You are on page 1of 4

Grade 2-Q2-ARPAN- Module 5

By Guro Ako Channel- www.guroako.com

Name: __________________________________ Grade and Section: ___________

Nakapagbibigay ng mga Inisyatibo at Proyekto ng Komunidad na Nagsusulong ng


Natatanging Pagkakakilanlan o Identidad ng Komunidad (AP2KNN-IIa-1)

I-Learning Competencies:
a. MELCS;
1. Nakapagbibigay ng mga Inisyatibo at Proyekto ng Komunidad na
Nagsusulong ng Natatanging Pagkakakilanlan o Identidad ng Komunidad

II- Content

Hindi lamang ekonomiya ang umuunlad sa isang pamayanan. Umuunlad din ito sa mga
aspektong politikal, ispiritwal, at panlipunan. Ayon sa mga dalubhasa, nakadepende ang
pagbabago ng komunidad sa mga sumusunod na salik:
1. Epektibong Pagmomobilisa ng mga residente sa panahon ng mga kagipitan gaya ng:
pagkawasak na dulot ng baha, bagyo at iba pang kalamidad o kapag mayroong suliranin gaya ng
pagtatapon ng basura. Ang ibig sabihin ng mobilisasyon ay ang pagoorganisa ng mga tao upang
magtrabaho bilang isang grupo na nagpapatupad ng mga proyekto at gawain. Ang partisipasyon
ng mga tao ay makatutulong upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng komunidad na
nakakaapekto sa kanilang lahat, sa biktima, sa organisado at sa hindi organisadong grupo sa loob
ng komunidad.
2. Mga proyekto o gawain na pinasimulan at ipinatupad batay sa natukoy na
pangangailangan ng mga tao. Ang mga proyektong ito ay maaaring pangkalusugang pasilidad
at seminar para sa komunidad.
3. Mga lider na may malasakit sa komunidad na may mga interes na lutasin ang mga suliranin
ng komunidad. Ito ang mga pamunuan na kinukunsulta ang mga tao ukol sa kanilang mga
pangangailangan.
4. Pakikilahok ng mga kasapi ng komunidad sa paggawa ng desisyon, pati na sa pag-aaral ng
mga suliranin, at sa pagtukoy at pagpapriyoridad ng mga pangangailangan. Dapat kasama rin sila
sa mga proseso ng pagpaplano at sa pagpapatupad ng mga proyekto. Ang pinakamahalaga, dapat
sila ang makikinabang sa mga proyekto.
5. Pagkakaisa ng mga tao upang maabot ang kanilang mga adhikain. Kolektibong pagkilos
upang tulungan ang bawat-isa na maabot ang kanilang mga ninanais.

III- Exercise/s
A. Basahin ang mga nakasulat sa ibaba. Kung sumasang-ayon ka sa mga isinasaad nito, kulayan
ng dilaw ang simbolong ito. Kung hindi ka naman.

B. Buuin ang Gulong ng Pag-unlad ng Komunidad. Magtala ng limang (5) paraan upang
makatulong sa pag-unlad ng komunidad

C. Ano ang maaari mong maitulong sa mga sumusunod na proyekto?


1. Basura Mo, Sagot Ko ! ________________________
2. Yes to Education, No to Drugs! ________________
3. Magtanim, Kalikasan ay Sagipin! ______________
4. Wastong Nutrisyon, Palaganapin!______________
5. Iwas Covid, Maging Alerto! ____________________

IV-Assessment
Basahin ang bawat kalagayan. Lagyan ng tsek ang kahon kung sa tingin ninyo na ito ba
ay TAMA o MALING gawain.

V-Answer Key

A. B. C.
ASSESSMENT

Prepared by
GuroAko Channel
Subject Teacher

You might also like