You are on page 1of 13

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro
Dela Rosa, Johannes Paulo A. Piamonte, Maria Kathleen B.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Lesson Plan
Baitang 9
Heading Ikatlong Markahan

Kasanayang EsP9KPIIId-9.3
Pampagkatuto
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na
DLC (No. &
ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya
Statement)

Dulog o
PNU ACES (Values Clarification)
Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C- Pangkabatiran: nakakikilala ng mga konseptong tumutukoy sa


Panlahat na pagkakaroon ng pananagutang ibigay sa kapwa ang nararapat sa
Layunin kanya

(Objectives) A- Pandamdamin: naipahahayag ang pag unawa sa katarungan sa


DLC pamamagitan ng angkop at patas na turing nang may pagkilala sa
karapatan na nararapat tamuhin ng bawat isa

B- Saykomotor: nakagaganap ng mga kilos na may pananagutan sa


pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya

PAKSA
(TOPIC) Katarungan sa Kapwa at Sarili
2

Inaasahang
Pagpapahalaga Value/Dimension
(Value to be Social responsibility and Accountability/Social Dimension
developed)
1. Bautista, L. (1988). Dekada ’70. Carmelo & Bauermann Print.
Corporation.

2. Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1. Retrieved from


https://www.slideshare.net/julianrikki/edukasyon -sa-
pagpapakatao-grade-9-lm

3. Enriquez, M. & Villanueva, P. (2020, September 07). How a


SANGGUNIAN displaced Lumad community keep its culture during pandemic.
(APA 7th Edition Retrieved from https://www.rappler.com/moveph/how-

format) displaced- lumad-community-keeps-culture-alive-covid-19-


pandemic
(References)
varied 4. Human Rights Watch. (n.d.). World Report 2020: Philippines.
Retrieved from https://www.hrw.org/world-
report/2020/country- chapters/philippines

5. Injustice Of This World - Anonymous. (2015, October 20). [Video].


YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=BLtfVDuRXTM

PowerPoint Presentation
MGA KAGAMITAN
Laptop
(Materials) Canva Application
Mentimeter Application
Zoom Application
Technology
Pamamaraan/Strategy: Video Storytelling
PANLINANG NA Integration
GAWAIN Panuto: Panoorin at unawain ang video clip na may
(Motivation) pamagat na "Injustice of this World" at sagutan ang
mga sumusunod na tanong.
3

Youtube Link:
https://www.youtube.com/watch?v=BLtfVDuRXTM

Mga Tanong:

1. Anong ang iyong naramdaman pagkatapos


mapanood ang iba’t-ibang sitwasyon na
ipinakita?
2. Ano ang paksa ng patalastas? Ano ang nais
nitong iparating?
3. Batay sa iyong napanood, bakit mahalaga ang
pagbibigay ng nararapat at makatarungang
gawi sa kapwa?

Technology
Dulog o Approach: Values Clarification
Integration
PANGUNAHING
Pamamaraan/Strategy: Value Position
GAWAIN
(Activity) Panuto: Gamit ang Mentimeter code 1383 1820,
ipahiwatig ang antas ng pagsang-ayon sa mga
sumusunod na pahayag.
4

_____ Dapat tanggihan ng mga kompanya ang mga


taong may "criminal record"
_____ Ang SOGIE Bill ay nararapat lamang na ipasa
sapagkat ito ay magiging sandigan ng mga taong
miyembro ng LGBTQ+
_____ Dapat lamang ipagpatuloy ang EJK o Extra
Judicial Killings upang mapanatili ang kaayusan sa
bansa
_____ Ang Death Penalty ay dapat isakatuparan
_____ Ang 4P’s ay nararapat lamang ikaloob sa mga
pamilyang may mabababang kita.
_____ Ang mga taong may kapansanan ay dapat mas
binibigyang-pansin ang pangangailangan
_____ Hindi na kinakailangan pang dinggin ang
panawagan ng mga manggagawa ukol sa kanilang
mababang kita
_____ Isang karapatan ng mag-aaral ang ipahayag
ang kanyang sariling panlipunan at politikal na
paninindigan
_____ Karapatan ng tribong Lumad ang ligtas na
pamumuhay
_____ Ang kawalan ng tugon sa mga kasong
inihahain sa korte ay pangkaraniwan na usapin
lamang.

1. Ano ang iyong natuklasan matapos ang mga Technology


MGA gawain ukol sa konsepto ng Katarungan? (C) Integration
2. Ano ang mga katangian ng mapanagutang
KATANUNGAN pakikipagkapwa? (C)
(Analysis) 3. Bakit mahalagang maipahayag ang pagbibigay
C-A-B ng patas at angkop na gawi sa kapwa? (A)
4. Bakit kailangang taglayin ang pagiging
mapanagutan sa pakikipagkapwa? (C)
5

5. Ano ang mga kilos na dapat isabuhay ng isang


taong may pagkilala sa kahalagahan ng
pagiging patas at mapanagutan sa kapwa? (A)
6. Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pagiging mapanagutan sa iyong mga gawi sa
pang araw-araw na sitwasyon? (B)
Balangkas ( Outline) Technology
1. Kahulugan ng Katarungan Integration
a. Dalawang Nibel ng Katarungan
2. Tao bilang Isang Indibidwal
a. Tao bilang Isang Naghahatakang Puwersa
b. Wastong Pagpili bilang
Pinakapundamental na Prinsipyo ng
Katarungan sa Sarili
3. Tao bilang Kasapi ng Lipunan
a. Ugnayan ng Sarili sa Kapwa
b. Ugnayan ng Tao sa Komunidad
4. Depinisyon ng Katarungan
a. Katarungan bilang Isang Pagpapahalaga
b. Katarungan bilang Isang Kilos

PAGTATALAKAY Nilalaman (Content)


(Abstraction) Ang katarungan ay umiikot sa dalawang nibel: ang
nibel ng pagkilala sa tao bilang tao; at ang nibel ng
pagkilala sa karapatan ng tao. Ang una ay tungkol sa
taong tumatayo bilang isang indibidwal na may
sariling pagka-siya at ang pangalawa naman ay
tungkol sa ginagalawang ugnayan ng tao sa kapwa at
lipunan.

Tao bilang Tao

Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa,


kasaysayan, mga layunin, at pangarap ay tinatawag
ng sarili na ipunin ang mga naghahatakang
puwersang ito upang manatiling isa at buo. Kung
magpapabaya ang tao sa kaniyang sarili – manghihina
ang kaniyang katawan at hindi na niya magagawa ang
mga gusto niyang gawin at mawawalan siya ng oras
para sa iba pang importanteng. Kung puro prinsipyo
lamang ang paninindigan ng tao, baka makalimutan
6

niya ang iba pang mahahalagang relasyon na kaniya


ring kinapapalooban.

Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng


sarili. Iniipon at binubuo ng tao ang iba’t ibang salik
at puwersang nagtutunggalian at humahatak sa
kaniya na tumungo sa iba-ibang direksiyon. Kung nais
kong makakilos nang may direksyon sa aking buhay
ay kinakailangang timbangin, ayawan, at/o
panindigan ang maraming mga bagay na ihinahain sa
aking harapan. Ang wastong pagpiling ito ang
masasabi nating pinakapundamental na prinsipyo ng
katarungan sa sarili.

Sa madaling salita, maliban pa sa paglalagay ko sa


ayos ng aking buhay sa pamamagitan ng
pagbabalanse ng mga naghahatakang pwersa, ang
pagiging makatarungan sa sarili ay nakaangkla sa
halaga ko bilang isang tao at sa pag-iingat ko sa
halagang ito. Ang dahilan kung bakit ko kailangang
ayusin ang aking sarili ay dahil mahalaga (may-halaga)
ako. Ang dahilan kung bakit ko pagsisikapang gawin
ang isang bagay ay dahil makapagpapayabong ito at
makapagtataguyod ng aking sarili. Kaya ko iingatan
ang aking sarili ay dahil hindi ko maaaring bitiwan ang
halaga ko bilang isang tao. Tao ako at hinihingi ng
katarungan na tratuhin ko ang sarili ko bilang tao

Tao bilang Nasa Ugnayan

Bahagi ng kasarinlan ang pagiging nasa loob ng


ugnayan. Sa mga ugnayang ito, napupunan ng mga
ugnayang kinapapalooban ng tao ang anumang
pagkukulang at pangangailangan niyang hindi kayang
likhain ng sarili. Nabubuo ang mga komunidad upang
maharap nang mas maginhawa ang mga hamon ng
kasalukuyan, naghahati-hati sa yaman ng bayan, at
nagsasama-samang nagpapatakbo ng lipunan

Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa


sariling komunidad upang makagawa, makabuo, at
makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan
ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal
na karapatan ng tao. Ngunit, higit pa dito, ang
pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim na
7

ugnayan ng tao sa loob ng komunidad. Kung wala at


hindi mahigpit ang mga ugnayang ito, mauunawaan
ang katarungang panlipunan bilang transaksiyon
lamang ng pamahalaan at ng mga sakop nito. Mauuwi
ang katarungang panlipunan sa usaping legalistiko
lamang—bilang pagsunod sa batas o pagpapataw ng
parusa sa mga tao. Bagaman kasali rin talaga ang mga
ito sa paksa, ang katarungang panlipunan ay, una’t
higit, ukol sa mga tao at sa mga ugnayan nila sa isa’t
isa. Kaya nagsisikap magkaroon ng katarungan ay
dahil sa pagnanais na mabuo ang sarili at ang
komunidad.

Sa ganitong pag-unawa sa katarungang panlipunan,


inaaako ng sarili ang malaking tungkulin na maging
makatarungan sa sarili. Dahil kung hindi magiging
maayos ang tao, ang komunidad na kaniyang
gagalawan ay mawawasak din. At sa isang katwang
balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala
ring katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito
ay hindi magagawang mabuo ang sarili. Mahalaga ang
papel ng pamahalaan dito. Kung hindi matuwid ang
pamahalaan, kung hindi ginagawa nang maayos ang
kaniyang tungkulin, mahihirapan ang mga tao na pag-
ukulan pa ng panahon ang mga ugnayan sa
komunidad. Kani-kaniyang pagsisikap at
pagtatrabaho para sa sariling buhay ang iiral - kalat at
walang direksyon - na, ayon sa nakita natin batay sa
siklong-ugnayan ng tao sa kapwa at tao sa sarili,
mauuwi lamang sa wala kundi pagkawasak lamang ng
lahat. Kaya’t alang-alang sa lipunan at alang-alang din
sa sarili, utang na loob ng bawat isa na magkaroon ng
katarungan sa sarili at sa komunidad dahil ang
ikaaayos ng bawat isa ay nasa kamay ng bawat isa.

Katarungan

Ano ang katarungan? Sa halip na pag-usapan ang


katarungan kapag nawawala na ito, ang hamon ay
makita ang katarungan na isang pagpapahalagang
kailangang pagsikapang panatilihin sa bawat sandali.
Ang katarungan ay hindi hinihingi o inaasahan mula
8

sa labas. Bagaman iginagawad din ng panlabas na


estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay
kailangang makita bilang isang kilos na nagmumula sa
loob ng bawat isa. Hindi bilang karapatan ko lamang
bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng
pagpapahalaga ng sarili dahil ako ay may halaga sa
sarili at sa komunidad.

Technology
Pamamaraan/Strategy: Contrived or real value-
Integration
laden situations

Panuto: Punan ang talahanayan ng mga paksa o isyu


na napapanahon at ilagay ang mga angkop na gawi o
kilos batay sa iyong pag unawa sa naging talakayan
ukol sa konsepto ng Katarungan.

PAGLALAPAT ISYU NARARAPAT NA KILOS O GAWI


(Application)
Pagsasabatas
ng Abortion

Pagsasabatas
ng SOGIE Bill

Pagsasabatas
ng Death
Penalty
Mga Uri ng Pagsusulit: Technology
Integration
A. 1-5

Panuto: MULTIPLE CHOICE


PAGSUSULIT
(Evaluation/ Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Isulat
ang titik ng pinaka-angkop na sagot sa bawat
Assessment)
patlang.

_____ 1. Batay sa naging talakayan, alin sa mga


sumusunod ang sinasabing bumubuo sa tao?

A. Katawan, kasaysayan, at kaisipan


9

B. Katawan, kaisipan, kaluluwa, at loob


laman

C. Katawan, pagnanasa, kasaysayan, layunin,


at pangarap

D. Katawan, layunin, kaisipan, pangarap,


misyon sa buhay, at laman loob

_____ 2. Batay sa naging talakayan, paano


magsisimula ang katarungan sa sarili?

A. Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga


batas

B. Sa pamamagitan ng pagtrato sa sarili


bilang isang tao

C. Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga


konseptong tama at mali

D. Sa pamamagitan ng pagbibigay respeto


hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa iba

_____ 3. Ayon sa konsepto ng Tao bilang Nasa


Ugnayan, bakit kinakailangang mahigpit at malalim
ang ugnayan ng tao sa loob ng komunidad?

A. Dahil mapapaunlad nito ang kaugalian ng


tao

B. Dahil maaaring hindi ito bigyang pansin ng


tao

C. Dahil ang komunidad ay isa sa mga


naglilinang ng ating pagkatao

D. Dahil maiintindihan ang katarungang


panlipunan bilang transaksiyon lamang ng
pamahalaan at ng mga sakop nito.

_____ 4. Ayon sa prinsipyo ng mapanagutang


pakikipagkapwa, bakit mahalaga ang pagkakaroon
ng katarungan sa sarili at sa komunidad?
10

A. Dahil ang ikaaayos ng bawat isa ay nasa


kamay ng bawat isa

B. Dahil maiiwasan nito ang mga posibleng


masamang mangyari sa paligid

C. Dahil matuturuan nito ang mga taong


ating nakakasalamuha na magkaroon din ng
katarungan sa sarili at sa komunidad

D. Dahil ang pagkakaroon ng katarungan sa


sarili at komunidad ay makapagliligtas sa atin
sa anumang kapahamakan

_____ 5. Gamit ang Konsepto ng Katarungan mula sa


talakayan, alin sa mga sumusunod ang
nagpapahiwatig ng tamang pakahulugan ng
katarungan?

A. Ang katarungan ay pagiging patas sa


anumang bagay

B. Ang katarungan ay hinihingi at inaasahan


mula sa labas

C. Ang katarungan ay isang kilos na


nagmumula sa loob ng bawat isa

D. Ang katarungan ay nanggagaling lamang


sa mga batas na ipinapatupad ng
pamahalaan

B. 6-10

Panuto: BINARY CHOICE (TAMA O MALI)

Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang


pahayag ay wasto, at MALI naman kung hindi.

_____ 6. Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay


sa ayos ng sarili
_____ 7. Ang pagiging makatarungan sa sarili ay
hindi dapat nakaangkla sa halaga ng indibidwal
bilang isang tao at sa pag-iingat niya sa halagang ito
11

_____ 8. Ang katarungang panlipunan ay ang pag-


iingat sa sariling komunidad upang makagawa,
makabuo, at makalikha.
_____ 9. Kakailanganin sa katarungang panlipunan
ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal
na karapatan ng tao.
_____ 10. Ang katarungan ay kailangang makita
bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat
isa.

C. Sanaysay– 2 tanong

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga


sumusunod na tanong

1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay


ang pagpapahalaga sa pagiging sensitibo sa
anumang uri ng komunikasyon?

2. Bakit mahalaga na maging sensitibo sa pakikipag


komunikasyon?

Mga Kasagutan:
A.
1. C
2. B
3. D
4. A
5. C
B.
6. TAMA
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
C.
1. Bilang isang mag-aaral, isasabuhay ko ito sa
pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga
kaparaanan ng isang epektibo at sensitibong
komunikasyon. Ilan sa mga kaparaanan na aking
gagawin ay ang pakikinig at pag-unawa sa iba, ang
12

pagbibigay ng mensahe ng malinaw, at ang


pagbibigay ng pag galang sa aking kapwa.

2. Sa pakikipagkomunikasyon, mahalaga na
maging sensitibo ang mga sangkot upang
mapaunlad ang pakikipagkapwa. Ang sensitibong
komunikasyon ay mahalaga dahil naipapahayag
natin ang damdamin at saloobin ng malinaw, at
mas naiintindihan natin ang pahayag ng kapwa ng
walang halong panghuhusga. Ito ay instrumento
sa pagkakaisa.

Technology
Panuto: Pumili ng paksa o isyu na gagamitin sa
Integration
pagsusuri. Batay sa pagkakaunawa sa prinsipyo ng
Katarungan, sumulat ng position paper ukol sa
napiling paksa o isyu.
TAKDANG-ARALIN
Mga dapat na nilalaman ng position paper.
(Assignment)
1. Maikling introduksyon
2. Paglalarawan sa napiling paksa o isyu
3. Posisyon na napili at dahilan sa pagsuporta dito.
4. Mga nasaliksik na impormasyon ukol sa paksa o
isyu.
5. Konklusyon

Technology
Pamamaraan/Strategy: Simulation
Integration
Panuto: Ang guro ay magbabanggit ng isang linya
mula sa akda ni Lualhati Bautista na Dekada ‘70,
Pagtatapos na matapos ay ibabahagi ang kaugnayan nito sa
Gawain konteksto ng mapanagutang pakikipagkapwa at
konsepto ng Katarungan.
(Closing Activity)

“Ang payapang pampang ay para lang sa mga


pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa
panahon ng unos." - Lualhati Bautista, Dekada '70
13

You might also like