You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 9
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ponemang Suprasegmental
(antala/hinto, diin at tono)
MELC:
• Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at
tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
(F9WG-IIa-b-47)

Inihanda nina:

ARLANE Q. LAGUNDINO
Guro I
Lanao National High School

SHIRLEY D. EUGENIO Guro


II
Pandan Integrated School

Filipino – Ikasiyam na Baitang


Share-A-Resource-Program
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Nagagamit ang suprasegmental na
antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlane Q. Lagundino


Shirley D. Eugenio
Editor: Oscar R. Gamiao, Jr.
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagasuri ng Wika: Oscar R. Gamiao, Jr.
Tagalapat: Chester Allan M. Eduria
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph

9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ponemang Suprasegmental
(antala/hinto, diin at tono)

Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii

Alamin
Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang
ating pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay
tiyak na kasiya-siya para sa iyo.
Ang kabuoan ng modyul na pag-aaralan mo ay tungkol sa wastong paggamit ng
suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


• Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku. F9WG-IIa-b-47

Nasasabik ka na ba? Tara na’t ating alamin ang wastong gamit ng mga
suprasegmental sa pagbigkas ng tanka at haiku.
Subukin
Sa ngayon, subukin muna natin ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na mga katanungan.

Gawain 1
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M kung
mali ang ideyang ipinapahayag sa bawat pangungusap.

1. Ang ponema ay makahulugang tunog.


2. Ang antala ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas.
3. Dalawampu’t isa (21) ang ponema sa wikang Filipino.
4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin.
5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito
makikita sa pagbaybay o ispeling ng salita.
7. Tuldok ang bantas na ginamit sa pangungusap na nagpapahayag.
8. Pataas ang tono ng isang pahayag na nagtatanong.
9. Hindi naapektuhan ang mensahe ng isang pangugusap batay sa
intonasyon sa pagbigkas.
10. Pareho lamang ang kahulugan ng pangungusap A at B.
A. Hindi, akin ang kendi sa mesa.
B. Hindi akin ang kendi sa mesa.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man


ang iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito.
Ipagpatuloy mo lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.

Ponemang
Aralin
Suprasegmental

2.2 (tantala/hinto, diin at


ono)

Magandang araw sa iyo aking mag-aaral!

Sa pagtatapos ng araling ito, ay nagagamit nang wasto ang suprasegmental


na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.

Handa ka na ba? Simulan na natin.

Balikan

Bago ka magpatuloy isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito


batay sa kayarian. Kopyahin sa iyong sagutang papel ang graphic

Panuto: Batay sa nakaraang aralin, ihanay ang natutunang pagkakaiba at


pagkakatulad ng haiku at tanka. Isulat sa sagutang papel.

GAWAIN 2: PAGHAMBINGIN MO!


Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental.
Mahalaga ito upang makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang
wastong diin, tono o intonasyon, at antala upang maipahayag mo ang damdamin o
kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.
Ponemang Suprasegmental
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o
hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sapagbigkas ng
isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan
nito. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a) BU:hay = kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa
b) LA:mang = natatangi la:MANG = nakahihigit; nangunguna

c. SA:ya = skirt sa:YA = joy d


SA:kit= suffering sa:KIT = illness
e. BA:ka =cow ba:KA = maybe
Malinaw na ba? Kung hindi pa, balik-balikan mo ang aralin. Huwag kang mag-
alala. May mga pagsasanay na kasunod para mailapat mo ang iyong matututuhan.
b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigaykahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o
intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may
mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa:
a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahyag
b) talaga = 213, pag-aalinlangan talaga = 231,
pagpapatibay, pagpapahayag
Paano mo binigkas ang Pangungusap Blg. 1? Tama kung may pataas na tono sa
hulihan. May tandang pananong kasi ito.
Paano naman ang Pangungusap Blg. 2. Di ba, pababa naman ang tono sa dulo?
Ano ang ipinapahayag sa Blg. 1? Nagtatanong, di ba? Maaari ring pagdududa sa
narinig. Ano naman ang mensahe ng Blg. 2? Hindi ito nagtatanong. Hindi rin
nagdududa. Ito’y kompirmasyon. O kaya’y pagsang-ayon. Maaaring sagot sa
tanong sa Blg. 1.
Magkaiba ng kahulugan ang 1 at 2, kung gayon. Bakit naging magkaiba ng
kahulugan? Di ba dahil sa magkaibang tono ng pagbigkas? Samakatwid,
makahulugan ang tono sapagkat nagpapabago sa kahulugan ng pahayag.

C.Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.Maaaring gumamit
ng simbolo kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )
Nakapagpapabago ng kahulugan ang antala. Ang totoo, magkakalituhan kayo ng
kausap mo kapag hindi mo nagamit nang wasto ang antala sa iyong pagsasalita.
Heto ang isang anekdota. Tinanong ng hukom ang nasasakdal:
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nasasakdal: Hindi, ako!
Kung ikaw ang hukom sa anekdotang ito, hindi ka rin kaya malito? Baka
hatulan mo tuloy ng bitay ang nasasakdal. Kasi, tumanggi ang nasasakdal nang
sabihin niyang “Hindi.” Pero umamin naman nang sabihing “ako!”
Ano ang tamang bigkas? Para malinaw ang pagtanggi, dapat ay tuluy-tuloy
ang pagsasalita ng nasasakdal: “Hindi ako!” Tama ang obserbasyon mo: dapat ay
walang antala.
Samakatwid, ang pagkakaroon ng antala sa pangungusap ay maaaring
magdagdag ng kahulugang hindi intensyon ng nagsasalita.
Heto pa ang isang pares ng pahayag.
Suriin mo: a. Namasyal sina Juan, Carlo, Pat at Percy.
b. Namasyal sina Juan Carlo, Pat at Percy.
Ilang tao ang namasyal sa a? Tama, apat.
E, sa b? Tatlo lang dahil isang tao lang si Juan Carlo ‘di ba?

O, malinaw na ba ang kahalagahan ng antala


sa mabisang pakikipagkomunikasyon?

Ngayong nalaman mo na ang mga kahalagahan ng mga ponemang suprasegmental


sagutin ang mga pagsasanay upang lalong maging bihasa sa paggamit ng mga ito.

GAWAIN 3: Bigkasin Mo

A.PANUTO: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng pahayag.


Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2

a. buNOT b. BUnot

__________1. Bao ng niyog na ginagamit sa pagpapakintab ng sahig

__________2. Paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan


Para sa bilang 2 at 3

c. SAya d. saYA

__________3. Ligaya

__________4. Isinusuot ng babae


Para sa bilang 5 at 6

e. LAmang f. laMANG

__________5. Nakahihigit

__________6. Natatangi
Para sa bilang 7 at 8

g. LInga h. liNGA

__________7. Paglingon

__________8. Buto ng halamang ginagamit sa pampabango ng pagkain


Para sa bilang 9 at 10

i. Aso j. aSO

__________9. Hayop na inaalagaan


__________10. Usok

B. Panuto: Piliin at isulat ang salitang angkop sa bawat pangungusap sa


iyong sagutang papel.
1. (Bata, BaTA) pa siya nang mag-asawa.
2. (MagBAta, MagbaTA) sina Athena at Rex.
3. May (TUbo, tuBO) na ang isinabog nating binhi ng ibat ibang gulay.
4. Magtanim tayo ng (TUbo, tuBO) sa kabilang dako.
5. (MaMAmakyaw, MamaMAKyaw) siya ng isda.
6. Alam niya kasing maraming dumarating na (maMAmakyaw, mamaMAKyaw) sa
aplaya.
7. Mahal (Kita, kiTA).
8. Marami talaga siyang (Kita, kiTA)sa pagtitinda ng prutas.
9. Limang (DAan, daAN) ang ibinigay niya sa akin.
10. Liku-liko ang (DAan, daAN).

GAWAIN 4: Analisahin Mo!

A. PANUTO: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang P kung


magkapareho ng bigkas at HP kung hindi pareho ang bigkas ng
salitang nakaitalisado.
1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya. May baga pa sa kalan; maiiinit mo

roon ang ulam.


2. Ang paso ay taniman ng halaman. Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para
di maimpeksyon.
3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom. Siya, siya nga ang may sala.
4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako. Masustansya ang
ensaladsang pako.
5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan. Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.

B. PANUTO: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat


ang P kung magkapareho ang kahulugan ng mga pares na pangungusap
at HP naman kung hindi.
1. Bukas, luluhod ang mga tala.
Bukas luluhod ang mga tala.
2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
3. Bukas kami aalis. Bukas, aalis kami.
4. Hindi, umuulan.
Hindi umuulan.
5. Kahapon?
Kahapon.

Mahusay, binabati kita! Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod
na katanungan dahil ikaw ay may malalim nang pang-unawa sa aralin na
natalakay.

Suriin
Panuto: Basahin at unawain mo ang katuturan ng Tanaga bilang isang
katutubong panulaang Pilipino at at bilang bahagi ng mayaman ang ating
panitikan.

Alam mo bang…

TANAGA

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na

kinaugaliang ginagamit sa wikang Tagalog. Ang makabagong tanaga ay

ginagamit sa mga iba't ibang wikang Pilipino at Ingles dahil sa kanyang

katanyagan sa ika-20 siglo. Lumaos ito sa huling bahagi ng ika-20 siglo,

ngunit muling isinilang ito ng kapanlahatan ng mga Pilipinong alagad-

sining sa ika-21 siglo. May estruktura itong apat (4) na taludtod at pitong

(7) pantig kada taludtod. Naglalaman ito ng pang-aral agimas at payak

na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga

kabataan. Naglalaman din ito ng matalinghagang pananalita.

Ipinapalagay ang tanaga ay kina Prayleng Juan de Noceda at Pedro

de Sanlucar ni Vim Nadera, at sinipi niya ang sinabi nilang “Poesia muy

alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de

metafora.” (ika-16 na siglo) ("Medyo mataas ang panulaan sa Tagalog,

binubuo ng pitong pantig, at apat na taludtod, puno ng metapora.")

Tulad ng haiku ng Hapones, kinaugaliang walang pamagat ang mga tanaga.

Sila ay mga matulaing anyo na nagsasalita para sa kanilang sarili.

Ipinapasa-pasa ang karamihan sa pamamagitan ng sali’t saling sabi, at

naglalaman ng mga salawikain, araling moral, at pira-piraso ng alituntunin


ng pag-uugali. (halaw mula sa Wikipedia)

Pagyamanin

GAWAIN 5: IPAHIWATIG MO!


A. Panuto: Ipaliwanag ang nais ipahiwatag ng mga sumusunod na
antala.

1. Hindi # Totoo #
2. Hindi totoo # kilala ko siya #
3. Hindi # ang Tacloban ang sinalanta ng bagyo#
4. Si Ireneo Jose tawagin mo na#
5. Si Ireneo # Jose tawagin mo na #
6. Padre # Martin # ang tatay ko #
7. Padre # Martin ang tatay ko #
8. Ikaw # hindi ko maintindihan # hindi po #
9. Atty. Juan # Manuel Miguel po ang pangalan ko#
10. Atty. # Juan Manuel Miguel po ang pangalan ko #

Isaisip

Tandaan!

Malinaw ang kahalagahan ng diin, tono at antala sa mabisang

pakikipagkomunikasyon. Magagamit mo na ba nang mabisa ang


mga ponemang suprasegmental?

Isagawa
GAWAIN 6: Palawakin Pa!

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng


Silangang Asya at gagawa ng isang artikulong mula rito upang maiulat sa klase
nang may tamang diin, tono o intonasyon at hinto at antala sa pamamagitan ng
video clip.
RUBRIK SA PAGMAMARKA
Pamantayan Kraytirya Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Ang artikulo ay produkto ng 5
masusing pananaliksik
Kaangkupan ng Ang artikulo ay naglalaman ng 5
Konsepto mga tamang impormasyon.

Pagkamapanlikha Ang pag-uulat ay malinaw, 5


(Originality) madaling maunawaan at
kagiliw-giliw.

Pagkamalikhain Ang pag-uulat ay may tamang 5


diin, tono o intonasyon at hinto
at antala.

Kabuuan Maayos ang kabuuan 5


ng konsepto.

KABUUAN

Binabati kita! Natapos mo rin ang aralin. Sana’y


naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag -
aralan natin patungkol sa ponemang
suprasegmental. Ang kahalagahan ng tono, diin
antala sa ikalilinaw ng komunikasyon. Nawa’y
magamit mo pa ito para sa pagpapaha yag ng isang
malinaw na pagpapahayag Bagaman tapos na tayo
sa araling ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa
panibago na namang aralin – Aralin 2.1 : Pabula
Gawain 2
Gawain 3
Tanka-ay isang maikling awitin
na binubo ng tatlumpo't B.isang
1. Bata
pantig na may limang taludtod.
7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 2. MagBata
3. Tubo
Haiku- ito ay may labimpitong
bilang ang pantig na may4.tatlong
tubo
5. MaMamakyaw
taludtod. 5-7-5 Pagkakatulad-
Ang Tanka at 6. mamaMAKyaw
7. Kita
Haiku ay parehong nanggaling
sa bansang Japan. Pareho 8.ring
kiTA
pinahahalagahan ng mga9.Hapon DAan
10.
ang mga ito dahil parte ito ng daAN
kanilang kultura at panitikan.Ito
ay parehong may layunin na
magsaad ng paksa o ideya gamit
ang kakaunti at piling salita
lamang.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 6 -Nakadepende sa mga mag-aaral base sa ibinigay na rubriks.


Sanggunian
Dayag A. M., et.al (2017). Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon. Quezon
City: Phoenix Publishing House Inc.

Panitikang Asyano 9

Rex Interactive . Supplemental-Filipino, High School- Grade 9.

Wikipedia

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like