You are on page 1of 6

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: ________________________________


Module Code: LDS1-Q1-W1-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION- BARMM REGION


SCHOOLS DIVISION OF LANAO DEL SUR 1

MODYUL SA FILIPINO 9
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: paksa, mga tauhan, pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa (F9PS-Iab-41)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


 Pagsusuri sa maikling kwento batay sa mga elemento nito.
PANIMULA
Sa modernong panahon na uso na ang paggamit ng teknolohiya saan mang aspeto ng
buhay ng tao, napapadali nito ang paggawa at pagkatuto ng mga tao. Kinakailangang sumabay
din ang edukasyon lalo na sa pagtuturo upang malalim na maunawaan at matutuhan ang mga
aralin.
Bilang isang kabataang tulad mo, mahalagang makilala mo ang mga panitikang tulad ng
maikling kwento na hindi na lamang nababasa sa mga libro gayundin sa ibang platform ng social
media. Moderno man ang panahon ay kinakailangan maunawaan mo kung ano ba ang kahulugan
at kahalagahan ng pag-aaral at pagsusuri nito.
Para sa lubos mong pag-unawa, alamin mo muna kung ano ang maikling kwento at ang
mga elemento nito. Ito ay isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling sanaysay sa isang
mahalagang pangyayari na bunga ng guni-guni o kathang-isip ng may-akda. Nag-iiwan ito ng
isang impresyon sa mambabasa o tagapakinig. Ito rin ay nababasa sa isang upuan lamang.
Nakapaloob sa genre nito ang tauhan, tagpuan, banghay, wakas ng kwento. Sinusuri rin dito ang
estilo ng awtor sa paraan ng kanyang pagsulat.
Narito ang mga elemento ng maikling kwento:

 Tauhan- Mayroong pangunahin at pantulong na tauhan ang nililikha ng isang manunulat. Sila ang
mga nagsisiganap sa kwento kung saan ilalagay din ng manunulat kung kanino nakasentro ang
kwento.
 Tagpuan /Panahon – ang manunulat ang nag-iisip kung saan niya dadalhin ang kanyang mga
mambabasa at kung kailan ito magaganap.
 Banghay- nakasalalay dito ang maayos na pagkaunawa sa kwento kaya’t mahalagang maging
maayos din ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Makikita sa banghay ang mga
sumusunod:
 Simula – dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa kung saan ipinakikilala na
ang mga tauhan at kung saan/kailan magaganap ang kwento.
 Saglit na Kasiglahan – inihahanda ng may-akda ang mambabasa sa pagkilala sa
magiging suliranin/pagsubok sa mga tauhan.
 Suliranin/Tunggalian – ipinapakita ng may-akda ang labanan sa pagitan ng
pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kanya.
 Kasukdulan – ang pinakamataas na uri ng kapanabikan ay ipinapakita ng may-akda
kung saan ipahihiwatig niya ang kahihinatnan ng pangunahing tauhan sa paglutas ng
suliranin.
 Kakalasan- sumusunod agad ito sa kasukdulan kung saan unti-unting bumababa ang
takbo ng kwento at nagbibigay daan sa wakas ng kwento.
 Wakas- dito na makikita ang kinalabasan o kinahinatnan ng paglalaban ng
pangunahing tauhan at ng katunggaling tauhan na maaaring masaya o malungkot.
Mga sangguniang ginamit:
1. Maaaring tingnan/bisitahin online - https://www.slideshare.net/eijrem/elemento-ng-maikling-kuwento-
116846902
2. Online na sanggunian- https://www.slideshare.net/JunardRivera/anim-na-sabado-ng-beyblade-65017870
3. Pinagyamang Pluma 9
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Tiyak na nagkaroon ka na ng ideya tungkol sa paksang iyong pag-aaralan tungkol sa maikling


kwento at mga elemento nito. Nasa ibaba ang mga gawain na makadaragdag pa sa iyong
pagkatuto kapag natapos mo na itong sagutan. Handa ka na ba? Maaari mo na itong simulan.

B. TUKLASIN: Gawain 1
Suriin ang mga elemento ng maikling kwento na nasa ibaba. Subukin mong ilagay sa wastong
ayos ang mga ito mula sa una hanggang sa huling elemento na dapat makita sa loob ng
kwento. Isulat ang elemento sa loob ng kahon.
A. Kasukdulan E. Tagpuan
B. Saglit na Kasiglahan F. Tunggalian
C. Tauhan G. Saglit na Kasiglahan
D. Wakas H. Kakalasan

Magaling! Binabati kita sa husay mong maisaayos nang wasto ang


mga elemento ng maikling kwento. Kaya naman handa ka na rin na sagutin ang susunod nating
gawain tungkol sa elemento ng maikling kwento.

Gawain 2: Tukuyin kung anong elemento ng maikling kwento ang inilalarawan sa bawat
pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa unahang bilang.
Tagpuan Tauhan Saglit na Kasiglahan
Kasukdulan Wakas

______________ Hindi pumunta si Bea sa tagpuan sa tabi ng ilog.


______________ Matagal na ring panahon nang sila ay hindi nagkita dahil sa kinailangan
nilang mag-aral sa iba’t ibang lugar kaya wala na silang balita kay Ana.
______________ Si thea,Zeinab,at Ryssi ang bida sa dulang ginawa nya.
______________ Masaya nilang niyakap ang kaibigang muling nakaramdam ng tunay na
pagmamahal mula sa kanyang mga tunay na kaibigan.
______________ Humaharap sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Ngayon naman ay basahin mo ang buod ng isang maikling kwento at sagutin ang mga inihandang
gawain batay sa iyong binasa.
ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa
araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng
“Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang
Sabadong ito sa lahat ng Sabado.
Maraming-maraming laruan. Stuffed toys, minihelicopter, walkie-talkie, crush gear, remote
controlled cars, at higit sa lahat, ang beyblade. Ang paborito niyang beyblade. Maraming-maraming
beyblade.Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang
pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade
kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang
dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin
ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.
Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa
rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang
sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang
gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; “Tay,
may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at
ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman
niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan.
Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis
agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak.
Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga
buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kaniyang sarili upang tuluyang
matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang
isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang
pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang
kasiyahan.
Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng
lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng
beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit
nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan.
Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal.
At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa,
mabilis na siyang nagyayang umuwi.At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin
sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng
pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling
hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig.
Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa
lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais
danasin ng kahit sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang
paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na
ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang
magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at
pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

C. PAGSASANAY
Gawain 3: Isulat sa kahon ang mga impormasyon/detalye batay sa elemento ng maikling
kwento.

Mga Tauhan: Tagpuan:


Banghay

Simula:

Suliranin/ Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Tunay ngang magaling ang iyong pagsusuri sa iyong nabasang maikling kwento. Kahanga-
hangang naitala mo ang mga detalyeng kinakailangan sa bawat bahagi ng elemento nito. Bilang
pagpapatuloy sa ating aralin ay bigyang pansin mo naman ang susunod na gawain upang
makita ng guro ang iyong natutuhan sa kabuuan ng paksa.

D. PAGLALAHAT

Isulat ang iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pahayag sa ibaba.


Bumuo ng 2-3 pangungusap para sa pagpapaliwanag.

Ang natutuhan ko sa araling ito ay ___________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Magaling! Binabati kita sa iyong mga naging kasagutan sa mga naunang gawain. Sadyang
naunawaan mo ang ating aralin ngayon kaya naman upang mas mapalalim ang pag-unawa ay
gawin mo pa ang isang inihandang gawain para sa iyo.

E. PAGLALAPAT
Makipagpareha sa isa sa iyong mga kaklase, tanungin ito kung ano ang dinanas nyang mabigat na
dagok sa buhay at kung paano nya nya ito napagtagumpayan sa kabila ng hamon sa kanyang
buhay.Ilahad ito sa klase. Gawing gabay ang pamantayan na nasa ibaba.

Pamantayan:
Kaayusan ng banghay-5 puntos
Nilalaman-5 puntos
Wika/Gramatika-5 puntos
Kabuuan:15 puntos

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


1. Communication (Following instructions/directions) Critical Thinking (Analysis)
2. Communication (Understanding messages , Following instructions/directions)
3. Communication (Understanding messages, Following instructions/directions)
Critical Thinking (Analysis)
4. Critical Thinking (Evaluation)
5. Creativity (Writing) Communication (Following instructions/directions)
6. Communication (Following instructions/directions) Critical Thinking (Analysis)

F. PAGTATAYA

Suriin ang mga paglalarawan sa ibaba at tukuyin ang elemento ng maikling kwento na
tinutukoy sa bawat bilang.
_________ 1. Ipinapakita ng bahaging ito ang kinalabasan ng mga pangyayari na maaaring
nagpasaya o nagpalungkot sa pangunahing tauhan.
_________ 2. Makikita rito ang mga problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan laban
sa kanyang katunggali.
_________3. Ang bahaging ito ay kapana-panabik dahil malalaman ng pangunahing tauhan
kung ano ang magiging kalutasan ng kanyang suliranin.
_________ 4. Sa bahaging ito ipinakikilala ng may-akda ang mga tauhan sa kwento lalo na
ang pangunahing tauhan at ang iba pang pantulong na tauhan.
_________ 5. Dinadala ng may-akda sa iba’t ibang panahon at lugar ang kanyang mga
mambabasa.
_________ 6. Dito makikita ang labanan ng tauhan sa iba pang katunggaling tauhan na
maaaring lumalaban sa kanyang sarili, ibang tao, kalikasan at iba pa.
_________ 7. Ito ang bahaging unti-unting bumababa ang mga pangyayari.
_________ 8. Mahalagang bahagi kung saan nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa
kung itutuloy ang pagbasa o hindi.
Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ________________________________

Inihanda ni:
JOHAIRA B. ESMAIL
SST1-SULTAN MALUNGUN NHS

You might also like