You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Leyte
BALOCAWEHAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Balocawehay, Abuyog,Leyte

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 9


Linggo # 1: Aralin 2.1 Tanka at Haiku (Japan) Petsa: December 1-7, 2020
Pangalan: Baitang at Seksyon:
I. Simulan Mo!
 Layunin: Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku. Code: F9PN-IIa-b-45
Gawain:
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng inyong napiling sagot.
1. Nabibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Ariel na napagkamalan lamang na si Jason.
a. Hindi/ ako si Ariel. b. Hindi ako/ si Ariel. c. Hindi ako si Ariel. d. Hindi ako, si Ariel.
2. Matamis kainin ang tubo . Paano binibigkas ang salitang may salungguhit?
a. /tu.boh/ b. /tu.bo?/ c. /TU.bo/ d. /tu.BO/
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pag-alinlangan?
a. 231 b. 213 c.123 d. 312
4. Ano sa tingin mong mangyayari, kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita ang isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita c. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
b. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig d. Walang ideya
5. Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.
a. Tono b. Diin c. Antala d. Hinto
II. Alam mo ba!:
Tono o Intonasyon
Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-
usap. Bawat tao’y may kani-kaniyang paraan ng pagbigkas upang higit na maiparating ang mensahe.

Intonasyon at Makabuluhang Pattern sa Pagsasalita mataas


normal
mababa

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag
karaniwang nagpapahayag
Halimbawa: gu
Nagpapaliwanag ang 3
2 ro
1
Patanong: Pakiusap: ka
na? 3
ka 3 kumain
2 ni 2 yo
1 1
Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit.
A.1. Totoo? Maganda siya? Totoo! Maganda siya.
2. Magagaling? Sila? Magagaling sila.

III. Magtulungan Tayo! Gawain #2.1.1:


Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
1. kanina = ___________ , pag-aalinlangan kanina = ____________, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____________ , pagtatanong mayaman= _____________, pagpapahayag
3. magaling = _____________, pagpupuri magaling = _____________, pag-aalinlangan
4. kumusta = _____________, pagtatanong na masaya kumusta = _____________, pag-aala
5. ayaw mo = _____________, paghamon ayaw mo = _____________, pagtatanong
IV. Magagawa Mo!:
Panuto:Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
1. Walang pasok? (Nagtatanong) = 4. May pasok.  (Nagpapahayag)=
2. May pasok! (Nagbunyi) = 5. Malakas ang ulan sa Samar. (Nagpahayag)=
3. Malakas ang ulan sa Samar? (Nagtatanong) =

I. Simulan Mo!
 Layunin: Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku. Code: F9PB-IIa-b-45
Gawain:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
1. Ang sa haiku ay tungkol sa pagmamahal sa bayan.
2. Ang haiku ay nangangahulugang maiikling awitin.
3. Maaaring magkakapalit-palit ang bilang ng bawat taludtod sa tanka basta tatlumpu’t isa pa rin ang kabuuang bilang nito.
4. Subalit hindi maaaring magkakapalit ang bilang na 5-7-5 sa haiku.
5. Kailangang magkakatugma ang huling pantig sa bawat taludtod ng tanka at haiku.
II. Alam mo ba!:
Tanka
 Maikling awitin na puno ng damdamin at Haiku
nagpapahayag ng emosyon o kaisipan  ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng tula at
 Karaniwang paksa ang pagbabago, pag- iisa o pag- lumaganap nang lubos ang Haiku
ibig.  pinakamahalaga sa Haiku ang pagbigkas ng taludtod
 31 ang tiyak na bilang ng pantig na 5 taludtod para sa na may wastong antala o paghinto
Tradisyunal na Tanka  KIRU ang tawag dito- CUTTING. ang kiru ay hawig ng
 karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay; 7-7-7-5- sesura sa ating panulaan
5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang  Mas pinaikli na tanka; 17 bilang ang pantig na may
kabuuan ng pantig ay 31 pa rin. tatlong taludtod.
HALIMBAWA:  Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay : 5-7-
Katapusan ng Aking Paglalakbay ni Oshikochi Mitsune 5 o maaaring magkapalit- palit din na ang kabuuan
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson ng pantig ay 17 pa rin.
 Paksa : kalikasan at pag-ibig
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay HALIMBAWA:
Sa ilalim ng puno Tutubi ni Gonzalo K. Flores
Tag-init noon
Gulo ang isip. Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.

III. Magtulungan Tayo! Gawain #2.1.2:


Panuto: Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging katangian ng tanka at haiku.
HINIHINGI NA MGA KATANGIAN TANKA HAIKU
1. SUKAT
2. KABUUANG BILANG NG TULA
3. PAKSA
IV. Magagawa Mo!:
Panuto:Paghambingin ang tulang TANKA at HAIKU
TANKA HAIKU

I. Simulan Mo!
 Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitag ginamit sa tanka at haiku. Code: F9PT-IIa-b-45
Gawain:
Panuto: Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagpapahayag ng denotasyon at konotasyong kahulugan.
1. Masayang naglalaro ang bata sa bagong bola na bigay ng kanyang ama.
2. Nadala si Anna sa matatamis na bola ng binata kaya napasagot siya nito.
3. Maayos na nakatanim sa gilid ng sapa ang mga kawayan.
4. Sintayog ng kawayan ang pangarap ni Ramon sa buhay.
5. Ang ina ang tinaguriang ilaw ng tahanan.
II. Alam mo ba!:
Ako ay napamahal - 7 pantig Ang mga salitang pinaglaruan at nasawi ay maaaring magkaroon ng higit sa isang
At nasaktan sa huli - 7 pantig kahulugan.
Halimbawa:
Iniwan ko na siya` - 7 pantig
 Pinaglalaruan ng bata ang kanilang alagang tuta kaya siya’y nakagat.
Pinaglaruan - 5 pantig  Nalungkot ang dalaga dahil nalaman niyang pinaglaruan lamang ng kanyang nobyo
Lang niya ako. - 5 pantig ang kanyang damdamin.
III. Magtulungan Tayo! Gawain #2.1.3:
Panuto: Basahin at unawain ang haiku at tanka. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.
Ni Natsume Soseki Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang umaalulong ayon sa pagkagamit
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
nito:
Sa kagubatan
Hangi’y umaalulong
Walang matangay.

Tag-init
Ni Ildefonso Santos
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang Alipatong ayon sa pagkagamit nito:

Alipatong lumapag
Sa lupa, nagkabitak
Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab.

IV. Magagawa Mo!:


Panuto: Basahin at unawain ang haiku at tanka. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.
Ni Bashe Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang damo ayon sa pagkagamit nito:
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Ambong kay lamig


Maging matsing ay nais
Ng kapang damo

Katapusan ng Aking Paglalakbay


Ni Oshikachi Mitsune Isinalin ni M.O. Jocson
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang paglalakbay ayon sa pagkagamit
nito:
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

I. Simulan Mo! Ang mga salitang pinaglaruan at nasawi ay maaaring magkaroon ng higit sa isang
 Layunin: Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.
kahulugan. Code: F9PU-IIa-b-47
Gawain:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano isusulat ang tanka na may tamang anyo at sukat?
2. Paano isusulat ang haiku na may tamang anyo at sukat?
II. Alam mo ba!
Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa Silangang Asya na tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa pagdating
sa ekonomiya at teknolohiya. Ipinapakilala ng mga Hapones ang mga salitang samurai, animè, manga at marami pang iba. Tunay
ngang malikhain ang mga Hapones hindi lamang sa teknolohiya kundi pati na rin sa panitikan tulad na lamang ng kanilang tanka at
haiku.

III. Magtulungan Tayo! Gawain #2.1.4:


Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang sukat at anyo ng tanka at haikung ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Halimbawa Tula Sukat Paksa
ng mga Hapon
1.Tanka
Natakot at nangamba -------
Panahong kinaharap -------
Maraming sawi -------
Sana ay hindi nalang -------
Ako nandito -------
2.Haiku
Mahal kong bayan -------
Pandemya’y naranasan -------
Kayang lampasan -------
IV. Magagawa Mo!:
Panuto: Bumuo ng isang tulang TANKA at isang tulang HAIKU.
Isulat ito sa isang short bond paper.
PAKSA / TEMA:
 Haiku: Ang bagyo
 Tanka: Corona Virus
I. Simulan Mo!
 Layunin: Nagagamit ang suprasegmental na antala, diin at tonos a pagbigkas ng tanka at haiku. Code: F9WG-IIa-b-47
Gaw ain:
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Bigyang-pansin ang ;
1.Maganda si Anna. Paliwanag: Si Anna raw ay maganda
2.Joseph, Dave, John ang nanay ko. Paliwanag:
3. Hindi si Patricia ito. Paliwanag:
4. Ate, Joan Sanchez po. Paliwanag:
5. Hindi, si Patricia ito. Paliwanag:
II. Alam mo ba!
Ponemang Suprasegmental
Ang ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin ( stress), tono,intonasyon (pitch), at hinto o antala(juncture).
 Ang DIIN ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring magpapabago sa kahulugan ng isang salita maging ang mga ito ay
pareho ng baybay.
Halimbawa:
Ha:PON-bigkas ay mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)
HA:pon- bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
BU:hay-bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life) kapalaran ng tao.
Bu:HAY-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive) humihinga pa.

 Ang TONO O INTONASYON ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig o boses sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala,
o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap. Ang pagbigkas ng salita ay
maihahalintulad sa musika, may tono o intonasyon may bahaging katamtaman, at mataas. Nagpapahayag ng damdamin o
makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon. Subukin mong magsalita nang hindi nababago ang tono
o intonasyon at hindi mo maipararating nang tama ang iyong mensahe.
Halimbawa:
Nagpapahayag: Magaling siya.
Nagtatanong: Magaling siya?
Nagbubunyi: Magaling siya!
Maaari ring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas Mga halimbawa:
a.Kahapon=213, pag-aalinlangan
. Kahapon=231 pagpapatibay, pagpapahayag
b. talaga= 213, pag-aalinlangan
talaga=231, pagpapatibay,pagpapahayag
 ANTALA /HINTO- Ito ang paghinto sa pagsasalita o saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw ang ibig ipahatid sa
kausap. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap
kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag. Kuwit(,) ang ginagamit sa hinto.
Halimbawa:
Hindi siya si Anna. Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Anna ang pinag-uusapan.
Hindi, Siya si Anna. Ipinahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Anna ang pinag-uusapan.
Hindi siya, si Anna. Nagpapahayag ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang nasa isip kundi si Anna.
III. Magtulungan Tayo! Gawain #2.1.5:
a. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa malinis na papel.
1.Bukas=___________________, pag-aalinlangan
Bukas=_________________,pagpapatibay,pagpapahayag
2.binata=_________________, pagtatanong
Binata=_________________, pagpapahayag
b. Panuto: Piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa pangungusap.Isulat sa patlang ang titik nang tamang sagot.
_______1.Kunin ang: at pakintabin ang sahig. a. BU:not b. bu:NOT
_______2. Kunin ang kutsilyo sa kanyang suksukan. a. BU:not b. bu:NOT
_______3. Nagkasakit siya sa: a. BA:ga b. ba:GA
IV. Magagawa Mo!:
Panuto: Bilugan ang titik ng napiling kasagutan.
1. Ang haba, tono at diin ay karaniwang nagkakasama-sama sa pagbigkas ng isang __________ ng salita.
a. titik b. baybay c. pantig d. pangkat
2.Ang salitang kahapon ay mayroon itong tatlong pantig. Alin sa tatlong pantig na ito, ang binibigkas nang may mataas ang tono
at mas malakas? a. ka b. ha c. pon d. n
3. Ang tuldok (.) pagkatapos ng patinig tulad ng salitang /bu.hay/ (life) ay nangangahulugan ng __________.
a. pagpapaikli ng katinig na kasunod nito b. pagpapaikli ng patinig na sinusundan nito
c. pagpapahaba ng katinig na kasunod nito d. pagpapahaba ng patinig na sinusundan nito
4. Alin sa sumusunod na mga salita ang nangangahulugan ng ‘profit’?
a. tu.bó b. tu.bo c. tú.bo d. ťu.bo
5. Baka may baga sa loob ng paso kaya ikaw ay napaso. Paano isusulat ang mga salitang may salungguhit ayon sa tamang
haba at diin ng salita?
a. /baká/, /ba.gá/, /pa.sò/, /pa.sô/ b. /baká/, /ba.ga/, /pa.sò/, /pa.sô/
c. /báka/, /ba.ga/, /pa.sò/, /pa.sô/ d. /baká/, /ba.ga/, /pa.sô/, /pa.sò/

Lingguhang Pagsusulit Gawain Marka


Activity
Linggo # 1: Aralin 2.1 Tanka at Haiku (Japan) Performanc
Pangalan: Baitang at e
Seksyon:

Bahagi 1:

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ag titik bago ang bilang
1. Sa anong lebel ng intonasyon karaniwang nagsisimula ang pangungusap?
a. 1 b. 3 c. 2 d. 4
2. Ano ang tawag sa lebel 3 sa makabuluhang pattern sa pagsasalita?
a. mataas b. mababa c. katamtaman d. karaniwan
3. Anong bilang ng intonasyon na nangangahulugang pagpapahayag?
a. 312 b. 231 c. 213 d. 123
4. Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito: Totoo! Ang laki ng ahas!
a. pagsasalaysay b. pag-aalinlangan c. pagtatanong d. matinding emosyon
5. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasalaysay ?
a. tuldok b. patanong c. tuldok kuwit d. matinding emosyon
B. Panuto: Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagpapahayag ng denotasyon at konotasyong kahulugan.
1. Ang bola ay tumalbog ng malakas kaya hindi na ito muling nakita.
2. Nakakatakot ang mga taong nakaupo ngayon sa pamahalahan dahil lahat sila ay may asal buwaya buwaya.
3. May kulay itim na pusang bigla na lang tumawid sa aming dinadaan, ayan tuloy takot na akong ulabas ngayon.
4. Simula ng nagka-ilaw kami nagkaroon na ng liwanag ang aming bahay.
5. "Matigas ang ulo ng pako kaya kapag kinagat mo, mabubungi ka."
C. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
1. Ang sa haiku ay tungkol sa pagmamahal sa bayan.
2. Ang haiku ay nangangahulugang maiikling awitin.
3. Maaaring magkakapalit-palit ang bilang ng bawat taludtod sa tanka basta tatlumpu’t isa pa rin ang kabuuang bilang nito.
4. Subalit hindi maaaring magkakapalit ang bilang na 5-7-5 sa haiku.
5. Kailangang magkakatugma ang huling pantig sa bawat taludtod ng tanka at haiku.
Bahagi 2:
A. Panuto: Ibigay ang pagkakaiba ng tulang tanka at haiku.
Pamantayan:
PAGKAKAKILANLAN PAGKAKAKILANLAN  kaakmaan /
NG HAIKU NG TANKA kawastohan ----- 5 pts
Pagkakatulad Ng  Kompleto --------- 3 pts.
Haiku at Tanka
 pagkakabuo ------ 2pts.
kabuuan ----------------- 10 pts.

B. Panuto: Bumuo ng isang halimbawa ng Haiku at isang halimbawa ng Tanka.


Paksa: Edukasyon sa Kasalukuyan Paksa: Kalikasan dapat Ingatan
Haiku: Tanka:
Inihanda nina: Iniwasto ni: Approbado ni:

RAYSIEL P. MATIVO/RAYMUND P. MATIVO SARAH C. WAGAS EDEN C. TANO


Guro sa Filipino Department Head sa Filipino School Principal I

You might also like