You are on page 1of 17

79

Filipino 7
Ikatlong Markahan – Modyul 1

PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
(TONO, DIIN AT ANTALA)

NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ponemang Suprasegmental
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Janice C. Sales


Editor: Clinton T. Dayot, Roshelle G. Abella, Yolanda A. Ege
Tagasuri: Clinton T. Dayot, Ritchel Elnar, Corazon S. Despojo, Isabel B. Pusalan,
Ronalyn D. Rodriguez, Susan T. Sonlit
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta?

Ngayon ay tatalakayin natin sa modyul na ito ang tungkol sa Ponemang


Suprasegmental (tono, diin, antala). Napakahalagang matutuhan mo ang
paksang ito dahil dito malilinang ang iyong kakayahang makilala ang kahulugan
ng salita, pahayag o saloobin ng nagsasalita.

Makakatulong din ito upang mas maintindihan ka ng iyong kinakausap o


tagapakinig sa madaling salita mas magiging epekibo ang inyong komunikasyon
o ang mensaheng nais mong ipabatid.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental


(tono , diin, antala). F7PN-IIIa-c-13

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakatutukoy ng wastong gamit ng mga ponemang suprasegmental


(tono, diin, antala);
2. Nakasusulat ng isang wastong dayalogo gamit ang mga ponemang
Suprasegmental; at
3. Napahahalagahan ang katapatan sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga gawain sa aralin.

1 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik na may tamang sagot
sa iyong sagutang papel

1. Ano ang tawag sa pagbibigay-diin o lakas sa pagbigkas ng salita?


A. pantig B. diin C. tono D. antala

2. Ano ang tawag sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maipabatid nang


malinaw ang kahulugan ng pahayag?
A. antala B. diin C. tono D. pantig

3. Bukas luluhod ang mga tala. Ano ang kahulugan ng salitang


nakasalungguhit?
A. listahan B. bituin C. burador D. papel

4. Ito ay tawag sa pagtaas-baba sa pagbigkas ng pantig sa iisang salita. Ito ay


maaaring bigkasin sa mataas at,karaniwan o sa mababang tono.
A. diin B. antala C. tono D. ponema

5. Si Angela/Maria tawagin mo na. Ano ang kahulugan ng pahayag?


A. Ipinatatawag kay Maria si Angela.
B. Si Angela Maria ay ipinatatawag.
C. SI Maria ay tinawag ni Angela.
D. Ipinatatawag silang dalawa.

6-8. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa


gamit nito sa pangungusap.

6. Bukas na lang ako papasok.


A. Sa susunod na araw pagkaraan ngayon.
B. Hindi nakasara
C. Sirado ang pintuan
D. Wala sa nabanggit

7. Madaling tumubo ang mga buto ng kamatis.


A. bahagi ng kalansay ng tao o hayop
B. maliliit na bilugang bagay na nasa loob ng ilang prutas.
C. buong prutas
D. a at b

8. Mapupula ang mga labi ng dalaga.


A. tira B. bangkay C. panlabas na bahagi ng bibig D. padala
2 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
9. Ikaw lamang ang aking mamahalin.
A. nangunguna B. naiinis C. natatangi D. naiiba

Para sa bilang 10-15: Ibigay ang tamang kahulugan ng bawat pahayag at


isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Umalis na sina Ana at Marie.


B. Umalis na si Ana Marie.
C. Nag-aalinlangan kung maliligo sila sa dagat bukas.
D. Nagsasalaysay na maliligo sila sa dagat bukas.
E. Nagsasalaysay na hindi sumama ang anak ng pinag-uusapan.
F. Pagtitiyak na talagang sumama ang anak ng pinag-uusapan

10. Si Ana Marie/ ay umalis na.


11. Si Ana/ Marie ay umalis na.
12. Maliligo tayo sa dagat bukas.
13. Maliligo tayo sa dagat bukas?
14. Hindi sumama ang kanyang anak.
15. Hindi, sumama ang kanyang anak.

TUKLASIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga salita o pahayag at unawain kung ano ang
ibig sabihin nito.

1. Siya ang may kasalanan?


2. Siya, ang may kasalanan.
3. Maglalako ako ng kakanin mamaya.
4. Ang maglalako ng kakanin ay kaibigan ko.
5. Mahal ko siya?
6. Mahal ko siya.

Sagutin mo……

1. Ano ang napapansin mo sa bawat pangungusap?


2. Sa bilang 1 at 2 ipaliwanag ang nais ipakahulugan sa una at ikalawang
pangungusap nito.
3. Sa halimbawa bilang 3 at 4 ano ang ibig sabihin ng salitang maglalako?
Ipaliwanag.
4. Sa bilang 5 at 6, ipaliwanag ang ibig saibihin ng bawat pangungusap.
5. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong
pag-aaralan?
3 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
SURIIN

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ponemang Suprasegmental – Ang ponemanang suprasegmental ay tumutukoy sa


makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,malinaw naipahahayag
ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan,matutukoy natin ang kahulugan ng layunin o intensyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala.

Sa araling ito, matutuhan mo ang kaibahan ng tono, diin at antala. Unawaing


mabuti ang katuturan at mga halimbawang ibinigay.

Tono - ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,


makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,makapagbibigay -kahulugan at
makapagpapahinang usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipagusap sa kapwa.. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais
ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.Sa pagsasalita ay may
mababa,katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitan ang bilang 1 sa
mababa ,2 katamtaman,3 sa mataas.

Hal.
mi
3
1. Lumisan = 231 - lu
2 san
1

san
2. Lumisan = 213 - lu 3
2
mi
1

ha
3
3. Kahapon = 231 - ka
2 pon
1

4 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
pon
3
4. Kahapon = 213 – ka
2 ha
1

Sa bilang 1 at 3 ay pagsasalaysay/pagpapatibay/pagpapahayag
samantalang ang bilang 2 at 4 ay pagtatanong o pag-aalinlangan .

Diin - ang lakas, bigat ,o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng
salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o
baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago ng kahulugan. Maaaring
gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

(Sa tulong ng mga larawan natitiyak kong madali mo itong maunawaan.)

Hal.
1.

/TA:lah / = bituin

2.

/ta:LA?/ = listahan

5 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
3.

/BA:tah/ = robe o damit yaring kimono at


ginagamit matapos maligo.

4.

/BA:ta?/ = child o musmos ; paslit

(Ang larawang ito ay may pahintulot sa mga magulang)

Nasa unang pantig ang diin ng unang halimbawa kaya’t nangangahulugan itong
bituin samantalang nasa huling pantig ang diin sa ikalawa kaya’t nangangahulugang
listahan. Samantalang sa bilang 3 nasa unang pantig ang diin at nangangahulugan
itong robe habang ang bilang 4 naman ay nasa ikalawang pantig ang diin ng salita
at ito ay nangangahulugang child o musmos.

6 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
Karagdagang Kaalaman:

( ) = nangangahulugang hilaw pa ang tunog o hindi pa alam kung ano ang


kahulugan ng salita.
// = nangangahulugang luto na ang tunog,may taglay na itong kahulugan
? = tinatawag itong glottal o stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng
salita ay waring may pumipigil sa hanging galling sa bunganga sa
paglabas.
h = glotall fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang
lalabas ang hangin mulasa bunganga.

Halimbawa:

/SU:ka?/ = vinegar o maasim na likido mula sa sasa ng niyog.


/BA:ga?/ = lungs o bahagi ng katawan ng tao o hayop
/SU:kah/ = vomit o pagkain sa tiyan na hindi pa ganap na tunaw at
lumalabas sa bibig kapag dumuduwal.
/BA;gah/ = for instance o pagpapaliwanag o pagbibigay halimbawa

Sa wikang Filipino,karaniwang magkasama ang haba at diin sa pagbigkas ng


mga salita.

Antala / Hinto - bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw


ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap.Maaaring gumamit ng
simbolong kuwit (,) dalawang guhit na pahilis (//), o gitling (-).

Halimbawa Paliwanag

1. Si Angela/Maria/tawagin mo na. - Ipinatatawag kay Maria si Angela.


2. Si Angela Maria/tawagin mo na . - Si Angela Maria ay ipinatatawag.
3. Hindi siya si Jose. - Nasa dulo ang hinto at nagsasaad
na hindi si Jose ang taong pinag-uusapan.
4. Hindi, / siya si Jose. - Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng
“hindi” na si Jose ang pinag-uusapan.
5. Hindi siya, /si Jose . - Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos
ng “siya” na hindi ang taong napagbibintangan ang gumawa kundi si
Jose

7 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
PAGYAMANIN

Ngayon tingnan natin kung naintindihan mo ang talakayan. Basahin at unawain


mong mabuti ang bawat pahayag upang makuha mo ang tamang sagot. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Tono: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Ang magbabasa ng pasyon ay magaling umawit.


2. Magbabasa siya ng damit sa balon.
3. Mamamakyaw sila ng mga paninda sa palengke para sa kanilang
maliit na tindahan.
4. Mahihirapan tayong mamili kapag napasabay tayo sa maraming
mamamakyaw sa palengke.

B. Diin: Sagutin ang sumusunod at ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.

1. /BU:kas/ =___________ /bu:KAS/ = __________


2. /LI:gaw/ =___________ /li:GAW/ = __________
3. /BU:koh/ =___________ /bu:KOH/ = __________

C. Basahin nang malakas at pakinggan ng maigi ang iyong sarili. Sabihin


ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga pahayag.

1. Sasama ka sa paglalakbay nila.


2. Sasama ka sa paglalakbay nila?
3. Jan Cydrick , kumain na tayo.

8 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
ISAISIP

Gamit ang Ponemang Suprasegmental sa


pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan ng layunin o intensyon ng pahayag o
ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon at antala.

ISAGAWA

Upang malaman ko ang tiyak mong pagkatuto sa araling ito, sumulat ka ng


isang maikling dayalogo gamit ang ponemang suprasegmental ( tono,diin at antala)

Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod na paksa o sarili mong paksa


(Maaring 2-3 tauhan lamang na may 2-3 dayalogo ng bawat tauhan).
1. “Recess”
2. Sa plasa
3. Kapatid ko,kaibigan ko

Mga Pamantayan 1 2 3 4
1. Lohikal at malinaw na pagkakasunod-sunod sa mga
pangyayari

2. Kaangkupan at kawastuhan sa paggamit ng mga salita


batay sa ponemang suprasegmental (tono,diin at
antala)

3. Kalinisan at kaayusan ng pagkakasulat

Kabuuang puntos

1. Napakahusay 3. Katamtaman
2. Mahusay 4. Kailangan pa ng kasanayan

9 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag o sitwasyon. Isaalang - alang ang
tamang tono o intonasyon. Piliin ang tamang titik at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. Niyaya mo ang kapatid mong magsimba.


A. Simba / tayo! C. Simba / tayo
B. Simba tayo. D. Simba tayo!

2. Gusto ng kapatid mo maglaro ng mobile legend.


A. Laro / tayo! C. Laro / tayo?
B. Laro tayo. D. Laro tayo!

3. Ano ang tawag sa pagtaas-baba sa pagbigkas ng pantig sa iisang salita. Ito


ay maaaring bigkasin sa mataas at karaniwan o sa mababang tono?
A. antala B. tono C. diin D. hinto

4-8. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa gamit
nito sa pangungusap.

4. Bukas na lang ako papasok.


A. Sa susunod na araw pagkaraan ngayon.
B. Hindi nakasara
C. Sirado ang pinto
D. Wala sa nabanggit

5. Madaling tumubo ang mga buto ng kamatis.


A. Bahagi ng kalansay ng tao o hayop
B. Maliliit na bilugang bagay na nasa loob ng ilang prutas.
C. Isang buong prutas
D. a at b

6. Ang mga labi ng mga OFW sa Saudi ay inilibing na lang sa disyerto.


A. tira B. panlabas na bahagi ng bibig C. bangkay D. padala

7. Tuwing gabi siya ay pumupunta sa laot.


A. Simula sa paglubog ng araw
B. Isang uri ng halamang-ugat
C. Madaling-araw
D. a at b
10 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
8. Masayang naglalaro ng tumbang preso ang mga bata.
A. damit na sinusuot pagkatapos maligo. C. matatanda
B. musmos o paslit D. wala sa nabamggit

9-12. Ibigay ang tamang kahulugan ng bawat pahayag .


A. Umalis na sina Ana at Marie.
B. Umalis na si Ana Marie.
C. Nag-aalinlangan silang maliligo sa dagat bukas.
D. Nagsasalaysay lamang na maliligo sila sa dagat bukas.
E. Mamasyal sila sa dagat bukas.

9. Si Ana Marie/ay umalis na.


10. Si Ana/Marie ay umalis na.
11. Maliligo tayo sa dagat bukas.
12. Maliligo tayo sa dagat bukas?

13-15. Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag. Gamitin ang bilang 1
sa mababa, 2 sa katamtaman at 3 sa mataas.

13. masama = ____________, pag-aalinlangan


masama = ____________, pagpapatibay
14. mahirap = ____________, pagtatanong
mahirap = ____________, pagpapahayag
15. Ikaw yon = ____________, pagpapatibay
Ikaw yon = _____________, pagtatanong

KARAGDAGANG GAWAIN

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain. Ngayon naman ang
iyong pagkakataon para ibahagi ang iyong sariling refleksiyon tungkol sa kahalagahan
ng paggamit ng ponemang suprasegmental.

11 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2 12
SUBUKIN
1. b
2. a
3. b
4. c
5. a
6. a
7. b
8. c
9. c
10. b
11. a
12. d
13. c
14. e
15. f
TAYAHIN
1. C
2. C
3. b
4. a
5. b
6. c
7. a
8. b
9. b
10. a
11. d
12. c
13. 213-231
14. 213-231
15. 231-213
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Ailene G. Baisa-Julian , Alma M. Dayag.PLUMA Wika at Panitikan.


Ikalawang Edisyon, PHOENIX: Publishing House

Letecia F. Dominguez ,Ph.D. Gintong Pamana .Wika at Panitikan


Batayang Aklat sa Unang Taon, SD Publications, Inc
.
https://www.google.com/search?q=listahanan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwjN-
7q_q7HqAhWZFogKHWRLBvoQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657

https://www.insidehook.com/article/style/10-robes-for-a-comfier-and-manlier-
quarantine

13 NegOr_Q3_Filipino7_Module1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like