You are on page 1of 5

1

I. PAGBATI
Pagbati sa mga panauhin si Gng Madera (baka may iba pang manood)

II. PANALANGIN
Pangungunahin ni LUIGI BALDISIMO

III. PANIMULANG GAWAIN

**Maaaring sagot***

1. Sa aking palagay si DR. JOSE RIZAL po ang nagpasiklab ng pagiging makabayan ng mga Pilipino sa
kanyang isinulat na Noli Me Tangere.
2. Sa aking paniniwala si ANDRES BONIFACIO po ang nagpagising sa diwang makabayan ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagkatatag niya ng KKK
3. Si ANDRES BONIFACIO po ang lumaban sa mga pananakop sa pamamagitan ng baril at balo.
4. Dahil sa isinulat po ni Rizal na nobela tulad ng Noli Me Tangere namulat ang mga Pilipino sa
maling pamamalakad ng mga Kastila.

SIPAT- KAALAMAN

MR. PEDROZO : Mayrooon ba kayong karagdagang kaalaman tungkol kay Rizal o Bonifacio?
Ihayag mo ito.

***Maaaring sagot***
1. Si Dr. Jose Rizal po ay pangpito sa magkakapatid.
2. Si Dr. Jose Rizal po ang sumlat ng Noli Me Tangere na tumatalakay sa kanser ng lipunan.
3. Si Dr. Jose Rizal po ay isang mahusay na manunulat na kilala sa iba’t ibang panig ng mundo.
2

4. Kilala po si Andres Bonifacio bilang SUPREMO ng Katipunan.


5. Si Andres Bonifacio po ay isang matapang na Katipunero.

MR. PEDROZO: Mahusay klase! Mayroon tayong iba’t Ibang paraan sa pagpapahayag ng ating
opinion o ideya na inaangkop sa iba’t ibang sitwasyon. Alamin natin kung ano-ano ito.

IV. PAGTALAKAY NG PAKSA

Paksa: Iba’t Ibang paraan ng Pagpapahayag ng Ideya


1. Paglalarawan
1.1 Karaniwang Paglalarawan
1.2 Masining na Paglalarawan
1.3 Teknikal na Paglalarawan

MR. PEDROZO: Mula sa halimbawang inyong binasa na karaniwang Paglalarawan. Ano-anong mga salita
ang naghahayag ng kongretong paglalarawan?

***Maaaring Sagot***

1. Pandak
2. Di kaputian
3. May bilugang Mata
4. Maitim na buhok

MR. PEDROZO: Bumuo ng karaniwang paglalarawan mula sa larawan na nakikita


3

***Maaring sagot***

1. Pinapakita sa larawan ang pagbubuhat ng isang bahay upang ilipat sa ibang lugar
2. Ang bayanihan po ay nagpapakita ng pagtutulungan sa lipunan.

MR. PEDROZO: Aling bahagi ng pahayag ang nagpapakita ng masining na paglalarawan nito?

***Maaaring sagot***

1. Ang kapayaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni
Danding.

MR. PEDROZO: Ang pahayag ay isang uri ng tayutay na?

***Maaring sagot***

1. Simile po o Pagtutulad dahil po sa salitang TILA.

MR. PEDROZO: Maaari ba kayong bumuo ng masinig na paglalarawan mula sa larawan?

***Maaring sagot***

1. Tila bundok ng labahin ang kanyang kakaharapin.


2. Kabundok ng labahin ang kanyang dinatnan sa tahanan.
4

MR. PEDROZO: Mula sa halimbawa aling mga salita o pahayag ang nagpapakita ng teknikal na
paglalarawan?

***Maaaring Sagot***

1. 6.17 meters mula nguso hanggang buntot


2. bigat ay 1,075 kilograms
3. noong labintatlo ng Setyembre taong 2011 sa Bunawan, Agusan del Sur.

MR. PEDROZO: Sa iyong palagay may pag-asa bang umunlad ang Pilipinas?

***Maaaring sagot***

1. Sa aking pong palagay may pag-asa pang umunlad ang Pilipinas kung magtutulungan ang bawat
isa.
2. Para sa akin po malaking ang pag-asa ng pag-unald ng Pilipinas kung lahat ay magiging ng patas
ng oportunidad
3. Ang paniniwala ko po ang pag-unlad ng Pilipinas ay nasa kamay ng bawat isa sa Pilipinas.

MR. PEDROZO: Anong salitang ginamit sa pahayag na nagpapatunay na isa itong pagpapahayag na
PAGPAPATUNAY?
5

***Maaaring sagot***

1. Ang salitang pong PINATUTUNAYAN LAMANG

V. SINTESIS

***Maaaring Sagot***

1. Smiley emoticon po dahil nakakatuwang isipin na mayroon pong iba’t ibang paraan sa
pagpapahayag ng ideya.
2. Heart emoticon po dahil marami po akong natutuhan tungkol po sa paksang tinalakay na
tulad ng karaniwang, masining, at teknikal na Paglalarawan.
3. Clap emoticon po pinapakita po ng aralin na may malawak na pamamaraan sa pagpapahayg
ng ideya na umaangkop sa iba’t ibang sitwasyon.

***WAKAS***

You might also like