You are on page 1of 19

2

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 3:
Sabihin Mo!
Filipino – Baitang 2
Kwarter 1 – Modyul 3 : Sabihin Mo!

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-


ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan
maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Leila I. Nagrampa


Editor: Baby Elsie M. Jove
Tagasuri: Rechie O. Salcedo
Tagaguhit: Emma N. Malapo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Ang Mensahe,
Paksa o Tema ng Teksto
Panimula:

Saan mo nababasa ang mga patalastas,


kuwento at tula?
Araw-araw ay nakaririnig at nakababasa kayo ng mga
kuwento, patalastas at tula. May iba’t ibang mensahe
ang mga ito na dapat nating makuha at maintindihan.
Halika, Ihanda mo na ang iyong sarili dahil mamasyal
tayo sa ating aralin. Sinisiguro ko na mag-eenjoy ka sa
iyong gagawin!
Sa araling ito, matutulungan kang maunawaan mo
ang mensahe, paksa o tema na nais ipabatid sa isang
patalastas o teksto hango sa tunay na pangyayari o tula.

Sa modyul na ito,
inaasahan na nasasabi mo ang
mensahe, paksa o tema na nais
ipabatid sa patalastas,
Layunin: kwentong, kathang-isip o teksto
hango sa tunay na pangyayari
o tula.

1
Bago tayo magsimula sa pagsagot sa mga
gawain sa bawat pahina ng modyul na ito,
kilalanin mo muna ang mga salita para sa
araling ito.
Talasalitaan:
Basahin natin!

Tema o
paksa
ito ay ang
Teksto Mensahe sentro
pinag-
ng

-ay -ay ang nais ipabatid uusapan sa


nagpapahayag o ipaabot ang isang teksto
ng ideya o kahulugan ng isang
sinabi binasang teksto o
kwento.

Ngayong alam mo na ang


kahulugan ng mga salita, kunin
mo na iyong kuwaderno para
isulat ang iyong mga sagot
Ngayon, handa ka na ba sa
bawat hamon na iyong
gagawin?
!

2
Ano ba ang alam mo na sa
ating aralin, subukan mo nga?

Panimulang Pagsubok:

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang letra


na nagsasabi ng mensahe o paksang nais ipaabot sa
bawat teksto o pangyayari.
1. Araw-araw, maagang gumigising si Nanay Belen.
Nagluluto siya ng agahan.Pagkatapos ay ihahatid sa
eskwelahan ang mga anak.
A. maasikaso C. matatag
B. masipag D. mapagbigay
2. Araw-araw ay may naititirang perang si Helen mula sa
baong ibinibigay ng kaniyang tatay . Hindi niya ito basta
ginagastos sa bagay na walang halaga.
A. maasahan C. malakas
B. mahusay D. matipid
3. Inay, ako na po ang magwawalis sa buong sala.
Kayang-kaya ko iyon!
A. matulungin C. malakas
B. mahusay D. matipid

4. Ma’am, may nakita po akong pitaka sa ilalim ng mesa.


Heto po baka hinahanap na po ito ng may-ari.
A. maawain C. matapat
B. malinis D. masinop

3
5. Inay, kawawa naman po ang matanda. Maari po
ba natin siyang bigyan ng pagkain?
A. maawain C. masinop
B. matapat D. malinis

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 14 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong


masagot ang mga tanong tungkol
sa iba’t ibang pangyayari.
Halika, may inihanda akong
tula para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo ang tula.

Tayo nang maglinis ng ating bakuran,


dapat alagaan, mahalin ang kalusugan.
Hirap at sakit ating maiiwasan,
kung tayo ay laging nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man matanda,


huwag hintayin, sakit ay mapala.
Laging isaisip, maglinis sa tuwina,
pagtulungan ang susi para guminhawa.

4
Ano ang mensahe ng tula?

Tama! Kailangan nating linisin at


alagaan ang ating kapaligiran.

Bakit kailangan maglinis ng paligid ?

Tumpak! Kailangan nating maglinis ng


ating kapaligiran upang iba’t ibang sakit ay
maiwasan.

Basahin ang talata o kuwento.


Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng
mga basyo ng bote at plastic na nakatambak sa mga bakuran
at looban ng ilang kabahayan na nagdudulot ng kalat at dumi
sa paligid.
Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at
insekto. Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng
mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbabaha. Nagiging sanhi
nang pagbaho ng hanging ating nalalanghap
Huwag na nating hintayin ang salot na maidudulot ng
mga basura.Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

https://www.google.com/search?q=public+domain+cartoon+images+recyclable+material;
https://en.wikipedia.org/wiki/Paper_recycling

5
Ano ang mensahe o paksa na nais
ipabatid ng kwentong iyong binasa?
Maaari mo bang sabihin?

Magaling! Itapon ng mabuti ang mga


basura. Dapat gamitin ng maayos ang 3 R’s:
Reduce, Reuse at Recycle.

Basahin ang patalastas


Subukin mo naman ang isang patalastas.

Patalastas
Bata: Bakit po Inay bawal pumutol ng
mga punongkahoy?
Inay: Anak, alam mo bang malaking
tulong ang naidudulot ng punongkahoy
sa pagpigil ng baha.
Bata: Ganun po pala Inay! Kailangan
nating ingatan at pangalagaan ang
ating kabundukan.

Sabihin mo nga kung ano ang


mensahe/paksa ng patalastas na
iyong nabasa?

Ang Galing! Ang mensahe ng


patalastas
v ay dapat pangalagaan
ang ating kabundukan upang
maiwasan ang pagbaha.

6
Yehey! Alam ko na! Kung paano sabihin ang
mensahe, paksa o tema na nais ipabatid ng isang tula
o tekstong binasa ko, maging ito ay patalastas, balita o
talambuhay o kathang-isip.
Ito ay ang pinaka ideya na nais iparating ng
sumulat sa mga mambabasa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang


iyong nalaman?
Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong
pag-aaral?
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong
pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

I. Panuto: Basahin ang mga


teksto sa ibaba. Sabihin ang
mensahe/tema o paksa nito.
Piliin ang titik ng tamang sagot
Pagsasanay sa loob ng kahon.

A. masayang maglaro sa ulan D. ang pagpinta


B. ang pagluto ng kanin E. maruming
paligid
C. masipag na mag-aaral

7
1.Si Darena ay palaging nag-
babasa ng aklat. Kaya’t madali
niyang maunawaan ang mga
aralin. Siya’y nakakuha ng mataas
na marka.Kaya tuwang-tuwa sa
kanya ang mga magulang.

2. Si Nene ay tumutulong sa
kaniyang nanay na magluto ng
kakainin para sa kanilang almusal
bago pumasok.

3. Sa lugar ng Bayumbong ay
nagkalat ang mga basura na
magdudulot ng sakit sa mga tao
upang maiwasan ito kailangang
maglinis at itapon ang basura sa
tamang lalagyan.

4. Ang magkakaibigan ay
masayang naliligo sa ulan.
Nagdudulot ito ng magandang
karansan na hindi nila malilimutan.

8
5. Nagpipinta ng magandang
tanawin si Jasper na ireregalo niya
sa kaarawan ng kaniyang nanay.

II. Panuto: Basahin ang teksto Pagsasanay


sa Hanay A at sabihin mo
ang mensahe o paksa na
nasa Hanay B. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong
A. Iwasang kumain ng junk
pag-iingat ay isinasaalang-alang. Palitan
nang madalas ang tubig sa plorera.Linisin ang
food at pag-inom ng
loob at labas ng bahay. Maging malinis sa nakalatang inumin
tuwina.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura B. Maglinis ng kapaligiran
kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang
kapag umuubo o bumabahing nang hindi dengue
makahawa ng iba. Umiinom ng maraming
tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. C. Kabutihang dulot ng
Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito. sapat na pag-inom ng
Nakatutulong din ang mga ito upang tubig
mapanatiling malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa D. Mga dapat gawin kapag
araw-araw.Nakatutulong ito para sa mabilis
inuubo at sinisipon
na pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan
nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng
katawan.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng E. Kumain ng prutas at
nakalatang inumin. May mga kemikal ito na gulay upang maging
hindi mabuti sa katawan. malusog ang katawan

9
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Tingnan ang sagot sa pahina 14.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay. Ipagpatuloy ang


pagsasanay 3

III. Panuto: Basahin ang kuwento at sabihin ang


mensahe o paksa na nais iparating ng
tekstong binasa. Pagkatapos
Pagsasanay
iguhit mo ang iyong sagot sa
malinis na papel.

Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang


pasyalan sa Pilipinas. Ito ay nasa Lungsod ng Maynila.
Dito matatagpuan ang bantayog ni Jose Rizal, ang
ating pambansang bayani. Ito ay nasa tabing-dagat
kung saan makikita ang maganda at makulay na
paglubog ng sikat ng araw.
Maraming tao ang namamasyal dito upang
magpiknik. Nakalalanghap dito ng sariwang hangin
dahil sa maraming halaman at malalagong
punongkahoy na nakatanim sa buong parke.

Ngayon, tapos mo na ang iyong paglalakbay


sa lahat ng pagsasanay.
Tingnan mo ang iyong mga kasagutan
sa pahina__. Ang resulta ng iyong pagsisikap:
___________________

10
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa
mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling
Panapos na Pagsubok pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panuto: Piliin ang letra na nagsasabi kung ano ang


mensahe na nais ipaabot sa tekstong binasa.
1. Nakapulot ng isang wallet si Erica habang siya ay
naglalakad papuntang paaralan. Pagdating niya,
agad niyang ipinagbigay alam sa kanyang guro
upang maisuli sa nagmamay-ari ng wallet.
A. Masipag C. Mabait
B. Matapat D. Matulungin
2. Abalang- abala ang mga mag-aaral sa ikalawang
baitang sa paglilinis ng kanilang klasrum, nang marinig
ang tunog ng bell. Agad silang pumunta sa linya
upang makiisa sa pagpupugay ng watawat ng
Pilipinas.
A. Makabansa C. Makatao
B. Makadiyos D. Makakalikasan

11
3. Pagsapit ng ika-anim ng gabi ay nagsasanto rosaryo
ang pamilya Cruz at sila ay nagsisimba rin tuwing
Linggo upang magpasalamat sa mga biyayang
natanggap araw-araw.
A. Makabansa C. Makatao
B. Makadiyos D. Makakalikasan
4. Isang kasiya-siyang bata si Rica dahil sa kanyang
magandang ugaling ipinapakita sa kanyang kapwa.
Tuwing may kalamidad siya ay hindi nagaatubiling
tumulong sa kanilang lugar.
A. Mabait C. Mapagbigay
B. Masipag D. Masinop
5. Napakagandang pagmasdan ang hardin ni Juvy. Dito
makikita ang iba’t ibang uri ng haalaman at
makukulay na bulaklak kaya’t ito’y nagbibigay sigla sa
mga kabataan dahil sa samyo at sariwang hangin.
A. Makabansa C. Makatao
B. Makadiyos D. Makakalikasan

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito.
Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 14.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin
sa ibaba.
 nagawa lahat  1 hindi nagawa
 2 hindi nagawa 3 pataas hindi nagawa

12
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Basahin at iguhit ang mensahe/paksang nais


sabihin ng tula. Gawin ito sa malinis papel.
Ang Mag-anak
Si nanay ay naglalaba
Habang si ate ay naglilinis ng sala
Si tatay ay nagsisibak ng kahoy
At si kuya ay nagpapakain ng
baboy.
Habang si bunso ay naglalaro ng
manika.

https://www.google.com/search?q=public+domain+cartoon+images+family

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

13
14
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1
1. A 1. C
2. D 2. B
3. A 3. E
4. C 4. A
5. A 5. D
Pagsasanay 2 Panapos ng Pagsubok
1. B 1.B
2. D 2.A
3. E 3.B
4. C 4.C
5. A 5.D
Pagsasanay 3
Depende sa pagwawasto ng guro
Karagdagang Gawain
Depende sa pagwawasto ng guro.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Garcia, Nilda S.D. et al, Ang Bagong Batang Pinoy


Filipino 2, Unang Edisyon 2013, Kagawaran ng Edukasyon,
pp. 168-169.

Marasigan, Emily B. et al. Pinagyamang Pluma 2,


Phoenix Publishing House Inc., 2015, Quezon City pp. 339-
341.

Hona, Emilda R., Borja, Emy B, et al, Mother-Tongue


Based Multiligual Education 2013, MGO Interprises p. 175.

“Recycle Clipart”,
https://www.google.com/search?q=public+domain+cart
oon+images+recyclable+material
“Paper Recycling”,
https://en.wikipedia.org/wiki/Paper_recycling
“Healthy Family No. 3”,
https://www.google.com/search?q=public+domain+cart
oon+images+family

15
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like