Rizal.
Anong pangalan ng lugar ang pupuno sa pahayag?
A. Luneta B. Mall of Asia C. Divisoria D. Intramuros

Aralin
Kailanan ng Pangngalan:
1 Tukuyin at Gamitin
Mahilig ka bang magmasid sa mga bagay sa iyong kapaligiran? Maraming iba’t ibang
bagay sa iyong kapaligiran ang kapaki-pakinabang, nakatutulong at nakapagbibigay
saya sa atin. Sa tulad mong bata, iba’t ibang laruan ang alam kong nagpapasaya sa
iyo. Kaya mo bang bilangin ang iyong mga laruan? Maliban sa mga laruan, may mga
pangyayari sa ating kapaligiran ang nagbibigay saya rin sa iyo. Pasko, Bagong Taon,
Kaarawan, ilan lamang sa maraming pangyayaring kinagigiliwan nating ipagdiwang.

Balikan
Anong mga kaalaman ang natutuhan mo sa nakaraang modyul?
Tinatawag na Alpabetong Filipino ang mga letra natin sa Filipino.
Binubuo ito ng 28 letra, 5 patinig at 23 katinig. Sa 23 katinig, may 8 hiram
na letra. Bigkas Ingles ang ating mga letra maliban sa ñ (enye) na
hango sa Kastila.

Alam kong natandaan mo na ang nakalipas nating aralin. Ipagpatuloy


na ang pagtuklas sa bagong paksa.

Tuklasin

Ang mga bagay at pangyayari sa ating paligid ay may kailanan. Alamin natin
kung ang kailanan ng pangngalang tumutukoy sa bagay at pangyayari ay
isahan o maramihan. Magagamit din natin nang wasto ang mga pangngalan
sa pagbibigay ng pangalan ng tao, hayop at lugar. Tara na!!!

Tayo’y Magbilang: Tignan mo ang hawak ng dalawang bata.

Sino sa kanila ang iisa


ang hawak na lobo?
Sino naman ang
maraming hawak na
lobo?

2
Basahin ang tula na may pamagat na “Ang Aking Pamilya”

Ang Aking Pamilya

Halina at kilalanin ang kanilang Isang tala sa tahanan kung ituturing si Ina,
pamilya, Anomang hirap at pagod di niya alintana,
Sina Ama at Ina, si Ate at si Kuya, Bawat oras at araw kami ay inaaruga
Buhay ay kay saya pag kami’y sama- Sa galing ng kalinga kami ay
sama pinagpapala.
Lahat ng problema’y aming nakakaya.
Itong si Bantay na alaga ng pamilya
Itong si Ama sa sipag walang duda, Kasiyahang maituturing nitong aming
Haligi ng tahanang malakas at masigla pamilya
Kahit anong hirap lagi niyang kinakaya, Sa aming tahanan dulot sa puso ay ligaya
Sa buong pamilya’y lubos ang suporta Kabahagi ng pamilya sa hirap at ginhawa

Nagustuhan mo ba ang tula na Ang aking Pamilya? Ngayong nabasa mo na ito,


malalaman mo na kung ano-ano ang mga ngalan ng tao, hayop at lugar na nabanggit
sa tula. Tama! Isa-isahin nga natin:
ngalan ng tao- tatay, nanay, ate, kuya, bunso
ngalan ng hayop- ang alaga nilang asong si Bantay
ngalan ng lugar- tahanan

Ilan ang hawak na lobo ng mga bata sa larawan? Alamin natin ang kasagutan sa
mga tanong na ito sa ating talakayan.

Suriin
Paano matutukoy kung ang pangalan ng bagay at pangyayari ay isahan o
maramihan?

Isahan Maramihan

Bagay Ang pangngalang tinutukoy ay 2 o


Ang pangngalang tinutukoy ay isa mahigit pa.
lamang. Gumagamit tayo ng Halimbawa
panandang ang + ngalan ng bagay Ang mga lapis
o sa di-tiyak na ngalan ng bagay
Halimbawa: Ang mga laso
Ang lapis

Ang laso

3
Tao Ang pangngalang tinutukoy ay dalawa
Ang pangngalang tinutukoy ay isa o higit pa. Gumagamit ng panandang
lamang. Gumagamit ng ang mga + di-tiyak na ngalan ng tao
panandang ang + di-tiyak na Halimbawa:
ngalan ng tao
Halimbawa: Ang mga mananahi

Ang mananahi
Ang mga doktor

Ang doktor

Hayop Ang pangngalang tinutukoy ay dalawa


Ang pangngalang tinutukoy ay isa o higit pa. Gumagamit ng panandang
lamang. Gumagamit ng ang mga + di-tiyak na ngalan ng hayop
panandang ang + di-tiyak na Halimbawa:
ngalan ng hayop Ang mga unggoy
Halimbawa:

Ang unggoy Ang aso


Ang mga aso

Lugar Lugar
Ang pangngalang tinutukoy ay isa Ang pangngalang tinutukoy ay dalawa
lamang. Gumagamit ng o higit pa. Gumagamit ng panandang
panandang ang + di-tiyak na ang mga + di-tiyak na ngalan ng lugar
ngalan ng lugar Halimbawa:
Halimbawa: Ang mga parke
Ang parke

Pangyayari Pangyayari
Ang pangngalang tinutukoy ay isa Ang pangngalang tinutukoy ay dalawa
lamang. Gumagamit ng o higit pa. Gumagamit ng panandang
panandang ang + di-tiyak ang mga + di-tiyak na ngalan ng
na ngalan ng pangyayari pangyayari

Halimbawa: Halimbawa:

Ang kaarawan Ang mga sakuna


Image: creazilla.com

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isulat kung ito ay ngalan ng tao, hayop, lugar o pangyayari. Isulat din kung ang
kailanan nito ay isahan o maramihan.

4
1. 4.

Ngalan: ___________________ Ngalan: ___________________


Kailanan: __________________ Kailanan: __________________

2. 5.

Image: creazilla.com

Ngalan: ___________________ Ngalan: ___________________


Kailanan: __________________ Kailanan: __________________

3.

Ngalan: ___________________
Kailanan: __________________
Gawain 2
Panuto: Bilugan ang tamang bilang para sa larawan.

1. 2. 3. 4. 5.

(1 4 5 ) ( 3 5 7 ) (1 4 5 ) ( 1 3 4 ) ( 5 3 6)

Gawain 3 Panuto: Kilala mo ba sila? Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Siya ang gumagamot sa mga taong may sakit.

A. B. C. D.

2. Sila ang tumatayong pangalawang magulang at nagtuturo sa ating magbasa


at magsulat?

A. B. C. D.
3. Sila ang nangangalaga sa kapayapaan ng ating komunidad.

A. B. C. D.
5
4. Iginuguhit niya ang magagandang larawan, bagay o tanawin gamit ang
kaniyang pinsel at pangkulay.

A. B. C. D.
5. Karaniwang tawag sa kaniya ay nanay, inay, mama, o mommy. Sino siya?

A. B. C. D.

Isaisip

− Kailan sinasabing ang pangngalan ay nasa kailanang isahan o


maramihan?
− Bakit mahalagang pag-aralan ang wastong paggamit ng
pangngalan sa ngalan ng tao, lugar at hayop?
Nasa kailanang isahan ang pangngalan kung ito ay tumutukoy sa
isa lamang at kailanang maramihan kung ito ay tumutukoy sa
dalawa o mahigit pa. Madaling matukoy ang ngalan ng tao, lugar,
hayop sa paggamit ng tamang panggalan at pananada.
https://pngimg.com/image/62459

Dugtungan ang pahayag.

Natutuhan ko sa modyul na ito na _______________________________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________

Isagawa
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang kailanan ng pangngalan ng mga larawan. Bilugan ang tamang
sagot sa panaklong.

1. ( isahan, maramihan )

6
2. ( isahan, maramihan )

3. ( isahan, maramihan )

4. ( isahan, maramihan )

5. ( isahan, maramihan )

Gawain 2
Panuto: Ikahon ang limang pangngalang tumutukoy sa tao.

pusa ate nars palengke


manok kuya klinika baka
ninong klasrum kuting pari

Tayahin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kailanan ng pangngalan. Isulat ang isahan o maramihan.

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________
Image: Freepik.com

4. ___________________________________________

7
5. ___________________________________________

Gawain 2
Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang sagot sa kahon.

manok nanay kapitbahay

pagong sapatero kalabaw

kantina paaralan baka

aso bata sanggol

1. Maraming masustansiyang pagkain ang inihahanda sa _________________ ng


aming paaralan.
2. Nasira ang sapatos ni tatay kaya dadalhin niya ito sa kapitbahay naming
___________________ para ayusin at gawin ito.
3. Malakas ang iyak ng ___________________ dahil nagugutom na siya at inaantok.
4. Ginigising tayo ng malakas na tilaok ng _________________ tuwing umaga.
5. Napakabuti ng aming ___________________ na si Aling Bering dahil madalas siyang
nagbibigay ng pagkain sa amin.
6. Nakagat si Juan ng __________ dahil natapakan niya ito. Magpapaturok sila ng
anti-rabbies sa Ospital ng Makati.
7. Mapag-aruga at mapagmahal ang ating mga _____________ kung kaya’t handa
siyang magsakripisyo para sa pamilya.
8. Si ____________ at si Matsing ang mga tauhan sa isang pabula na isinilat ni Dr. Jose
Rizal.
9. Ako ay nag-aaral sa ____________________ malapit lamang sa aming bahay.
Maganda at malinis ito.
10. Si Lolo Pilo ay maraming alagang ___________ sa aming probinsiya sa Nueva Ecija.

8
1
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Kahulugan ng mga Salita: Tukuyin
Mga Naobserbahang Pangyayari sa
Paligid: Iulat
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kahulugan ng mga salita: Tukuyin,
Mga Naobserbahang Pangyayari sa Paligid: Iulat
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ariane T. Arguta


Rosana B. Solivio
Editor: Lalaine A. Gaoat
Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Magandang araw aking mag-aaral! Sa panahon ngayon, marami tayong mga naririnig
at naoobserbahang pangyayari sa paligid maging ito man ay sa bahay o mga
napanonood sa telebisyon, sa cellphone o kompyuter. Ngayong araw, malalaman mo
ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng kumpas, galaw, ekspresyon ng
mukha, ugnayang salita-larawan o kasalungat na kahulugan ng mga ito.

Sa modyul na ito ay matututuhan mo rin ang pag-uulat nang pasalita sa mga


pangyayari sa paligid at ang pagsagot sa mahalagang tanong kung paano mo
matutukoy ang kahulugan ng mga salita.

Sa katapusan ng pag-aaral mo ng modyul na ito, inaasahang:


1. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw, ekspresyon ng
mukha: ugnayang salita – larawan o kasalungat; at
(F1PT-IIb-f-6)
2. Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid (bahay,
komunidad, paaralan) at sa mga napanood (telebisyon, cellphone, kompyuter).
(F1PS-IIc-3, F1PS-IIIa-4 F1PS-IVa-4)

Subukin

Ngayon mga bata ay ating susubukin kung handa ka na ba sa ating aralin. Sagutan ang
unang pagsasanay na ito.
Gawain 1 WIKAHULUGAN (Kahulugan batay sa Larawan at kasalungat)
Panuto: Pag-aralan ang iba’t ibang ekspresyon ng mukha. Isulat ang letra ayon sa
hinihingi ng mga tanong.

_____1. Alin sa mga salita ang angkop para sa larawan?


A. nanghihinayang C. natutuwa
B. nalulungkot D. nagagalit

_____2. Batay sa larawan, anong ekspresyon ng mukha ang


ipinakikita nito?
A. nanghihinayang C. natutuwa
B. nagtataka D. nalulungkot

_____3. Aling salita batay sa larawan ang nangangahulugang


nagulat?
A. natakot C. nasurpresa
B. natuwa D. nataranta

_____4. Ano ang kasalungat na kahulugan ng ekspresyon ng mukha


sa larawan?
A. natutuwa C. naiinis
B. nalulungkot D. nagagalit

_____5. Ano ang angkop na salita para sa ekspresyon ng mukha


sa larawan?
A. natatakot C. nanghihinayang
B. nagagalit D. natutuwa

1
Kahulugan ng mga Salita:
Aralin
Tukuyin
1 Mga Naobserbahang
Pangyayari sa Paligid: Iulat
Maraming pamamaraan upang matukoy ang kahulugan ng mga salita. Mahalaga ang
ilalaang oras sa pagbabasa, pakikinig, pagsusulat, pagsasalita, at panonood upang
matukoy ang kahulugan ng mga salita. Ngunit, bago tayo magpatuloy ay pagbalik-
aralan muna natin ang nakaraang kaalamang iyong natutuhan.

Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon na wastong tumutukoy sa kailanan ng ngalan
ng mga larawan sa kaliwa.

Pangngalan Isahan Maramihan

1.

2.

3.

4.

5.

Nasagutan mo ba nang wasto ang pagsasanay? Magaling! Ngayon, ikaw ay handang-


handa na sa bagong kaalaman.

2
Tuklasin

Ipabasa ang kuwento sa tulong ng iyong mga magulang o nakatatandang kasama sa


bahay.

Ang Mga Bata sa Silid-aralan


Ni: Rio Angela C. Pasenio

Ang mga bata ay nasa loob ng silid-aralan at nagdarasal nang taimtim.


Maraming mga gamit ang nasa loob ng silid-aralan na nasa iba’t ibang lugar.
Tuwang-tuwa ang mga bata rito. Mayroong mesa, upuan, pisara, cabinet, at
makulay na alpabeto.
Sa katuwaan ni Rosa, napatayo siya at nasabi ang, “Wow! Ang ganda ng
ating silid-aralan.” Dahil sa lubos na kasiyahan, napunit nina Ato at Mona ang paskil
sa dingding ng silid-aralan.
Lumapit agad sina Ato at Mona sa guro para sabihin ang nangyari sa paskil
sa dingding. Agad silang pinatawad ng guro at sinabing, “Oh, huwag na ninyong
uulitin ito.”
Bumalik sa upuan sina Ato at Mona na may ngiti sa mga labi. Sa tuwa ng guro,
naisipan niyang kantahan ang mga bata.

Base sa kuwentong napakinggan o binasa, sabihin kung ano-ano ang mga


naobserbahang pangyayari sa paaralan.

Ano kaya ang kahulugan ng mga salitang ito ayon sa kuwento:


Wow! Ang ganda ng ating silid-aralan.

Dahil sa lubos na kasiyahan, napunit nina Ato at Mona ang paskil sa dingding ng
silid-aralan.
Naunawaan mo ba ang mga salitang ginamit sa mga pangungusap?

Suriin
Nagustuhan mo ba ang kuwentong “Ang Mga Bata sa Silid-Aralan?” Nakikita mo ba ang
sarili mong may kahalintulad na katangian sa mga batang nabanggit?
Alam mo ba na ang mga salita ay maaaring mabigyan ng kahulugan batay sa iba’t
ibang paraan? Ang mga salita ay may kalakip na emosyong naaayon sa aksiyon ng
isang taong nagsasalita nito. Ngayon ay tatalakayin natin kung paano nga ba natin
mabibigyan ng kahulugan ang mga salita na ating naririnig.
Iba’t Ibang Batayan sa Pagtukoy ng Kahulugan ng mga Salita

1. Kumpas o Galaw
- Ito ay tumutukoy sa mga kilos na maaaring bigyang kahulugan ng
tagapakinig o ng taong nagsasagawa mismo nito.

Halimbawa:
“Ang mga bata ay nasa loob ng silid-aralan at nagdarasal nang taimtim.”
Ang pagdarasal nang taimtim ay nangangahulugang tahimik na
pananalangin at pagdulog sa Poong Maykapal.

3
2. Ekspresyon ng Mukha
- Ito ay mga emosyon o damdaming ipinababatid ng isang tao. Binubuo
ito ng mga reaksiyong naaayon sa napag-uusapan. Makikitang
nababago ang itsura ng mukha ayon sa salitang binibitiwan.

Halimbawa:
“Tuwang-tuwa ang mga bata rito. Mayroong mesa, upuan, pisara,
kabinet at makulay na alpabeto.”
Ang salitang tuwang-tuwa ay nangangahulugang ang mga bata ay
nakakaramdam ng kagalakan at kasiyahan.

3. Ugnayang Salita-Larawan o Kasalungat


- Tumutukoy sa mga salitang magkasalungat na mayroong magkaibang
kahulugan.

Halimbawa:
masipag – tamad
malaki – maliit
madumi – malinis
malawak – masikip
malambot – matigas
- Sa pamamagitan rin ng inilalahad ng larawan, malalaman natin ang
kahulugan ng mga salitang binibigyang-kahulugan.

Ang pasalitang pag-uulat ay isang uri ng pagpapahayag ng sariling


opinyon, ideya, at damdamin batay sa mga naobserbahang pangyayari
sa paligid.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Piliin ang letra ng tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Tumango si Ana sa sinabi ng kaniyang ina.
A. Pumapayag siya sa sinabi ng kaniyang ina.
B. Hindi siya pumapayag sa sinabi ng kaniyang ina.
C. Binabalewala niya ang sinasabi ng kaniyang ina.
D. Wala siyang reaksiyon man lang sa sinabi ng ina.

2. Natutulog ang tatay ni Ruben kaya dahan-dahan siyang naglakad.


A. Mabilis siyang lumalakad. C. Tahimik siyang lumakad.
B. Maingay siyang lumakad. D. Tingkayad siyang lumakad.

3. Tahimik na nakikinig si Isko sa kaniyang guro.


A. Inuunawa niya ang kaniyang guro.
B. Tinutulugan niya ang kaniyang guro.
C. Wala siyang pakialam sa kaniyang guro.
D. Hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ng guro.

4
4. Napasigaw si Abi nang nakita niya ang kaniyang lolo.
A. Nagalit siya sa pagdating ng kaniyang lolo.
B. Nagulat siya sa pagdating ng kaniyang lolo.
C. Natakot siya sa pagdating ng kaniyang lolo.
D. Nawalan siya ng gana sa pagdating ng lolo.

5. Napatalon si Vico nang makita niya ang daga sa hagdan.


A. Natuwa siya sa dagang nakita.
B. Nabahala siya sa dagang nakita.
C. Nagalit siya sa dagang nakita.
D. Natakot siya sa dagang nakita.

Gawain 2:
Panuto: Ano ang mga naobserbahan mo sa mga pangyayaring nakalahad sa mga
larawan? Iulat ito at ilagay sa kahon ang naobserbahan.

_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
_____________________________________ ___________________________________

Gawain 3
Gamitin ang mga salita sa loob ng puso
upang makapagbigay-mensahe sa
mga frontliners.
____________________________________
pagpupugay handog ____________________________________
FRONTLINERS ____________________________________
bayani ____________________________________
pagpapagal ____________________________________
____________________________________
dakila pagmamahal
____________________________________
sakripisyo
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

5
Isaisip

Bakit mahalagang matukoy ang kahulugan ng mga salita batay


sa kumpas, galaw, ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-
larawan; o kasalungat?

Paano mo iuulat ang mga pangyayaring naoobserbahan mo sa


iyong paligid?

Dugtungan ang pahayag.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
https://pngimg.com/image/6245 ______________________________________________________________
9
________________
Tandaan….

Lagi mong tatandaan na ang mga salita ay may kahulugang maaaring matukoy
batay sa kumpas o galaw, ekspresyon ng mukha, at mga ugnayang salita-larawan
o kasalungat. Gayondin naman mahalaga ang pagbibigay ng pasalitang pag-
uulat sa mga pangyayari sa paligid upang lumawak ang kaalaman mo sa mga
nangyayari sa iyong paligid.

Isagawa

Gawain 1 E-REPORT MO!

Iulat nang pasalita ang mga dapat gawin ng batang tulad mo sa


kasalukuyang nagaganap na pandemya sa ating bansa.
Ipagpalagay na ikaw ay isang news reporter sa telebisyon. Maaaring
magpatulong sa iyong magulang o nakatatandang kasama sa
bahay sa pagbuo ng isang maikling balita. I-vedeo ito at ipasa sa iyong
guro.

Rubrik sa Pagbuo ng Ulat

Pamantayan Mahusay na Mahusay Kainaman


mahusay (10pts) (9pts) (8pts)
1. Naiulat ang mga pangyayaring
naobserbahan sa paligid o komunidad
2. Nagamit ang mga salitang kaugnay ng
ulat na ginawa
3. Naipakita ang katangian ng isang news
reporter gaya sa radyo o telebisyon
Kabuoan

6
Gawain 2 E-GUHIT MO!

Panuto: Ipakita ang ekspresyon ng mukha mo sa kasalukuyang nangyayari sa ating


bansa. Iguhit ito sa loob ng mga pisara. Isulat sa ibaba ang salita.

Halimbawa:
Salita:

Nagtataka

Salita: Salita: Salita:


_____________________ _____________________ _____________________

Tayahin

Gawain 1:

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang mga salita ay magkasalungat at ekis (x) naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____ 1. malinis – marumi

____ 2. masipag – tamad

____ 3. maganda – marikit

____ 4. mabango – mahalimuyak

____ 5. mainit – malamig

____ 6. malayo – malapit

____ 7. tahimik – payapa

____8. umaga – gabi

____9. marami – kaunti

____10. baba – taas

7
Gawain 2 UGNAYANG SALITA-LARAWAN
Panuto: Pagtambalin ang larawan sa HANAY A ayon sa angkop na salita o
kahulugan nito sa HANAY B. Isulat ang letra sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

____1. A. almires

____2. B. makina

____3. C. mangangaso

____4. D. salaan

____5. E. sampayan

Gawain 3

Panuto: Panoorin ang youtube video tungkol sa “Paano Labanan ang COVID 19”. Iulat
nang pasalita ang mga dapat mong gawin bilang bata upang maging ligtas
sa sakit na dulot ng COVID 19. (Pinagkunan: Department of Health Philippines, Link:
https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw)

BEAT COVID-19

8
1
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Napakinggang Panuto: Sundin
Mga Pantig: Bilangin
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Napakinggang Panuto: Sundin
Mga Pantig: Bilangin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gay C. Monterola


Elsa V. Villas
Editor: Lalaine A. Gaoat
Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Noong nasa Kindergarten ka pa lang ay tinuruan na kayong magbasa ng ating
alpabetong Filipino. Ngayon naman ay sasanayin kang kumilala at magbilang ng mga
pantig ng mga salita. Ang pantig ay bawat saltik ng dila na may kasabay na tunog mula
sa lalamunan, ito ay paghahati ng mga salita. Tinatawag itong silaba o “syllable” sa
ingles, na isang yunit ng tunog na binubuo ng isang katinig at patinig. May kumbinasyon
din ito ng pinagsamang katinig-patinig-katinig, katinig-patinig, at iba pa. Kapag ikaw
naman ay inuutusan ng nakatatanda sa iyo, nagagawa mo ba ang utos nang tama?
Paano mo nagagawa nang maayos at tama ang mga panuto sa iyo?
Lilinangin sa modyul na ito ang mga kasanayan sa:
• Pagsunod sa napakinggang mga panuto
• Pagbibilang ng pantig sa isang salita

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nakasusunod sa napakinggang panuto na may 1-2 hakbang; at


(F1PN-IIIb-1.2)
2. Nabibilang ang pantig sa isang salita. (F1KP-Iie-4)

Subukin
Magandang araw aking mag-aaral! Ngayon ay may bago tayong aralin. Halina ka na
at mag-aral na tayo! Maglakbay at mamitas tayo ng mga bunga ng karunungan. Gawin
ang unang pagsasanay na ito.

Gawain 1 PANUTO KO…SUNDIN MO!


Panuto: Unawain ang sinasaad ng bawat panuto. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Naglagay ako ng dalawang paso sa ibabaw ng lamesa. Alin sa mga larawan ang
nasunod kong panuto?

A. C.

B. D.

2. Inilagay ko ang isang kahong krayola sa kanang bahagi ng aking isang bag. Alin
ang nasunod kong panuto sa mga larawan?

A. B. C. D.

1
3. Naglagay ako ng tatlong bulaklak sa isang plorera. Alin sa mga larawan ang pipiliin
ko?

A. B. C. D.

Image: pixy.org

4. Gumuhit ng tatsulok. Sa loob nito ay maglagay ng isang puso. Sa ibaba ng tatsulok


ay isulat ang salitang MAHAL. Alin ang nakasunod sa panuto?

A. B. C. D.

MAHAL mahal Mahal MAHAL

5. May isang bubuyog na dumapo sa ibabaw ng bulaklak na rosas. Alin sa mga larawan
ang pipiliin mo kung ito ay iyong iguguhit?

A. B. C. D.

Image: pixy.org

Gawain 2
Panuto: Bilangin kung ilang pantig ang pangalan ng mga larawan. Isulat ang sagot
sa kahon.

1. 2. 3. 4. 5.

Tama ba lahat ang mga sagot mo? Binabati kita! Magaling! Ngunit kung may mali ka,
ayos lang iyan. Huwag mag-alala ipagpapatuloy natin ang pagtuklas ng kaalaman.

Aralin
Napakinggang Panuto: Sundin
1 Mga Pantig: Bilangin

Balikan

Natatandaan mo pa ba?
Paano mo malalaman ang kahulugan ng isang salita? Tama! Maaari mong
maibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng kumpas, galaw, ekspresyon
ng mukha, kasalungat, at ugnayang salita - larawan. Magagamit ang mga salitang
binigyang - kahulugan sa pag-uulat mo ng naobserbahang mga pangyayari sa mga
napanood mo sa telebisyon, selpon, at sa kompyuter.

2
Tuklasin
May mga bahagi sa paaralan natin na kapansin-pansin dahil sa maganda,
pinagtutuunan talaga ng pansin, at patuloy na pinagaganda. May kuwento ako tungkol
sa hardin namin sa paaralan na tinatawag na “Sky Garden.” Basahin mo ang teksto.

Ang Hardin sa Aming Paaralan

May maganda at malinis na hardin sa aming paaralan. Ito’y matatagpuan sa


ikalawang palapag. Sariwang hangin ang malalanghap mo roon. Malulusog na mga
halaman, makukulay na mga bulaklak, at gulay na masusustansiya ang iyong makikita.
Sa maliit na kubo ay puwede kayong magpahinga. Mayroon din doong “Tindahang
Matapat” para sa mga guro kung saan sila nagkakape o nagmemeryenda. Ito ay
sadyang ipinagawa ng punong-guro ng aming paaralan.

Tanong:

Ano ang pamagat ng kuwentong iyong binasa?


_______________________________________________________________
Saan ito matatagpuan?
_______________________________________________________________
Ano ang maaari nating gawin sa kubo?
_______________________________________________________________
Ano pang mayroon sa hardin na para sa mga guro?
_______________________________________________________________
Sino ang nagpagawa ng magandang hardin?
_______________________________________________________________

Suriin

Pag-aralan ang mga salitang ginamit mula sa kuwento sa itaas.

A B C

sa gulay malinis

na guro maganda

mga kape hangin

Ang tawag sa mga bahaging may salungguhit ay pantig. Ang pantig ay isang titik o mga
titik na pinagsama-sama upang makabuo ng salita.

Ang paghahati ng mga salita ay tinatawag na pagpapantig. May mga salitang binubuo
ng isa, dalawa, tatlo o higit pang pantig.

3
Mga Halimbawa:

Isang Pantig Dalawang Pantig Tatlo o Higit pang


Pantig
nang ku - bo sa - ri - wa
may di - to ma - ta - pat
ay har - din nag - ka - ka - pe
Ang isang salita ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pantig. Ito
ay maaaring binubuo ng:
• Patinig (P)
Halibawa: a-tin u-ri u-na
p p p
• Katinig at Patinig (KP)
Halimbawa: sa-ri-li ka-i-bi-gan ba-su-ra
kp kp kp
• Katinig, Patinig at Katinig (KPK)
Halimbawa: i-ta-pon nag-li-nis si-mu-lan
kpk kpk kpk kpk
Maaari rin ang pagpalakpak o pagpadyak para mabilang ang pantig sa isang salita.
Pantigin mo ang sumusunod na mga salita sa pamamagitan ng pagpalakpak o
pagpadyak. Ilang pantig ang mga salita? Isulat sa kahon.

paaralan hangin kubo

halaman sariwa bulaklak

Pagsunod sa panuto
Ito ay paggawa ng anomang bagay o tagubiling iniuutos sa isang tao.
Magagawa mo ang mga iniuutos kung susundin nang mabuti ang mga panuto o
sinasabi. Unawain muna ang mga panuto bago ito isagawa.
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagsunod sa panuto lalo na sa gaya mong bata?
Malalaman ng isang tao na naintindihan o naunawaan mo ang iniutos o
sinasaad ng panuto kung matagumpay mo itong nagawa nang tama.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Pantigin ang mga salita at isulat ito sa linya. Isulat sa loob ng ang
bilang ng pantig nito.

Halimbawa: 2 hardin = har-din

1. duyan = ____________________ 4. payong = _____________________

2. pinto = ____________________ 5. upuan=_____________________

3. ulan = ____________________

4
Gawain 2 Pantigin ang bawat salita. Isulat sa kahon ang bilang ng pantig nito.

1. palaka = _________________

2. alimango = _________________
Image: pixy.org

3. unan = _________________

4. orasan = _________________

5. bola = _________________

Gawain 3

Panuto: Ipabasa ang mga panuto sa isang kapamilya. Isagawa ang sumusunod na
panuto. Iguhit ito sa espasyong nakalaan.

1. Gumuhit ng tatlong bilog. Pagdugtungin ang mga bilog na ito ng linya. Lagyan ng
iyong pangalan sa kanan.

2. Gumuhit ng limang parisukat. Lagyan ng bituin sa gitna. Kulayan ang mga ito ng asul.

3. Gumuhit ng isang bulaklak sa pagitan ng 2 paruparo.

4. Gumuhit ng isang malaking bilog at kulayan ito ng dilaw. Sa kanan ng malaking bilog,
gumuhit ng maliit na bilog at kulayan ng pula.

5. Gumuhit ng isang malaking kahon. Isulat sa loob nito ang iyong unang pangalan.

5
Isaisip
Bakit mahalagang pag-aralan ang pagpapantig at paano bilangin ang
pantig?
Ano ang naidudulot ng wastong pagsunod sa isang panuto o utos?
Paano malalaman kung ilang pantig mayroon ang isang salita?
Dugtungan ang pahayag.

Natutuhan ko sa araw na ito ang


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
https://pngimg.com/image/62459
________________________________________________________________________

Tandaan…

Upang malaman ang bilang ng pantig, maaari mo itong sabayan ng pagpalakpak o


pagpadyak habang binibigkas ang isang salita.

Ang mga panuto ay magagawa nang maayos at tama kung babasahin mo muna ito
at uunawaing mabuti.

Isagawa

Gawain 1 Pantigin ang bawat salita. Isulat ang sagot sa mga patlang.

Halimbawa: pinsan = pin-san 2


Pantig Bilang
1. tatay ____________________ ____________________
2. nanay ____________________ ____________________
3. ate ____________________ ____________________
4. kuya ____________________ ____________________
5. bunso ____________________ ____________________

Gawain 2
Panuto: Isagawa ang sumusunod na mga panuto.
1. Ano ang paborito mong laruan? Isulat ito sa loob ng parihaba.

2. Bilugan ang salitang tumutukoy sa pangalan ng buwan.

Martes Linggo Marso Miyerkules

3. Salungguhitan ang pangalan ng isang bulaklak.

sampaguita lapis krayola papel

6
4. Isulat ang iyong paaralan. Salungguhitan mo ito.

5. Anong letra ang kasunod ng G? Isulat ito at bilugan.

Tayahin

Gawain 1 Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ilang pantig mayroon ang salitang ikalawa?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

2. Ang salitang malusog ay may ________na pantig.


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

3. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapantig ng salitang pag-asa?


A. pag-as-a B. pag-a-sa C. pa-ga-sa D. paga-sa

4. Alin sa sumusunod na salita ang may apat na pantig?


A. tindahan B. basurahan C. plastic D. kahoy

5. Alin sa mga salita ang may 3 pantig?


A. makulay B. bote C. silid D. makikita

Gawain 2 Basahin ang bawat salita sa loob ng kahon sa ibaba. Ilan ang pantig nito?
Isulat ito sa tamang kolum.

1 Pantig 2 Pantig 3 Pantig 4 Pantig

alugbati ale diwata oras ang

mais abokado patola bukid rin

Gawain 3 PANUTO: SUNDIN MO!


Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Pinabili ako ni Nanay ng isang basket sa palengke. Ilagay ko raw ito sa ibabaw ng
lamesa. Alin sa sumusunod na larawan ang sinunod ko?

A. C.

B. D.

7
2. Pinaayos sa akin ni tatay ang aming kama. Lagyan ko raw ng plorera ang mesita sa
tabi ng kama. Alin ang tamang larawan para sa panuto?

A. C.

B. D.

3. Gumuhit ng kahon. Lagyan ito ng bola ng basketball sa loob. Isulat ang salitang LARO
sa ilalim ng kahon. Alin ang nakasunod sa panuto?

A. B. C. LARO D.

LARO Laro LARO

4. Isulat ang inyong lungsod sa loob ng parihaba. Gumuhit ng dalawang bituin sa


magkabilang bahagi ng parihaba. Alin ang nakasunod sa panuto?

MAKATI Makati
A. C.

Makati
B. D.
Makati

5. Gumuhit ng malaking bilog. Lagyan ng parisukat sa ibaba nito. Gumuhit ng puso sa


bilog. Alin ang nakasunod sa panuto?

A. C.

B. D.

8
1
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Mga Salita, Buuin:
Pagpapalit at Pagdaragdag ng
Tunog o Titik, Gawin!
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Mga Salita, Buuin: Pagpapalit at Pagdaragdag ng Tunog
o Titik, Gawin!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruthchiel H. Parcon


Rowena D. Gundao
Editor: Lalaine A. Gaoat
Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Magandang araw aking mag-aaral!
Ang pagbuo ng salita ay mahalagang kasanayang dapat mong malaman upang ikaw
ay matutong magbasa. Ang bawat salita ay binubuo ng mga tunog. Ang mga tunog
ay maaaring napapalitan at nadadagdagan upang makabuo ng salita at kahulugan.
Naaalala mo pa ba ang awiting Alpabetong Filipino? Ang awiting ito ay tungkol sa mga
tunog ng bawat titik ng Alpabetong Filipino. Sa awiting ito ay natutulungan tayong
lumawak ang ating kasanayan sa pagbibigay ng tunog ng bawat titik. Ngayon ay muli
nating pakinggan at pag-aralan ang bawat tunog ng bawat titik. Matututuhan mo ang
pagbasa ng mga pantig kung malalim ang iyong kasanayan sa bawat tunog ng bawat
titik. Kaya atin nang pag – aralan ang pagbuo ng mga salita.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


• Pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita
• Pagkilala ng mga tunog na bumubuo sa mga pantig ng salita
➢ Unang pantig ng mga salita
➢ Hulihang pantig ng mga salita
➢ Gitnang pantig ng mga salita

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong
salita; at
(F1KP-IIIH-J-6)
2. Nakikilala ang mga tunog bumubuo sa mga pantig ng mga salita.
(F1KP-IIf-5)

Subukin
Panuto: Ang sumusunod na mga salita ay napapalitan at nadadagdagan. Alamin mo,
gamit ang gabay na larawan upang tukuyin ang nabuong salita. Isulat ang
sagot sa patlang.
Pako /s/ sako

1. Kahon ______ _____________________

2. tala ______ _____________________

3. pila ______ _____________________

1
4. aso ______ _____________________

5. ilog ______ _____________________

Aralin Mga Salita, Buuin:


Pagpapalit at Pagdaragdag
1 ng Tunog o Titik, Gawin!

Balikan

Panuto: Bilangin ang pantig ng ngalan ng larawan. Isulat sa kahon ang sagot.

1. 4.

2. 5.

3.

Tuklasin

Ang bawat salita ay binubuo ng mga titik o letra. Ang bawat titik o letra ay may
katumbas na tunog. Bawat titik ay maaari nating pagsamahin upang makabuo ng mga
salita. Ang mga salitang nabubuo natin ay maaaring dagdagan o palitan sa unahan,
gitna o hulihan upang makabuo ng ibang salita at magkaroon ito ng panibagong
kahulugan. Kapag natutuhan mo ang kasanayang ito, lalawak ang iyong talasalitaan o
dadami ang mga alam mong salita.
Pag-aralan ang mga pares ng salita.

mata bata tasa basa banig panig

alab alat batas batak balat balak

pilas pitas puso puto sukat sulat

Ano ang napansin mo sa mga hanay ng mga salita? Tama! May titik o letrang napalitan.
Saang bahagi napalitan ng letra o titik? Talakayin natin.

2
Suriin
Ngayon alamin mo kung paano napapalitan at
nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo
ng salita.

Ang mga salita ay maaaring madagdagan ng mga tunog sa unahan, gitna at sa


hulihan upang makabuo ng bagong salita. Pansinin ang mga salita sa Hanay A sa
Hanay B.
Hanay A Hanay B
una unan
ilog itlog
ipon hipon
Mula sa salitang una dinagdagan ng /n/ para maging unan
Ang salitang ilog dinagdagan ng /t/ para maging itlog
Ang salitang ipon dinagdagan ng /h/ para maging hipon

Ang pagpapalit ay pag – iiba ng letra at tunog sa unahan, gitna, at sa hulihan ng


isang salita upang makabuo ng bagong salita. Tingnan ang mga salita sa Hanay A at
sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
bato baso
bahay buhay
pato pito
Mula sa salitang bato ay naging baso, pinalitan ng /s /ang /t/.
Ang salitang bahay ay naging buhay, pinalitan ng /u/ ang /a/.
Ang salitang pato ay naging pito, pinalitan ng /i/ ang /a/.

Subukan mo namang gawin ang sumusunod.

1. bola ____ la
Mga bata, ang pantig ay binubuo
ng pinagsamang patinig at
2. susi ____ si
katinig.
Halimbawa: ang m + a ay bubuo
3. baboy ____ boy ng pantig “ma”. Ngayon
kikilalanin ang unang pantig ng
bawat larawan.
4. damit ____ mit

5. lobo ____ bo

1. pusa pu___
Ngayon naman mga
bata kikilalanin naman
natin ang huling pantig ng 2. aso a___
mga larawan.

3. bibe bi ___

3
4. relo re ___

5. puno pu ___

1. manika ma___ka

Ang salita ay hindi lamang


2. halaman ha___man
binubuo ng dalawang
pantig. Ito ay binubuo din
ng tatlo o higit pang mga 3. kuneho ku___ho
pantig. Kilalanin naman
natin.
4. pintuan pin___an

5. orasan o___san

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Hello mga bata! Tulungan natin si Amaris na masagot ang mga tanong sa
pamamagitan ng pagpapalit at pagdaragdag ng isang tunog sa mga salitang
nasa ibaba ng larawan. Tara na! Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. gulay 4. lambot
A. tren C. mascot A. kubo C. burol
B. tulay D. gubat B. lobo D. lambat

2. ilog 5. sawa
A. itlog C. bola A. dayami C. lawa
B. bakod D. ilong B. puno D. ibon

3. buhay
A. tulay C. kahon
B. bahay D. dahon

4
Gawain 2
Panuto: Isulat ang nawawalang pantig sa patlang upang mabuo ang salita para sa
larawan.

4. Ki___
1.__ ga 2. ta___ 3. ___la 5. ___to

Isaisip

Bakit mahalagang matutuhan natin ang pagpapalit at pagdaragdag


ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita?

Paano nakatutulong ang iyong bagong kaalaman sa pag – unlad ng


iyong kasanayan at kakayahan sa pagbabasa?

Ang makabasa ay mahalaga. Ito ay makatutulong sa ating pag-


unlad. Tayo ay makababasa kung malalim ang ating kasanayan
sa mga tunog ng bawat titik ng alpabeto.

Ang pagbabasa ay nagsisimula sa pagbabaybay ng mga


pantig. Ang pantig ay binubuo ng isa, dalawa o tatlong titik
(patinig/katinig-patinig/katinig-patinig-katinig)

Ang pinagsamang pantig ay bubuo ng salita na magiging daan


upang tayo ay makabasa. Lagi nating isaisip.

“Matutong bumasa
Bumasa upang matuto”
https://pngimg.com/image/62459

Isagawa

Ngayon, pagkatapos mong mapag – aralan ang dapat malinang na kasanayan sa


modyul na ito, gawin ang sumusunod upang mas madagdagan ang kaalaman sa
pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng salita. Handa ka na
ba?

Gawain 1 Maglinis Tayo!


Manatili sa bahay para maging ligtas. Dahil sa COVID19, tayo ay nasa bahay. Katulad
ni Amaris, tumulong kayo sa paglilinis ng bahay araw – araw. Tulungan mo sa pagliligpit

5
si Amaris. Mula sa mga bagay na kaniyang liligpitin, isulat ang salitang maaaring mabuo
at isulat kung ang pagbuo ng salita ay pagpapalit o pagdaragdag.

Halimbawa:

saging baging pagpapalit

1. basa ________ _____________________

2. masa ________ _____________________

3. aso ________ _____________________

4. sahig ________ _____________________

5. ipon ________ ______________________

6
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga salita. Bilugan ang wastong salita ng bawat larawan.

1. wala walo wika

2. mais mano mani

3. hika hikaw hito

4. hilaw haba hipon

5. kaha kahon kahoy

Tayahin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot
ayon sa hinihingi ng mga tanong.

1. Ano ang salitang mabubuo kung ang salitang laban ay pinalitan ng tunog na /k/ sa
unahan?
A. sabon C. bansa
B. kaban D. bayan

2. Kung ang salitang pook ay papalitan ng /t/ sa hulihang tunog, anong salita ang
mabubuo?
A. pagod C. suot
B. poot D. ballot

3. Anong salita ang mabubuo kung ang salitang bungi ay papalitan ng tunog na /a/
ang /i/?
A. banga C. sanga
B. bunga D. bala

4. Kung ang salitang haba ay dadagdagan ng tunog na /g/ sa hulihan, alin sa mga
salita ang mabubuo?
A. habagat C. kabag
B. habla D. habag

7
5. Paano nabuo ang salitang bala at naging balat?
A. pagdaragdag C. pag - ipon
B. pagpapalit D. pagbabawas

Gawain 2
Panuto: Ayusin ang mga pantig upang makabuo ng salita.

1. ka pa la __________________

2. ta wat wa __________________
Image: pixy.org

3. pa ya pa __________________

4. ya bas ba __________________

5. ka tis ma __________________

You might also like