You are on page 1of 5

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Liloan 2

ESTELA ELEMENTARY SHOOL


Banghay Arali sa Filipino 2
COT# 1
EMMA L. MONGHIT

I. Mga Layunin:
A. Pamantayang Pang Nilalaman
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa napakinggan/binasang teksto

F2PS-If-1

II. Nilalaman
Napagsasabi ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggan /binasang teksto.

Kagamitang Panturo :
A. Sanggunian:
K-12 C.G P. , Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan, Pamilya ay Nandiyan Lang
Katangian ng mga Tauhan, 100-107
B. Kagamitang Panturo:
Mga larawan, powerpoint at aklat
Pagpapahalaga: Pagiging laging handa at kasipagan.

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.

Pagtatanong sa mga bata sa nakaraang aralin tungkol sa mga bahagi ng aklat.

B. Pagpapakita ng larawan

C. Paghahawan ng balakid

Panunukso – panglalait
Iwasan ang panunukso sa mga batang may kapansanan.

Patpatin – payat
Ang batang patpatin ay madaling madadapuan ng sakit.

D. Pamatnubay na tanong

Ano ang nakikita nila sa bata sa larawan ? bakit kaya nila tinutukso?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


 Pagbibigay ng pamantayan sa pagkikinig ng kuwento.
 Pagbasa bg Kwento.
Kuya Ko Yata Iyan

Si Bimbi ay bunsong anak nina tatay Greg at nanay Lita. Kahit na malakas siyang
kumain ay talaga yatang patpatin ang kaniyang katawan at mga braso.

Isang Sabado, lumabas si Bimbi upang makipaglaro sa kaniyang mga ka klase. Sa


harap ng tindahan ng kaniyang ninong, naabutan niyang naglalaro ng patintero
sina boyet, letlet, tintin at maki. Sumali si Bimbi sa kanialng laro, noong una
masaya silang naglalaro at nagtatawanan. Dahil nga sa patpatin si Bimbi, madalas
nananalo ang grupo niya dahil maliksi ang kaniyang kilos. Hindi ito nagustohan
nina Boyet kaya, “ patpat! Patpat! Hanging malakas, si Bimbi iyong ililipad” sigaw
at panunukso nito. Nagtatawanan ng malakas sina Letlet at Maki. Hindi nagsalita
si Bimbi. Sa halip siya ay yumuko nalamn at tumahimik. Patuloy parin ang malakas
na panunukso nila Boyet. “ Bimbing patpat, katawan moy ililipad, kayat ikaw ay
humawak ng hindi isama ng hangin pataas hahahaha.”

Mayamya ay biglang natahimik ang lahat. Nagulat si Boyet sa matipunong kamay


na pumatong sa kaniyang balikat. “ kuya? Ku…. Kuya! Yehey sigaw ni Bimbi.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni kuya isang matalim na tingin
lamang ang itinatapon nit okay Boyet.

Hiyanghiya si Boyet sa kaniyang ginagawa kaya, patawarin mo ako Bimbi hindi na


kita tutuksuhinsabi ni Boyet sabay umuwi ang magkapatid. Habang nasa daan,
napasigaw si Bimbi sa harap ng tinderang nakasalubong ng ganito, “ kuya ko yata
iyan.”

Sagutin Natin:

1. Sino ang batang tinutukso sa kwento?


2. Bakit siya tinutukso ni Boyet?
3. Ano-anong panunukso ang narinig niya?
4. Paao tinatanggap ni Bimbi ang panunukso ng mga kalaro?
5. Kung ikaw si Bimbi ipagmamalaki mo rin ba ang iyong kuya? Bakit? Bakit
hindi?
6. Ano-anong katangian ng bawat tauhan sa kwento?
7. Paano mo nakikilala o nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa kwento?
F. Pahalagahan Natin:
Sa oras ng kagipitan at pangangailan may pamilyang tutulong at
magtatanggol sa atin.

Tandaan Natin:

Makikilala ang katangian ng mga tauhan sa kwento sa pamamagitan ng kilos,


mukha at mga salitang sinasabi.

Pagsasanay:

Group 1

Isang araw nasalubong niyo ang inyong guro na may maraming dala. Ano ang
gagawin niyo?

Group 2

Sa inyong silid aralan napansin mo ang isa sa iyong ka klase na matamlay at


parang wala sa kanyang sarili. Ano ang gagawin mo?

Group 3

Sa inyong pagsusulit nakita mong ang iyong katabi na kumokopya. Ano ang
gagawin mo?

Pagtataya:
Panuto: Piliin ang katangian ng sumusunod na tauhan ayun sa kanilang sinasabi.

1. “ Inay, ako napo ang magwawalis sa buong sala. Kayang-kaya koi yon! “

a. Mahusay b. masipag c. matapat

2. “ Inay, kawawa namn po ang matanda. Maari po ba natin siyang bigyan ng


pagkain?”

a. Maawain b. maramot c. masungit


3. “ Ma’am, may nakita po akong pitaksa sa ilalim ng mesa. Ito po baka
hinahanap nap o ito ng may ari”

a. Maawain b. malinis c. matapat

4. “ Ako na po ang maghuhugas ng pinggan Inang”

a. Matulungin b. pabaya c. salbahi

5. “ Patayin mo ang telebisyon pag walang nanunuod Joshua”

a. Matipid b. mabait c. masipag

Takdang aralin:
Panuto: Piliin ang letra ng wastong katangain ng tauhan sa bawat sitwasyon.

1. Araw-araw maagang gumising si nanay Belen, nagloloto siya ng agahan


pagkatapos ay inihatid sa skwelahan ang mga anak.

a. Masinop
b. Masipag
c. Matatag
d. Mapagbigay

2. Palagi na lang nakasigaw si Lito sa kangyang kapatid.

a. Magagalitin
b. Mahinahon
c. Masipag
d. Matipid

3. Araw-araw ay may perang natitira si lulu mula sa baong ibinigay sa kanyang tatay.

a. Maasahan
b. Mahusay
c. Malakas
d. Matipid

4. Tuwing Linggo pumupunta sa simbahan ang buong pamilya ni aling Marta.

a. Masiyahin
b. Mapagdasal
c. Mapaglibang
d. Malalahanin

5. Umalis ka nga sa tabi ko madungis at mabahong bata.

a. Matapat
b. Mahinahon
c. Matapobre
d. mapagbigay

You might also like