You are on page 1of 15

Filipino 4

Ikatlong Markahan - Ikalawang Linggo


(Ikalawang-Araw)
Paggamit Ng Magagalang Na Salita Sa
Pagpapahayag Ng Hindi Pagsang-ayon
Pakikipag-argumento o Pakikipagdebate
Pagbabalik-Aral

Itaas ang like cards kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan


at dislike cards naman kung opinyon
1. Ayon sa World Health Organization (WHO) ang COVID-19
ay nagsimula sa Wuhan, China.
2. Sa aking palagay, mas epektibo ang onlie class kaysa face-
to-face.
3. Kung ako ang tatanungin, mahalaga ang pagkakaroon ng
bakuna ang lahat ng mag-aaral.
4. Ang Baguio ang Summer Capital ng Pilipinas.
Sa aking palagay, Mas marami ang mga kababaihan na
nakakapagtapos kaysa sa mga kalalakihan.
Pagganyak

Sino-sino sa inyo ang magagalang na bata? Bakit


nyo nasabi na kayo ay magalang?
 
Bakit kailangan nating maging magalang sa lahat
ng oras?
Paglalahad
Magagalang na salita Pusuan mo
Pusuan (lovescars) ang bilang ng mga sumusunod na pangungusap
kung ito ay nagpapahayag ng magagalang na salita

1. Sumasalungat po ako sa iyong sinabi.


2. Bakit ba sinabi mo iyan?
3. Ikinalulungkot ko po ang pahayag mo.
4. Wala akong pakiaalam sa iyong pahayag
5.Hindi po ako sumasang-ayon sa iyong sinabi.
Pagtalakay

Isa-isahin kung alin sa mga pangungusap na ipinakita ang kanilang


pinusuan.
 
Sabihin kung bakit ang mga pangungusap na ito ay nagpapahayag ng
magalang na salita.
 
Ang
 Sumasalungat po ako sa iyong sinabi
 Ikinalulungkot ko po ang pahayag mo
 Hindi po ako sumasang-ayon sa iyong sinabi.
Ay ilan lamang sa mga magagalang na salita na nagpapahayag ng
pagsang-ayon at di pagsang ayon.
Pagtalakay

Tandaan
Ang magalang na salita sa hindi pagsang-ayon o
pagsalungat ay nangangahulugan ng:

 Pagtanggi
 Pagtaliwas
 Pagtutol
 Pagkontra

Sa isang pahayag o ideya sa magalang na paraan .


Pagtalakay

Tandaan
Mahalaga na malaman natin ang mga hudyat sa
magalang na salita sa hindi pagsang-ayon upang
maipahayag ang panig ng malinaw at maayos.

Ang magalang na salita ng hindi pagsang-ayon o


pagsalungat ay dapat mabigyang diin kaya naman
malaking tulong na alam natin ang mga hudyat nito
upang mas maging mabisa ang ating punto at
katwiran.
Pagtalakay

Mga hudyat sa di pagsang-ayon


1.Ayoko po ng pahayag na iyan.
2.Hindi po ako sang-ayon dahil…
3.Hindi ko po matatanggap ang iyong sinabi.
4. Hindi po ako naniniwala riyan
5. Hindi po tayo magkasundo
6.Hindi po totoong…
7.Ikinalulungkot ko po..
8.Maling mali po talaga ang iyong…
9. Sumasalungat po ako…
Pagsasanay

Panuto: Isulat ang masayang mukha kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng magalang na salita ng di pagsang-ayon at
malungkot na mukha kung hindi.
.
____1.Hindi po ako sumasang-ayon sa sinabi mo na masaya
ang online class kaysa face-to-facee nap ag-aaral.
____2. Sumasalungat po ako sa paniniwala mong walang
matutunan sa online class.
____3.Sinungaling ka na Madali ang online class kaysa face-
to-face classes.
____4. Ikinalulungkot ko po ang iyong pahayag na hindi
mahalaga ang edukasyon sa panahon ng pandemya.
____5. Hindi ko po matatanggp ang iyong sinabi na ang
pagsusuot ng unipore ay dagdag gastos lamang sa mga
magulang.
Paglalapat
Paglalahat

Ano-ano ang mga hudyat na maaaring gaitin sa


pagtanggi o d pagsang-ayon sa isang pahayag?
Pagtataya
Gawaing Bahay

You might also like