You are on page 1of 5

Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

ARALIN F9WG-IIa-b-47
2.1 Tanka at Haiku
LRN: ___________________________________________________________ Petsa: ____________________
Pangalan: ______________________________________________________ Taon at Pangkat:__________

“Tanka at Haiku”

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tonos a pagbigkas ng tanka at haiku; F9WG-
IIa-b-47

Mahalaga na mabigkas nang waston diin ,tono, o intonasyon at antala ang isang tula upang maipahayag
ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

Gawain #1: Panuto: Suriin Mo.


Panuto: A. Isulat sa patlang kung ano ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
_____1. Malaki ang TUbo niya sa pagtitinda.
_____2. Masarap kumain ng tuBO
B. Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap.Isulat sa Index of mastery
patlang ang sagot. 5-
______3. Madali lang ito? 4-
______4. Madali lang ito! 3-
_______5. Hindi, siya ang mahirap. 2-
1-
0

baSA BAsa

1. Ano ang nakikita ninyo sa dalawang larawan?


2. Basahin ang dalawang salita.
3. Paano
Alam mo sila
ba! nagkaiba?
Alam mo ba…

Ang ponema ay isang yunit ng tunog.

Supra – labis na usapin ng tunog

Segmental – katumbas na tunog ng isang titik.

Ang ponemang suprasegmental ay makahulugang tunog na mas malinaw na naipapahayag ang


damdamin,saloobin at kaisipanng nais ipahayag sa nagsasalita. Ito ay binubuo ng diin,tono, at hinto o
antala.

Alamin: Suriin ang mga salitang may salungguhit.


Halimbawa:
1. Ang bata ay nagbaSA sa ulan.
2. BAsahin moa ng iyong aklat.
baSA – to wet
BAsa – to read

Alam mo ba na…

Ang diin ay lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng pagbigkas sa isang pantig sa salita.
Ang pagbabago ng diin ay nakapagpabago sa kahulugan nito. Maaring gamitin ang
malaking titik sa pagkilala ng diin.
TUbo
– kita o profit
tuBO –pagkain
BUhay - life buHAY – alive 0 hindi patay
Suriin ang kahulugan ng bawat pahayag.
Halimbawa:
Masaya sila. Nagpapahayag
Masaya sila? Nagtatanong
Masaya sila! Nagbubunyi

Alam mo na ba…

Ang tono o intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring


makapagpasigla , makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbibigay
kahulugan, at makapanghihina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapwa. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa,bilang 2 sa
katamtamam, at 3 sa mataas.
Kahapon=213,
pag-aalinlangan
Kahapon= 231, pagpapatibay, pagpapahayag

Basahin ng wasto ang bawat pangungusap.Suriin ang kahulugan ng bawat isa.


Halimbawa:
Hindi// ako si Joshua. Siya si Joshua.
Hindi ako si Joshua// Hindi siya si Joshua.
Hindi ako, si Joshua. Pagpapahiwatag ito na
napagbintangan lang at hindi siya ang
gumawa

Alam mo ba na…
Ang hinto o antala ay bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit
na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Maaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis
(//), o gitling (-).

Mahusay!

Ngayong alam mo na ang mga ponemang suprasegmental, maaari mo ng sukatin at hamunin ang iyong
kakayahan. Magtungo ka na sa susunod na Gawain.

Gawain #2
I. Panuto: Piliin ang tamang salitang binibigyang kahulugan ng pahayag. Isulat ang titik sa patlang.
A. Tukuyin ang tamang salita batay sa tamang kahulugan nito.
_____1. Bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig
_____2. Paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan
A. buNOT B. BUnot
_____3. Ligaya
_____4. Isinusuot ng babae
A. SAya B. saYA
B. Tukuyin ang watong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1
sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang tatlo sa mataas. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Titik lamang
ang isulat sa patlang.
5. Gusto mo = ________________, pagtatanong
6. Gusto mo = ________________ pagpapahayag

C. Piliin ang tamang tono,diin o antala ng sumusunod na mga pahayag batay sa kahulugang
ipinahihiwatig nito.

a. /Nanay Josie, Roy ang pangalan niya./

b. /Nanay, Josie Roy ang pangalan niya./

c. /Nanay Josie Roy ang pangalan niya./

______ 7. Sinasabi ang


buong pangalan ng ipinakikilala .
______8. Sinasabi sa nanay na Roy ang pangalan niya.
_______9. Sinasabi sa nanay Josie Roy ang pangalan niya.
Gawain #3: I. Panuto: A. Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
_____________1. Ang tatay ay nag-aayos ng tubo.
_____________2. Malaki ang TUbo niya sa pagtitinda.
_____________3. Masarap kumain ng tuBO.
B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitasa ibaba.
_____________4. haPON
_____________5. HApon
II. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa , 2 sa
katamtaman, at 3 sa mataas. Isulat ang sagot sa patlang.
_____________6. Kanina pag-aalinlangan
_____________7. Kanina pagpapahayag
_____________8. Ayaw mo pagtatanong
_____________9. Ayaw mo paghahamon
III. Tukuyin ang kahulugan ng bawat pahayag batay sa wastong hinto/antala nito. Piliin ang sagot sa kahon.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
______ 10. Hindi puti//
_______11. Hindi//puti//

A. nagpapatunay na puti ang isang bagay.


B. nagsasaad na hindi puti ang isang bagay.
_______12. Padre/ Martin
ang tatay ko/
________13. Padre Martin/ang tatay ko/

A. ipinapakilala ang tatatay niya sa pare.


B. pinakilala kay padre Martin ang tatay niya.

_________14.
Jodi/Marcy ang tatay ko/
________15. Jodi Marcy ang tatay ko/

A. pagpapakilala kay Jodi, Marcy sa kanilang tatay.


B. ipinakilala si Jodi, Marcy sa kanilang tatay.

Gawain #3
Panuto: Sumulat ng isang tula ( tanka o haiku). Basahin ito ng may tamang pagbigkas
gamit ang iba’t ibang suprasegmental. Gamitin ang rubriks sa pagpupuntos sa ibaba
upang iyong maging gabay sa iyong gagawing tula.
Pamantayan 5 4 3
Kauganayan sa Angkop ang Di-gaanong Di-angkop angkop
paksa paksang ginamit. angkop ang ang paksang
paksang ginamit. ginamit.
Mga salitang Masining at Di-gaanong Di masining at di
ginamit malikhain ang masining at malikhain ang
tula. malikhain ang tula.
tula.
Tamang Maayos at Di-gaanong Di-maayos at di-
pagbigkas gamit mainaw ang maayos at di- mainaw ang
ang pagkakabigkas ng gaanong mainaw pagkakabigkas ng
suprasegmental tula. ang tula.
pagkakabigkas ng
tula.
Kabuuan =15

V. Pagninilay

Panuto: Buuin ang parirala upang mabuo ang diwa.

Nalaman ko na ang mga suprasegmental ay ________________________.

Natutunan ko na mahalaga sa pagbigkas ng tula ang paggamit ng suprasegmental


para maging _____________.
.

Sanggunian: Libro : Panitikang Asyano


Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9
Pluma ph. 21
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-gr9powerpoint-presentation

________________________________________________________________ ______________________
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan ng Magulang/Tagapangalaga Petsa

You might also like