You are on page 1of 40

9

Filipino 9
Ikalawang Markahan Modyul 2
Aralin 1-8
Mga Akdang Pampanitikan ng
Silangang Asya

(DO_Q2_FILIPINO_9_MODYUL2_ARALIN 1-8) i
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Aralin 1-8
Bagong Edisyon, 2023

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim Sara Duterte-Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ANNABELLE C. DATULAYTA, JOANNA MARIE V. PUQUIZ,


ARLYN R. MALDA, APRIL S. LIBIRAN
Tagasuri ng Nilalaman: DONNA D. TAYER
Tagasuri ng Wika: MARIEL M. ZIPAGAN
Tagasuring Teknikal: ROSARIE R. CARLOS
Tagaguhit: ANNABELLE C. DATULAYTA, JAYSON P. DELECHOS
Tagalapat: ANNABELLE C. DATULAYTA, ARLENE JEAN A. FRANCISCO
RAPHAEL A. LOPEZ, JACKLYN F. PAGLINAWAN
Tagapamahala:
ALEJANDRO G. IBAÑEZ, Schools Division Superintendent
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
MYRON WILLIE B. ROQUE III, EPS-LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS-Filipino

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

iii
* Pagbibigay Kahulugan sa
Matalinghagang Salitang Ginamit sa
Tanka at Haiku
* Pagsusuri sa Pagkakaiba at
Aralin Pagkakatulad ng Estilo ng Tanka at
1 Haiku
* Paggamit ng Suprasegmental sa
Pagbigkas ng Tanka at Haiku
* Pagsulat ng Payak na Tanka at
Haiku

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahalagang salitang ginamit
sa Tanka at Haiku (F9PT-IIa-b-45)
• Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku (F9PN-IIa-
b-45)
• Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at
Haiku (F9PB-IIa-b-45)
• Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
Tanka at Haiku (F9WG-IIa-b-47)
• Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-
b-47)

A. Piliin sa loob ng pangungusap ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. May mga taong hindi makaramdam matapos makapangutang hindi na alam


magbayad, hindi marunong mahiya.
2. Tandaan mo ang mga paalala ni Inang, kailangan mong itaga sa bato upang
hindi mo makalimutan.
3. Mas marami pa ring tao ang bukal sa loob na tumutulong sa kapwa at taos-
pusong nagmamalasakit sa mga nangangailangan.
4. Tuluyan na niyang ibinaon sa hukay ang mapait na karanasang nagpabago
sa kanyang buhay at pilit itong kinalimutan upang makapagpatuloy sa
hinaharap.

1
5. Likas na matulungin si Ana sa lahat, bukas-palad niya itong ginagawa sa
kahit na sinong nangangailangan.

Matalinghaga ang isang pahayag na nakatago ang tunay na kahulugan sa


likod ng salita o pahayag. Ang kahulugan nito ay maaaring matutuhan sa tulong ng
malalim na pag-unawa sa diwa ng pahayag. Ginagamit ito upang gumanda ang
pangungusap dahil hindi nito inilalantad agad-agad ang diwang taglay nito.
Isang anyo ng wika, awit o berso ang Tanka na may saling “maikling awit” at
binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-
7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit. Karaniwang paksa nito ay pagbabago, pag-ibig
at pag-iisa.
Katulad ng Tanka, ang Haiku ay isa ring maikling tula at nagmula rin sa
bansang Hapon. Binubuo ito ng tatlong taludtod at may sukat na 5-7-5. Kadalasan
ang tema ng Haiku ay tungkol sa kalikasan. Kahit na ito ay nasusulat sa maikli, ito
naman ay may malawak na kahulugan, matayog na kaisipan at malalim na
damdamin at di mapasusubaliang kariktan.
Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makabuluhang
yunit ng tunog na walang katumbas na letra sa pagsulat. Notasyon o simbolo ang
ginagamit kung kinakailangang isulat upang matukoy ang wastong paraan ng
pagbigkas.
Uri ng Ponemang Suprasegmental:

1. Diin (stress) – Ito ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salitang binibigkas.

Mga halimbawa:
Buhay – bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life)
buHAY – bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive)
Hapon – bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
HaPON – bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)

2. Tono o Intonasyon (pitch) – Pagbaba o pagtaas ito ng tinig sa pagbigkas ng


pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa sa
pagpapalutang ng kaisipan at damdaming gustong ipahayag.

Mga halimbawa:
Nagpapahayag: Madali lang ito.
Nagtatanong: Madali lang ito?
Nagbubunyi: Madali lang ito!

3. Hinto o Antala (juncture) – Saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang mensaheng ibig ipahayag sa kausap. Ito ang paghahati ng pahayag
sa pamamagitan ng kuwit (,) at ng tuldok (.) sa katapusan ng pangungusap. Ang
panandang / ang katumbas ng (,) at // para sa (.)

Mga Halimbawa:
a. Doktora ang kapatid ko. Kahulugan: Sinasabi ang propesyon ng kanyang
kapatid
Doktora ang kapatid ko//

2
b. Doktora, ang kapatid ko. Kahulugan: Ipinapakilala sa doktora ang kapatid
niya.
Doktora/ ang kapatid ko//

GAWAIN 1. Isulat sa sagutang papel ang matatalinghagang pahayag na ginamit


sa halimbawa ng tulang Tanka at Haiku at ibigay ang kahulugan
batay sa pagkakagamit nito.

Ang Tankang iyong mababasa Ito ang huling Haikung isinulat


ay isinulat ni Empress Iwa no Hime, na ni Matsuo Basho sa banig ng
siyang Empress-consort of the 16th kamatayan. Alam na niyang malubha
Sovereign Emperor Nintoku. ang kanyang karamdaman ngunit ang
Sinasabing ang tula ay isinulat ng pagsulat pa rin ang kanyang naging
empress dahil sa kabiguan niyang sandigan.
masolo ang pag-ibig ng emperor.
Araw na mulat,
Sa may gintong palayan Lakbay ng hirap,
Ngayong taglagas, Pangarap na naglayag
Di alam kung kailan, Tuyong lupain.
Puso ay titigil na.
Matatalinghagang Pahayag Kahulugan
1. ______________________________ 1. ______________________________
2. ______________________________ 2. ______________________________
3. ______________________________ 3. ______________________________
4. ______________________________ 4. ______________________________
5. ______________________________ 5. ______________________________

Gawain 2: Isulat sa loob ng puso ang damdaming nangibabaw sa halimbawa ng Tanka


at Haiku sa gawain 1 at ipaliwanag ito sa kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Paliwanag: Paliwanag:

_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________

A. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang at isulat ang sagot sa papel.


1. Ito ang kadalasang paksa ng Haiku.
2. Ang bilang ng kabuuang pantig ng Tanka.
3. Tulang binubuo ng limang taludtod.
4. Tumutukoy kung tungkol saan ang isang tula.
5. Ang pagkakahawig o pagkakapareho ng huling pantig ng salita sa bawat
taludtod.
6. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

3
7. Maikling tula na may tatlong taludtod.
8. Ito ang tawag sa koleksiyon ng sinaunang tula ng Hapon.
9. Sila ang mga dakilang manunulat ng Tanka.
10. Ito ang sukat ng Haiku sa bawat taludtod.

B. Isulat sa sagutang papel ang matatalinghagang pahayag at ang kahulugan nito


sa loob ng pangungusap.
1. Tila hindi mahulugang karayom sa dami ng tao ang palengke kahit
ipinapatupad ang community quarantine.
2. Ipinangako ng asawa sa kaniyang kapilas ng buhay na magsasama sila
habang buhay.
3. Lalong naghihirap ang mga taong isang kahig, isang tuka dulot ng
pandemyang nararanasan ng mundo.
4. Hindi alintana ng iba ang sakripisyo ng isang ina na hindi lamang
nagsisilbing ilaw ng tahanan, minsa’y nagiging haligi rin nito.
5. Hindi totoo ang lahat ng kanyang sinabi, pabalat-bunga lang upang
mapaniwala tayo

* Pag-aantas sa mga Salita Batay sa


Tindi ng Damdamin at Emosyon
* Paghihinuha sa Damdamin ng mga Tauhan
* Pagbibigay-Puna sa Kabisaan sa
Aralin Paggamit ng mga Hayop Bilang mga Tauhan
2 * Paggamit ng Iba’t Ibang Ekspresyon
sa Pagpapahayag ng Damdamin
* Pagsulat ng Pabula sa Paraang
Babaguhin ang Karakter

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naiaantas ang mga salita o Clining batay sa tindi ng emosyon o damdamin
F9PT-IIC-46
• Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
napakinggan F9PN-IIc-46
• Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan
na parang taong nagsasalita at kumikilos F9PB-IIc-46
• Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
F9WG-IIc-48
• Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa
sa mga tauhan nito F9PU-IIc-48

4
A. Isulat sa sagutang papel ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit na
matatagpuan sa pangungusap.

1. Tila buwaya ang mga taong gahaman sa lahat ng bagay.


2. Kayod kalabaw ang aking ama para sa aming pangangailangan ngunit sa
sobrang kasipagan siya’y nagkasakit.
3. “Isa kang pagong sa sobrang kupad ng iyong paggawa.”
4. Ang mga taong hindi marunong mahiya ay hindi na mapigil sa
ginagawang panlalamang sa kapwa. Balat-kalabaw sila kung ituring ng
karamihan.
5. Si Paul ay ahas na tulog sa kanyang trabaho kaya hindi siya nabigyan ng
promosyon. Ang makupad niyang pagkilos ang dahilan ng kanyang
pagkatanggal.

B. Isulat sa sagutang papel ang katangian ng tao na ipinakita sa mga dayalogo.

1. “Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin


lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang
asawa sa buong mundo.”
Ang Buwaya at Ang Pabareal
2. “Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong,” sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa
iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito'y aking
iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon.”
Si Langgam at Si Tipaklong

3. “Hindi ako naniniwala na mayroon pang palaka na mahigit ang laki kaysa sa
akin.” Wika ni Inang Palaka.
Ang Palaka at ang Kalabaw

4. “Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at
maghahanap pa ako ng pagkain.” (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawa-awang
Paruparo)
Si Alitaptap at Si Paru-paro

5. “Nakakaawa ka naman,” wika ni Tagak kay Kalabaw. “Tutulungan kita.


Pagtutukain ko ang mga pesteng lamok na ito.”
Si Kalabaw at Si Tagak

Sa araling ito, matutuklasan natin ang paggamit ng mga karakter na hayop


sa pagpaparating ng magandang aral sa babasahing pabula. Ano nga ba ang pabula?

5
PABULA
Ang pabula ay kuwentong may mga gumaganap na tauhang hayop na
kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga
mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi matatawarang aral. Masasalamin sa
pabula ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at
pahalagahan.
Halimbawa: ahas- taong taksil buwaya- taong ganid/sakim
pagong- taong makupad unggoy- taong tuso
kalabaw- taong matiyaga aso-taong matapat

Kung papansinin natin ang mga halimbawa, makikita natin na sa pabula,


inaangkop ang tiyak na katangian ng hayop sa katangian o karakter ng mga tao.
Ito’y upang mapalutang ang natatagong mensahe, kaisipan at aral na nais iparating
ng pabula.

TAUHAN
Sila ang mga karakter na gumaganap sa kabuoan ng kuwento. Kalimitan sa
isang pabula ang mga tauhang hayop at may mga pabula ring ang mga tauhan ay
mga nilikhang mitikal, mga halaman, mga bagay na walang buhay o mga puwersa
ng kalikasan.

DAYALOGO
Dito natin nakikilala ang mga tauhan sa kanilang mga pananalita, ugali, gawi,
desisyon at iba pa. Kadalasan nakikita natin ang karakterisasyon ng mga tauhan sa
dayalogo. Ang mga natatagong damdamin/emosyon hinggil sa mga pangyayaring
naganap sa kanila ay makikita sa mga binibitawang dayalogo.

CLINING/ TINDI NG KAHULUGAN/PAGKIKLINO


Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang nais
ipahiwatig.

TANDAAN
Sa ating pagbabasa at pagsusuri ng mga salita madalas nating nakikita na
may mga salitang magkakatulad ang kahulugan. May mga pagkakataon na ang mga
salitang magkakasingkahulugan ay maaaring magpakita ng antas ng damdamin
ayon sa pagkakagamit ng salita o tindi ng pagpapakahulugan nito. Kaya naman

6
kapag ginamit ang mga salitang ito, bagamat nagpapahayag ng magkatulad na
kahulugan ay nakikita natin ang pagkakaiba nito sa kahulugan batay sa tindi o
pagkakagamit sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Matinding lungkot ang kanyang nadama sa pagkawala ng kanyang laruan.
2. Ang mga natamasang hirap sa pagmamalupit ng kanyang mga magulang
ang nagpalumbay sa kanyang masayahing puso.

Kung mapapansin natin sa dalawang pahayag ang salitang lungkot at lumbay


sa una at ikalawang pangungusap ay nagpapakita ng magkatulad na kahulugan.
Ngunit makikita natin na mas matindi ang damdamin na ipinahahayag ng ikalawa
dahil sa tindi ng kahulugan at ganoon din sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Ang lungkot sa unang pangungusap ay maaaring maibsan lalo’t kung mapapalitan
naman ang laruang nawala sa kanya. Samantalang ang pusong nasaktan at
nalumbay dahil sa natamasang hirap ay hindi madaling mawala, minsan pa nga’y
tumatatak ito sa isip at kalooban. Kaya naman, mahihinuha natin na mas malalim
at matindi ang damdaming ipinahahayag ng ikalawang pangungusap.

MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN


Maraming emosyon o damdamin tayong nararamdaman kapag nagbasa tayo
ng pabula. Mayroon ding iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang
epektibo nating maiparating ang ating nararamdaman.
Ating alamin ang iba’t ibang paraan upang sa gayon ay magamit natin ito sa pang-
araw-araw na buhay.

Ang sumusunod ay iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at emosyon:


1. Mga Pangungusap na Padamdam- Ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ng bantas
na tandang padamdam. (!)
Halimbawa: Ay, nandyan na ang mabangis na tigre!
2. Maiikling Sambitla- Ito ay mga sambitlang iisahin o dalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Huwag! Lagot!
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng
isang Tao.
Kadalasan, ito’y mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t
mahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipinahahayag subalit
maaari rin itong maging pangungusap na padamdam na nagsasaad naman
ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking
buhay.
Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mahihina.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang


Paraan
Halimbawa:
Nakalulungkot isiping ang tauhan ay sumakabilang buhay na.

7
Tunghayan ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho,” isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat sa youtube link na ito https://www.youtube.com/watch?v=d8Xh_AnhFRo
na magiging lunsaran sa pagsagot sa ilang gawain sa pagyamanin.
Gawain 1: Kopyahin sa sagutang papel at isulat ang bilang 1 para sa
pinakamababaw na damdamin hanggang 3 sa pinakamasidhing
emosyon upang maiantas ang mga salita.

Gawain 2: Isulat sa sagutang papel ang naramdaman sa mga piling bahagi ng


pabulang ibinigay gamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
emosyon/damdamin.

1. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang


paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?”
2. “Wala akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako
kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.
3. “Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa
ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humuhukay ng butas na
iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo
ang iyong gutom.”
4. “Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya
huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin
mo na ang taong iyan.”
5. Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay
matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao.

A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot na maiuugnay sa katangian


o karakter na ipinakikita sa dayalogo.

1. “Lahat ng makita ko sa teritoryo ko ay pag-aari at kakainin ko!”


A. ahas-traydor B. pagong-makupad C. buwaya-gahaman
2. “Kuha mo ako ng saging at susunod ako sa iyo!”
A. unggoy-tuso B. pusa-malambing C. kuneho-mabilis

8
3. “Susunod ako palagi sa iyo amo. Andito lang ako, magiging kaibigan mo!”
A. tigre-matapang B. aso-matapat C. pating-katunggali
4. “Kung ako sa’yo kumain ka muna at baka ka magutom sa daan. Meow!”
A. leon-namumuno B. kwago-matalino C. pusa-malambing
5. “Ako ang kaibigan mo sa bukid! Magtatrabaho kasama mo sa buong maghapon.”
A. kalabaw-masipag B. pagong-makupad C. kuneho-mabilis
6. “Kapag kinain mo ang bunga, magiging matalino ka tulad ng iyong Panginoon.”
A. unggoy-tuso B. hunyango-mapagbalatkayo C. ahas-traydor
7. “Halos matapos ko na ang lahat ng aking gagawin sa aking pagiging mabilis.”
A. unggoy-tuso B. pusa-malambing C. kuneho-mabilis
8. “Gusto kong magtago, nahihiya ako. Mamaya na ako kikilos.”
A. pating-katunggali B. pagong-makupad C. tigre-matapang
9. “Ako ang masusunod! Sino uwak ang aking kakainin?”
A. tigre-matapang B. kalabaw-masipag C. leon-namumuno
10. “Pinuno man ako ng kagubatan ngunit wala akong laban sa tulad ni Tigre!”
A. leon-namumuno B. tigre-matapang C. pating-katunggali

* Pagpapaliwanag sa Salitang Di
Lantad ang Kahulugan
* Pagpapaliwanag sa Pananaw ng
Aralin May-akda at Paraan ng Pagkakabuo
3 ng Sanaysay
* Pagbibigay Puna sa Paraan ng
Pagsasalita ng Isang Naninindigan
sa Talumpati

Sa pagtatapos ng pagsagot sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naipapaliwanag ang salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap F9PT-IId-47
• Naipapaliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksang napakinggan
F9PN-IId-47
• Naipapaliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo
ng sanaysay F9PB-IId-47
• Nabibigyang puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa
kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati F9PD-IId-47

A. Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan


Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila
ang kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.

9
Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong
salita. Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng pagmamahal
subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pag-ibig. Sa matagal
na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay nadarama ang
higpit ng yakap.
Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang
matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay nangangahulugan ng
pagpapatawad. Isang mahigpit na yakap ay nakaaalis ng sama ng loob, ng
galit, ng inggit ng hinanakit at marami pang iba.
Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan
makikita ang amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi umaasa
na darating ang isang araw na makapiling nila ang kanilang ama. Sa isang ina na
nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang mahabang panahon ay
mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding pagkagiliw sa kanyang mga
mahal sa buhay.
Ang yakap ay simbolo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay,
pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong
nagmamahalan.

1. Ang paksa ng teksto ay ______________.


A. init B. pagkakaisa C. pagmamahal D. yakap
2. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa
kaniyang mahal sa buhay. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng
_______.
A. kalungkutan C. pagkaawa
B. kaligayahan D. kasawian
3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata.
A. una C. huli
B. ikatlo D. ikaapat
4. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay
nagpapahayag ng _____________.
A. kaligayahan C. kalungkutan
B. kasawian D. katapatan
5. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng
______.
A. pakikiramay C. pagmamahal
B. pagpapatawad D. sakripisyo
6. Ang binasang akda ay isang __________.
A. talumpati C. sanaysay
B. maikling kwento D. alamat
7. Sa isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang kaniyang mag-aama nang
mahabang panahon ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding
pagkagiliw sa kaniyang mga mahal sa buhay. Ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay nangangahulugang __________.
A. senyales C. babala
B. simbolo D. panganib
8. Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay ay ________.
A. Ibahagi ang kahalagahan ng isang yakap
B. ipabatid ang ibat-ibang simbolo ng pagyakap
C. ipaalam ang epekto ng pag yakap sa isang tao
D. ipabatid na ang pagyakap ay isang emosyon
9. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng
isang tao hinggil sa isang paksa.
A. epiko C. sanaysay

10
B. nobela D. maikling kuwento
10. Ang sumusunod ay mga sangkap ng isang sanaysay maliban sa isa.
A. paksa C. anyo at istruktura
B. pangunahing kaisipan D. kabanata

Ang salitang sanaysay ay katumbas ng essay sa Ingles. Isa itong kathang


naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa. Sa
pagbabasa ng mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay, may mga salitang hindi
lantad ang kahulugan kaya mahirap maunawaan ang nais ipakahulugan. Isa sa mga
paraan nito ay ang KONTEKSTUWAL KLU. Mababatid ang kahulugan batay sa
paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong
panahon.
Salita: binihisan ako
Kontekstuwal Klu: makabagong panahon
Kahulugan: may pagbabagong naganap
Sangkap ng Sanaysay

1. Paksa at Nilalaman – anoman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing


na paksa dahil sa layunin ng pagkasulat nito.
2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay kinakailangang
maayos at lohikal na pagkasunod-sunod ng ideya o
pangyayari.
3. Kaisipan- mga pangunahing ideya na may kaugnayan sa paksa o tema.
4. Wika at Estilo – ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay
nakaaapekto sa mambabasa; higit na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na mga pahayag.
5. Larawan ng buhay- inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanan at
masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ng
may akda.
Layunin ng Sanaysay
1. Magbigay ng kaalaman
2. Magbigay ng aliw
3. Manghikayat
4. Mangatwiran
5. Magbigay aral sa mambabasa
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita para sa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI
1. Tinig- Mahalagang puhunan ng mambibigkas ang kanyang tinig. Ang tinig na ito
ay buo at nanggagaling sa dayapram. Ang himig ay dapat iayon sa tunay
na diwa ng talumpati.
2. Pagbigkas- Dapat bigyan ng wastong diin ang mga salitang malumi at maragsa.
Mahalagang bigkasin nang malinaw ang mga salita ayon sa wastong
pagkakaputol ng pantig.
3. Tindig- Ang isang mambibigkas ay kinakailangang magtaglay ng magandang

11
impresyon o tindig sa harap ng tanghalan. Kadalasan ang bigat ng
katawan ay nasa nauunang paa. Kung patag naman ang tindig ang bigat
ay nasa dalawang paa.
4. Pagkumpas- Higit na magandang tingnan kung may koordinasyon ang paa at
ang kamay sa pagkumpas. Ilan sa mga katangian ng mabuting
pagkumpas ay ang sumusunod: maluwag at natural, puno ng buhay
at hindi matamlay, tiyak at hindi alanganin at nasa panahon.
5. Panuunan ng Paningin- Iwasan ang pagiging mailap ng paningin. Ito ay
nakalilikha ng pagkalito sa tunay na dinidiwa ng
talumpati.
6. Manonood- May responsibilidad ang mambibigkas sa kanyang tagapakinig.
Nagtatagumpay lamang siya sa aspetong ito kung magagawa niyang
sila’y hikayatin.

Basahin ang sanaysay na “Ang kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong


Nakaraang 50 Taon” (bahagi lamang) na isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina.

Gawain 1: Tukuyin sa loob ng pangungusap ang kontekstuwal klu ng salitang may


salungguhit at isulat sa sagutang papel.
1. Ang katampalasang ginawa ng mga dayuhan ay pagsasamantala sa kahinaan ng
nalupig na bansa.
2. Ang pag-ibig ay makapangyarihang damdamin ng tao sa kanyang kapwa.
3. Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka
sa pagkilos at pagsasalita.
4. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay nag-uugnay sa mga tao sa kanilang
kasaysayan.
5. Sa pag-unlad ng kalakalan, lumawak ang agrikultura at napabuti ang sistema ng
komunikasyon.

Gawain 2: Isulat sa sagutang papel ang kontesktuwal klu at kahulugan ng salitang


may salungguhit. Sundin ang pormat bilang halimbawa sa pagsagot.
Halimbawa:
Siya ay malayang magbitiw ng mga makapangyarihang pahayag kung
maisisiwalat nito ang katotohanan.
Kontekstuwal Klu: katotohanan
Kahulugan: isang malaking rebelasyon o paghahayag
1. Ngunit sa trabaho, magkatulad ang mga hinihinging pangangailangan ng mga
babae at lalaki kaya nadagdagan ang kanilang mga pagsubok sa buhay.
Kontekstuwal Klu: ___________________________________________________________
Kahulugan: _________________________________________ _________________________
2. Sa mga kompanya, higit na binibigyang-pansin sa mga babae at lalaki ang
kakayahan kaysa kasarian.
Kontekstuwal Klu: ___________________________________________________________
Kahulugan: __________________________________________________________________
3. Ang pagbuo ng mga desisyon ay hindi ipinagkakatiwala sa kanila dahil sa
mababang kalagayang ginagampanan sa tahanan.
Kontekstuwal Klu: ___________________________________________________________
Kahulugan: __________________________________________________________________

12
A. Isulat sa sagutang papel ang kontekstuwal klu ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap.

1. Sa kasalukuyan, mapapansin natin na watak-watak ang mga Pilipino sa


pagpapasya sa magiging kinabukasan ng bansa at ito ay nararamdaman natin
dahil sa may kani-kaniyang plataporma ang iba’t ibang grupo ng lipunan na
pawang nagmumungkahi ng pagbabago.
2. Noon, ang pagiging makabayan ay nasusukat sa armadong paghihimagsik sa
ngalan ng Inang–bayan kung kaya nasulat sa kasaysayan na marami ang
lumaban alang-alang sa kalayaan.
3. Ang nasyonalismo ay hindi nangangahulugan ng madugong labanan kundi
napakatinding pagmamahal o pag-ibig sa bayan.
4. Napupukaw sa tao ang damdamin ng galit kapag ang mga ito’y minaliit o hinamak
ng iba.
5. Hindi pa huli ang lahat, may pagkakataon pa para sa maningning na kinabukasan
sa pagsikat ng araw kung hindi tayo pasusupil sa mapanakop na dayuhan.

B. Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga angkop na kaisipang nakapaloob sa


tekstong babasahin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hugis ng Ating Pagkatao


Joselyn B. Racusa
Ang Sulo-Disyembre, 2002
a. Maraming kahulugang ibinibigay ang mga sikologo sa malalim na pag-uugali ng
isang indibidwal. Ang ating paboritong hugis, ang lungkot, galit, kaba at ang mga
hindi natin nagugustuhan ay may kanya-kanyang kahulugan.
b. Ayon kay Susan Dellinger, Shape at Personality Theorist, ang hugis ay isang
batayang elemento sa araw-araw na pamumuhay at may malalim na kaugnayan
ito sa ating kamulatan. Ang isang hugis na pinakaiiwasan ng isang tao ay
nagpapakita ng kanyang personalidad.
c. Sinasabing ang hindi sang-ayon sa hugis tatsulok ay masayahin at madaling
makihalubilo sa kapwa. Taglay rin ang ugaling “bahala na” at malugod na
tinatanggap ang lahat ng bagay na mayroon na.
d. Madali kang kumilos kung ang parihabang hugis ay hindi kaaya-aya para sa iyo.
Madaling makiayon sa mga taong nasa kapangyarihan at matibay ang kanilang
pagtitiwala sa sarili.
e. Habang inis ka naman, sa hugis bilog ikaw ay tapat na kaibigan. Maingat kang
pumili ng iyong kaibigan. May kakayahan kang gawin silang masaya at maging
ang pagmamahal at pagkalinga mo sa kanila ay itinuturing mong isang
karangalan.
f. Kung sa tingin mo ang paliku-likong hugis ay hindi kaakit-akit, masasabing ika’y
masayang tagapamagitan at tagasunod, mahusay na tagapagsalita at masusing
tagapakinig sa lahat.

13
g. Kung kwadrado naman ang pinakaayaw mo, kalayaan at kasarinlan ang iyong
mga nais. Malikhain at masayahin kang tao at nais mong mailabas ang
kakayahan ng iyong imahinasyon.
h. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang tao ang sinasabing natatangi, hindi lamang
dahil sila’y may kakayahang mag-isip kundi dahil mayroong higit na pagnanais
na mapaunlad ang kanilang sarili. Maging anoman ang hugis ng ating pagkatao,
nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakamit ng ating tagumpay.

_____6. Ang paboritong hugis ng tao ay nagpapakita ng kanyang personalidad.


_____7. Sinasabi ng mga sikologo na sa paboritong hugis maibibigay ang malalim na
pag-uugali ng indibidwal.
_____8. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao ang sinasabing natatangi dahil sila’y
may kakayahang mag-isip.
_____9. Ang tao ay mayroong higit na pagnanais na mapaunlad ang sarili.
_____10. Ang parihabang hugis ay higit na kaaya-aya kaysa iba pang hugis.

* Pagpapahayag ng Sariling Pananaw


sa Napapanahong Isyu
Aralin * Paggamit ng Angkop na mga
4 Pahayag
* Pagsulat ng Argumento

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa
talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan F9PS-IId-49
• Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi F9WG-IId-49
• Naisusulat ang isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunan sa
Asya F9PU-IId-49

A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating


bayan sapagkat kami ang susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan. Kami
ang may potensyal na humubog ng isang bayan na sa ngayo’y puno ng korapsyon at
kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaaring isa sa amin
dito ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

14
May kasabihan nga na “Maaaring iwanan ka ng girlfriend mo pero hinding-
hindi ng DOTA”. Hindi naman ganun ka perpekto ang larong DOTA sa totoo lang at
mas lalong hindi ito habang buhay na nandyan. May kakaibang lasa lang talaga
siguro ang larong ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin sa
ibang bansa tulad ng Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao roon.
Mas kilala ang World of Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may
papalit na bagong laro na mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang
masama sa pagkakalulong dito dahil kahit noong bago pa man ito sumikat ay nauna
nang kinaadikan ang mga Brick Game at Game and Watch ng mga mas nakatatanda.
Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng
aming pagtatrabaho at pananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay
ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash
talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na G na G si sir.
Mula sa akdang “Kabataang Pag-asa ng
Bayan sa Panahon ng Dota”
Talumpati ni Julius Renomeron Jr. (bahagi lamang)

1. Tungkol saan ang binasang teksto?


a. Kabataan sa Panahon ng Dota
b. Epekto ng Dota sa mga kabataan
c. Buhay ng kabataan sa larong Dota
d. Negatibong dulot ng Dota sa kabataan
2. “Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaaring isa sa amin dito ngayon ang
maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas”. Ano ang mahihinuha batay sa
tono ng pananalita ng may-akda sa pahayag?
a. May mataas na pangarap
b. Pagpapakita ng pagmamayabang
c. Pagkakaroon ng positibong pananaw
d. Pursigidong makamit ang pangarap
3. Anong akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
a. dula c. sanaysay
b. nobela d. talumpati
4. “Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan
sapagkat kami ang susunod na henerasyong papalit sa kasalukuyan”. Ang
pahayag ay naglalahad ng isang __________.
a. katotohanan c. opinyon
b. ideya d. sanaysay
5. Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng
aming pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa
buhay ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang
madugong trash talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na G na G
si sir. Ang pahayag ay naglalayong _______.
a. manghikayat c. magbahagi ng kaalaman
b. magbigay katuwiran d. maglahad ng isang paniniwala

Isa sa mga isinasaalang-alang sa isang talumpati ay ang pangunahing ideya


ng paksang tinatalakay. Ipinakikita rin nito ang paninindigan ng tagapagsalita

15
kaugnay ng paksa. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa isang
talumpati na may naglalahad ng matibay na paninindigan.
- Buong igting kong sinusuportahan…..
- Kumbinsido akong…….
- Labis akong naninindigan na…..
- Lubos kong pinaniniwalaan…
Halimbawa:
1. Buong igting kong sinusuportahan ang pagpataw ng parusang kamatayan
sa ating bansa.
2. Kumbinsido akong kaya niyang gampanan ang kanyang responsibilidad
bilang ama.
May mga angkop na pahayag na maaaring gamitin sa pagbibigay ng
ordinaryong opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi sa isang sanaysay. Ito
ay ang sumusunod.
Mga Halimbawa
Sa positibong opinyon
Tama ang sinabi mo, Tunay na, Talaga ganyan din ang palagay
ko, Iyan ang nararapat, Oo nga, Pareho tayo ng iniisip,
Sumasang-ayon ako
Halimbawa:
• Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng ating mga bayaning
Pilipino.
Sa negatibong opinyon
Ikinalulungkot ko sapagkat, Hindi ako sang-ayon dahil,
Tumututol ako sa sinabi mo, Naiintindihan kita pero/ ngunit, Mabuti
naman ngunit/pero, Hindi totoo
Halimbawa:
• Hindi totoong nagpapabaya ang pamahalaan sa
pangangailangan ng bayan.

May mga pahayag naman na nagsasaad ng matibay na paninindigan gaya


ng sumusunod:
Hindi karapat-dapat, Maling-mali, Mariing kinukundena, Mariing
tinututulan, Lubhang katanggap-tanggap, Mahigpit na nananalig
Halimbawa:
• Maling-mali na isisi sa pamahalaan ang lahat ng nangyayari
sa ating bansa.
May mga pahayag din na nagbibigay ng mungkahi gaya ng:
Higit na mainam…, Gawin mo…, Makabubuti kung…, Sikapin mo,
Maaari kung…

Halimbawa:
• Maaari kang pumunta sa aming bahay upang kumuha ng
iyong mga kailangan sa pagluluto.

Sa pagsulat ng isang argumento, inaasahang makapaglalahad ang


manunulat ng dalawa o higit pang pananaw at tatalakayin ang positibo at negatibong
aspekto ng bawat isa. Ito ay paraan ng paggigitgit ng katotohanan at panghihikayat
na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa iyong
panig.
Mga Bahagi sa Pagsulat ng Argumento
1. Simula- Sikaping pukawin ang interes ng mga mambabasa sa iyong paksa.
Maaaring magbahagi ng nakakatawang karanasan, estadistika, balita, palabas sa

16
telebisyon, o pananaw ng isang mahalagang taong tumatalakay ng parehong
paksa.
2. Katawan- Sa bahaging ito, mahalagang pagpasyahan muna ang iyong
paninindigan o pananaw kung sang-ayon o hindi ang argumentong tinatalakay.
3. Konklusyon- Ibinubuod ng may-akda ang mga opinyon lalo na ang mga
pinakamahahalagang puntos na nagpapatibay sa kanyang paninindigan.
Kailangan ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo. Kung kaya’t dapat isaalang-alang ang tamang pagpili ng mga
salita.
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa pagpapatunay ng pananaw
Mahalagang tandaan na… Maliban dito….
Tunay na isaisip ang…. Isa pang mahalagang dahilan…..
Kinakailangang tukuyin ang ….. Ang pinakamahalaga ay…..

Katangian at Nilalaman ng isang tekstong naglalahad ng Argumento


1. Mahalaga at napapanahon ang paksa
Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot
ang buong diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba
ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan sa lipunan.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw
Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong konteksto
ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin
sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ng
mambabasa sa nasabing isyu.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang
nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Ang
transisyon ay nakakatulong din upang ibuod ang ideya ng naunang bahagi ng
teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.
4. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga
ebidensya ng argumento
Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya
lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang
magkaroon ng kaayusan, kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na
koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng maikli ngunit
malaman na talata ay makatutulong upang mas maintindihan ng mambabasa
ang teksto.
5. Matibay na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at
napapanahon ang impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya,
masisigurado ng manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

Gawain 1: Tukuyin ang pahayag na ginamit sa bawat pangungusap na naglalahad


ng opinyong nagpapakita ng positibo, negatibo at matibay na
paninindigan at isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa tingin ko, tunay na malaki ang kontribusyon ng mga babae sa lipunan.
2. Talagang nararapat lamang makatanggap ng paghanga ang mga kababaihan dahil
sa kanilang kasipagan at pagtitiyaga sa trabaho.
3. Hindi totoong pabigat ang mga babae sa bayan.

17
4. Mariin kong tinututulan ang paniniwalang mababa na pagtingin sa kababaihan.
5. Iyan ang mga babae! Mahigpit kong pinananaligan ang taglay nilang kakayahan
at talino.

A. Piliin ang angkop na pang-ugnay sa loob ng kahon at isulat sa papel ang sagot.
PAGKILALA SA SERBISYO NG MGA BAGONG BAYANI
Ni: Arlyn R. Malda
(1) _________ patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng
COVID-19 sa ating bansa at (2) ____________ ang mga pasyenteng nasa ospital na
may COVID-19 ay walang mga kasamang bantay kaya’t (3) __________ malaman na
halos nakukuba na sa pagod ang mga healthworker sa mga ospital. Bukod diyan ay
araw-araw din silang nahaharap sa panganib na magkaroon ng virus. Gayunpaman
(4) __________ na kailangan nilang gawin ang kanilang sinumpaang tungkulin upang
mapagtagumpayan ng ating bansa ang pandemyang ito na kasalukuyang bumabalot
sa buong mundo.
Bilang pagkilala sa serbisyo ng mga frontliners, patuloy pa rin ang serbisyo
nila ngayong may pandemya. Dagsa ang mga tulong at suporta para sa mga ito mula
sa mga pribadong kumpanya na masasabing (5) ___________ sa kabila ng kanilang
paglilingkod sa bayan ay patuloy pa rin silang nakararanas ng diskriminasyon na sa
palagay ko ay (6) ____________.
Sa panahon ngayon (7) ______________ na pahalagahan ang pagkakaisa at
pagtulong sa mga nangangailangan. Pahalagahan natin ang mga bagong bayani ang
ating mga frontliners, dahil tunay na (8) ____________ ang kanilang pagpupursige
upang mapagtagumpayan natin ang pandemyang ito. At (9) _____________na
malalagpasan din natin ang pagsubok na ito dahil (10) ____________ na ang susi sa
tagumpay ay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.
Isang pagpupugay para sa lahat nang patuloy na serbisyo sa kabila ng
panganib na pagkakaroon ng COVID19.

mahigpit akong nananalig sumasang-ayon ako


katanggap-tanggap makabubuti na
ikinalulungkot ko na tunay na
maling-mali mabuti naman ngunit
totoong naniniwala ako

B. Tukuyin kung ang may salungguhit na pahayag ay ginamit sa positibo, negatibo,


matibay na paninindigan o mungkahi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

11. Tunay na mainam ang ginawang paghihigpit ng pamahalaan sa ating bansa.


12. Hindi totoo na wala ng lunas ang virus na COVID19.
13. Talagang kay sarap pakinggan ng mga pamaskong awitin.
14. Hindi ako sumasang-ayon sa paghinto sa pag-aaral ng mga estyudyante
ngayong taon.

18
15. Mariing tinututulan ng ilang mamamayan ang pagpasok ng mga Tsino sa ating
bansa.

* Pagbibigay Kahulugan sa mga


Imahe at Simbolo
* Paghihinuha sa Kultura na may
Katutubong Kulay
Aralin * Pagsusuri sa Maikling Kuwento
5 Batay sa Estilo
* Pagsasalaysay ng Sariling
Karanasan na may Kaugnayan sa
Kultura

Sa pagtatapos ng pagsagot sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento
F9PT-IIe-f-48
• Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may
katutubong kulay F9PB-IIe-f-48
• Nasusuri ang Maikling Kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy
at pagwawakas ng napakinggang salaysay F9EP-IIg-h-48
• Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento F9PS-IIe-f-50

A. Isulat sa papel ang hinihinging sagot sa bawat bilang.

1. Tumutukoy sa isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang


maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.
2. Hindi hadlang ang anumang kasawian sa pagtatagumpay. Kailangang
tanggapin ng tao ang kanyang mga kabiguan. Isulat ang kahulugan ng
salitang may salungguhit.
3. Itinuring siyang “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.” Sa iyong palagay,
sino ang tinutukoy dito?
4. Binibigyang-diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing
inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang mga pamumuhay nila, ang
kanilang mga kaugalian at gawing napapaloob sa kuwento. Sa iyong hinuha,
anong uri ng maikling kuwento ang binigyang-kahulugan sa bilang na ito?
5. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam-agam sa kaniyang pag-aanluwage.
Hinahanap-hanap niya mula noon ang bagay na dapat niyang malikha; at sa
palagay niya’y waring nagkukulang at hindi tumpak ang bawat gawin at

19
likhain niya. Dumaan ang mga taon at siya’y nakaramdam ng panghihina.
Mabilis ang pagtanda niya, ngunit ang kaniyang alalahanin ay hindi
nababawasan. (mula sa Anluwage ni Hilario L. Coronel). Sa palagay mo, ano
ang nais bigyang-pansin sa bahagi ng kuwentong ito? Tauhan, tagpuan o
pangyayari?
6. Kahanga-hanga ang mga taong may malaking puso at nagpapahalaga sa
tunay na kahulugan ng pag-ibig. Isulat ang simbolo ng salitang
nakasalungguhit na mahahanap din sa loob ng pangungusap.
7. Ito ay anyo ng panitikan na maaaring matapos sa iisang upuan lamang at
nag-iiwan ng iisang kakintalan.
8. Ito ay bahagi ng banghay ng maikling kuwento na sumasaklaw sa tagpuan o
pook na pinangyarihan, kung kailan naganap ang mga pangyayari at sa mga
tauhang gumaganap sa kuwento.
9. Sa bahaging ito, ipinahihiwatig ang suliraning kahaharapin ng pangunahing
tauhan.
10. Ito ang bahagi ng kuwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas
na kapanabikan o interes sa mambabasa.

Maikling Kuwento - Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng


isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.

Matatalinghagang Salita - Ang kariktan ng isang maikling kuwento ay makikita rin


sa matatalinghagang salitang ginagamit, maliban pa sa mga elemento nito. Kapag
sinabing matalinghagang salita, matitiyak nating hindi ito naglalaman ng literal na
kahulugan. Sa halip, malayang pagpapakahulugan ang hinihingi nito, labas sa
literal nitong kahulugan.
Magkasingkahulugang Pahayag
Isa sa mga paraan na makapagdudulot ng kariktan sa akda ay ang paggamit ng mga
magkasingkahulugang salita. Makatutulong ito upang maipamalas ng may-akda ang
kaniyang kasiningan at sa gayon ay magising ang diwa ng mga mambabasa o
tagapakinig.
Halimbawa: walang katiyakan – agam-agam
Magkasalungat na pahayag ang tawag sa salitang magkaiba o kabaliktaran ang
kahulugan. Ninanais ng may-akda na maglaan ng mga salitang gaya nito upang
maipakita ang ibang estilo sa pagsulat at pagbibigay ng pagkakataon sa mga
mambabasa na matukoy ang kasalungat na kahulugan.
Halimbawa: matayog – mababa
Simbolo – Tumutukoy sa katangian ng ilang mga ideya at katangian ng mga bagay
at konsepto. Nagpapahiwatig ng isang nakatagong kahulugan ng mga salita.
Imahe - Tumutukoy sa paggamit ng matingkad at naglalarawang wika upang
magdagdag ng lalim sa pagsulat.

20
Iba’t Ibang Estilo ng Pagsisimula, Pagpapadaloy at Pagwawakas ng Maikling
Kuwento

Sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy


at pagwawakas ng maikling kwento napapanatili ng manunulat ang kawilihan ng
kanilang mambabasa sa pagbabasa ng kanilang akda.

1.Paglalarawan ng Tauhan
Halimbawa: Si Berto ay bugtong na anak ng mag-asawang G. at Gng.
Reyes.
2. Pagsasalaysay
Halimbawa: Ibinalabal niya ang makapal na kumot sa kaniyang katawan
upang mabawasan ang lamig na nararamdaman.
3. Paglalarawan sa Tagpuan
Halimbawa: Takipsilim na nang dumating si Kiko sa isang makipot na
daanang kanilang pinag-usapan.
4. Usapan o dayalogo
Halimbawa: “Pakiusap, huwag mong hayaang mawala ang pagtatangi ko
sa iyo at tuluyan kitang kalimutan.”
5. Mahalagang Kaisipan
Halimbawa: Malaki ang paniniwala kong ang tao bago pa ipanganak ay
may kapalaran ng nakalaan.
6. Kagulat-gulat
Halimbawa: Sa pagbukas ng pintuan makikita ang isang matandang
babaeng may mahabang buhok na nakalugay at mabalasik ang tingin.

Panoorin ang akdang nagmula sa bansang Tsina na may pamagat na


“Niyebeng Itim” ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra sa link na ito
https://www.facebook.com/804387872952408/posts/nyebeng-itimni-liu-
hengisinalin-sa-filipino-ni-galileo-s-zafra-paparating-na-ang/817336864990842/

Gawain 1: Isulat sa papel ang simbolismo o imaheng ginamit sa bawat bilang na


hinango mula sa iba’t ibang bahagi ng maikling kuwento.

1. Pakiramdaman ni Hiquan, isa siyang basurahan o basahan na nais magtago sa


butas. - mula sa maikling kuwentong Niyebeng Itim
2. Damang-dama ni Danding ang pag-ibig sa lupang tinubuan. Doon niya
naunawaan kung bakit ang pagpapatapon sa ibang bansa ay napakabigat na
parusa at kung bakit ang nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo
makauwi lamang sa Inang Bayan at kung bakit walang atubiling naghain ng
dugo sina Rizal at Bonifacio.
- mula sa maikling kuwentong Lupang Tinubuan
3. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit mawalan ng malay. Hinagkan ng ina
ang ama at kasabay ng paglisan ng isang kaluluwa ay wala nang luhang
dumadaloy sa mga iyon. Tiyak naming liligaya na ang kaluluwang ito.
- mula sa maikling kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa

21
4. Saan man siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat
at hindi dapat gawin; sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang
kanilang sarili. - mula sa maikling kuwentong Niyebeng Itim
5. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung
kailan kakatok ang oportunidad.
- mula sa maikling kuwentong Niyebeng Itim

Gawain 2: Tukuyin ang imaheng nakapaloob sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon
ang tamang sagot.

1. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
- Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy
2. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag
na nakatindig sa pinagwagiang larangan. - Rogelio Sikat, Impeng Negro
3. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay Tata
More – hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at
halakhak. - Genoveva E. Matute, Tata More
4. Ibig kong magsaka na ang aanihin, ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing.
– Rogelio Sicat, Malaya
5. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat.
– Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon
Sanggunian para sa gawain 4:
https://btviola719.files.wordpress.com/2014/07/exemplar-3-sa-filipino-grade-
7.pdf

A. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing


salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan.
2. Ito ang tawag sa salitang magkaiba o kabaliktaran ang kahulugan.
3. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng matingkad at naglalarawang wika upang
magdagdag ng lalim sa pagsulat.
4. Ang kariktan ng isang maikling kuwento ay makikita rin sa salitang ginagamit.
5. Tumutukoy sa katangian ng ilang mga ideya at katangian ng mga bagay at
konsepto.
6. Ito ay pagpapakita ng aktuwal na resolusyon sa problema ng kuwento.
7. Tinutukoy sa pamamaraang ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

22
8. Tinutukoy sa pamamaraang ito na maaaring paglalarawan ng pangunahing
tauhan, at maaari rin namang ang ilarawan ay ang tagpuan sa kuwento.
9. Ito ay hinango sa salitang Latin na cultura na may literal na kahulugang
kultibasyon o paglilinang.
10. Ito isang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na maaaring
likhang-isip lamang o kaya naman ay batay sa totoong buhay.

a. matalinhagang salita f. kultura


b. pagpapadaloy g. salaysay
c. maikling kuwento h. magkasalungat
d. simbolo i. imahe
e. magkasingkahulugan j. pagsisimula
k. pagwawakas

* Paglalarawan ng Sariling Kultura sa


Anyo ng Maikling Kuwento
* Paghahambing ng Kultura sa
Aralin
6 Silangang Asya
* Paggamit ng Pahayag sa
Pagsisimula, Pagpapadaloy at
Pagtatapos ng Kuwento

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng Maikling Kuwento F9PU-IIe-f-
50
• Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na bahagi ng teleserye o pelikula F9PU-IIe-f-50
• Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng
kuwento F9WG-IIe-f-50

A. Isulat sa papel ang masayang mukha kung ang pangungusap ay may

katotohanan hinggil sa bansang Tsina at malungkot na mukha kung hindi.

1. Si Confucius ay may malaking impluwensiya sa uri ng kanilang pamumuhay.


2. Mahalaga ang mga pista sa buhay ng mga Tsino kahit naghahandog sila
ng sakripisyo sa mga diyos-diyosan, sa katotohanan ang mga ito ay may
sekondaryong kahalagahan lamang.

23
3. Isang pangunahing elemento sa buhay ng mga Tsino ay ang pagpapakasal.
4. Lantern Festival ang itinuturing pinakamahalagang pista ng mga Tsino kung saan
ipinagdiriwang ang pagpasok ng bagong taon.
5. Nais ng mga Tsino na itaguyod ang kanilang kultura kahit na nakatira sila sa
ibang lugar sa mundo at hindi iyon bukas sa mga bagong bagay.
6. Ang mga Tsino ay mahigpit na sumusunod sa isang relihiyon.
7. Nakakabit sa kanilang paniniwala ang pagpapakahulugan sa mga bagay at
mga pangyayari sa kanilang paligid.
8. Ang mga katuruan lalo na sa kagandahang-asal sa pakikitungo sa kapwa, sa mga
magulang, sa nakatataas at sa kalikasan ang nagsisilbing gabay sa kanilang
pamumuhay.
9. Ang mga Tsino ay may malaking pagpapahalaga sa kalikasan.
10. Sila ay may iba-ibang estilo ng pamumuhay dahil sa pagkakaiba ng kanilang
kalagayan sa lipunan, kabuhayan at kultura.

PAMUMUHAY NG MGA TSINO


Ang mga Tsino ay may iba-ibang estilo ng pamumuhay dahil sa pagkakaiba
ng kanilang kalagayan sa lipunan, kabuhayan at kultura. Si Confucius ay may
malaking impluwensiya sa uri ng kanilang pamumuhay. Ang kanyang mga aral lalo
na sa kagandahang-asal sa pakikitungo sa kapwa, sa mga magulang, sa nakatataas
at sa kalikasan ang nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay.
Nakakabit na rin sa kanilang paniniwala ang pagpapakahulugan sa mga
bagay at mga pangyayari sa kanilang paligid kaya labis ang kanilang pagpapahalaga
sa bawat nilalang sapagkat naniniwala sila na lahat ng ito’y may kaugnayan sa isa’t
isa.
ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PANIMULA, GITNA AT WAKAS
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahalagang mahikayat ng nagsasalita o
nagsasalaysay ang kanyang tagapakinig sa mahusay na simula. Ang mahusay na
pagsisimula ay pumupukaw sa kaisipan ng mambabasa na makinig at patuloy pang
alamin ang mga kawing-kawing na pangyayari sa pagpapataas at kasukdulan sa
gitna ng kuwento. Ang wakas naman ay kapananabikan din lalo’t naging interesado
ang mga mambabasa sa simula ng kuwento.
1. Simula
Ang mahusay na simula ang pampukaw sa interes ng mambabasa. Dito
nabubuo ang kuwento at nakikita ang aksiyong magaganap sa
isinasalaysay.
Ilang pananda sa pagsisimula: noong unang, sa simula pa lamang, una,
sa umpisa, unang-una, noong unang panahon at iba pa
2. Gitna
Makabubuti sa bahaging ito na mapanatili ang kawing-kawing na
pangyayari at mga paglalarawang nasimulan. Paniguradong aabangan
kung paano mapagtatagumpayan ng pangunahing tauhan ang kanyang
mga suliranin, maiwasto ang mali at matuto ang katunggaling tauhan
habang tumataas ang pangyayari sa kuwento.
Ilang pananda sa panggitnang pagsasalaysay: kasunod, pagkatapos,
walang ano-ano’y, sumunod, saka at iba pa
3. Wakas
Ito ang huling pangyayaring tatatak sa isipan ng mga tagapakinig o
mambabasa. Nakapaloob sa bahaging ito ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat.

24
Ilang pananda sa pagwawakas: sa huli, sa wakas, sa dakong huli, sa
katapusan at iba pa

Basahin ang Maikling Kuwentong “Si Wei at ang Batang Babae sa Pamilihan” na
mula sa bansang China.

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong hinggil sa maikling kuwento. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Paano sinubukang baguhin ni Wei ang sinabing kapalaran niya sa pag-aasawa?


2. May mga pangyayari ba sa kuwento na nangyayari sa tunay na buhay?
Magbigay ng halimbawa.
3. Anong kultura ng bansang China ang makikita sa akda? Patunayan.

Gawain 2: Ihambing ang iyong kultura sa kulturang ipinapakita sa ilang piling


bahagi ng maikling kuwento. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Naniniwala ang mga tao sa China noong panahong iyon na ang pag-aasawa ay
binabasbasan ng langit.
Paghahambing:
2. Ang pagpapakasal sa China ay una munang kinukunsulta sa mga diyosa.
Pagkatapos ay sasang-ayunan ito ng mga magulang.
Paghahambing:
3. Ang mga tao sa China ay ipinagkakasundo sa pagpapakasal kapag nasa hustong
gulang na.
Paghahambing:

Gawain 3: Isulat sa papel ang angkop na pahayag sa panimula, gitna at pagwawakas


na kukumpleto sa piling bahagi ng kuwento.

1. (Noong una, Sumunod, Sa huli) naniniwala ang mga tao sa China na


ang pag-aasawa ay binabasbasan ng langit.
2. Una muna ay kukunsulta sa mga diyosa. (kasunod, pagkatapos, walang ano-
ano) ay sasang-ayonan sila sa pagpapakasal ng kanilang mga anak.
3. Ipinaliwanag niya sa kausap na kaya siya naroon ay upang makipagkita sa ama
ng kaniyang binabalak na mapangasawa. (Walang ano-ano’y, Umpisa,
Sumunod) tinanong niya ang diyos ng pag-iisang dibdib kung magiging
matagumpay ang pag-aasawa niya sa anak ng mariskal ng lungsod.
4. Nang makita niya ang kaniyang alipin ay binigyan niya ito ng isang kutsilyo
(saka, umpisa, sa katapusan) pinangakuan ng kalayaan dagdag pa ang
pabuyang salapi kung papatayin niya ang batang babae.
5. (Sa huli, Noong una, Kasunod) pinatawad si Wei ng kaniyang asawa at
pinasalamatan sa pagsisiwalat niya ng katotohanan. Labis nilang minahal ang
isa’t isa at namuhay sila nang maligaya.

25
A. Isulat sa sagutang papel kung sa SIMULA, GITNA at WAKAS ng maikling
kuwento matatagpuan ang sumusunod na pahayag sa bawat bilang.
________________1. Ito ang madalas maiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa.
________________2. Dito napupukaw ang isipan ng tagapakinig o mambabasa upang
maipagpatuloy pang alamin ang kabuoan ng akda.
________________3. Sa bahaging ito matutunghayan ang tunggalian ng mga tauhan
at ang pinakamatinding pangyayari sa akda.
________________4. Pinananatili sa bahaging ito ang kawing-kawing na pangyayari.
________________5. Nakapaloob sa bahaging ito ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat.

* Pag-uuri sa mga Tiyak na Bahagi ng


Dula
* Pagsusuri sa Binasang Dula Batay
Aralin sa Elemento
7 * Paggamit ng mga Angkop na Pang-
ugnay
* Pagsulat ng Maikling Dula Tungkol
sa Buhay ng Asyano

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa
napakinggang diyalogo o pag-uusap F9PN-IIg-h-48
• Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at elemento nito F9PB-IIg-
h-48
• Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa katangian at elemento
ng bawat isa F9PD-IIg-h-48
• Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula
F9PN-Iii-j-49
• Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang
grupo ng Asyano F9PU-IIi-j-52

A. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa crossword puzzle at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Pahalang
1. Katumbas nito ang kabanata sa isang nobela. Ito ang paghahati-hati sa
dula

26
2. Sila ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
3. Panahon at lugar kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari sa
dula.
4. Pinakamadulang bahagi, kung saan iikot ang kahihinatnan ng
pangunahing tauhan
5. Ito ang bahaging nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan
ng mga pangyayari sa dula.
6. Ito ang paglabas-pasok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
Pababa
7. Ito ang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan o
entablado.
8. Ito ang unti-unting pagtukoy sa naging lunas sa tunggalian sa dula.
9. Ang pakikipagtagisan ng pangunahing tauhan sa kaniyang sarili, sa ibang
tao, sa kalikasan o lipunan na ginagalawan.
10. Anomang lugar na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula.

Tinatawag na dula ang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang


tanghalan o entablado. Taglay ng dula ang lahat ng kathaing umiiral sa buhay ng
tao gaya ng pagkakaroon ng suliranin o mga pagsubok na kaniyang
pinagtagumpayan o kinasawian. Katulad ng ibang akda, ang dula ay nagbibigay aral,
lumilibang, pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago. Higit na
nagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita,
nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.

Sa pangkalahatan, may dalawang klase ng dula. Iyong napapanood natin na


itinatanghal sa entablado, na mapapasailalim sa sining tanghal o performing arts.
Ang pangalawa ay ang nakasulat at mababasa sa isang iskrip, na nabibilang naman
sa panitikan. Ang mahuhusay na dula ay yaong mahusay ang pagkakasulat at ilang
beses ding tinangkilik sa tanghalan.

Bahagi ng dula:
1. Yugto - Katumbas nito ang kabanata sa isang nobela. Ito ang paghahati-
hati sa dula, puwedeng isang buong yugto ang isang dula (kaya
tinatawag na iisahing yugto ng dula), puwedeng dalawa
(dadalawahing yugto ng dula) o tatlo (tatatluhing yugto ng dula).
2. Tagpo - Ito ang bahaging nagpapakita ng panahon at lugar na
pinagganapan ng mga pangyayari sa dula.
3. Eksena - Ito ang paglabas-pasok ng mga tauhang gumaganap sa
tanghalan.

27
Elemento ng dula:
1. Iskrip - Ito ang kaluluwa ng isang dula; walang dula kapag walang iskrip.
2. Direktor - Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa iskrip ng dula.
3. Gumaganap o Aktor - Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
4. Tanghalan - Anomang lugar na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula.
5. Manonood - Sumasaksi sa pagtatanghal ng dula.
6. Diyalogo - Ito ang usapan ng mga tauhan. Ito ay kailangang gawing natural
at hindi artipisyal.

Sangkap ng dula:
1. Tagpuan - Panahon at lugar kung saan at kailan naganap ang mga
pangyayari sa dula.
2. Tauhan - Sila ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
3. Sulyap sa suliranin - Pambungad na pagpapakita ng tunggalian sa
pinakakuwento ng dula.
4. Saglit na kasiglahan - Paraan kung paano unti-unting inilalantad ang
problema at kung paano tumutugon ang mga
tauhan.
5. Tunggalian - Ang pakikipagtagisan ng pangunahing tauhan sa kaniyang
sarili, sa ibang tao, sa kalikasan o lipunan na ginagalawan.
6. Kasukdulan - Pinakamadulang bahagi, kung saan iikot ang kahihinatnan
ng pangunahing tauhan, kung ito ba ay masasawi o
magtatagumpay.
7. Kakalasan - Ang unti-unting pagtukoy sa naging lunas sa tunggalian sa
dula.
8. Katapusan - Mababatid dito ang resolusyon; maaaring masaya o
malungkot, pagkapanalo o pagkatalo.
Mas magiging maganda ang daloy ng pagsulat ng isang iskrip sa dula kung
gagamitan ito ng mga angkop na pang-ugnay. Upang maiwasan ang paulit-ulit na
paggamit ng mga salita.
Pang-ugnay ay anomang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay
at pangungusap gaya ng pang-angkop, pangatnig at pang-ukol. Ito ay nagpapakita
ng kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap. May tatlong uri ng pang-ugnay,
ito ang sumusunod;
1. Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ang na ay ginagamit kapag ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa letrang n.
Halimbawa: Makisig na binata si Temujin.
- ang ng naman ay idinurugtong sa mga salitang
inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa
patinig.
Halimbawa: Isang napakagandang dalagita si Borte.
2. Pangatnig - ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa ng pangatnig ay at, pati, nang, bago, habang,
upang, kaya, kung gayon at iba pa.
Halimbawa: Magkahawak kamay na naglakad si Borte at Temujin upang
hanapin si Yesugei, ama ni Temujin.
3. Pang-ukol - ang kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa

28
iba pang salita sa pangungusap. Ito ay ang ni, nina, kay/kina,
ayon sa/kay, alinsunod sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay,
hinggil sa/kay.
Halimbawa: Ang pinakamainit na balita ngayon ay tungkol sa pagbagsak
ng Afghanistan sa Taliban.

Basahin ang dulang “Munting Pagsinta” mula sa pelikulang Mongol: The Rise
of Genghis Khan ni Sergei Bordrov hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

Gawain 1: A. Batay sa mga diyalogo ng mga tauhan sa dulang Munting Pagsinta.


Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumimbolo sa kanilang katangian.
Iguhit ito sa loob ng kahon.
Yesugei Temujin Borte

B. Sagutin ang mga tanong sa loob ng graphic organizer.

Masasabi mo bang • ___________________________


makatotohanan ang
pagganap ng mga tauhan
___________________________
batay sa kanilang ___________________________
diyalogo? Ipaliwanag. ___________________________
• ___________________________
Angkop ba ang lugar na
pinangyarihan sa dula?
___________________________
Ipaliwanag. ___________________________
___________________________
• ___________________________
Malinaw ba ang iskrip,
ang daloy ng diyalogo ng
___________________________
mga tauhan? Ipaliwanag. ___________________________
___________________________
Paano winakasan ang
dula? Kung ikaw ang
• ___________________________
magbibigay ng wakas sa ___________________________
dulang binasa, paano mo
ito wawakasan?
___________________________
Ipaliwanag. ___________________________
Makikita ba sa dulang
• ___________________________
binasa ang karaniwang ___________________________
pamumuhay ng mga tao?
Ipaliwanag.
___________________________
___________________________

29
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Iskrip E. Dula I. Aktor


B. Tagpuan F. Tagpo J. Temujin
C. Tunggalian G. Yesugei K. Suliranin
D. Munting Pagsinta H. Kakalasan L. Saglit na Kasiglahan

_____1. Isang akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming


tagpo.
_____2. Sila ang mga kumikilos at nagbibigay–buhay sa dula.
_____3. Ang mga paglalaban sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kaniyang paligid at tauhan laban sa kanyang sarili.
_____4. Tumutukoy sa problemang kinahaharap ng mga tauhan.
_____5. Ito ay kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula.
_____6. Ang pamagat ng dulang binasa ay _______________________.
_____7. Ang pangunahing tauhan sa dulang binasa ay si ____________________.
_____8. “Magkahawak kamay na bumalik ang dalawa sa lugar ng kanyang ama.
Ipinaliwanag nito na si Borte ang kanyang napili. Pagkatapos noon ay
nagtungo sila sa magulang ni Borte upang ipagkasundo.” Anong bahagi
ng dula ang ipinayahag?
_____9. “Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko
sa iyo. Kasama ko si itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang
pumili ako ng aking mapapangasawa, ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang
pinipili ko.” Wika ni Temujin. Anong bahagi ng dula ang ipinahayag.
_____10. Itinuturing na kaluluwa ng isang dula.

B. Punan ng angkop na pang-ugnay ang patlang sa bawat bilang. At tukuyin ang


uri nito.

11. Magkahawak kamay na tinungo _____ Temujin at Borte ang kinaroroonan ni


Yesugei.
12. Nabigla si Borte sa di inaasahang pagbagsak ______ pinto sa kusina likha ng
aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.
13. Naguguluhan si Tenujin sa kanyang ama. Kanina pa ito nagmamadali _______
sinasabing mahalaga ang kanilang sasadyain.
14. Malaki ang atraso ko sa tribo ng Merit _______sa ganitong paraan ako
makakabawi sa kanila.
15. Si Temujin ay isang makisig ______ binatilyo.

30
* Pagbibigay Kahulugan sa Mahihirap
na Salita
* Pagpapaliwanag sa Bisa ng
Aralin Nabasang Akda
8 * Pagpapahayag ng Damdamin
* Paggamit ng Linggwistikong
Kahusayan sa Pagsulat
* Pagsulat ng Sariling Akda

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap F9PT-IIi-j-49
• Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
damdamin F9PB-IIi-j-49
• Naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang orihinal
F9PN-IIi-j-49
• Nagagamit ang linggwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano F9WG-IIi-j-52
• Naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
Asyano F9PU-IIi-j-52

A. Ibigay ang kahulugan ng salita o mga salitang nakasalungguhit batay sa


pagkakagamit sa pangungusap at isulat ang sagot sa patlang.

1. Maraming balakid ang sumusubok sa kakayahan ng mga kababaihan.


2. Ang mga paglabag sa batas ay dinadala sa hukuman.
3. Halos liparin niya habang naglalakad sa kalsada dahil may naghihintay sa
kanyang pagbabalik.
4. Hindi matatawaran ang pagod at sakripisyo ng ating ilaw ng tahanan.
5. Huwag mong kalilimutan at lagi mong ikrus sa noo ang mga payo ng iyong mga
magulang.
6. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan
kakatok ang oportunidad.
7. Lumaking mabuti at marespeto ang kanilang bugtong na anak.
8. Usad pagong ang daloy ng mga sasakyan dahil sa aksidente.
9. Kilatisin mong mabuti ang mga impormasyong nababasa.
10. Pinanindigan ng aking kaibigan na kaya niyang mamuno sa klase.

31
B. Sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya na napag-aralan, isulat sa
sagutang papel ang kaisipang nangibabaw sa mga aralin.

a. _____________________________________________________________________
b. _____________________________________________________________________
c. _____________________________________________________________________
d. _____________________________________________________________________
e. _____________________________________________________________________

Bisang Pampanitikan
Tumutukoy sa kahalagahang pangkatauhan. May tatlong uri ng bisang
pampanitikan, ito ay ang sumusunod:

1. Bisang Pangkaisipan – Ito’y mahalagang katangiang taglay ng anumang akdang


pampanitikan. Nagbubunsod ito upang tayo’y mag-isip nang may kabutihan upang
yumabong at yumaman ang ating kaisipan. Nagiging kawili-wili at kalugod-lugod
ang mabuhay dahil sa bisang ito.
Halimbawa:
“Hindi magmahal sa kanyang salita,
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.”
Mula sa “Sa aking mga Kabata” ni Jose P. Rizal

2. Bisang Pangkaasalan – Nakatutulong ang panitikan sa paghubog ng pag-uugali.


Ang pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng indibidwal at
sa pag-angat sa kanyang kalagayan. Nilikha upang magbigay dunong, magbigay-aral
at humubog ng katauhan.
Halimbawa:
“Madaling isilang ang tao sa mundo,
madaling mabuhay ang masamang damo
subalit ang laging bilin ng nuno ko,
“Atong, sikapin mong ika’y maging tao.”
Mula sa “Ang Buhay” ni Amado V. Hernandez

3. Bisang Pandamdamin – Ang ating damdamin ay naaantig o natitinag ng


damdamin ng tauhan ng akda o kaya ay ang damdamin ng awtor. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng: 1) pagpukaw sa ating damdamin; 2) pagpukaw sa ating alaala; 3)
tuwirang pagpapahayag ng damdaming nais ihatid. Tumutukoy sa nagiging epekto
o pagbabagong naganap sa damdamin ng mambabasa.
Halimbawa:
“Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan!”

32
Mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio

Paggamit ng Contextual Clues – ang kahulugan ng salita ay mauunawaan


ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Nagliwanag ang paligid sa pasikat na araw.
2. Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.
Alam mo ba…
Ang pagsulat ay pagpapahayag ng saloobin, kaalaman, kaisipan at anomang
pangyayari sa paraang pasulat. Naglalarawan ito ng wastong gamit ng mga salita,
talasalitaan, paghahanay ng mga kaisipan at iba pang mga elemento sa pagsulat.

Tatlong Pangunahing Hakbang sa Pagsulat

1. Gawain Bago Sumulat - Dito nagaganap ang pagpili sa paksang isusulat at


pangangalap ng mga impormasyong kakailanganin sa isusulat.
2. Gawain Habang Sumusulat - Dito ginaganap ang pagsulat ng burador o draft
Isinasaalang-alang sa pagbuo ng unang talata ang mainam na paraan.
3. Gawain Pagkatapos Sumulat - Dito isinasagawa ang pag-eedit o pagwawasto sa
draft batay sa wastong gramatika, wastong salita at baybay nito, pati na ang
pagkakasunod-sunod ng kaisipan.

Gawain 1: Isulat ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit


sa pangungusap.

____________________1. Ang ebidensiyang inihain laban sa kanya ay walang bisa.


____________________2. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay.
____________________3. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na.
____________________4. Mayaman ang imahinasyon ng mga manunulat kaya’t
nakalilikha sila ng mga akdang bunga ng kanilang guni-guni.
____________________5. Ang iyong kalaban ay walang sinasanto kaya’t dapat
paghandaan mo ang iyong laban.

Gawain 2: Ibigay ang mga kultura at kaugaliang nalaman sa mga akdang


pampanitikan ng Silangang Asya.
Mga Akdang Pampanitikan
sa Silangang Asya Kultura Kaugalian

1. Tanka at Haiku

2. Ang Kababaihan ng
Taiwan: Ngayon at Noong
nakalipas na 50 Taon

3. Ang Munting Pagsinta

33
Gawain 3: Ipaliwanag ang naging bisa ng mga akdang pampanitikan sa Silangang
Asya.

Mga Akda sa Silangang Asya Bisang Pandamdamin Bisang Pangkaisipan

1. Ang Hatol ng Kuneho

2. Niyebeng Itim

Gawain 4: Lagyan ng kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at naman


kung mali ang isinasaad na pahayag.

_____1. Sa pagrerebisa ng akdang isinulat, tinitingnan kung tama ang


pangungusap, magkakaugnay ang ideya, angkop ang salitang ginamit at
malinaw ang mensahe.
_____2. Sa proseso ng pagsulat ng sariling akda, maaari nang walang isaalang-alang
na mga katanungan.
_____3. Sa pamamagitan ng pagsulat, nalalaman ang kasaysayan ng lahi,
paniniwala, kultura at matatayog na kaisipan ng mga tao sa daigdig.
_____4. Ang pagsasalita ay pagpapahayag ng saloobin, kaisipan at anomang
pangyayari sa paraang pasulat.
_____5. Sa pagsulat ng akda tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging asyano, hindi na
mahalagang maipaliwanag ng akda ang bisa ng paggamit ng maayos na
simula at wakas ng pagsulat.

Gawain 5: Ibigay ang iyong damdamin at ipaliwanag ang pahayag sa piling mga
bahagi ng akda.
Pahayag Damdamin Paliwanag
1. Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig
mo kung mangangako kang hindi ka na
mag-iingay. Magtiwala ka sa akin, hindi ako
masama.

2. Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan


ay umunlad kung ihahambing 50 taon ang
nakalipas.

3. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang


lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga,
umiiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag sa kanya.
4. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw,
dahil walang nakaaalam kung kailan
kakatok ang oportunidad.

34
5. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang
ibubunga ang mawalan ng pag-asa.

A. Isulat ang BD kung bisa sa damdamin at BK kung bisa sa kaisipan ang


ipinahahayag ng pangungusap.

____1. Lubhang nakagagalak na malaman na ang mga kultura ng Silangang Asya


ay nagpapatatag at nagpapaunlad ng pagkatao ng bawat asyano.
____2. Nabago ang pananaw ng mga Asyano dahilan sa mabuting impluwensya ng
bawat bansa sa Asya.
____3. Malugod na tinanggap ng mga Asyano ang malaking impluwensya ng mga
akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa pagpapakilala ng kanilang mga
kultura at kaugalian.
____4. Lubos na naunawaan na ang panitikan ng Silangang Asya ay nakapagbigay
ng malaking ambag sa pagkakakilanlan bilang mga Asyano.
____5. Ikinatutuwa ng mga Asyano ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa
pagitan ng bawat bansa sa Asya na nagbunga upang pahalagahan ang mga
minanang kultura at pagkakakilanlan.

B. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.


____6. Ito’y mahalagang katangiang taglay ng anomang akdang pampanitikan.
Nagbubunsod ito upang tayo’y mag-isip nang may kabutihan upang
yumabong at yumaman ang ating kaisipan.
a. bisang pampanitikan c. bisang pagkaisipan
b. bisang pandamdamin d. bisang pangkaasalan
____7. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
a. ito ay itinatanghal
b. ito ay masining na pagsasalaysay
c. ito ay binibigkas nang maindayog
d. ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari
____8. Pag-aantig ng isang akda sa mambabasa nito. Tumutukoy sa pagbabagong
naganap sa damdamin matapos mabasa ang isang akda.
a. bisang pangkaasalan c. bisang pagkaisipan
b. bisang pandamdamin d. bisang pampanitikan
____9. Sa prosesong ito ng pagsulat pinipili ang paksa at binubuo na ang konsepto
tungkol sa paksa.
a. bago sumulat c. pagkatapos sumulat
b. habang sumusulat d. paglalathala
____10. Ang pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng
indibidwal at sa pag-angat ng kanyang kalagayan.
a. bisang pangkaasalan c. bisang pagkaisipan
b. bisang pandamdamin d. bisang pampanitikan
____11. Dito nagaganap ang pagpili sa paksang isusulat at pangangalap ng mga
impormasyong kakailanganin sa isusulat.
a. bago sumulat c. pagkatapos sumulat
b. habang sumusulat d. lahat ng nabanggit
____12. Ang pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng
indibidwal at sa pag-angat sa kanyang kalagayan. Nilikha upang magbigay

35
dunong, magbigay-aral at humubog ng katauhan.
a. bisang pangkaasalan c. bisang pagkaisipan
b. bisang pandamdamin d. bisang pampanitikan
____13. Dito ginaganap ang pagsulat ng burador o draft. Isinasaalang-alang sa
pagbuo ng unang talata ang mainam na paraan.
a. bago sumulat c. pagkatapos sumulat
b. habang sumusulat d. lahat ng nabanggit
____14. Ang ___________ ay pagpapahayag ng saloobin, kaalaman, kaisipan at
anomang pangyayari sa paraang pasulat. Naglalarawan ito ng wastong gamit
ng mga salita, talasalitaan, paghahanay ng mga kaisipan at iba pang mga
elemento sa pagsulat.
a. pagbasa b. pagsulat c. panonood d. pakikinig
____15. Dito isinasagawa ang pag-eedit o pagwawasto sa
draft batay sa wastong gramatika, wastong salita at baybay nito, pati na ang
pagkakasunod-sunod ng kaisipan.
a. bago sumulat c. pagkatapos sumulat
b. habang sumusulat d. lahat ng nabanggit

36
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City

Telefax: 02-292-3247

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

37

You might also like