You are on page 1of 5

FILIPINO

IKASAMPUNG BAITANG

Unang Markahan – Modyul 3

HUCKLEBERRY MONTESSORI SCHOOL INC.


Ang mga Pang-ugnay
Sa larangan ng komunikasyon kailangan ng mga pang-ugnay upang magkaroon
ng relasyon at kaugnayan ang bawat salita sa pangungusap o maging sa pagbuo ng
talata. Sa mga mitolohiyang binasa gumamit ang may akda ng mga pang-ugnay upang
maintindihan ang relasyon ng bawat salita sa isa't isa o ng pangungusap sa kapwa
pangungusap.

Mga Uri ng Pang-ugnay


Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit
sa pangungusap na maaaring mga salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

A. Pangatnig - kataga o salitang nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o


mga salita sa kapwa salita o mga salita, o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.

Mga halimbawa:
 kataga - at, na, ma, o. ni, pag
 salita - kahit, bagkus, ngunit, sakali, samantala, subalit, datapwat,
liban
 lipon ng mga salita - sa halip, alalaong baga, kung bagaman, kung
hindi, sa katagang sabi, sa bagay na ito

Ang mga pangatnig na ito ay may iba't ibang kaukulan at kahinggilan sa


pangungusap. Maaari itong gumanap ng alin man sa sumusunod:

1. Pangatnig na panimbang - ay nag-uugnay sa mga salita, parirala, at sugnay na


magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa. Maaari pa rin itong uriin
gaya ng sumusunod;

a) Pamukod - ginagamit ito sa dalawa o ilang bagay o kaisipan, ang isa ay ibig
itangi sa iba o alanganing piliin o iwaksi ang alin man sa dalawa (ni, man,
maging, kaya)

Mga halimbawa:
 Maging ikaw o ako ay hindi makapagmamay-ari sa kanyang puso.
 Ni ikaw o ako ay hindi niva mabibilhan ng bagong laruan.

b) Paninsay o panalungat -ginagamit ito sa mga tambalang pangungusap na


ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawang bahagi. (maliban,
samantala, sukdang, bagkus, habang)
Mga halimbawa:
 Bagamat siya ay mahirap lamang, siya naman ay mapagbigay.
 Habang ako'y naglalaba, naglilinis naman siya ng bahay.

2. Pangatnig na di-panimbang - ginagamit ito bilang pang-ugnay sa dalawang


sugnay na di-timbang. Ang isang sugnay ay nagsisilbing pantulong lamang kaya
tinatawag na sugnay na di-makapag-iisa. Matatagpuan sa unahan ng sugnay
ang mga pangatnig na di-panimbang gaya ng kung, sapagkat, palibhasa, sana,
kung gayon, kapag, bago, at iba pa.

Ang mga pangatnig na di-panimbang ay maaaring uriin gaya ng


sumusunod:

a) Panubali - nagpapahayag ng mga kaisipang may pasubali o di-


ganap. Karaniwang ginagamit ang mga sumusunod: pag, kapag,
disin, sana, kung, sakali.

Mga halimbawa:
 Kung di ka mag-aaral nang mabuti, huminto ka na
lang sa pag-aaral.
 Sana dumating siya sa araw ng aking kaarawan.

b) Pananhi - nagpapahayag ng dahilan ng pangyayaring isinasaad


ng pandiwa. Karaniwang ginagamit dito ang sanhi kay/sa, dahil
sa, nangyari, palibhasa, dangan, kundangan, yamang,
palibhasa, kung kaya, mangyari, manapa, alang-alang, at iba pa.

Mga halimbawa:
 Dahil sa kasamaang ginawa niya kaya siya ngayon ay
nasa kulungan.
 Nais kong magkaroon ng isang marangal na trabaho
kung kaya nagsusumikap ako sa pag-aaral.

c) Panlinaw - ginagamit ito kung ibig liwanagin ang mga bagay na


nasabi gaya ng ano pa't, sa halip, kung gayon, kaya, tahasang
sabi, at iba pa.

Mga halimbawa:
 Sa halip na magmumukmok ka lamang diyan,
maghanap ka ng mapagkakaabalahan.
 Palibhasa wala kang pakialam sa nararamdaman ng
iba kaya hindi mo alam na iniyakan ka na pala niya.

d) Panulad - ay may tugunang pariralang ginagamit sa pagtutulad


ng mga pangyayari. Karaniwang ginagamit na pangatnig ang
kung gaano - gayon din, kung paano - gayon din, kung saan -
doon din, kung ano- siya rin, kung sino - siya, kung alin-siya, at
iba pa.

Mga halimbawa:
 Kung sino pa ang nagmamahal ay siya pang lubos na
nasasaktan.
 Kung paano mo siya pinakikitunguhan ay gayon din
ang pakikitungo niya sa iyo.
B. Pang-angkop - ay katagang nag-uugnay sa panuring at sa salitang tinuturingan.
Ito ay ang sumusunod: na, ng, g.

Mga halimbawa:
 Masayang naglalaro sina Dane at Daniel sa Wonderland.
 Dapat na linisin ang kapaligiran at iwasan ang pagkakalat.\
 Ang tanawing ito ay labis na maganda sa aking paningin.

Dapat Tandaan:

1. Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa


katinig.
2. Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa
titik n.
3. Ang ng ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig.

C. Pang-ukol - ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa


iba pang salita sa pangungusap. Ang mga ito ay: ng, ni/nina, kay/kina, laban sa,
ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa, hinggil sa, alinsunod sa, laban kay, avon
kay, para kay, ukol kay, tungkol kay, hinggil kay, alinsunod kay, nasa, at iba pa.
Mga halimbawa:
 Hinggil sa pagtulong niya ang aming pinag-uusapan.
 Nasa loob ng kuwarto ang iyong gamit.

Gawain 3

A. Tukuyin kung ano ang uri ng pang-ugnay ang salita/mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Maraming paninda ang nagkalat sa kalsada dahil sa kaguluhan.

2. Para kay Isabel, masarap maligo sa dagat ngayong tag-init.

3. Tanaw na_tanaw niya mula rito ang sasakyan ng kanyang ama.

4. Nakipagtulungan sa may kapangyarihan ang mamamayan upang lipulin ang


masasama sa bayan.

5. Mahusay siyang magsalita. Kung gayon maniniwala ako sa kanya.

6. Ang tiwala ni Ana May kay Mayor Duterte ay malaki.

7. Tumutupad lamang ako sa aking tungkulin ngunit ikinasama niya ito.

8. Mabilis silang lumayo sa kaguluhan nang hindi sila madamay.

9. Ikaw at ako ay magkasama sa paglutas ng problemang ito.

10. Ang halamang ito ay tunay na maganda.

You might also like