You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay- Aralin sa Filipino II

Isinanib sa Edukasyong Pangpapakatao

I. Layunin

Sa pagtatapos ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Malalaman ang ibig sabihin ng pangngalan;


 Matutukoy ang iba’t-ibang uri ng pangngalan
 Makapagbibigay ng uri ng pangngalan sa pamamagitan ng estratehiyang
Himayin Natin
II. Paksang-aralin

Paksa: Mahalin at Ipagmalaki ang Pamilya Pangngalan

Sanggunian: Wikang Sarili 1 Ikalawang Edisyo, Lakangiting C. Garcia at Allan


A. Ortiz

Kagamitan: Panturong biswal, pisara, projector

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsusuri ng pagdalo
4. Pampasigla
5. Patakaran sa klase
6. Balik-Aral
Mga bata, ano ang tinalakay natin kahapon?

Tungkol po sa pang-uri
Magaling!
Ana, maaari mo bang sabihin kung ano ang pang-
uri?
Ang pang-uri ay salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip.
Nagsasaad din ng uri o katangianng tao, bagay,
hayop, pook, o pangyayari.

Pagsasanay Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa


pangungusap.

1. Mapait ang ampalaya.


2. Si Janice ay matalino.
3. Masaya ang mga bata habang naglalaro
ng taguan.
4. Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng
balot.
5. Ang rosas ay kulay pula.

7. Paggaganyak
Ngayon mga bata, sa ating pagsisimula. Nais kong
pakingan at panuorin ninyo ang maikling kwento
tungkol sa “Si Maymay at ang kanyang Aso at
Pusa.” Gamit ang “Himayin Natin” handa na ba
ang lahat?

Salamat. Opo!

Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa


Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si
Maymay kung kaya’t parang kapatid na ang
turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si
Bruno at pusa na ipinangalanan niyang si Kiting.
Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at
Kiting. Kahit ang mag-asawa ay nagagalak sa saya
sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing
nakikipaglaro ito sa mga alaga niya. Subalit, hindi
alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari
sa pagitan nina Bruno at Kiting. Isang araw,
habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho
at si Maymay naman ay sumama kay Aling Iña sa
tindahan, nag-away ang dalawa. Hindi
sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya
namang natutulog sa sala ng munting bahay ng
pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil
mahimbing na sana ang tulog niya. Hinabol ni
Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay
pinag-kakagat niya. Hindi naman nilakasan ng aso
ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito
ng mga maliliit na pasa. Pag-uwi ni Maymay,
nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain
habang awang-awa siya kay Kiting. Nais ng bata
na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit
masakit rin sa kanya. Nanghina si Bruno at
masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay.
Umalis ulit si Aling Iña at ang anak niya. Saktong
pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang
kanyang kainan patungo kay Bruno. Hinang-hina,
bumangon ang aso at kinain ang natitirang
pagkain sa kainan ng pusa. Si Kuting naman,
umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na
kumain. Nasiyahan si Bruno sa ginawa ng pusa at
nagkabati rin sila. Subalit, masama pa rin ang
loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng
nanay niya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting
lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at
hinimas-himas ang ulo nito. “Bruno. Galit ka pa
rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi,
huwag mo na ulit kakagatin si Kiting, e, ang liit-liit
pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya
papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin siya sa
ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na
hinding-hindi na niya paparusahan ang mga alaga
kahit ano pa man ang mangyari. Parang
naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni
Maymay at agad-agad itong tumayo at lumapit sa
pintuan – hudyat na gusto na niyang
makipaglaro. Simula noon ay hindi na nag-aaway
sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang
aso sa tuwing hindi sinasadyang malaglag sa
kanya ang pusa at magigising siya mula sa
mahimbing niyang tulog. Araw-araw, dinadalhan
ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at
Kiting. Nawala na ang takot ng pusa sa malaking
aso.

1. Anong uri ng pangngalan sina


maymay, mang tibo at aling ina?

2. Anong uri ng bagay ang natukoy sa


kwento?

3. Saan patungo sina aling ina at


maymay habang nasa talyer sim ang
tibo?
4. Anong mga hayop ang alaga ni
maymay?

1. Malalaman ang ibig sabihin ng


(tama mga bata! Sina maymay, mang tibo at aling pangngalan;
ina ay uri ng ngalan ng tao) 2. Matutukoy ang iba’t-ibang uri
ng pangngalan
3. Makapagbibigay ng uri ng
(mahusay! Pintuan ang natukoy na bagay sa
pangngalan sa pamamagitan
kwento)
ng estratehiyang Himayin
Natin

(magaling mga bata! Sa tindahan sila patungo)

(tama! Ang kaniyang mga alaga ay aso at pusa)

B. Presentasyon ng Paksa
PANUTO: Salungguhitan ang mga uri pangngalan
A. Pagbabasa ng Layunin
na mababanggit.

1. Nag iisang anak ni Mang tibo at aling Ina


si Maymay.

2. Papunta si aling Ina sa tindahan.

3. Pusa at Aso ang alagang hayop ni


B. Pagtatalakay
Maymay.
Alam nyo ba mga bata na ang mga salitang may
salungguhit ay may kinalaman sa ating aralin
ngayon. Ngayon naman ay tingnan natin kung 4. Nasira ang kanilang pintuan.
anong uri ba ng mga pangngalan ang
nakasalungguhit sa kwento.

(Sina Aling ina, Mang tibo at Maymay ay ngalan


ng tao)

(Ang tindahan ay ngalan ng lugar)

(Ang Aso at Pusa ay ngalan ng hayop)

(Ang pintuan ay ngalan ng bagay) Mga Halimbawa:


Tao: Aling Ina, Maymay,Mang Tibo
Hayop: Aso, Pusa, Ibon, Leon
Mahuhusay! Ang ating tatalakayin sa araw na ito Bagay: Pintuan, Upuan, lapis, lamesa
ay tungkol sa PANGNGALAN. Ang pangngalan ay Lugar: Talyer, tindahan, Baguio.
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, at
lugar.

Ngayon mga bata basahin ang mga halimbawa ng


Uri ng pangngalan.

Ang pangngalan ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar.

C. Paglalapat
Magtala ng tiglilimang pangngalan na nakikita mo
sa iyong paligid sa bawat kategoryang tao, bagay,
hayop, at lugar. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

D. Paglalahat
Ano nga muli ang pangngalan?
Gamit ang stomp-clap-snap magbigay kayo ng
mga ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Ang
unang apat na mag-aaral ay tao ang babanggitin,
ang sumunod na apat na mag-aaral ay bagay
naman ang sasambitin, ang sumunod na apat
naman ay hayop, at ang huling apat naman ay
lugar.

IV. Pagtataya

Gawin Natin

Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat


ang A kung tao, B kung hayop, C kung bagay, D kung lugar. Isulat ang
wastong letra sa sagutang papel.

_____1. Bukid parke silid

_____2. Baka ibon kalabaw

_____3. Bag lapis papel

_____4. Kamera sombrero telepono

_____5. Ate guro lola


Sanayin Natin

Isulat sa kuwaderno ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay, H kung hayop,
at P kung lugar.

_____1. Basket

_____2. Ospital

_____3. Benigno Aquino

_____4. Lapis

_____5. Kalabaw

V. Takdang Aralin

Gumupit ng 1 larawan ng tao. Isulat ang pangngalang tumutukoy sa larawan.

Inihanda ni:

SHELINA JOY A. DEL ROSARIO

BEED – 2

You might also like