You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN


TAONG PANURUAN 2022-2023
PAARALAN TACLIGAN HIGH SCHOOL ANTAS BAITANG 8
GURO IVY JOY F. MERCENE ASIGNATURA FILIPINO
PETSA/ORAS HUNYO 15,2023 MARKAHAN IKAAPAT MARKAHAN
11:00-12:00 n.u.
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang
PANGNILALAMAN pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
B. PAMANTAYAN SA Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na
PAGGANAP naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa
kasalukuyan.
C. POKUS NA TANONG 1. Ano-anong damdamin ang namayani sa mga saknong o buod na binasa.
2. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga kataga ng pagsang-ayon
at pagsalungat upang maipabatid ang mensaheng nais sabihin?
D. KASANAYANG 1.Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
PAMPAGKATUTO napakinggan (8PN-IVg-h-37)
2. Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. (F8WG-IVi-j-40)
E. MGA LAYUNIN 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.
2. Naipamamalas ang pag-unawa sa bahagi ng akdang Florante at Laura.
3. Naipahahayag ang damdamin hinggil sa akdang binasa
4. Nagagamit ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
II.NILALAMAN
Paksa: Florante at Laura: Pag-ibig at Pagpaparaya, Dakilang Pag-ibig, at
Tagumpay at Kaligayahan
Gramatika: Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon
Kagamitang Panturo: Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 8
Kagamitan- Kagamitang biswal, yeso at pisara, laptop
Estratehiya: Interaktibo at Kolaboratibong Gawain
III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na 1. Panalangin
gawain 2. Pagbati
3. Pagsasa-ayos ng silid/pagpapaalala sa mga umiiral na health protocols sa
paaralan
4. Kumustahan at pagtiyak sa liban
B. Balik-aral sa Remember Me!
Nakaraang Aralin o Panuto: Lagyan ng tamang emoticon ang mga sitwasyon ayon sa
Pagsisimula sa bagong damdaming nakapaloob sa bawat pahayag sa ibaba.
Aralin

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph
1. Katatapos pa lang magtapat ng pag-ibig ni Florante kay Laura nang
kinailangan niyang umalis papuntang Krotona upang tupdin ang
kaniyang tungkulin bilang Heneral ng kanilang hukbo.
2. Ang isiping malayo kay Laura ay sapat na upang ikalugmok ni
Florante.
3. Si Florante ay lubos na nabighani kay Laura sapul ng masilayan niya
ang dalaga.
4. Naaliw ang mga panauhin sa mga kuwento ng batang matabil.
5. Hindi naging masaya si Adolfo sa pagkakaligtas ni Florante sa
Krotona sapagkat ambisyon niyang makuha ang pag-ibig ni Laura at
mamuno sa Albanya.
C. Paghahabi ng Layunin Guess the Feeling!
ng Aralin Gamit ang wheel of names, Pipili ng mag-aaral na siyang manghuhula
kung ano ang tinutukoy ng larawan. Magbibigay ng karanasan ang
mag-aaral hinggil sa mga nasa larawan)

Pag-Ibig Pagpaparaya Kaligayahan Tagumpay


D. Pag-uugnay ng Pares ko, Hanapin Mo!
Halimbawa sa Bagong Piliin sa nasa kahon ang kahulugan ng mga salita. Idikit sa tapat ang napiling
Aralin kahulugan.
1. silu – silo – buhol – buhol
2. natalastas – nalaman
3. tantuin – alamin
4. nalipos – napuno
5. naganyak – naakit
6. nabuyong – nahikayat
7. karsel – bilangguan
8. nabalino – nabalisa, hindi mapalagay
9. ninanasa –hinahangad
10. naghugos – bumaba mula sa mataas na lugar
E. Pagtalakay ng Bagong Let’s Find Out!
Konsepto at Babasahin o ipapanood sa mga mag-aaral ang bahagi ng mga
Paglalahad ng Bagong sumusunod na saknong:
Kasanayan #1 PAG – IBIG AT PAGPAPARAYA
(Saknong 346 – 360)
DAKILANG PAG – IBIG
(Saknong 361 – 372)
TAGUMPAY AT KALIGAYAHAN
(Saknong 373 – 399)

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga bagay na ginawa ni Flerida sa ngalan ng kanyang


malaking pagmamahal kay Aladin?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Flerida, ano ang iyong pipiliin?
Ang iyong minamahal na walang buhay o ang kaniyang kaligtasan
na malayo naman sa iyong piling?

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph
3. Pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin siya kung hindi
tatanggapin ang inihaing pag – ibig. Kung ikaw si Laura, ano ang
iyong gagawin kung ikaw naman ang pagbabantaan?
F. Pagtalakay ng Bagong Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon
Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang
Kasanayan #2 pagsalungat o pagsang-ayon.

PAHAYAG SA PAGSANG-AYON – ito ay nangangahulugan din ng


pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o deya.
Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay
kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng:

- Bilib ako sa iyong sinasabi na - sang-ayon ako


- Ganoon nga - sige
- Kaisa mo ako sa bahaging iyan - lubos akong nanalig
- Maasahan mo ako riyan - oo
- Iyan din ang palagay ko - talagang kailangan
- Iyan ang nararapat - tama ang sinabi mo
- Totoong - tunay na

PAHAYAG SA PAGSALUNGAT– ito ay pahayag na nangangahulugan ng


pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.
Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag
na ito. Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga ss:

-Ayaw ko ng pahayag na - hindi ako naniniwala riyan


-Hindi ako sang-ayon dahil - hindi ko matatanggap ang iyong
sinabi
-Hindi tay magkasundo - hindi totoong
-Huwag kang - ikinalulungkot ko
-Maling mali talaga ang iyong - sumasalungat ako sa

Sanggunian: Pinagyamang Pluma, Alma M. Dayag, et. Al


G. Paglinang ng Panuto: Itaas ang kung ang may salungguhit ay nagpapahayag ng
Kabihasaan pagsang-ayon at kung pagsalungat.

1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa


mundo.
2. Maling – mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang
pahayag na iyan.
3. Kaisa ako sa lahat ng pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
4. Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niyang ginawa niya para sa
kanyang asawa.
5. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t dapat simulan ito sa sarili.

H. Paglalapat ng aralin sa Let’s Do This


Pang-araw-araw na Pumili ng isang pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga sumusunod
buhay na damdamin: pagpaparaya/kasawian.kaligayahan,kalungkutan at
tagumpay. Ipapangkat ang mga mag-aaral batay sa kanilang
kakayahan.
a. Singers- Pagpaparaya/kasawian
b. Dancers - Kaligayahan
c. Entertainer - kalungkutan
d. Artist – tagumpay
Pamantayan:
Kaangkupan sa Paksa 10

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph
Pagkamalikhain 5
Partisipasyon ng miyembro 5
Kabuuan 20 puntos
I. Paglalahat ng Aralin Sagutin ang tanong:
1. Bilang isang kabataan, paano ka maaaring makatulong sa
inyong bayan upang mapaunlad ito sa kabila ng mga sariling
problemang pinagdadaanan?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga pahayag sa pagsang-
ayon at pagsalungat?
J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Mula sa larawan, bumuo ng opinyon gamit ang mga pahayag na
pagsang – ayon at pagsalungat. Ang pagtataya ay isasagawa sa
pamamagitan ng classpoint app.

Pagsang – ayon Pagsalungat

K. Karagdagang Aralin Panuto: Sumulat ng opinyon na binubuo ng isa hanggang dalawang


para sa Takdang pangungusap kaugnay sa sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa iyong
Aralin o Remediation learning journal.
1. Magiliw na pagtanggap sa panauhin. Ang mga bagong gamit at
magandang kubyertos ay karaniwang ipinapagamit lamang sa mga bisita.

Pahayag na pagtanggi: ____________________________


Pahayag na pagsang-ayon: _______________________

2. Mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Inaalok sila ng upuan


lalo sa mga pampublikong lugar o sasakyan

Pahayag na pagtanggi: ___________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________

3. Panliligaw o pagpapaligaw gamit ang text message o chat.

Pahayag na pagtanggi: __________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________

4. Pagbabawal lumabas ng bahay sa mga may edad na 15 pababa at 65


pataas lalo na sa pampublikong lugar.

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph
Pahayag na pagtanggi: _________________________
Pahayag na pagsang-ayon: ____________________

5. Pagsusuot ng faceshield at facemask lalo na sa mga pampublikong


lugar upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng may COVID – 19.

Pahayag na pagtanggi: ___________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________

II. MGA PUNA


Bilang ng mga mag-aaral na Bilang ng mga mag-aaral na hindi BIlang ng mga mag-aaral na
Natuto Natuto Kailangan ng Interbensiyon

III. PAGNINILAY
A .Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80%-100% sa
pagtataya (No.of learners who earned 80%- 100% in
the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation (No.of learners
who requires additional acts.for remediation who
scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin? (Did the remedial lessons
work? No.of learners who caught up with the
lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa
remediation? (No.of learners who continue to
require remediation)
E. Alin sa mga istratehiyang patuturo na katulongng
lubos? Paano ito nakatulong? (Which of my
teaching strategies worked well? Why did this
work?)

F. Anong suliranin ang naranasan nasolusyonan sa


tulong ng aking punongguro (What difficulties did I
encounter which my principal can help me solve?)

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho


na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph
Inihanda ni: Siniyasat at Pinagtibay ni:

IVY JOY F. MERCENE DAVID R. BERON


Guro I School Head

TACLIGAN HIGH SCHOOL


Tacligan, San Teodoro, Oriental Mindoro, 5202
Mobile. No. 09199924968/09763659186/09937379965
Email Address: 305783@deped.gov.ph

You might also like