You are on page 1of 6

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject FILIPINO Grade 9 Level ________ Quarter 2ND Week 1

MELC: Competency Code:


Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang F9PN-IIa-b-45
tanka at haiku;
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad F9PB-IIa-b-45
ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku;

Name __________________________ Section ________ Date ________

School __________________________ District __________________________

A. Readings/Discussions

A.1 PONEMANG SUPRASEGMENTAL


Ang mga ponema ay isang instrumento ng sulat na nagtataglay ng likas na katangiang
prosodic o suprasegmental. Ito’y inilalarawan bilang suprasegmental dahil sa haba o diin nito
at ang kanyang hinto o antala.

Bukod rito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarawan rin sa makahulugang yunit ng


tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng
notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas.

Maliban sa tono, mahalaga rin ang haba at diin. Ang haba ng bigkas na ginagamit ng
nagsasalita sa patinig ng pantig na salita, Samantala, ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.

Ang antala naman ang saglit na pantigil o “pause” sa Ingles. Ito’y nagbibigay linaw sa mga
salita o mensahe ibig ipahiwatig. Sa pasulat na pakikipagtalastasan ito ay inihuhudyatng kama,
tuldok, swmi-kolon, at kolon.

Diin: Antala:

▪ PAso – paSO Hindi siya si Peter.


tuBO – TUbo
▪ Ang tao ay hindi si Peter.
▪ BUhay – buHAY Hindi, siya si Peter.
▪ HApon – haPON Tinatama ng tagasalita na ito si Peter.
▪ taSA – Tasa. Hindi siya, si Peter.
Si peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao.
Tono:

▪ Nagpapahayag: Maligaya siya.


▪ Nagtatanong: Maligaya siya?
▪ Nagbubunyi: Maligaya siya!
A.2 Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
(Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson)

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa
ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag


na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t
ibang anyo ng tula na karaniwang ipinapahayag at inaawit ng nakararami.

Maikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay
nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal
na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ang pantig samantalang tig-5 naman ang
dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka, upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa
ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristrocrats ang Tanka,
kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod
upang mabuo ang isang Tanka.

Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang
ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na
Haiku.

Noong panahon ng panankop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap ng lubos ang Haiku.
Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.

Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o


paghinto. Kiruang tawag dito o sa ingles ay cutting. Ang Kiru ay kahawig ng sesura ng ating
panulaan. Ang Kirejinaman ang salitang paghihintuan o cutting word.

Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisig ng isang kaisipan. Halimbawa ang
salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “unang
ulan sa pagsisimula ng taglamig.” Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang
kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa
tula.

Estilo at pagkakasulat ng Tanka at Haiku

Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na
binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga
taludtod: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ay tatlumpu’t
isang pantig pa rin.

Samantala ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may
tatlong taludtod. Maaaring ang hati sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din
na ang kabuuang pantig ay labimpito pa rin.

Karaniwang paksa ng Tanka ay ang pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit
naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing
damdamin ang Tanka at Haiku.

A.3 Mga Halimbawa ng Tanka at Haiku

TANKA HAIKU

Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi


Ni Oshikochi Mitsune Ni Gonzalo k. Flores
Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga
Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay
Sa paglapit mo
Sa ilalim ng puno

Tag- init noon

Gulo ang isip.

B. Exercises

Exercise 1. Tono

Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas bilang
palatandaan ng pantig na binibigkas.

Example: Kahapon= 231 pagpapatibay, pagpapahayag

1. Kanina. = ______ pag-aalinlangan


= ______ pagpapatibay, pagpapahayag
2. Mayaman. = ______ pagtatanong
= ______ pagpapahayag
3. Magaling. = ______ pagpupuri
= ______ pag-aalinlangan
4. Kumusta. = ______ pagtatanong na masaya
= ______ pag-aalala
5. Ayaw mo = ______ paghamon
= ______ pagtatanong

Exercise 2. Tanka at Haiku


Panuto: Basahin ang tanka at haiku na nabanggut sa ibaba. Suriin ayon sa paksa at
mensaheng nais ipabatid nito .

PAMAGAT PAKSA MENSAHE

Katapusan ng Aking
Paglalakbay

Tutubi

C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Panuto: Mula sa binasang Tanka at Haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
ito batay sa kayarian o estilo ng pagkakasulat.

TANKA AT HAIKU
TANKA (Pagkakaiba)
HAIKU (Pagkakaiba)
( (Pagkakatulad)

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Panuto: Sa loob ng isa o dalawang talata ipaliwanag ang tanong.

Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula?

____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________.
________________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
References:

https://philnews.ph/2020/11/07/ponemang-suprasegmental-halimbawa-at-kahulugan/

Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino)

Prepared by: MIRA JOY T. SOCO Edited by:

LORNA P. ALMIRANTE

Reviewed by:

REMEDIOS Y. LUPO, Dev.Ed.,D

For the Teacher: Maaaring magbigay ng karagdagang halimbawa at impormasyon upang lubos

na maunawaan ng mag-aaral ang paksa.

For the Learner: Unawaing mabuti ang babasahin o diskusyon upang magabayan ang iyong

pagsagot sa bawat gawain.

For the Parent/Home Tutor: Patuloy na gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga gawain.

You might also like