You are on page 1of 10

Division of City of San Fernando

Detailed Lesson Plan on One-Week Curriculum in


INTRODUCTION TO PHILOSOPHY OF THE HUMAN PERSON

PANUTO: 
GUMAMIT NG ISANG BUONG PAPEL (one whole sheet (s)) sa pagsagot sa mga
gawain at katanungan. Dito isulat ang lahat ng iyong kasagutan sa modyul.
Sundin nang tama ang pormat na iyong makikita sa ibaba. HUWAG NANG SUMAGOT
SA MODYUL

PAMPANGA HIGH SCHOOL August 24-28,


Teaching Dates/
2020
Week
Name of Student (Week 1)
____________________________
Section
___________________________________
Unang
Teacher’s Name: Quarter
Markahan
____________________________ 

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dignidad ng tao

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipakita sa kapwang
itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na
dignidad bilang tao

C. Pamantayan sa Pagkatuto
4.1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao, EsP10MP –If-4.1
4.2. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga
mahihirap at indigenous groups, EsP10MP –If-4.2
4.3. Naipatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi
(hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at
kalooban), EsP10MP –If- 4.3 at
4.4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na
mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad
bilangtao, EsP10MP –If-4.4

II. NILALAMAN
Paksa: Paggalang sa Dignidad ng Tao
Kaugnay na pagpapahalaga: Pananagutan, Paggalang
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Himes, Kenneth R. OFM, Catholic Social Teaching. St. Pauls,

Page 1 of 10
Makati City. 2014
Isang Mundo, Isang Maylalang ng Buhay
Catechism for Filipino Catholics pp. 33
https://www.youtube.com/watch?v=IoqRjdo1bKQ
https://www.youtube.com/watch?v=h6d6Yo3DwVI
https://www.facebook.com/gmanews/videos/344635523160263/

IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)

Kumusta ka? Natatandaan mo pa ba ang iyong karanasan sa nakalipas na


Enhanced Community Quarantine? Sa iyong kwaderno sumulat ng paglalarawan ng
iyong karanasan sa COVID-19 pandemic.

Ang buong Luzon at ilang mga karatig-probinsya sa ating bansa ay napasailalim


sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic. Sa
iyong palagay, sino ang higit na nahirapan sa panahon ng ECQ, ang mayaman ba o
ang mahirap? Bakit?

B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)


Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi
(hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at
kalooban),
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao,
3. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng kahirapan noong panahon ng COVID-19
bilang paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups,
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos sa “New Normal” na pamumuhay upang
maipakita sa kapwa na itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi
dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pagtuklas ng Dating


Kaalaman)
Gawain1: Video Analysis
Panoorin ang video clip gamit ang link:
https://www.facebook.com/gmanews/videos/344635523160263/ na ito kung ikaw ay may
internet. Kung wala kang internet, tunghayan ang mga larawan.

Page 2 of 10
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensahe ng video o ng mga larawan? Ano ang naramdaman mo
pagkatapos mong mapanood ang video at mga larawan?
2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng mga mahihirap noong panahon ng ECQ?
3. Ang kahirapan ba ay panlipunang suliranin?
4. Ano ang kahirapan?
5. Ang kahirapan ba ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap? Bakit?
Gawain 2: Venn Diagram
Gamit ang Venn Diagram suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mayaman at
mahirap.

Page 3 of 10
Sagutin ang mga Gabay na Tanong para sa Gawain 2:
1. Ano ang nakita mong pagkakaiba ng dalawang tao na may magkaibang katayuan sa
buhay? Ipaliwanag.
2. Ano ang kanilang pagkakatulad?
3. Sa pagitan ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad, sa iyong palagay ang mas
dapat na pagtuunan ng pansin at pagpapahalaga? Ipaliwanag.
4. Ano ang ipinahihiwatig nito sa iyo?

Gawain 3: Plan of Action


Sumulat ng plan of action na maaari mong gawin upang maipakita mo sa iyong mumunting
paraan ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao lalo na ng mga mahihirap.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)

Gawain 4: Malikhaing Paglalarawan ng Dignidad


“Lahat ng tao anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan
ay may dignidad. Ito ay nagmula sa Diyos; kaya’y ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng
lipunan at ito ay taglay ng lahat ng tao (Himes, 2014). Ang dignidad ay galing sa salitang
Latin na dignitas na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.”

Gamit ang teksto sa itaas bilang gabay sa kahulugan ng dignidad, sumulat ng


paglalarawan tungkol sa paggalang sa dignidad ng tao. Maaaring gumamit ng malikhaing
paglalarawan gaya ng tula, awitin, sanaysay, pinta at iba pa.

Sagutin ang sumusunod na tanong para sa Gawain 4:


1. Sa iyong pagsusuri sa iyong buhay, naibibigay mo ba talaga sa iyong kapwa ang
paggalang sa kanilang dignidad? Bakit? Bakit hindi?
2. Kung ikaw kaya ang nasa katayuan ng iyong kapwa, ano ang magiging damdamin
mo kung hindi igagalang ang iyong dignidad ng iyong kapwa?
3. Sa iyong palagay, makatarungan bang matanggap ng iyong kapwa ang iyong mga
itinala? Pangatwiranan
4. Ano ang maitutulong mo sa pagsasagawa ng mga bagay na ito para sa iyong sarili at
sa iyong kapwa?
5. Bakit kailangan mong pahalagahan ang iyong kapwa?
6. Bakit mahalagang makatanggap ka ng pagpapahalaga mula sa iyong kapwa?

Page 4 of 10
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa) Integration of COVID-19 and
GMRC

Gawain 5: Pagsusuri o Pag iinterbyu


Natatandaan mo pa ang SAP o Social Amelioration Program? Bukod sa Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Department of Social Welfare and Development
(DSWD) ay nagbibigay ng tulong sa mga vulnerable sector sa pamamagitan ng Social
Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as
One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Gamitin ang link https://coins.ph/blog/covid-19-dswd-social-amelioration-program/ , at alamin


ang tungkol sa Social Amelioration Program (SAP). Kung wala kang internet maaaring tanungin ang
magulang o ibang miyembro ng pamilya kung ano ang alam nila tungkol sa SAP.

Sagutin ang mga Gabay na Tanong para sa Gawain 5:


1. Ano ang mga benepisyo ng SAP?
2. Bakit hindi lahat ng sektor ng lipunan ay maaaring makatanggap ng benepisyo ng SAP?
3. Ano ang isinaalang-alang ng pamahalaan kung sino ang maaaring kwalipikado sa SAP?
4. Ang SAP ba ay nakatulong sa mga mahihirap noong panahon ng ECQ? Paano?

Gawain 5: Pagpapakita ang kagandahang asal

Mayroon kang kilala sa mga tao sa ibaba. Paano ka nakikitungo sa kanila? Isulat
ang kasagutan sa iyong journal o kwaderno.

1. Kamag-aral na biktima ng bullying


2. Kapatid na may kapansanan sa pag-iisip
3. Lolong ulyanin
4. Pulubi na nakita sa lansangan
5. Dyanitor sa inyong paaralan

Page 5 of 10
F. Paglinang ng Kabihasnan (Pagpapalalim)

Integration of Concepts on COVID-19 and GMRC

Basahin at unawain ang mahalagang konsepto ng aralin gamit ang sanaysay:

ANG DIGNIDAD NG TAO


“Ang Diyos ay mapagmalasakit,” ayon kay San Juan (1Juan 4:8). Ang lahat ng
kanyang nilikha ay nagmula sa kanyang pagmamagandang loob. Dahil mahal na mahal Niya
ang tao, ang mga ito ay pinagkalooban ng Diyos ng buhay. Ayon sa aklat ng Genesis (1:26)
ang tao ay nilikha bilang kawangis at kalarawan ng Diyos. Ang pagiging kawangis at
kalarawan ng Diyos ang pinagbabatayan ng dignidad ng tao. Kaakibat ng dignidad ng tao ay
pagkakaroon niya ng angking katangian, kalayaan, kakayahang lumikha, damdamin, at iba
pa na wala sa ibang nilikha ng Diyos. Ito marahil ang dahilan kaya ang tao ay inaanyayahan
ng Diyos na makibahagi sa kanyang kagandahang-loob at mamuno (Stewardship) sa iba
pang nilikha. Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay magkakaroon lamang ng saysay kung
siya ay mamumuhay ayon sa kanyang pagiging kawangis at kalarawan ng Diyos.
Ano ba ang dignidad ng tao?
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas na ang ibig sabihin ay
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao anoman ang kaniyang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. Ito ay nagmula sa Diyos
kaya ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay taglay ng lahat ng tao (Himes,
2014).
Ang pagiging kawangis at kalarawan ng Diyos ay hindi lamang nagsasaad ng
dignidad kundi ito ay nagpapahiwatig din ng pananagutan. Ang pananagutang ito ay
nagbibigay-diin sa kahalagahan at karapatan ng kapwa. Sa mga pagkakataong ang lahat ng
tao ay nakaranas ng paghihirap gaya ng nakaraang pandemic dulot ng COVID-19
mahalagang tandaan na may mas higit na nahihirapan kaysa sa ating nararanasan. Sila ang
mahihirap. Ang mga sumusunod ay ang tungkulin natin sa ating kapwa sa lahat ng oras lalo
na sa panahon ng pandemic:
1. Kilalanin na bawa’t isa ay may dangal at karapatan na kaloob ng Diyos nang
lalangin Niya ang tao. Ang lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay may pantay na dangal
at karapatan.
2. Igalang na ang bawa’t isa ay kawangis at kalarawan ng Diyos at magbigay pitagan
at pakundangan sa kapwa.
3. Itaguyod ang dangal at karapatan ng iba. Ito ay matibay na pagpapakita na ang
bawa’t isa ay kawangis at kalarawan ng Diyos.

Page 6 of 10
4. Ipagtanggol ang karangalan at karapatang ipinagkaloob sapagkat ito ay kaloob ng
Diyos at walang sinuman ang maaaring humamak nito.
Ang karapatang pantao ang nagbibigay anyo at kalamnan (substance) sa ideya ng
dignidad ng tao (Himes, 2014). May ibat ibang karapatan ang tao para mabigyan ng proteksyon
ang kanyang dignidad. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagkilala bilang tao


2. Dangal at puri
3. Kalayaan ng konsyensiya, relihiyon, opiniyon at pagpapahayag
4. Pananaliksik/Pagtanggap/ Pagbabahagi ng Impormasyon
5. Pagtitipon/ Pagpupulong
6. Pantay na Pagtingin
7. Kasarinlan sa pamilya, tahanan, pakikipagsulatan
8. Kalayaan sa pagkaalipin, labis na pagpapahirap, malupit na kaparusahan, kaparusahang
nakapagpapababa sa sarili hindi makataong kaparusahan
Sa kabila ng kahirapan maaari pa ring mamuhay ang tao nang may dignidad. Ito ay ating
napatunayan sa nakalipas na ECQ. Ang pandaigdigang problema dulot ng COVID-19 ay
nagpahirap sa maraming bansa. Ang pamahalaan sa pamamagitan ng “BAYANIHAN ACT, WE
HEAL AS ONE”, ay isang konkretong hakbang upang pahalagahan ang dignidad ng tao lalo na
ang mahihirap sa gitna ng krisis na naranasan.
Paano ang mabuhay nang may dignidad?
1. Ugnayan sa Kapwa (Relation to others)
Kung paano tayo nagmamagandang-loob at nagmamalasakit sa ating sarili
ganoon din tayo dapat magmamagandang-loob at magmamalasakit sa ating kapwa. Ang
pagmamagandang loob at pagmamalasakit sa kapwa ay:
a. Ang pagkilala sa likas na karapatan at karangalan ng lahat ng tao bilang kapwa
nilikha at kasamang tagapangasiwa sa lahat ng nilalang ng Diyos.
b. Ang pagbibigay halaga, pagtataguyod at paggalang sa kanilang karapatan.
Ang pagmamagandang-loob at pagmamalasakit sa ating kapwa ay ating
nasaksihan nanng tayo ay nasa ilalim ng ECQ. Ang mga frontliner at ang napakaraming
mga taong nag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan ay buong pusong inialay ang
kanilang mga sarili para sa iba kaya’t marapat lamang na tawagin silang mga bagong
bayani.
2. Ugnayan sa Lipunan (Relation to Society)
Kaakibat ng dignidad ng tao ay ang pagsaalang-alang sa kabutihan ng lahat sa
pamamagitan ng pakikiisa sa pag-unlad ng lipunan, pakikisama at pagmamalasakit sa
kapwa lalong-lalo na sa mga kapus-palad (mga mahihirap na sumasala sa pangunahing

Page 7 of 10
pangangailangan sa buhay, mga palaboy sa lansangan, mga yagit ng lipunan, mga
tinalikuran ng lipunan).
Ang pakikiisa at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan lalo na sa panahon ng
krisis gaya ng COVID-19 ay higit na benepisyal sa nakararaming tao. Ang pagpo-post ng
mga maling impormasyon o pagbatikos sa ginagawa ng pamahalaan sa social media ay
hindi nakatutulong bagkus ay lalo pang nagpapalala sa problema sa panahon ng krisis.
3. Ugnayan sa kalikasan (Relation to Earthly goods/material things
Ang Kalikasan ay nilikha dahil sa pagmamahal ng Diyos sa tao. Bilang pagtanaw
ng utang na loob sa kabutihan ng Diyos, dapat gamitin ng tao nang may mapanagutang
pamumuno (Stewardship) ang kalikasan sa mabuting paraan, at iwasan ang makasariling
pagnanasa sa kalikasan, sapagka’t ito ay nilikha ng Diyos para sa lahat at hindi dapat
gamitin sa mga pamamaraang magdudulot ng hirap sa kapwa.
Ang biyayang galing sa kalikasan ay marapat na ibahagi sa mga nangangailangan.
4. Ugnayan sa Sarili (Relation to Self)
Igalang at mamahalin ang buhay sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling
kakayahan, talento, pisikal na kaanyuhan at katayuan sa buhay.
Ayon sa Banal na Kasulatan, ang Panginoong Hesus ay nagbigay sa atin ng
mahalagang kautusan: “MAHALIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG PAGMAMAHAL MO
SA IYONG SARILI.” Ang tamang pakikitungo sa kapwa ay indikasyon ng pagpapahalaga sa
dignidad at pagmamahal sa Dakilang Manlilikha.

Kalakip ng pakikitungo sa kapwa lalong-lalo na sa kapus-palad ay ang sumusunod


na tamang pagkilos: pagmamagandang- loob, pagmamalasakit, paggalang, pagkukusang-
loob, pagbubukas-palad, pagkamapagbigay, pagkamatulungin, pagiging maalalahanin at
kabutihan. Kailanman ay hindi natin masasabing maganda ang pakikitungo mo sa kapwa
kung walang malasakit sa kaginhawaan ng kapwa, gaya ng pambu-bully sa ibang kamag-
aral, kapatid, o kalaro.

Sagutin ang mga gga gabay na tanong para sa paghinuha ng batayang konsepto ng aralin:

1. Ano ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng tao sa mundo?


2. Sa paanong paraan nagkakapantay-pantay ang tao?
3. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
4. Bakit mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
5. Paano mamuhay nang may dignidad?
6. Anu-ano ang tungkulin natin sa ating kapwa?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Isabuhay Natin)

Gawain 6: Concept Map

Page 8 of 10
Gumawa ng concept map at isulat ang iba’t ibang kaugnay na konsepto ng dignidad.
Pag-ugnayin sa pamamagitan ng arrow ang mga magkakaugnay na konsepto.

Gawain 7: Pananaliksik (Research)

Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa iba pang programa ng pamahalaan o NGO’s


na kumikilala sa dignidad ng lahat ng tao at mga napabayaang sektor ng lipunan
(marginalized) noong panahon ng ECQ.

Rubrics:
Nilalaman/ Mensahe: 20
Punctuality 5

Gawain 8: Journal writing

Pumili ng sinoman na sa iyong palagay ay may mababa ang pagtingin o tiwala sa


sarili. Gumawa ng angkop na kilos upang maipakita sa kanya na siya ay bukod-tangi. Itatala
ang lahat ng pangyayari sa journal.
Rubrics:
– Nilalaman/ Mensahe: 10
– Punctuality : 5______
Total 15

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)

Gawain 9: Pagbuo ng Batayang Konsepto


Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer batay sa mahalagang konsepto na nahinuha
mula sa mga nagdaang gawain at babasahin.

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 10: Maikling Pagsusulit

Tama o Mali. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas na ang ibig sabihin ay “karapat-
dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
2. Ang kahirapan ay hindi paglabag sa dignidad ng tao.
3. Ang pagiging kawangis at kalarawan ng Diyos ay hindi lamang nagsasaad ng dignidad
kundi ito ay nagpapahiwatig din ng pananagutan.
4. Isa sa mga tungkulin natin sa ating dignidad ay ang kilalanin na bawa’t isa ay may dangal
at karapatan na kaloob ng Diyos nang lalangin Niya ang tao.
5. Ang pinagbabatayan ng dignidad ng tao ay ang pagiging kawangis at kalarawan ng Diyos.
6. Ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay instrumento upang pahirapan ang mga
tao lalo na ang mahihirap.
7. Ang sakit na COVID-19 ay nagpapatunay na ang mga tao ay pantay-pantay, walang
mahirap o mayaman na pinipili na madapuan ng sakit.
8. Tinutulungan ng gobyerno at iba pang NGOs na maibsan ang paghihirap ng mga tao sa
panahon ng ECQ.
9. Isa sa mga hinilom ng ECQ ay ang Ugnayan sa Sarili dahil nabawasan ang polusyon.
10. Ang pagmamagandang-loob at pagmamalasakit sa ating kapwa ay ating nasaksihan
nanng tayo ay nasa ilalim ng ECQ.

Page 9 of 10
Pagsusulat ng Sanaysay:

Gumawa ng sanaysay tungkol sa pinakamahalagang natutuhan mo o tungkol sa


paggalang ng dignidad noong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin

Gawain 11: Adbokasiya para sa Dignidad


Gumawa ng isang “Quote” o anumang uri ng adbokasiya para sa pag-angat ng dignidad
ng tao.

Inihanda ni:
Anna Y. Manalastas
Pampanga High School

Page 10 of 10

You might also like