You are on page 1of 8

GABAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO 9

Unang Markahan – Ikaapat na Linggo


Setyembre 26-30, 2022

RAPID ASSESSMENT TEST FOR ENGLISH AND FILIPINO


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. Nakapagsasagot sa Rapid Assessment Test For English and Filipino
B. Natutukoy ang mga tuntunin sa pagsusulit
C. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
D. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya (F9PU -Ie -43)

TUKLASIN
Setyembre 26, 2022 – Synchronous (walang pasok dahil sa bagyo)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Natutukoy ang mga tuntunin sa pagsusulit

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Suri-Larawan: Suriin ang larawan

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
1.1 Ano ang nais ipabatid ng larawan? Ipaliwanag

2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Concept Map: Magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa
salitang “Pagsusulit”
Pagsusulit

Pangkat 2 – Gumuhit ng imahen na


maikakabit sa sagisag na “Pagsusulit”

Pangkat 3 – Gumawa ng slogan na humihikayat sa pagsunod sa mga


tuntunin sa pagsusulit

B. Sintesis
Bumuo ng hugot lines batay sa ideyang natutuhan mo sa aralin at gamitin
ang hashtag na #POTD (Pulot of the Day)

_______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

III. Kasunduan

1. Basahin at unawain ang tulang “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan,


Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

http://marebuen.blogspot.com/2014/06/kultura-ang-pamana-ng-
nakaraan-regalo.html
LINANGIN – Unang Sesyon ““KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

Setyembre 27, 2022 – Asynchronous

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagmasdan at suriin ang mga larawan.
B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Mula sa larawan na nakita ano-ano ang pagkakatulad ng bawat isa?
Ipaliwanag

2. Pagbasa sa Lunsarang Teksto


Basahin at unawain ang Teskto
“KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay
ng Kinabukasan”

Mga tanong:
1. Ano-ano ang panahong binanggit sa tula?
2. Isa-asahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula.
Iugnay ito sa iba pang kultura sa Timog-Silangan Asya.
3. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang paglalarawan?
Bakit?

3. Pagbibigay ng Input (Genre)

Pagbibigay ng Input

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ang mga pangungusap na ito ay


nagpapahayag ng matindi o maalab na damdamin. Kalimitan itong
ginagamitan ng tandang padamdam (!). Halimbawa:
• Naku po! Nahulog ang bata sa kanal.

2. Maiikling Sambitla – Ang maiikling sambitla ay mga salita o parirala na


nagpapahayag ng emosyon.
Halimbawa:
• Ayoko! Hindi mo ako mapapakain ng balut.
• Aray! Tumama sa ulo ko ang bola.
• Wow! Napakaganda ng tanawin sa lugar na ito.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng


Isang Tao – Ang mga pangungusap na ito ay nagpapahayag ng tiyak na
damdamin ng nagsasalita. Halimbawa:
• Kasiyahan: Nalulugod ako sa iyong pagpasa sa board exam.
• Kalungkutan: Kaisa mo ako sa iyong paghihinagpis sa pagkawala ng
iyong magulang. • Pagkagalit: Hinding-hindi ko matatanggap ang iyong
panloloko!

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi


Tuwirang Paraan – Ang uri ng pangungusap na ito ay matalinghaga
dahil hindi tuwirang binabanggit ang damdamin o sa masining na
paraan ipinahahayag ang damdamin.
Halimbawa:
• Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing nakakikita ng basura sa paligid. (Ibig
sabihin ng nag-iinit ang ulo ay nagagalit.)

4. Pagsasanay
Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. Isa itong uri ng panitikan na kadalasang may taludtod, saknong,


sukat, at tugma.
A. Alamat
B. Nobela
C. Tula

2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kulturang tinataglay bilang isang Asyano?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto
B. Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
C. Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
D. Pagsuporta sa kaisipang kanluranin

3. “Nakalulungkot isipin na ang mundo ay biglang nagbago dahil sa


naranasang pandemya.” Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa
pangungusap?
A. Mga Pangungusap na Padamdam
B. Maiikling na Sambitla
C. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
D. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Hindi Tuwirang Damdamin

4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga Pangungusap na


Nagsasaad ng Hindi Tuwirang Damdamin maliban sa isa.
A. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang pambabastos niya
sa akin.
B. Halos pumutok ang ulo niya nang mabalitaang niloko siya ng
kasintahan niya.
C. Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
D. Nagkibit-balikat lamang siya sa hiling ng kaniyang kaibigan.

5. Ito ay taludtud na may sukat ngunit walang tugma.


A. Tradisyunal
B. Blangko Berso
C. Malayang taludturan
C. Sintesis
Sa binasang tula ano naging bisa sa iyo ayon sa hinihingi sa ibaba at bigyan
ng maikling pagpapaliwanag.

ISIP… DAMDAMIN… ASAL…

III. Kasunduan
1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagsusulit (RAT)

Setyembre 28-29, 2022 – Face to Face (Rapid Assessment Test)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakapagsasagot sa Rapid Assessment Test For English and Filipino

ILIPAT

Setyembre 30, 2022 – Asynchronous

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya (F9PU -Ie -43)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang-gawain
Basahin at unawain ang bahagi ng tulang “Ang Guryon”

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
1.1 Ano ang naging saloobin mo sa taludtod na binasa? Ipaliwanag
2. Pagbibigay ng Input

Tatlong Uri ng Taludturan

May iba’t ibang uri tayo ng taludturan sa pagsulat ng tula. Bawat isa ay
may katangian na kaiba sa iba.

1. Tradisyunal -kapag ang taludtod ng tula ay may sukat at tugma. Ito ang
karaniwang uri ng taludturan sa mga tula.
2. Blangko Berso -ito naman ay taludtod na may sukat ngunit walang tugma.
3. Malayang Taludturan -gaya ng tawag dito, ito ay malaya dahil ang mga taludtod
ng tulang ito ay walang sukat at wala ring tugma.

3. Pagbibigay ng Sitwasyon (GRASPS)

Nagbukas ka ng iyong facebook. Nabasa mo sa nasabing site na ang isa


mong kaibigan ay binati ng mga kaibigan niya dahil kaarawan niya. Upang
maidama mor in sa kanya ang kahalagahan niya sa buhay mo bilang kaibigan ay
gagawan mo siya ng isang tula. Tutulain at irerekord mo ito

Pamantayan

Nilalaman at pamamaraan 50%


Istilo 25%
Pananalita 15%
Orihinalidad 10%

Kabuaan 100%

III. Takda
Manaliksik tungkol sa “Sanaysay”

Inihanda ni:

FERLAN V. PEDROZO
Guro I

Binigyang-pansin:
JULIETA DG. MADERA RODRIGO G. NATIVIDAD
Puno ng Kagawaran VI Punongguro III

You might also like