You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

I. Objective

Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

a. Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa


b. Natutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw sa tulong ng larawan o aksyon
c. Magagamit ang mga salitang kilos sa

II. Subject Matter

Topic: Pandiwa

Materials: Pictures, Visual Aids

References: Landas sa Filipino 3, pp. 57-63

Values: Kahalagahan ng paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa sapangungusap at


komunikasyon.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

I. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


Mag tatawag ako ng isang bata upang
pangunahan ang panalangin.

Okey! Jhelay Opo ma’am


Sa ngalan ng Ama ng anak, at espirito santo,
Amen.
Panginoong Diyos, salamat sa araw na ito at sa
bawat pagpapala na iyong ibinigay. Nagbibigay sa
atin ng kaalaman at karunungan para sa ating
bagong aralin. Salamat sa mga bagay na iyon.
Pinupuri at pinasasalamatan ka namin
Panginoon! Sa pangalan ni Hesus. Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po Ma’am!

3. Pag tetsek ng liban at di lumiban.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw


mga bata? Wala po, Ma’am

4. Balik- aral

Bago tayo mag simula sa ating pag-aaralan


ngayong araw ano ang ating tinalakay natin
kahapon mga bata? Ma’am pangngalan po

Mahusay!
Ano ang pangngalan

Okey! Zen-zen Ang pangngalan ay salita o bahagi ng


pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop, at pangyayari.

Mahusay!
Magbigay nga ng mga Halimbawa ng pangngalan
at gamitin ito sa pangungusap.

Okey! Sandra Papel


Sapatos
Lamesa
Guro
Ako ay may bagong _papel_.

Magaling!
Lahat ng nakikita ninyo sa ating silid-aralan ay
mga halimbawa rin ng pangngalan.
Halimbawa: libro, lapis, kurtina at iba pa.
Mahalaga ang pangngalan dahil ginagamit natin
itong pantawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari.
Naunawaan ba mga bata?
Opo, Ma’am

May mga katanungan pa bam ga bata, Kung wala


na kayong katanungan dumako na tayo sa Wala na po, Ma’am
susunod na gagawin.

B. Paganyak
Ngayun ay meron tayong isang awitin ito na Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, Ha, Ha)
naglalaman ng mga kilos at inasahan ang lahat Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, Ha, Ha)
na umawit. Magsitayo tayong lahat at awitin Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
natin lahat ang KUNG IKAW AY MASAYA. Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, Ha, Ha)

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak 3x)


Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak 3x)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak 3x)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)


Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)

Maraming salamat ngayon ay maari na kayong


maupo.

Ngayon anu-ano ang mga kilos o galaw na


ginawa natin habang umaawit?
Sumayaw
Tumawa
Pumalakpak
Pumadyak

C. Paglalahad

Mga bata, Basi sa ating ginawa kanina.

ano sa tingin niyo ang ating pag-aaralan ngayun? Tungkol po sa mga kilos o galaw ma’am

Okey! Cathy

Mahusay!
Magaling!Ang ating pag-aaralan ngayun ay
patungkol sa pandiwa na nagsasaad ng kilos o
galaw.

D. Talakayan
Handa naba ang lahat?
Okey, mga bata makinig ng mabuti sa inyong
guro.
Opo Ma’am

Ang ating tatalakayin ngayong araw ay patungkol


sa Pandiwa.

Pandiwa
Ay salitang nagpapahiwatig o nagpapakita ng
kilos o galaw.
Ito ay nag bibigay-buhay sa pangungusap dahil
nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao,
hayop o bagay.

Naintindihan ba mga baga ang ating pinag-aralan


mga bata?

Opo Ma’am

E. Paglalahat

Kung ganon,
Mga bata ano ulit ang pinag-aralan natin sa araw
na ito?

Okey!

Mahusay! napakahusay niyong lahat bigyan ng Ma’am tungkol po sa kilos o galaw


limang palakpak ang inyong sarili.

F. Aplikasyon
Magpakita ng mga larawan at tanungin kung
anong salitang kilos ang tinutukoy sa larawan.

Kumakain

Nagsusulat

Tumatakbo

Nagbubuhat

Kumakanta

Sumasayaw

G. Pagsusuri

A. Pasalita: Ibigay ang salitang kilos na


isinasaad sa larawan.

1. Ang aso ay ___________.

2. Ang kuneho ay ___________.


3. Ang isda ay __________.

4. Ang ibon ay __________.

5. Ang bata ay _____________.

H. Takdang Aralin

Magbigay ng mga salitang kilos na makikita sa


inyong tahanan at gumawa ng pangungusap.

Inihanda ni:

AMISTAD, FREDALYN M. ( BEED 2-2)

Inihanda para kay:

Mr. Nesty Esteban

You might also like