You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Filipino

Baitang: Siyam (9) Linggo: Una (1) Kuwarter: Ikatlo (3)

I. Layunin: Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.


MELCs Code #: F9WG-IIIa-53

II. Paglalahad ng Aralin:

Ang matatalinghagang salita o pahayag ay mga salitang may malalim o hindi tiyak ang
kahulugan na ginagamit sa masining na pagpapahayag. Ito rin ay nagsasaad ng hindi
tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan sa pormang patalinghaga.
Ang mga matatalinghagang pahayag na ito ay maaaring nasa anyo ng sawikain o idyoma,
kasabihan o salawikain. Ito ay nagagamit sa pagpapahayag ng ideya sa ating kapwa.
Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

Ang pagpapakahulugan ng mga salita ay maaari ding nakabatay sa karanasan ng tao.


Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan natin ang ang ating binabasa, pinapanood
maging ang mga naririnig. Narito ang halimbawa ng matatalinghagang pahayag na
ginamit sa pangungusap.

1. Anak dalita
Halimbawa: Nagsusumikap sa pag-aaral si Juncel sa kabila ng pagiging isang
anak dalita. (mahirap)
2. Taingang kawali
Halimabawa: Umiral na naman ang taingang kawali ni Fidel nang tawagin
siya ng kanyang ina para maghugas ng pinggan. (nagbibingi-bingihan)
3. Pantay na ang mga paa
Halimbawa: Ikinagulat ng pamilya ni Desiree ang balitang pantay na ang mga
paa ng kanyang ama na nagtatrabaho sa Dubai. (patay na)
4. Mababaw ang luha
Halimbawa: Talagang mababaw ang luha ni Annie kahit komedya ang
palabas sa telebisyon. (iyakin)
5. Makapal ang palad
Halimbawa: Makapal ang palad ni Andrew kaya naipagawa niya ang kaniyang
pangarap na bahay. (masipag)
6. Ibaon sa hukay
Huwag mo akong ibaon sa hukay (kalimutan)
7. Basa na ang papel
Huwag ka nang magsinungaling pa. Basa na ang papel mo sa ating punungguro.
(bistado na)
8. Bantay-salakay

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. (taong


mapagkunwari)
9. Si Anna ay maagang umuwi upang magsunog ng kilay dahil nalalapit na ang
kanilang pagsusulit. (magsipag sa pag-aaral)
10. Kahit bunyag na ang katotohanan pilit pa ring naglulubid ng buhangin si Jay.
(nagsisinungaling)

III. Pagsasanay

A. Panuto: Suriin ang matatalinghagang pahayag sa ibaba. Gamitin ang mga ito sa
pangungusap.

1. Butas ang bulsa: walang pera _________________________________


2. Bahag ang buntot: duwag ____________________________________
3. Kapilas ng buhay: asawa _____________________________________
4. I-krus sa kamay: tandaan _____________________________________
5. Alog ang baba: matanda na ____________________________________

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong matalinghagang pahayag upang mabuo ang
pangungusap.

1. _________________ ng mag-anak sa mga taong nangmamaliit sa kanila.


2. Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kanyang ama ay ________________.
3. __________________ ang galit at poot sa ating kapwa at matutong magpatawad.
4. Umuwi na ang itintuturing na ______________________ sa kanyang mga anak.
5. _______________________ talaga ang mga taong hindi man lang imbitado ngunit
kumakain sa mga handaan.
6. _______________________ kaya ayaw nilang makipagkuwentuhan sa kanya.
7. ______________________ siya sa mga nangangailangan ng tulong.
8. Dahil sa aking _______________________, ako ay labis na umiiyak tuwing
napapagalitan ako ng aking ina.
9. ______________________ na kinuha ni Mario ang mga supot sa mesa.
10. Tila ba _________________________ ang pangarap ng ilang Pilipino na makaahon
sa kahirapan dahil sa epidemya.

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

suntok sa buwan pagkabalat-sibuyas malaki ang ulo


bukas-palad kumukulo ang dugo ibaon na natin sa hukay
mabigat ang kamay mabilis pa sa kidlat itim na tupa
balat-kalabaw

IV. Pagtataya

Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang matatalinghagang pahayag batay sa


ibinigay na kahulugan.

Matatalinghagang Pahayag Kahulugan Pangungusap


1 Basang sisiw Mahirap
2 makipaglaro ng apoy Anomang gawain na
makapaglalagay sa alanganin
ng isang relasyon

3 kabiyak ng puso Sinisinta o asawa


4 pag-iisang dibdib Wagas na pagsasama
5 naniningalang pugad nanliligaw
6 haba ng buhok Pakiramdam na siya ay
maganda o espesyal

7 namamangka sa dalawang Taong pinagsasabay ang


ilog dalawang karelasyon
8 panakip butas Tao na ipinagpalit lamang o
ginawang kahalili ng isang
tao o bagay
9 isang paa sa hukay Lagay ng isang ina tuwing
magsisilang ng sanggol
10 lukso ng dugo Kapalagayang loob

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph

You might also like