You are on page 1of 17

IKALIMANG LINGGO

Imahe at Simbolo ng
Maikling Kuwento
Magandang buhay! Maligayang
pagbabalik sa ating klase
Ngayon ay nasa ikatlong linggo
na tayo ng ating pag-aaral. At
ikinatutuwa ko na kasama ko
ngayong araw. Kaya halina’t
simulan na natin.
Balik-Aral/
Recap
Inaasahan na ang mga mag-aaral sa
pagtatapos ng ating aralin na:
Nabibigyang -kahulugan ang
mga imahe at simbolo sa
binasang kuwento
F9PT -IIe - f -48
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik wastong sagot sa bawat bilang.
a. Imahe b. Simbolo c. Puti
d. Pula e. Dapit-hapon

1. Magandang pagmasdan ang paglubog ng araw.


2. mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa
mambabasa pero dapat na di-nalalayo ang kaniyang
interpretasyon sa nais ipaabot ng may-akda.
3. Ipinahihiwatig ng mga rebelde o NPA ang kanilang katapangan
sa pamamagitan ng pagtatali ng tela sa kanilang ulo.
4. Si Maria ay may kadalisayan ang kalooban katulad sa kulay ng
panyong lagi niyang ginagamit.
5. larawang ginagamit para maging sentral na representasyon ng
isang akdang pampanitikan.
Basahin at unawain ang akdang

Lura ng Demonyo
Hiroshi Naito
Salin ni Lualhati Bautista

(Pahina 23-24 sa FILIPINO 9 Q2 Modyul)


Paghimay-himayin ang binasang akda
1. Ano ang pangunahing problemang kinaharap ng
pangunahing tauhan sa kuwento? Paano ito nalutas?
2. Sa palagay mo, bakit nagsimula ang kuwento nang
malapit nang gumabi at nagtapos naman ng umaga?
Anong diwa ang maikakabit natin sa gabi at sa araw?
3. Ano ang kinakatawan ng Bagong Taon, at ang okasyon
na ito ang napili ng may-akda ng kuwento?
4. Ano ang maiuugnay sa paglura sa mukha? Kung walang
balak patayin ng mga demonyo ang lalaki, bakit siya
nila niluraan sa halip na saktan, tadyakan, pasuhin ng
apoy o saksakin?
Ano ang Imahe at Simbolo?

Imahe
 representasyon ng isang bagay tao o
ideya;
 larawan na binubuo ng isang akdang
pampanitikan;
 larawang ginagamit para maging
sentral na representasyon ng isang
akdang pampanitikan
Ano ang Imahe at Simbolo?

Simbolo
 mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa pero dapat na di-
nalalayo ang kaniyang interpretasyon sa nais ipaabot
ng may-akda
 bagay na kumakatawan, tumatayo o nagpapahiwatig
ng isang ideya, larawan, paniniwala o aksiyon

Halimbawa: sinasagisag o ipinapahiwatig ng imahe ng


puti o kaputian ang kalinisan o kadalisayan; katapangan
naman ang ipinahihiwatig ng pula
SUBUKIN NATIN
A. PANUTO: Ibigay ang kahulugan o sumisimbolo sa
mga larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
SUBUKIN NATIN
B. PANUTO: Piliin ang salitang sumisimbolo sa
loob ng panaklong. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. YAMAN = ( alahas, pera, anak)


2. KALINISAN = ( puti, itim, asul))
3. ITIM = ( maganda, masama,
malinis)
4. MABANGO = ( rosas, dalaga, damit)
5. PAGLUBOG NG ARAW = (sanggol, matanda,
dapit-hapon)
PAGLINANG SA KABIHASAAN
A. PANUTO: Tukuyin ang tamang kahulugan ng
mga imahe o simbolong ginamit sa sumusunod na
pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tila nagdilang-anghel ang ina sa kaniyang


sinabi. Parang isang panaginip ang nangyari sa
buhay ng kaniyang anak.
A. nagkatotoo ang kaniyang sinabi at tila isang himala
ang nangyari sa anak.
B. isang anghel ang nagsabi na mangyayari ang lahat.
C. may mga nakitang anghel ang kaniyang anak.
PAGLINANG SA KABIHASAAN
2. Mistula kang tinik sa aking pangarap.
A. isang sagabal o hadlang sa kaniyang mga
pangarap.
B. natinik siya kaya hindi nakamit ang mga
pangarap.
C. pinangarap ngunit hindi natupad.

3. Ikaw ang ilaw na dumating sa aking buhay.


D. may ilaw siyang dala kaya may liwanag.
E. siya ang pag-asa sa kaniyang buhay.
F. dumating na ilaw sa buhay.
PAGLINANG SA KABIHASAAN
4. Ang ama ay pumuputol ng maliliit na sanga sa
bawat madaanan.
A. kumukuha ng sanga upang may panggatong.
B. palatandaan na doon ang daan pabalik.
C. kumuha ng sanga upang paglaruan.

5. Nagwagayway ng panyong puti ang mga


kalaban. Nangangahulugan ito na:
D. gusto pa nila ng laban.
E. sumusuko na sila sa laban.
F. maraming namatay sa laban.
PAGLINANG SA KABIHASAAN
B. PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_______1. Ang magkakapatid na parang tigre kung


magbangayan sa huli ay nag tutulungan.
_______ 2. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa
ibabaw minsan nasa ilalim.
_______ 3. Ito ang iyong tatandaan na huwag mong
dudungisan ang iyong mga kamay.
_______ 4. Sa kilos at gawi ay tila isa kang Maria Clara.
_______ 5. Si Huiquan ay maamong tupa na humarap kay
Tiya Li.
DUGTUNGAN NATIN
PANUTO: Punan ang patlang ng tamang sagot. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Ang kahulugan ng imahe sa kuwento ay


representasyon ng isang bagay, tao o ideya. Ang
simbolo naman ay salita na nag-iiwan ng iba’t
ibang pagpapakahulugan sa mambabasa pero di-
dapat nalalayo ang representasyon sa may akda.
Kung ako ay gagawa ng isang kuwento ay
tatandaan ko na ang simbolo ay dapat mag-iwan
ng ________________ sa mambabasa.
Mahusay ang pagkakasulat ng isang maikling
kuwento kung tuloy-tuloy at ayaw nang bitawan
ng mambabasa ang pagbabasa nito. Bukod dito,
damang dama niya ang mga pangyayari. Ang isa
pa sa kinalulugdan sa pagbabasa ng maikling
katha ay ang mga hulagway o imahe at simbolo
na ginamit ng kuwentista para mas mapalutang
ang rikit ng kaniyang katha.
-Filipino 9 Module-

You might also like