You are on page 1of 3

Date: August 30, 2022

ARALING PANLIPUNAN II
Unang Markahan

I. LAYUNIN:
Naipapaliwang ang kahalagahan ng komunidad

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Kahalagahan ng Komunidad
B. Kagamitan: tarpapel
C. Sanggunian: MELC, TG pp. 31-32, Araling Panlipunan 2, Modyul 3
D. Pagpapahalaga: PAGGALANG SA KAPWA

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Itanong: Sinu-sino ang nagbibigay ng paglilingkod para sa pagtugon sa:
-pangunahing pangangailangan ng komunidad?
- kaligtasan sa komunidad?
- kalusugan?

2. Pagganyak:
Itanong: Anong tulong ang naibibigay sa iyo ng inyong komunidad?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang salaysay sa mga mag-aaral.

Ito ang aking komunidad. Kasama angaming mag-anak dito ako naninirahan.
Saan ka man lumingon, bawat kasapi ay ginagampanan ang kanilang tungkulin tungo sa
pag-unlad.

Malaki ang naiaambag ng aking mga nakikita sa paghubog ang aking pagkatao.
Nagtuttlungan sa mga Gawain, pagmamalasakit sa kapwa at pakikiisa sa mga
programa ng Barangay. Tahimik na kapaligiran, mapayapang paninirahan ang hatid
nito sa amin.

Maayos ang aming pamumuhay at masagana ayon sa uri ng hanapbuhay na


mayroon dito sa aming komunidad.

2. Pagtatalakay:
Itanong:
Ano ang kahalagahan ng komunidad ni Mario?
Bilang isang bata, ano ang maibabahagi mo sa iyong komunidad?
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong komunidad?

3. Paglalahat:
Bilang isang bata, mapahahalagahan mo ang iyong komunidad sa pagsunod sa mga
alituntunin nito, pagsunod sa mga babala at paalala at batas trapiko.
Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan,
paguunawaan at pag-uugnayan ng bawat isa. Kung ito ay binibigyang halaga, tayo
ay makasisigurong magkakaroon ng isang ligtas at mapayapang pamumuhay ang
bawat kasapi nito.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat:
Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ang isinasaad ng pangungusap ay
tamang Gawain sa pagpapahalaga ng komunidad at malungkot na mukha kung
hindi.

______1. Nakikiisa sa mga programa ng aming komunidad tulad ng clean-up drive.


______2. Madalas na makisama sa gulo ni Mang Tino.
______3. Handang tumulong sa pagbibigay ng relief goods ang aming punong-
barangay sa mga nasalanta ng bagyo.
______4. Isa sa proyekto ng aming komunidad ang pagtatanim ng mga puno.
______5. Sinisigurong ligtas at payapa ng mga opisyal ang aming komunidad.

2. Paglalagom/Pagpapahalaga
Itanong: Bilang kasapi ng komunidad, dapat ba tayong maging magalang sa iba pang
kasapi? Bakit?
.

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Isulat ang TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap tungkol sa
komunidad. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

________1. Ang pagkakaisa ng bawat kasapi ay mahalagang sangkap ng isang


komunidad
________2. Ang komunidad na may pagtutulungan ay malayo sa pag-unlad.
________3. Ang komunidad ay payapa kung ang bawat ksapi ay may pagkakaisa at
pagkakaunawaan.
________4. Magkakapareho ang bawat komunidad.
________5. Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng isang indibidwal.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Isulat ang mg paraan kung ano ang magagawa ng kinabibilangang komunidad.

Sa batang
katulad mo

Sa
pamilya
M.L. _____
I.D. _____

Prepared:
MICHELLE F. GALLANO
Grade II-Hope

You might also like