Professional Documents
Culture Documents
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin (F4PS-IIIb-2.1)
Panimulang Gawain
A. Balik-Aral
Panuto: Isulat sa loob ng “Mentimeter Board” ang mga salitang pandiwa.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.
Paaralan tumakbo
Naglaba bulaklak
Sumulat sumakay
Simbahan telepono
Uminom lamesa
Telebisyon naglinis
B. Maglaro Tayo
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga sumusunod na salita. Kulayan ang
salita sa loob ng “BINGO” kard.
a. Mabango (Kasalungat)
b. Mabilis (Kasingkahulugan)
c. Mahirap (kasingkahulugan) mabaho masigla matalino tahimik
d. Payapa (kasalungat)
Mabagal matulin Magulo Mabait
e. Malalim (kasalungat)
f. Mataas (Kasingkahulugan) Matatag mababaw Dukha matapang
Pagtatalakay
A. Pagganyak
Sagutin ang mga tanong.
Sino sa inyo ang kasama ang kanilang mga lolo at lola sa bahay ? Paano mo naipapakita ang
pagmamahal sa kanila ? Paano naman nila naipapakita ang pagmamahal nila sa inyo ?
Page 1 of 5
Ang Regalo ni Lolo
Araw ng Martes, masaya ang lahat para sa paghahanda sa Pasko. Habang abala ang lahat,
nagpunta si Lolo Ben sa isang sikat na mall upang maghanap ng regalo. Matiyagang naghanap ng
regalo si Lolo Ben.
Gabi na nang makauwi si Lolo Ben. Sabik na sabik ang lahat para sa matatanggap nilang
mga regalo. Kinakabahan si Lolo Ben. Mukhang mga mamahalin kasi ang mga regalo ng kaniyang
anak sa kaniyang nag-iisang apo.
“Merry Christmas apo!” , masayang bati ni Lolo Ben sa kaniyang apo. “Pasensiya ka na sa
regalo ko, iyan lang ang nakayanan ng Lolo”, nakangiting sabi niya sabay abot sa isang kahon.
Sabik na binuksan ng apo ang regalo na binili ni Lolo Ben. “Wow! Ang ganda!” ang sigaw
ng apo sabay yakap sa kaniyang Lolo. “Thank you po Lolo,”sabi ng apo.
Hanggang sa pagtulog, mahigpit na niyakap ng apo ang regalo ng kaniyang lolo na isang
mumurahing manika. “Best gift ever…” mahinang sabi ng kaniyang apo bago pumikit ang
kaniyang mga mata bago matulog.
Sa may pinto, masayang nakasilip si Lolo Ben. “Merry Christmas apo. Mahal na mahal ka
ng Lolo” sabi niya sabay alis upang magpahinga na.
Page 2 of 5
Mga Pagsasanay
Pagsasanay Bilang 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Suriin at kulayan ang kahon kung ito ay may pang-abay na
pamaraan, pamanahon o panlunan.
1. Galak na sinalubong nila ang mga panauhin.
Pang-abay na Pamaraan Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan
Pagsasanay Bilang 2
Page 3 of 5
C. Gamit ang application ng Twitter, mag
“tweet” ng 3 pangungusap na may pang-
abay na pamanahon.
Pagsasanay Bilang 3
Panuto: Bumuo ng isang pangungusap na may pang-abay batay sa mga larawan.
Paglalahat
Ang Pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Ang pang-abay ay may iba’t ibang uri at gamit:
Ang Pang-abay na Pamaraan ay nagsasabi kung paano ginagawa ang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong
na paano.
Ang Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos. Ito ay sumasagot
sa tanong na kailan.
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan gingawa ang kilos at sumasagot sa tanong
na saan.
Page 4 of 5
Paglalapat
Hanap Salita
Panuto: Punan ng angkop na pang-abay ang sumusunod na talata. Hanapin ang mga salita sa ibaba.
Isa sa pinakamagandang regalo na natanggap ng mga mamamayan ___________ ay ang
pagkakaloob ng isang malawak na lupain kinatitirikan ng kanilang paaralan. Bilang pasasalamat sa
kaniya, ___________ na ipinaglaban ng isang kinatawan ng Lungsod ng Valenzuela na isabatas na
ipangalan dito ang kanilang paaralan. ____________ naghintay ngunit nakamit din ang minimithi.
______________ tinanggap ng kaniyang pamilya ang parangal na ito.
Bilang pagtanaw ng utang na loob, mahalin natin ang ating paaralan at ipagmalaki natin
_________________ na ang mga mag-aaral dito ay nagmula at apo ni Doňa Roberta De Jesus.
Mga salita:
sa Bignay masigasig matiyagang masayang sa buong Valenzuela
Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat sa patlang kung anong pang-abay ang dapat gamitin sa bawat pangungusap.
Karagdagang Gawain
Gamit ang application na Messenger.
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita bilang pang-abay. Ipadala ito sa ating Facebook
Group Chat.
1.Matiwasay
2.Sagana
3.sa itaas ng gusali
4.Mataas
5.noong isang buwan
Page 5 of 5