You are on page 1of 6

Paaralan San Jose IHS Baitang Filipino

Guro Jivanee S. Abril Antas Baitang 8


TALA SA PAGTUTURO MARSO 4, 2024 Markahan Markahan 3
Petsa
8- NARRA LUNES Bilang ng
Oras 1
8:30 AM - 9:30 PM Araw

I . LAYUNIN Matapos ang mga mag-aaral ay inaasahang,


1. Natutukoy ang positibo at negatibong pahayag mula sa
binasa,
2. Nakapagbabasa ng may malalim na pag-unawa sa paksa,
3. Nagagamit ang kaalaman sa positibo at negatibong pahayag
sa pagbuo ng mga makabuluhang mga pangungusap.

Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral


ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pag-
A. Pamantayan ng
unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
Baitang
iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa
upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.

B. Mga Kasanayan sa Pagbabasa


Pagkatuto
C. Pinakamahalagang F8PB-IIId-e-30 Naiisa- isa ang mga positibo at negatibong pahayag
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
II . NILALAMAN Positibo at Negatibong Pahayag
III . KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
b. Mga Pahina sa Filipino 8 ADM Ikatlong Markahan
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Laptop, cellphone, mga flashcard
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Panimula  Panalangin

 Pagsasaayos ng klase

 Pagbati

 Pagtatala sa Liban
BALIKAN(Balik-Aral)
2QAD
1. Ano ang komentaryo?
2. Ano-ano ang mga estratehiya sa pangangalap ng mga
impormasyong gagamitin sa pagsulat ng komentaryo?

ALAMIN

Sabay-sabay na sasayawin at aawitin ng guro at ng mga mag-


aaral ang, “Balay ni Superman”.
Balay ni Superman
Balay, balay, balay ni Superman,
Nasusunog ang balay,
Balay ni Superman.
O Wonderwoman,
O Wonderwoman,
Nasusunog ang balay ni Superman,
O Wonderwoman,
O Wonderwoman,
Nasusunog ang balay.

INDICATOR 4 DISPLAYED PROFICIENT USE OF MOTHER


TONGUE, FILIPINO, AND ENGLISH TO FACILITATE TEACHING
AND LEARNING.
1.Ano ang ibig sabihin ng salitang, “balay”?
Tama! Bahay. Ang salitang balay ay ang tawag ng mga Bisaya sa
bahay sa mga Tagalog at tinatawag naman na home sa wikang
Ingles na nangangahulugan na isang lugar kung saan naninirahan
ang isang pamilya.
2.Mula sa awitin, ano ang nangyari sa bahay ni Superman?
Ang bahay ni Superman ay nasusunog.
3. Mapanganib ba ang masunugan ng bahay?
Napakamapanganib ang masunugan, maaaring maubos ang iyong
ari-arian at maging mapahamak ang pamilya.
4.Sa awitin bakit ito sinasabi kay Wonderwoman?
Puwedeng makatulong si Wonderwoman kay Superman kaya siya
tinatawag.

INDICATOR 1 APPIED KNOWLEDGE OF CONTENT WITHIN AND


ACROSS CURRIULUM TEACHING EN8RC-IIIg-3.1.12 Recognize
positive and negative messages conveyed in a text

Ipakikita ng guro ang dalawang kasagutan ng mga mag-aaral sa


bilang 3 at 4 at tatanungin sila ng, “Ano ang napapansin ninyo sa
dalawang pangungusap na isinagot ninyo?”

1. Napakamapanganib ang masunugan, maaaring maubos ang


iyong ari-arian at maging mapahamak ang pamilya.
2. Puwedeng makatulong si Wonderwoman kay Superman kaya
siya tinatawag.

Tama! Ang isang pangungusap ay negatibo at ang isang


pangungusap naman ay positibo ang ipinapahayag.
Pagpapaunlad INDICATOR 2 USED A RANGE OF TEACHING STRATEGIES
THAT ENCOURAGE LEARNER ACHIEVEMENT IN LITERACY
INDICATOR 5 AND NUMERACY
ESTABLISHED SAFE
AND SECURE BASA MUNA
LEARNING
Babasahin ng klase ang parabulang, “Ang Mabuting
ENVIRONMENTS TO
Samaritano”.Pagkatapos ay sasagutin ang mga kasunod na
ENHANCE LEARNING katanungan.
THROUGH THE
CONSISTENT 1.Ano ang nangyari sa lalaking manlalakbay sa simula ng
IMPLEMENTATION OF parabula?
POICIES, GUIDELINES Pinagnakawan at binugbog ng mga tulisan ang manlalakbay.
AND PROCEDURE. 2.Ano ang ginawa ng saserdote nang kaniyang makita ang
manlalakbay?
Patuloy na tinitiyak ng Lumihis ng landas ang saserdote at hindi man lamang tinulungan
ang manlalakbay.
guro ang kaligtasan at
3.Ano ang ginawa ng Levita nang kaniyang makita ang
kaayusan ng mga manlalakbay?
gawain sa klase. Tiningnan lamang ng Levita ang manlalakbay at wal siyang interes
na tulungan ang manlalakbay.
4.Ano naman ang ginawa ng Samaritano nang makita ang
manlalakbay?
Tinulungan at inalagaan ng Samaritano ang nakakaawang
manlalakbay.
5.Anong kagandahang-asal ang ipinakita ng Samaritano?
Tumulong ka sa kapwa mo, lalo na sa man nangangailangan ng
INDICATOR 3 APPLIED walang hiniihingi na kapalit.
A RANGE OF TEACHING INDICATOR 1 APPIED KNOWLEDGE OF CONTENT WITHIN AND
STRATEGIES TO ACROSS CURRIULUM TEACHING F9PB-IIIa-50 Napatutunayang
DEVELOP CRITICAL ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan
AND CREATIVE
6.May posibilidad ba na mangyari sa tunay na buhay ang nangyari
THINKING AS WELL AS sa kwento? Kung ikaw ang nakakita sa manlalakbay, ano ang
HIGHER-ORDER iyong gagawin?
THINKING SKILLS.
Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit, ano ang
Sinusubok ng guro ang napapansin ninyo sa mga sumusunod na pangungusap?
lalim ng pag-unawa ng 1. Lumihis ng landas ang saserdote at hindi man lamang
mga mag-aaral sa tinulungan ang manlalakbay.
pamamagitan ng mga 2. Tiningnan lamang ng Levita ang manlalakbay at wala siyang
katanungan na interes na tulungan ang manlalakbay.
gagamitan ng
malikhaing pag-iisip. Negatibo ang nilalamang mensahe ng mga pangungusap.

Muling bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit, ano ang
napapansin ninyo sa mga sumusunod na pangungusap?

1. Tinulungan at inalagaan ng Samaritano ang nakakaawang


manlalakbay.
2. Tumulong ka sa kapwa mo, lalo na sa man
nangangailangan ng walang hiniihingi na kapalit.
Positbo ang nilalamang mensahe ng mga pangungusap.
Upang higit pa nating matutuhan ang mg Positibo at Negatibong
Pahayag paunlarin pa natin ang ating kaalaman sa susunod na
gawain.

MATHBUO NG PUZZLE

PANUTO:
Pumunta sa inyong mga grupo ng kulay.

Kailangan ninyong magtalaga ng isang kinatawan na


papupuntahin sa ibang grupo upang magbigay ng pagsubok.

Ang bawat grupo ay dapat mabuo ang Puzzle ng Kaalaman tungkol


sa paksa ngayong araw.

Ngunit, ang mga piraso ng Puzzle ng Kaalaman ay maaari lamang


nilang makuha kapag nasagot nila ang MATH question na may
kaugnayan sa Multiplication na i-fflash ng mga kinatawan ng
ibang grupo.

Ang pinaka-unang grupo na makabuo sa puzzle ang magkakamit


ng pinakamataas na puntos.

Puwesto Puntos
Una 40
Ikalawa 30
Ikatlo 20
Ikaapat 10
Pakikipagpalihan ULAT SULAT
PANUTO:
INDICATOR 5
Matapos ninyong mabuo ang Puzzle ng Kaalaman ay tatalakayin
ESTABLISHED SAFE ninyo ito sa isa’t isa bilang grupo. Matapos ang 10 minuto ay
AND SECURE iuulat ng kinatawan ng grupo sa unahan ang inyong mga
LEARNING natutuhan mula sa mga nakasulat sa Puzzle ng Kaalaman.
ENVIRONMENTS TO Ano ang POSITIBONG PAHAYAG?
ENHANCE LEARNING Ito ay ang mga nakaeenganyo at mga magagandang mga pahayag
THROUGH THE na nagdudulot ng magandang pagtingin at pakiramdam sa mga
CONSISTENT nakikinig.
IMPLEMENTATION OF Ginagamitan ng mga magagandang salita tulad ng mga
POICIES, GUIDELINES sumusunod:
AND PROCEDURE. tama, salamat, mahusay, maganda, nakatutuwa, maaari, maayos,
atbp.
Patuloy na tinitiyak ng HAL.
guro ang kaligtasan at 1. Mahusay! Nasiyahan ako sa sinabi mo!
kaayusan ng mga 2. Maganda ang naging pagpapaliwanag mo.
gawain sa klase.
3. Nakatutuwang marinig iyan mula sa iyo.
4. Mabuti at nabanggit mo.
May mga pahayag na bagama’t ginagamitan ng negatibong salta ay
nananatiling positibo ang kahulugan.
1. Ang hindi niya pagsipot sa kasal ay nagdulot sa babae na
makahanap ng bagong pag-ibig.
2. Wala sino man ang nasaktan sa pangyayari kahapon.
Ano ang NEGATIBONG PAHAYAG?
Ito ay ang kabaliktaran sa positibo. Ito ay mga pahayag na may
diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng
nakararami. Nagtataglay ito ng hindi kaaya-ayang mensahe.
Ginagamitan ng mga negatibong salita tulad ng mga sumusunod:
wala, masama, ayaw, delikado, mahirap, hindi nakabubuti atbp.
HAL.
1. Walang makikitang kagandahan sa kanyang pag-uugali
kahit ano pa ang kaniyang gawin.
2. Mahirap ang buhay lalo na sa mga panahong ito.
3. Nakalulungkot, sapagkat maraming mga tao ang
namamatay sa sakit sa kawalan ng perang pampagamot.
Sa kabilang banda, may mga pahayag na negatibo ang mensahe
kahit hindi to ginagamitan ng mga hudyat o pananda dahil ang
diwa nito ay hindi sang-ayon sa iba.
1. Depektibo ang nabili kong bagong cellphone.
2. Kulang ang kinikita ng karamihan sa mga nasa laylayan ng
lipunan para tustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Paglalapat ANONG SAY NYO?

Ipapapanood ng guro ang ilang clips mula sa vlog ng iba’t ibang


Youtube vloggers na nagpapakita ng pagtulong nila sa mga tao sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pera, bahay, pagkain, at/
groceries.

Pagtulong pa din ba na maituturing ang ginagawa ng mga sikat ng


vloggers tulad ng mga napanood ninyo kung ivinivideo at ivinavlog
nila ang pagtulong na ginagawa nila? Ipaliwanag ang inyong
kasagutan.

PAGTATAYA
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay POSITIBO o
NEGATIBO.
1. Maria: Mapalad ako at napunta ako sa maayos na pamilya.
POSITIBO
2. Maria: Kahit hindi nila ako tunay na anak, ramdam ko na
mahal nila ako na parang nanggaling sa kanila.
POSITIBO
3. Juan: Ako naman, walang pagpipilian kung hindi ang tiisin
na lamang ang pagtrato nila sa akin.
NEGATIBO
4. Juan: Magkaiba lang siguro tayo ng kapalaran, kapalaran
ko ang dumanas ng hirap.
NEGATIBO
5. Maria: Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ag
lahat.
POSITIBO

VI. PAGNINILAY “PICTURE FREEZE”


INDICATOR 3 APPLIED Muling babalik sa kani-kanilang grupo ang mga mag-aaral at
A RANGE OF TEACHING ipakikita nila ang kahulugan ng pagtulong sa kapwa sa
STRATEGIES TO pamamagitan ng TABLEAU o PICTURE FREEZE.
DEVELOP CRITICAL Isang kinatawan naman ang magpapaliwanag ng kanilang tableau
AND CREATIVE at kailangan magamit ang kaalaman sa positibo at negtibong
THINKING AS WELL AS pahayag.
KRAYTIRYA PUNTOS
HIGHER-ORDER
Pagiging malikhain 10
THINKING SKILLS. Wastong paggamit sa 10
positibo at negatibong pahayag
Sinusubok ng guro ang
lalim ng pag-unawa ng mga
KABUUAN 20
mag-aaral sa pamamagitan
ng mga katanungan na
gagamitan ng malikhaing
pag-iisip.

VII. KASUNDUAN TAKDANG ARALIN


1. Sumulat ng isang negatibo at isang positibong pahayag
tungkol sa malayang paggamit ng mga kabataan sa internet.
Gamitin ang Fishbone Diagram sa inyong kasagutan.
2. Ano ang radio broadcasting? Magtala ng 5 salita na
ginagamit sa radio broadcasting. Lagyan ito ng kahulugan.

Inihanda ni:

Jivanee S. Abril
Guro I

Binigyang- Pansin ni:

Gng. Aurea C. Celino


Ulong-Guro II/ Rater

Pinagtibay ni:

Gng. Editha L. Fule


Punungguro IV

You might also like