You are on page 1of 4

Filipino Reviewer

Cupid at Psyche

Ang akdang "Psyche at Cupid" ayumiikot sa pag-ibig ng dalawangnilalang na nagmula sa


magkaibangmundo. Tinangkang sirain ng ina niCupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging
matagumpay sakabila ng mga pagsubok. Sa huli,aynaging immortal na rin si Psyche atwala ng hadlang sa
pagsasama nilangdalawa

Mga Kayarian ng Salita

1. Payak - binubuo ng salitang-ugatlamang.


Halimbawa: punyal, dilim, langis

2. Maylapi-binubuo ng salitangat isa o higit pang panlapi.Mga


Halimbawa:kasabay,paglikhamarami,sinasabi,sumahod

3. Inuulit-ang kabuoan o isa o higitpang pantig sa dakong unahan ayinuulit.


Halimbawa: araw-araw.sabi-sabi,sama-sama, aangat,tatakbo

4. Tambalan - binubuo ng dalawangsalitang pinagsasama para makabuo ngisang salita.


Halimbawa: bahay-kalakal, habingilok, balik-bayan, hampaslupa

Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.


Pokus ng Pandiwa ay ang relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

1. Pokus sa Tagaganap (Aktor) – Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad
ng pandiwa. Magagamit ang mga panlaping um-/-um. mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag-
an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang at magagamit din bilang pokus sa tagaganap
ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila.
Halimbawa: Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos.

2. Pokus sa Layon (Gol) - Ang pokus ay nasa pokus sa layon kung ang pinaguusapan ang siyang layon
ng pangungusap. Ginagamit na panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/-han, ma-, paki-, ipa- at pa- at
panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa: Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa.

3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktibo) – Ang paksa ng pangungusap ay ang tumatanggap o


pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala rin ito sa tawag na Pokus sa Pinaglalaanan.
Sumasagot ito sa tanong na “para kanino?” Ginagamit ang mga panlapingi-, -in, ipinag-, ipag-, -han/-
an atbp.
Halimbawa: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – Ang kasangkapan o ang gamit ang paksa ng pangungusap
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. Kilala rin ito sa tawag na Pokus sa Gamit. Sumasagot ito sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?” Ginagamit ang panlaping ipa-, ipang-, maipang-.
Halimbawa: Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay Psyche.
Ang Tusong Katiwala
May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo, Sa di kalaunan ay nalaman ng
kanyang amo ang kanyang panglulustay na ginagawa. Sinabihan siya ng kanyang amo na aalisin na sa
kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay kailangan muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol
sa kanyang pangangasiwa. Naging problema iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panglulustay
na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang amo. Mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho
lamang na gusto niya ay ang maging katiwala, ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal ng lupa.
Kaya naman nakaisip siya ng tusong paraan. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo
at pinapirma ng kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal na
utang nila upang kung sakali man na masesante siya ay mayroon man lamang na tatanggap at
magpapatuloy sa kaniya. At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng katiwala.

Parabula ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral
na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan, galing sa salitang Griyegong
“parabole” na nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit ito
ng simile at metapora o matatalinghagang salita pahayag upang bigyang-diin ang kahulugan.

Mga Elemento ng Parabula


1. Tauhan – ang karakter nito’y humarahap sa isang suliraning moral o gumagawa ng kaduda-dudang
mga desisyon at pagkatapos ay tinatamasa ang kahihinatnan nito.

2. Tagpuan - Ito’y nagpapakita ng tagpuan, naglalarawan ng aksiyon at nagpapakita ng resulta.

3. Banghay – Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

4. ARAL AT KAISIPAN – Katulad lamang ng ibang klaseng kwento, ang parabula rin ay may taglay na aral
para sa mga mambabasa. Sa isang parabula, gumagamit ng metapora o pagtutulad para mabigyan ng
kahulugan ang aral na makukuha.

Pagsasalaysay ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag ng


sunod-sunod na mga pangyayari. Isa sa mga mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang
magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang nakapupukaw sa
interes ng mga mambabasa.

Layunin ng Pagsasalaysay
1. Nagbibigay kaaliwan o libangan
2. Nagmumulat sa katotohanan
3. Nakapagdaragdag ng kaalaman at karunungan
4. May kakayahang bumuo ng isang pangyayari

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay


1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. Kaakit-akit sa simula.
5. Kasiya-siyang wakas
Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay. Ang mga pang-ugnay ay maaari ring
magsilbing mga panandang pandiskurso na maghuhudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Uri ng Pang-ugnay
1.Pangatnig – ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
Kataga – at, na, o, ni
Salita – kahit, ngunit, subalit, sana

2. Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa


pangungusap.
Halimbawa: ng, sa, kay, para, nasa

3. Pang-angkop – ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, -g). Sa
ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.

Gamit ng Pang-ugnay
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon - Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa
paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang
dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at
gayon din.

2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal - Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng


paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.
Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga.

Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw ay magagamit sa mabisang pagbibigay ng opinyon, saloobin o


perspektibo sa pagsulat ng sanaysay. Maaari itong ekspresiyong ginagamit sa pagpapa-hayag ng
pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa at pananaw. Ito rin ang tutukoy kung ang
pahayag sa isang teksto ay nagsasaad ng Opinyon o Katotohanan.

Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw – Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip,
sinasaad, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

1. Ayon, Batay, Alinsunod, Sang-ayon sa - ginagamit natin ang mga ekspresiyong ito kung
mayroong matibay na batayan ng pahayag. Samakatuwid, katotohan ang isinasaad nito na maaaring
magsaad ng idea o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat ng tao.

2. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, inaakala, iniisip ni/ng - ginagamit ang
mga ekspresyong ito batay sa sariling paniniwala, idea, saloobin at perspektibo. Samakatuwid,
opinyon ang isinasaad nito na hindi maaaring mapatunayan.

Mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw –


nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw.
1. Sa isang banda, sa kabilang dako – ginagamit kung magbabago ang tema at paksa ng pinag-uusapan
sa pahayag.

2. Samantala, Habang – ginagamit sa mga kalagayang mayroong pansamantala. Ginagamit ang


habang kung mahaba.

Panandang Pandiskurso ang mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap. Ito ay nagbibigay-linaw
ng mga kaisipang inilahad sa teksto.

Panandang Pandiskurso ang mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap. Ito ay nagbibigay-linaw
ng mga kaisipang inilahad sa teksto.Uri ng Panandang Pandiskurso

1. Mga panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari


a. sa pagsisimula – simula, unang-una
b. sa gitna – ikalawa, ikatlo, sumunod
c. sa pagwawakas – sa huli, sa wakas

2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso


a. pagbabagong-lahad – sa ibang salita, sa kabilang dako, kung iisipin
b. pagtitiyak o pagpapasidhi – siyang tunay, tulad ng, sumusunod
c. paghahalimbawa – halimbawa, gaya ng, tulad ng
d. paglalahat – sa kabuoan, sa lahat, bilang pagtataps
e. pagbibigay-pokus – bigyang pansin, tungkol sa
f. pagpupuno/pagdaragdag – muli, din, rin, at, saka, pati
g. pagbubukod/paghihiwalay – maliban, bukod, huwang lang
h. Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan – tuloy, bunga, kaya naman, kung kaya, kaya nga
i. nagsasaad ng kondisyon o pasubali – kapag, sakali, kung

Paglalarawan ang isang paraan upang maliawanag ang pakikipagtalastasan. Maging madali ang
pagkakaunawaan sa mga salitang angkp na ginagakmit sa paglalarawan ng mga bagay na pinag-
uusapan. Ang pang-uri ay mga salitang angkop na gamitin sa paglalarawan. Naglalarawan sa tao,
bagay, pook o pangyayari.

Uri ng Paglalarawan
1. Obhektibo o Karaniwang Paglalarawan – karaniwang anyo ng paglalarawang naayon sa nakikita.
Hindi nahahaluan ng emosyon, saloobin, at idea. Isang pisikal na larawan kagaya ng tao at mga
tanawin. Layunin na maipakita ang kabuoan ng tao o lugar na nakikita.
Halimbawa - Maganda ang lahat kay La Esmeralda, makinis at maputi ang kaniyang balat,
makintab ang mahaba niyang buhok at kapag ngumiti, lumalabas ang kaniyang maputi at pantay na
mga ngipin.

2. Subhektibo o Masining na Paglalarawan –napalooban ng damdamin at pananaw ng manunulat


ukol sa kaniyang inilalarawan. Naglalarawan ng pagksa batay sa kaniyang pagtingin o pagbigay ng
kahulugan. Pumupukaw ng mga imahinasyon at gumagamit ng salitang makukulay, tunog, galaw at
matinding damdamin kagaya ng matatalinghagang salita.
Halimbawa – Tila isang diyosa si La Esmeralda sa kagandahan.

You might also like