You are on page 1of 10

9

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Tanka at Haiku

1
Filipino 9 Tanka at Haiku
Ikalawang Markahan
Modyul 1

Alamin:

MELC: Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku


(F9PN-lIa-b-45)
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku
(F9PB-lIa-b-45)
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa
tanka at haiku
(F9PT-lIa-b-45)

Subukin Natin

Panuto: Isulat ang titik ng inyong napiling sagot sa inyong sagutang papel.
1. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si
Ariel na napagkamalan lamang na si Jason.
A. Hindi/ ako si Ariel. B. Hindi ako/ si Ariel.
C. Hindi ako si Ariel. D. Hindi ako, si Ariel.
2. Matamis kainin ang tubo.Paano binibigkas ang salitang may
salungguhit?
A. /tu.boh/ B. /tu.bo?/ C. /TU.bo/ D. /tu.BO/
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pag-alinlangan?
A. 231 B. 213 C. 123 D. 312
4. Ano sa tingin mong mangyayari, kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil
sa pagsasalita ang isang tao?
A. mas maganda ang pagsasalita
B. magiging mas malinaw ang pagsasalita
C. hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
D. walang ideya
5. Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita.
A. tono B. diin C. antala D. hinto

2
Balikan

PANUTO: Isiping mabuti:


1. Ano ang ibig sabihin ng ponemang suprasegmental?
2. Ano-ano ang tatlong saklaw sa ponemang
suprasegmental?
Ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang tunog. Sa
paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o
intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono
o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas, at pagsasalita.
Basahin ang pangungusap ayon sa hinihinging damdamin:
1. Pupunta ka sa silid-aralan.
2. Pupunta ka sa silid-aralan?
3. Pupunta ka sa silid-aralan!

Ating Tuklasin

Panuto: Tono o Intonasyon


Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniukol sa pantig ng
isang salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang
pakikipag-usap. Bawat tao’y may kani-kaniyang paraan ng pagbigkas
upang higit na maiparating ang mensahe.
Intonasyon at Makabuluhang Pattern sa Pagsasalita

mataas

normal
mababa

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga


pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong
at lebel 1 kapag karaniwang nagpapahayag
Halimbawa:
gu
3
Nagpapaliwanag ang
ro
2
3
1
Patanong:
na?
3
ka
2
ni

Pakiusap: ka

3
kumain
yo
2
1

Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na


ginamit.
A.1. Totoo? Maganda siya?
Totoo! Maganda siya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.
B.1. May bisita tayo bukas?
May bisita tayo bukas.
2.Ikaw ang may-sala sa nangyari?
Ikaw ang may-sala sa nangyari.
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa
B1 at B2?
2. Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga B1
B2?

Suriin
Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay kahulugan, at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-
usap sa kapuwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa
kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa,

4
katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang
1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

Mga halimbawa:
a) kahapon = 213, pag-aalinlangan,
b) kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
c) talaga = 213, pag-aalinlangan
d) talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

      Ayon kay Resuma (2002) ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba
ng tinig sa pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
       Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points
ay may tatlong natatanging pitch levels: ang mataas (3), katamtaman (2), at
mababa (1) tulad ng makikita sa halimbawa sa ibaba.
a)  Nandito siya kanina?
b)  Nandito siya kanina.
         Mapapansin ang dalawang pangungusap o pahayag ay naglalaman ng
magkatulad na sangkap maliban na lamang sa paraan ng pagpapahayag o
sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita. Kapansin – pansin na ang
pahayag a mawawari natin na ang ispiker ay nagtataka o di kaya’y humingi
ng pagtitiyak o kumpirmasyon sa isang mensaheng natanggap.
Samantalang kung ang pahayag naman ang bibigkasin, mawawaring ang
ispiker ay nagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari.
           Bukod dito, nag – iiba – iba ang intonasyon ng ispiker o
tagapagsalita kapag nagpapahayag. Ito ay sapagkat ang intonasyong
ginagamit niya ay naaayon sa kanyang layunin at damdamin. Tingnan natin
ang sumusunod na halimbawa:
Pagsasalaysay o paglalarawan:                     Dumating sila kanina.
Pagpapahayag ng matinding emosyon:        Naku, may sunog!
Pagbati:                                                             Magandang umaga po.
Basahin at suriin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya ng mga
tula sa ibaba.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hisakatano This perfectly still Payapa at tahimik


Hikari nodokeki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol
Haru no hiri From the spread-out sky Maaliwalas
Shizu kokoro naku Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry Blossoms
Hana no chiruramu So restlessly scatter down? Naging mabuway?

5
Hisakatano This perfectly still Payapa at tahimik
Hikari nodokeki Spring day bathed in

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hatsu shigure An old silent pond Matandang sapa


Saru mo kominowo A frog jumps into the pond Ang palaka’y tumalon
Hoshige nari Splash! Silence again. Lumalagaslas

Ating Pagyamanin

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at
bilang 3 sa mataas.Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. kanina = ___________, pag-aalinlangan
kanina = ____________, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____________, pagtatanong
mayaman = _____________, pagpapahayag
3. magaling = _____________, pagpupuri
magaling = _____________, pag-aalinlangan
4. kumusta = _____________, pagtatanong na masaya
kumusta = _____________, pag-aala
5. ayaw mo = _____________, paghamon
ayaw mo = _____________, pagtatanong

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin nang may intonasyon. Isulat muli sa inyong sagutang
papel ang pahayag at lagyan ng bantas upang mabuo ang tono.
1. Maganda talaga si Rona = pagsasalaysay
__________________________________________________________________
2. Totoo = masasagot ng oo o hindi
__________________________________________________________________
3. Hoy Alis dyan = pagpapahayag ng matinding
Damdamin
__________________________________________________________________
4. Kumusta ka = pagbati
__________________________________________________________________

6
5. Oo aalis na ako = pagsagot sa tanong
__________________________________________________________________

Isaisip

Ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15


siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya
at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Maiikling
awitin ang kahulugan ng tanka a may limang (5) taludtod, may
ayos na 5-7-5-7-7 at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig. Bawat
tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang
paksa nito ay pagbabago, pag-iisa o pag-ibig. Samantala, ang
haiku naman ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong
bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng
pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din
na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Ang paksang
ginagamit sa haiku ay tungkol sa kalikasan at sa pag-ibig. Kapwa
nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang (1) tanka at isang (1) haiku. Siguraduhing may
matatalinghagang salitang nagamit ang mga ito. Bigyan ng paliwanag ang
matatalinghagang salitang ginamit sa loob nito ayon sa kahulugan at mensahe ng
inyong tula. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.Tanka
Pamagat: __________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

7
Matalinghagang salita na ginamit: ________________________________________

Kahulugan ng matalinghagang salita: _____________________________________

2. Haiku
Pamagat: __________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

Matalinghagang salita na ginamit: ________________________________________

Kahulugan ng matalinghagang salita: _____________________________________

Ating Tayahin

Panuto: Pilii at isulat sa sagutang papel ang titik ng napiling sagot.


1. Ito ang kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong
parirala ng bawat berso.
A. Kireji B. Sesura C. Kiru D. Cutting
B. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig upang higit na mabisa ang
pagkikipag-usap sa kapwa.
A. tono B. diin C. antala D. hinto
3. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang
binibigkas.
A. punto B. hinto C. diin D. intonasyon
4. Isang ponemiko ng karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na
pangalan.”
A. Kana B. Antolohiya C. Aristocrats D. Manyusho
5. Ito ay tumutukoy sa hinto, diin, at tono o intonasyon sa pagbigkas ng
mga tunog, salita at pahayag.
A. Ponemang segmental
B. Denotatibong kahulugan
C. Konotatibong kahulugan
D. Ponemang suprasegmental

Karagdagang Gawain
8
Bumuo ng isang tula tungkol sa naging karanasan o napansin mo sa panahon ng
paglaganap ng COVID 19 sa buong mundo. Pumili lamang ng alinman sa tanka o
haiku.Isulat ang gawain sa yellow pad.

Pamantayan:

Kaugnayan sa paksa_____________________10
Tamang bilang ng pantig__________________5
Wastong gamit ng salita__________________ 5
Kabuoan _______________________________20 puntos

Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin Pagyamanin Isagawa


1. A Pagsasanay 1 Sariling sagot
2. D 1. 213,231
3. B 2. 213, 231 Tayahin
1. A
4. C 3. 123, 213
2. A
5. B 4. 123,132 3. C
Balikan 5. 123, 213 4. A
Pagsasanay 2 5. D
1. Maganda talaga Karagdagang
si Rona. Gawain
2. Totoo? Batay sa binigay
3. Hoy! Alis dyan. na pamantayan
4. Kumusta ka?
5. Oo, aalis na ako.
Isaisip
Sariling paliwanag

Mga Sanggunian

9
Garcia, Florante C at Servillano T. Marquez Jr, Pintig ng Lahing Pilipino 9 (Quezon
City:Sibs Publishing House, 2014), 174-178.

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino
9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City:
Vibal Group Inc., 2013.

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino
9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City:
Vibal Group Inc., 2013.

Internet:
Brainly.ph/question

Siningfilipino.blogspot.com/2012/09/mga ponemang suprasegmental

www.rexinteractive.com. Filipino Baitang 9, ikalawang markahan. Supplemental


lessons

www.slideshare.net

10

You might also like