You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 3 IKATLO AT IKAAPAT NA


LINGGO
Kwarter 3

ANG AKING KARANASAN

Unawain Natin
Basahin natin ang liham ng isang bata na nagkukuwento ng kanyang
naging karanasan sa paglahok sa isang paligsahan.

Block 5 Lot 51
Brgy. Tambo, Parañaque City Ika
-1 ng Oktubre, 2020

Mahal kong Rachel,


Kumusta ka na? May nais akong ikuwento sa iyo. Sumali ako sa isang
paligsahan ng pagguhit online at ako ang nanalo. Noong una ay nag-alangan pa ako
dahil hindi naman ako ganoon kagaling. Nag- ensayo ako araw-araw. Lagi akong
tumitingin ng mga larawan na maaari kong magamit. Nanood ako ng mga “video
tutorials” kung paano mas magiging maganda ang aking pagguhit.
Marami rin kaming lumahok sa paligsahan, mga bata at matatanda. Mula sa
isang daan na kandidato ay pumili ng dalawampu. Hanggang sa naging lima na lang
ang napili nila at nakasama nga ako sa limang napili. Hindi ko sukat akalain na ako
ang magwawagi sa paligsahan. Malaki rin ang premyo na aking napanalunan.
Ipinadala nila ito agad sa aking “bank account”.
Alam mo ba, ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagguhit dahil sa husay at
dedikasyon mo sa pagiging frontliner. Bilang isang nars, ikaw ay patuloy na
nagbubuwis ng buhay para sa kaligtasan ng ating mga kababayan laban sa
pandemiyang hinaharap natin ngayon.
Salamat Rachel at sana magkaroon tayo muli ng pagkakataong magkita at
magkuwentuhan nang personal.

Ang iyong kaibigan,


Monica

1
Ngayon sa tulong ng iyong magulang o tagapag-alaga, basahin mo ang mga
salitang may salungguhit sa liham.

Sumali Nag-eensayoNanood
ipinadala magkitamagkuwentuhan

Ano ang napapansin mo sa mg salitang nasa kahon? Ano ang


mga isisnasaad ng mga ito?
Tama, ito ay mga salitang kilos.
Ang mga ito ay nagpapakita o nagsasaad ng kilos o galaw. Ang mga ito
ay tinatawag na salitang kilos o pandiwa.

SALITANG KILOS

 Ang salitang kilos o pandiwa ay isa sa nagbibigay- buhay sa mga


pangungusap. Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, hayop o
bagay. Binubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi.
 Halimbawa ng mga Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in at hin

Halimbawa:

Salitang-ugat Panlapi Salitang kilos


iyak um umiyak
sulat nag nagsulat
takot in tinakot
basa hin basahin
tanggap ma matatanggap

May Tatlong (3) Panahunan o Aspekto ang Pandiwa;


Pangnagdaan, Pangkasalukuyan at Panghinaharap,
Mga Panahunan o Aspekto ng Pandiwa

1.PANGNAGDAAN
- Ito ay aspekto ng pandiwa na naganap na. Kilos na tapos nang mangyari
o ginawa na.
Halimbawa:
 Nagbasa- Si Mira ay nagbasa ng aklat niya kagabi bago matulog.
 Kumain – Kami ay kumain ng almusal kaninang
umaga.

2.PANGKASALUKUYAN

- Ito ay aspekto ng pandiwa na nagaganap sa kasalukuyan.


Kilos na ginagawa pa o nagaganap pa.
Halimbawa:
 Nagbabasa – Tahimik na nagbabasa ang mga mag- aaral sa silid-
aklatan.
 Kumakain - Kumakain ng gulay at prutas ang bata.

ANGHINAHARAP
o ay aspekto ng pandiwa na gaganapin pa lang.Mga salitang kilos na hindi pa nangyayari o gagawin pa lan
alimbawa:
Magbabasa – Magbabasa ako ng paborito kong aklat bukas.
akain – Kakain ka ba rito mamayang hapon?
Ilapat Natin
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pandiwa o salitang kilos ayon sa
larawan.
pngio.com
1. 2. 3.

pngio.com 123rf.com

clipartstation.com

4. 5. 6.

clipartkey.com

educationalwisdomforall.wordpress.com

classroomclipart.com

Gawain 2
Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan upang mabuo ang tatlong aspekto ng
pandiwang ibinigay sa bawat bilang.
Salitang Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
Kilos
1. hiram hiniram hihiram
2. laba naglalaba
3. sayaw sasayaw
4. aral nag-aral
5. luto

Gawain 3
Panuto: Salungguhitan ang wastong pandiwa na bubuo sa bawat pangungusap.

1. Ito ang gamot na (uminom, iinumin, ininom) ng bata kanina.

2. Ang aso namin ay (tumahol, tumatahol, tatahol) tuwing nakaririnig


ng kaluskos sa gabi.

3. Si Juan ay (nagising, nagigising, magigising) sa tilaok ng manok


kaninang umaga.

4. (Nadapa, Nadadapa, Madadapa) ang batang tumakbo kanina.

5. Si Joey ay (nagbasa, nagbabasa, magbabasa) ng aklat sa silid-


aklatan bukas.
Tandaan:
Upang matukoy ang aspekto ng pandiwa maaring maging gabay ang mga salitang
pananda.
Naganap na: kahapon, noon, kanina, nakaraang araw, nakaraang buwan.
Nagaganap: ngayon, kasalukuyan,araw-araw,tuwing
Magaganap pa lang: bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa Lunes, sa darating na taon, sa
makalawa

Suriin Natin
Gawain 1
Panuto: Pakinggan ang maikling teksto at ibigay ang paksa o diwa
nito. (Ang mga magulang o tagapag-alaga ang magbabasa ng teksto
habang nakikinig ang bata)
Karapatan ng bawat bata ang maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga sa kan
Bilang nakatatanda, nakagapos na ang kamay ni Leo sa responsibilidad ng pag-aaruga sa dala

1. Ano ang paksa ng teksto?

2. Ano ang naging responsibilidad ni Leo sa kanyang mga kapatid?

3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng karapatan ng isang bata? Bakit?

ento, talata, teksto o usapan. Dito umiikot ang lahat ng magkakaugnay na mga pangyayari. Ito ay matutuko
Gawain 2
Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang kung ano ang paksa o pinag- uusapan sa
bawat talata.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang kung ano ang paksa o pinag- uusapan sa
bawat talata
1. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay dapat na itunuturo sa mga bata
kahit sa murang edad upang alam na nila kung paano pangalagaan ang
kapaligiran.

2. Maraming paraan ng pagtulong sa kapwa, hindi lamang pagbiibigay


ng limos. Maari rin sila bigyan ng kaalaman sa isang bagay na mapa-
unlad nila.
3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng kanyang mga magulang
maging ng ibang tao. Naipapakita niya ang paggalang sa iba’t-ibang
paraan gaya ng pagmamano, pagsabi ng “po at opo” at iba pa.

4. Sa pandemyang ating naranasan ay maraming aral ang ating


natutuhan. Importanteng pangalagaan ang katawan, kumain ng sapat,
mag ehersisyo, uminom ng mga bitamina at higit sa lahat panatilihin
malinis ang ating katawan.

Basahin at unawain ang maikling teksto. Pag-aralan ang


pangunahing paksa at sumusuportang kaisipan
Si Rolando ay isang batang masipag mag-aral. Lagi siyang nag-aaral ng
kanyang mga aralin. Bago siya matulog sa gabi, muli niyang binabasa ang
aralin na itunuro ng kaniyang guro upang kinabukasan ay makasagot at
makasali siya sa talakayan sa klase. Tuwing may pagsusulit ay walang
sinasayang na oras si Rolando sa pag-aaral. Matataas ang mga markang
nakukuha niya. Kaya naman siya ang nangunguna sa buong klase.
Ang Pangunahing Paksa sa teksto ay …… Si Rolando ay batang
masipag mag-aral.
Ang mga Sumusuportang Kaisipan sa teskto 1. Lagi
siyang nag-aaral ng kanyang mga aralin
2. Bago siya matulog sa gabi, muli niyang binabasa ang aralin.
3. Walang sinasayang na oras si Rolando sa pag-aaral 4. Mataas
ang mga markang nakukuha niya 5. Siya ang nangunguna
sa klase.
Tandaan:
Ang Pangunahing Kaisipan ay tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat
tungkol sa paksa. Ito ay ang pinakamahalagang ideya ng teksto. Isinasaad nito ang sentrong
kaisipan o kung tungkol saan ang teksto sa pangkahalatan.
Karaniwang matatagpuan sa simula, gitna, dulo ng isang talata.

Ang Pantulong na Kaisipan ay ang mga sumusuportang detalye upang maging tiyak
ang pangunahing kaisipan. Nagbibigay ang mga ito ng mga tiyak na detalye na nagpapalawak
sa sentrong ideya.

Tayain Natin
Panuto: Sumulat ng isang talata na may apat hanggang limang
pangungusap (4-5) tungkol sa hindi malilimutang karanasan.
Kahunan ang pangunahing paksa.
Bilugan ang mga sumusuportang kaisipan. Isulat sa malinis
na sagutang papel ang iyong sagot.

Likhain Natin
Panuto: Gumawa ng personal mong talaarawan o journal na nagbabahagi
ng iyong karanasan o mga gawain sa loob ng isang linggo. Gagamit ka ng
mga pandiwa sa paggawa nito. Maging malikhain sa paggawa, maaari
kang gumuhit o gumupit ng mga larawan. Sa pinakahuling bahagi ay
isulat mo ang iyong Repleksyon sa gawaing ito.

Sundin ang mga pamantayan sa ibaba sa paggawa ng iyong journal.

You might also like