You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Filipino

Baitang: (walo) 8 Linggo: (Ikatlo) 3 Kuwarter: ( Ikalawa) 2

I. Layunin:
Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat
sa pagpapahayag ng opinyon.

MELCs Code #: F8WG-IIc-d-25

II. Paglalahad ng Aralin:


Alam mo ba na mahalaga ang pagpapahayag ng opinyon ng bawat tao. Sa pagpapahayag nito
may mga dapat isaalang-alang na hudyat upang mas maiparating ito nang malinaw.

Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

1.Pahayag sa pagsang-ayon -nangangahulugan din ito ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o


pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa
pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng. . .

Bilib ako sa iyong sinabi na. . . Ganoon nga. . .


Kaisa mo ako sa bahaging iyan. . . Maaasahan mo ako riyan. . .
Iyan din ang palagay ko. . . Totoong. . .
Sang-ayon ako. . . Sige. . .
Lubos akong nananalig. . . Oo. . .
Talagang kailangan. . . Tama ang sinabi mo.
Tunay na. . .

2.Pahayag na Pagsalungat -Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas,


pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit
sa pagpapahayag na ito. Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga sumusunod:

Ayaw ko ang pahayag na. . . Hindi ako naniniwala riyan. . .


Hindi ako sang-ayon dahil. . . Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi. . .
Hindi tayo magkasundo. . . Hindi totoong. . .
Huwag kang. . . Ikinalulungkot ko. . .
Maling-mali talaga ang iyong Sumasalungat ako sa. . .

Sangguniang Gintong Pamana III (Wika at Panitikan) p.329

III. Pagsasanay:
Panuto: Piliin sa kahon ang letra ng angkop na hudyat na gagamitin sa pagsang-ayon o
pagsalungat upang mabuo ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

a. Bilib ako sa iyong sinabi…


b. Ayaw ko ng pahayag na…
c. Ganoon nga…
d. Tunay na…
e. Hindi totoong…
f. Talagang kailangang…

1.__________magsuot ng facemask sa panahon ngayon upang maiwasang mahawa o makahawa


ng sakit na lumalaganap.

2.__________na kailangan tayong magtulungan para sa ikabubuti ng bawat isa lalo na sa panahon
ng pandemya.

3.__________patigilin sa pagpasok sa paaralan ang mga bata sa kasalukuyan.

4.__________ang dapat mangyari upang maiwasan ang paglaganap ng virus, mahigpit na


ipatupad ang social distancing saan mang lugar.

5.__________maaasahan ang ating kapwa sa pagdamay sa kanilang mga kapitbahay.

IV. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon sa paksa na makikita sa ibaba. Gumamit ng mga
hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa iyong pagsagot.

Paksa: Patuloy na Paggamit ng Facemask at Pagpapatupad


ng Social Distancing sa Kasalukuyan

Rubriks sa Pagmamarka:
Gumamit ng 3 o higit pang hudyat sa pagsang-ayon o pagsalungat 6
Nakatuon sa paksa ang mga pahayag 2
Malinaw ang pagkakalahad ng ideya 2
KABUOAN 10 puntos

You might also like