You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
RESPONSIBLE VILLAGE LEADERS LEARNING ACADEMY (REVILLA) HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 7
SY 2023-2024
PAKSA: Ponemang Suprasegmental
PONEMANG SUPRASEGMENTAL – pag-aaral ng diin, pagtaas-pagbaba ng tinig (tono o punto), haba at hinto
(juncture).
A. Intonasyon o Tono
Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig saa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng salita
kahit magkapareho pa ng baybay ang mga salita. Ang tono ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
Halimbawa:
a. Totoo! Mabilis kumalat ang balita. (nagmamalaki)
b. Totoo? Mabilis kumalat ang balita? (nagtatanong)
c. Totoong mabilis kumalat ang balita. (nagsasalaysay)
B. Diin
Ang lakas o bigat sa oagbigkas ng isang salita o pantig ay nagpapahiwatig ng kahulugan
Halimbawa:
/ba.ba/ chin /baba/ to go down
/pu.no/ tree /puno/ full
/bu.hay/ life /buhay/ alive

C. Antala
Tumutukoy sa pansamantalang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
Halimbawa:
Hindi, puti ito. Puti talaga ang kulay.
Hindi puti ito. Hindi puti ang kulay.
Jose Maria Panganiban ang pangalan niya. Jose Maria Panganiban ang buo niyang
pangalan.
Jose, Maria Panganiban ang pangalan niya. Ipinakikilala kay Jose si Maria Paganiban.

GAWAIN:
I. Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang
___________1. Pag-aaral ng diin, pagtaas-pagbaba ng tinig (tono o punto), haba at hinto
___________2. Ang lakas o bigat sa oagbigkas ng isang salita o pantig ay nagpapahiwatig ng kahulugan
___________3. Tumutukoy sa pansamantalang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe
___________4. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig saa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng
salita kahit magkapareho pa ng baybay ang mga salita
___________5. Magbigay ng halimbawang dalawang salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan

II. Isulat sa patlang ang tamang salitag pupuno sa diwa ng pangungusap.

/bu.kas/ , /bukas/

___________6. ________ na tayo maligo sa ilog.


___________7. ________ pa kaya ang simbahan ahnggang mamayag gabi?

/sa.ya/ , /saya/

___________8. Hanggang nngayon ay nagsusuot pa rin ng _______ ang aking lola.


___________9. Walang kasing-______ ang nararamdaman ko sa klase sa Filipino.

/bu.hay/ , /buhay/

___________10. Ang wika ay _____ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.


III. Sumulat ng isang talata na may lima pataas na pangungusap na nagpapaliwanag ng kahalagahan
ng tamang pagbigkas ng salita o pahayag (tono, diin, at antala)
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

PAKSA: KAALAMANG-BAYAN

A. Awit/Tulang Panudyo – uri ng akdang patula na kadalasan ng layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam.
Ito ay kalimitang may himig na nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pabibirong Patula
Hal. Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi
B. Tugmang de-gulong – mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan
Hal.
a. Aanhin pa ang gasoline kung jeep ko ay sira na
b. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
C. Bugtong – pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
Hal. Nakatato si pilo, nakalitaw ang ulo (pako)
Buto’t balat lumilipad (saranggola)
D. Palaisipan – nasa anyong tuluyan. Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
Hal. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang hindi man lang nagalaw
ang sombrero?
(sagot: butas ang tuktok ng sombrero)

Gawain

I. Panuto: Kilalanin ang inilalalrawan sa bawat bilang


___________1.Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
___________2.Paalalang madalas makita sa pampublilkong sasakyan
___________3.Uri ng akdang patula na kadalasan ng layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam.
___________4.Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
___________5.Ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paran kaya kinakitaan ng
sukat at tugma

II.Isulat sa loob ng kahon ang paghahambing ng katangian ng mga kaalamang bayan.


Mga Katangian ng Akdang Patula

Tulang Panudyo Tugmang de Gulong Bugtong Palaisipan


Address: Maliksi I, City of Bacoor, Cavite
Contact Numbers: +63 919 076 9113 (046) 434-7341
E-mail Address: 305689@deped.gov.ph

You might also like