You are on page 1of 1

JOEL V.

SEVIAL
Filipino Teacher
+639122964177 / owensevial@gmail.com

LEARNING ACTIVITY # 5
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE&YEAR:__________________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: ________LITERATURE 105 _______________________ COLLEGE DEPARTMENT

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Skill Demonstration /  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
Exercise / Drill ___________________

PAMAGAT: Banghay ng Maikling Kuwento

LAYUNIN: Matukoy ang bahagi ng banghay ng maikling kuwento

SANGGUNIAN : Arrogante, J. A., Ayuyao, N. G. at Lacanlale, V. M.(2004). Panitikang Filipino Antolohiya.


Mandaluyong City: National Book Store.

TALA SA KAHON

Maikling Kuwento - Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan sa isang takdang panahon. Matatapos ang pagbabasa sa isang upuan lamang.
Banghay - tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.

BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO


1. Simula - Isang pondo na siyang guguhitan ng mga pangyayari kaya’t sa panimula ay hindi na kailangang isama
ang lahat ng bagay na maaaring maisip ng sumulat tungkol sa mga tauhan at sa kuwento.
Dapat na maging kapansin-pansin ang panimula upang mabihag ang pagkawili ng bumabasa.

2. Tunggalian - Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik
ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng
pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan

3. Saglit na Kasiglahan - Bahaging naglalarawan ng simulang patungo sa paglalahad ng unang suliraning


inihahanap ng lunas. Sa bahaging ito ay dapat maakit ang bumabasa at mararamdaman niyang namiminto na
ang isang pangyayaring gigising sa kanya sa isang tiyak na damdamin.

3. Suliranin - Mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kuwento. Ito ay nagbibigay-daan upang
magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kuwento.
Dito makikita kung paano kakaharapin ang mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

4. Kasukdulan - Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa
kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik
ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng
pangunahing tauhan.

5. Kakalasan - • Ang pangunahing bahagi ng kuwento na kagyat na sumusunod sa kasukdulan.


• Hindi dapat pahabain at panuin ng paliwanag na naging dahilan ng pagkasira ng bisa at
kasukdulan ng kuwento.
• Bayaang mag-isip ang mga mamababasa at siyang tumapos ng kuwento.
• Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

PAGSUSULIT: SANAYSAY. Sa iyong palagay, alin sa bahagi ng banghay ng maikling kuwento ang
pinakamahalaga? Patunayan sa pamamagitan ng hindi bababa sa 5 pangungusap.

You might also like