You are on page 1of 5

Paangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Pangalan ng Guro: _____________________________


Module Code: LANAO DEL SUR 1-EsP9-
Q1-W1-D1&2
UNANG ARAW
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF LANAO DEL SUR 1

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


Unang Markahan / Unang Linggo

Aralin 1
LAYUNIN NG LIPUNAN:
KABUTIHANG PANLAHAT

LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na malinang mo ang mga sumusunod;


1.1 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsaalang-alang sa kabutihang panlahat sa
pamilya, paaralan, pamayanan, o lipunan.

MGA GAWAIN

MAIKLING TALAKAYAN

Sa kasalukuyang panahon tayo ay nakararanas ng epekto ng pandemya partikular na ang


sakit na Coronavirus Disease na nagmula sa China, at kumalat na sa buong mundo kabilang na ang
Pilipinas, dahil dito ang lipunan ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin tulad ng kakulangan sa suplay
ng pagkain at pagsasara ng mga iba’t ibang ahensya, trabaho at pasilidad upang matugunan ang
pangangailangang medikal ng mga taong nagpositibo sa sakit na Coronavirus Disease. Ano nga ba
ang dapat isinusulong ng lipunan upang mapanatili ang kaayusan? Ang lipunan ay may layunin na
Kabutihang Panlahat, at ito ay kabutihan para sa bawat indibidwal sa lipunan. Ito ay isang
pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang
kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
Nasa ibaba ang mga elemento ng Kabutihang Panlahat at mga kahulugan nito;

Ang paggalang sa indibidwal na tao


Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang
karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.

Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat


Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao,
halimbawa nito ay; pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan at malinis na kapaligiran at
umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.

Ang kapayapaan
Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, o kawalan
ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan, at
iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng
kaguluhan.

*Para sa karagdagang kaalaman;


1. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp. 6-15.
2. https://www.youtube.com/watch?v=3J6I9g62miY
Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________ Module Code: LANAO DEL SUR 1-EsP9-
Q1-W1-D1&2
UNANG ARAW

Oops! Teka lang! Alamin muna natin kung gaano na kalawak


ang iyong kaalaman tungkol sa aralin ng modyul na ito.
Maging matapat sa pagsagot. Kaya mo yan!

PANIMULANG GAWAIN

PANUTO: Isulat sa bawat kahon ang tamang sagot. Anu-ano ang mga elemento upang
magkaroon ng Kabutihang Panlahat?

KABUTIHANG
______________ ______________ ______________
PANLAHAT

PAGSUSURI

PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba, punan lamang ng tamang salita ang bawat patlang
upang mabuo ang konsepto.
Paano makakamit ang Kabutihang Panlahat?

“Makakamit ang Kabutihang Panlahat sa pamamagitan


ng __________, __________, at _________ upang
mapatatag ang __________.”

Ngayong tapos kana sa pagsagot, iwasto mo ang iyong mga


sagot sa bawat aytem. Napakahusay! Ngayon, mas lalo nating
alamin ang konsepto ng Kabutihang Panlahat sa pamamagitan
ng mga susunod na gawain.
Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: _______________________
Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: LANAO DEL SUR 1-EsP9-
Q1-W1-D1&2
UNANG ARAW
PAGLALAPAT

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Punan ang talahanayan ng tamang sagot.
Tukuyin ang sektor ng lipunan at elemento ng Kabutihang Panlahat.
LARAWAN PAMILYA/PAARALAN/ PAGGALANG/KATARUNGAN/
PAMAYANAN O LIPUNAN KAPAYAPAAN

Napakahusay! At natukoy mo ang bawat larawan at elemento ng


Kabutihang Panlahat. Ngayon naman, subukin natin ang iba
mong kakayahan at kaalaman. Handa ka na ba? Tara na!

PAGGANAP

PANUTO: Sa kasalukuyang panahon tayo ay nakararanas ng epekto ng pandemya, ilarawan o


iguhit mo sa ibaba ang maaari mong gawin upang maipakita ang Kabutihang
Panlahat. Pumili lamang sa sektor ng lipunan; pamilya, paaralan at pamayanan.

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: LANAO DEL SUR 1 -EsP9-
Q1-W1-D1&2
IKALAWANG ARAW
PAGSASABUHAY

PANUTO: Bumuo ng commitment o pagtatalaga ng sarili sa tamang pagsasabuhay ng


Kabutihang Panlahat. Pumili lamang sa sektor ng lipunan; pamilya, paaralan at
pamayanan.

Ako bilang kabataan, tinatalaga ko ang aking sarili


sa sektor ng _________________sa pamamagitan ng
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_____________________upang sa abot ng aking
makakaya ay makatulong ako sa muling pagbangon
ng Pilipinas sa panahon ng pandemiya.

PAGBUBUO

Tandaan:
Kabutihang Panlahat - ito ay kabutihan para sa bawat indibidwal sa lipunan. Ito ay isang
pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat:
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
2. Ang tawag sa katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
3. Ang kapayapaan.
Ang mga elemento ng Kabutihang Panlahat ay hindi lamang nangyayari
nang kusa, upang makamit at mapanatili ito, nangangailangan ng sama-samang
pagkilos, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.

Nakatutuwang isipin natapos at naunawaan mo ng buong husay


ang Modyul 1. Sa pagkakataong ito ay susubukin nating muli
ang iyong kaalaman sa pagsagot sa huling gawain. Handa ka
na ba? Tara!

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: ______________________


Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: LANAO DEL SUR 1-EsP9-
Q1-W1-D1&2
IKALAWANG ARAW
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot at
isulat ito sa patlang.
1. Ano ang pangunahing layunin ng lipunan?
A. Kabutihang Panlahat C. Kasaganaan
B. Kapayapaan D. Katiwasayan

2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Kabutihang Panlahat?


A. Nagbigay ng tulong sa mga taong kakilala lamang.
B. Gumawa ng batas para sa mga taong may kaya lamang.
C. Mahirap o mayaman ay dapat makinabang sa yaman ng bansa.
D. Bigyang pansin lamang ang mga taong may malaking ambag sa lipunan.

3. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng Kabutihang Panlahat maliban sa


__________.
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

4. Sa kabila ng kapansanan ni Aryanna siya ay binigyan ng pinansiyal na tulong ng


pamahalaan. Anong elemento ng Kabutihang Panlahat ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

5. Ang pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan at malinis na kapaligiran


ay pagbibigay sa lipunan ng __________.
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

6-10. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang  sa loob ng kahon kung ang
pahayag ay nagpapahayag ng Kabutihang Panlahat at  kung ito ay hindi nagpapahayag ng
Kabutihang Panlahat.
6. Sa panahon ng pandemya tulad ng pagkalat ng Coronavirus, ako ay
sumusunod sa panuntunan at tagubilin ng pamahalaan.
7. Bago ko i-post o i-share ang isang impormasyon sa Social Media, sinusuguro ko
muna na ito ay totoo at makatutulong sa iba.
8. Sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ) sa bansa, maaari naman
akong lumabas ng bahay kahit na wala akong suot na face mask.
9. Pinapanatili ko ang physical distancing kahit saan man ako magpunta.

10. Sa simpleng paraan, pinagdarasal ko ang kaligtasan ng bansa at ng mga taong


nagsakripisyo sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Inihanda ni: Sahanifah A. Monib-Amatonding


Lacoto Ayaon Memorial National High School
Integration of the following Learning Skills:
1) Communication
a.) Understanding of words/vocabulary: kabutihang panlahat, paggalang, kapayapaan, katarungan
b.) Following instructions/directions.
c.) Responding to ideas.
d.) Constructing ideas.
e.) Understanding messages.
2) Critical Thinking
a.) Analyzing situations and determining appropriate responses.
3) Creativity
a.) Creating ideas through visual presentation.
4) Collaboration
a.) Committing oneself in a situation. b.) Engaging oneself to others.
5) Character
a.) Being just and responsible. b.) Having empathy. nathalieyu

You might also like