You are on page 1of 4

Aralin 4 – Pang-ugnay

Sa pagsulat ng sanaysay ay may mga pang-ugnay at mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng


sariling pananaw. Aalamin natin kung ano- ano ang mga ito.

1. Pang-angkop (Ligature) – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri
ng pang-angkop.
1.1 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Ihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita at ng panuring.
Halimbawa:
mabait na tao
buhay na marangya
1.2 Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:
masamang nilalang
maling akala
basang sisiw
2. Pang-ukol (Preposition) - Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan,
pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.

sa Ng
kay/kina alinsunod sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay
hinggil sa/kay ukol sa/kay
para sa/kay tungkol sa/kay

3. Pangatnig (Conjunction)- Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita,


sugnay, parirala, o pangungusap. Maaari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o
paglilinaw.

at Ni o Kaya Maging
kung alin sa halip kung sino siya rin kung saan
Man Saka Pati dili kaya Gayundin
kung gayon Datapwat Subalit Bagkus Samantala

1|Page
Maliban Habang Bagaman Kung sa bagay
Kundi Kapag Sakali Sana Pagkat
Sapagkat Kasi kung kaya Palibhasa dahil sa
sanhi ng anupa samakatwid sa madaling salita

Mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ang mga pang-ugnay. Maaaring banggitin ang sariling
damdamin, paniniwala, ideya, at karanasa sa pagbibigay ng sariling pananaw. Ilan sa mga pahayag na
ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang sumusunod:

 Naniniwala ako na...

 Para sa akin…

 Lubos akong naniniwala…

 Kung ako ang tatanungin masasabi kong…

 Palibhasa’y napagdaanan ko kaya nakikita kong…

 Sa pangyayari, masasabi kong…

Bahagi ng Sanaysay
1. PANIMULA-Sa bahaging ito madalas inilalahadang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-
akda at kung bakit mahalaga ang paksangtinatalakay

2. GITNA / KATAWAN - Inilalahad sa bahaging itoang iba pang karagdagang kaisipan o


pananawkaugnay ng tinalakay na paksa upangpatunayan, o suportahan ang inilahad
napangunahing kaisipan.

3. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito angkabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatangpalagay o


pasya tungkol sa paksa batay sa mgakatibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

Takdang-Aralin

Bilang kabataang Asyano ay nararapat lamang na mailahad mo ang sariling pananaw sa


pagpapahalaga sa mga kababaihang Frontliner sa panahon ng pandemya. Sa pagkakataong ito ay
hinahamon kitang sumulat ng isang sanaysay.
Narito ang mga pagpipilian mong paksa:
1. Ang ina sa ng tahanan sa panahon ng covid19

2|Page
2. Mga Nurse at manggamot na babae sa panahon ng pandemya.
3. Guro ko uliran… sa panahon ng New Normal.

Halimbawa ng Sanaysay
Pag-ibig
Pag-ibig daw ang pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ayon sa mga nakatatanda. Lahat daw
ng tao ay iibig isang punto sa kanilang buhay. Mayroong isang tao o bagay na pagbubuhusan mo ng
1 iyong pagmamahal at magiging mundo mo.

2 Sabi nga ng isang pamosong linya sa awit na isinulat ni Francisco Balagtas: “makapangyarihang
pag-ibig, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” Kadalasan ay sumasaklaw ito sa dalawang taong
nagmamahalan. Ang pag-ibig na ipinakikita ng kaniyang kapareha ay walang katulad kaya naman
anumang balakid at kaya nitong lampasan at harapin. Gayunman, hindi lamang pag-ibig sa kapuwa
2 tao ang nananaig sa mundo. May ilan na labis na iniibig ang kanilang mga sarili kaysa sa iba. May
ilan naman na mas iniibig ang mga materyal na bagay kaysa ang pagmamahal sa kapuwa. Ang labis
na pag-ibig, kung minsan, ay nakapagdudulot din ng kasamaan sa iba. Dahil sa labis na pagmamahal
sa sarili ay nawawalan na tayo ng pagmamahal sa iba. At imbis na pagmamahal ang lumaganap, ay
kasamaan pa ng tao ang namamayani.

3|Page
Kung bawat isa ay malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig, tulad ng pag-ibig sa atin ng
Maykapal, tiyak na magiging mapayapa at puno ng pagmamahal ang mundong ating ginagalawan.
3 Upang makamit ang kapayapaan, pag-ibig ang kailangan ng bawat tao, ang kailangan ng ating
mundo.

4|Page

You might also like