You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Filipino

Baitang: (walo)8 Linggo: (apat)4 Kuwarter: 2

I. Layunin
Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.

MELCs Code #: F8PT-IIe-f-25

II. Paglalahad ng Aralin


Alam mo ba? Maaari nating ibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng denotatibo at
konotatibong pagpapakahulugan. Ang denotatibong pagpapakahulugan ay tumutukoy sa literal na
kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksiyunaryo.
Halimbawa: Marami kang makikitang ahas sa gubat .(ahas- uri ng reptilya)
Samantalang ang konotatibong pagpapakahulugan naman ay nagtataglay ng mga
pahiwatig na emosyon o saloobin.
Halimbawa: Ang aking kaibigan ay isang ahas. (ahas-traydor)
Ang kasingkahulugan naman ay dalawang magkaibang salita na pareho ang kahulugan.
Halimbawa: masaya-maligaya. Samantalang ang kasalungat na kahulugan naman ay ang
kabaliktaran na pagpapakahulugan ng isang salita. Halimbawa: masaya-malungkot
Sanggunian: https://brainly.ph/question/232401

III. Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain mo ang isang halaw mula sa kwentong bayan na si Malakas
at Maganda at sagutin ang nasa talahanayan sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

SI MALAKAS AT SI MAGANDA
Sa matinding pagod ng ibon sa walang tigil na paglipad ay umisip ito ng paraan upang
magkaroon ng mapagpapahingahan. Gumawa siya ng dahilan upang magkagalit ang langit at ang
dagat. Kaya’t isang araw, sa tindi ng galit ng dagat ay sinabuyan ng tubig ang pisngi ng langit at itong
huli’y gumanti sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga bato at malalaking kimpal na lupa sa dagat na
siyang naging dahilan upang magkaroon ng mga lupain sa daigdig.
Halaw mula sa kwentong-bayan ng mga Tagalog (Si Malakas at si Maganda)
Sanggunian: http://wikangtagalog.blogspot.com/2018/05/ALAMAT-NI-MALAKAS-AT-NI-MAGANDA.html

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Denotatibong Kahulugan Mga Salita Konotatibong Kahulugan


ibon
langit
bato

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang isang halaw mula sa maikling kuwentong “Impeng Negro” ni
Rogelio R. Sikat
IMPENG NEGRO
ni Rogelio R. Sikat

May luha siya sa mata ngunit may galak siyang


nadama.Luwalhati. Hinagod-hagod niya ang mga kamao.
Nadama niya ang bagong tuklas na lakas na iyon. Ang tibay.
Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang
nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang
labing nag-angat siya ng mukha.
Halaw mula sa maikling kuwentong “Impeng Negro” ni Rogelio R. Sikat
Sanggunian:Gintong Pamana II,p.269-276

A. Panuto: Ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng malalalim na


salitang ginamit sa akda.

Denotatibong Kahulugan Mga Salita Konotatibong Kahulugan

Bahagi ng katawan kamao 1. _________________


2. ___________________ bagong daan
buka
Nagtataglay ng lakas o may
kapangyarihan 3. __________________
anting-anting

B.Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga malalim na salitang ginamit sa akda.

Kasingkahulugan Mga Salita Kasalungat na Kahulugan

itiningala nag-angat ng ulo 1.


2. _____ galak 3.___________________
nakabulagta
nakahandusay 4.

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph

You might also like