You are on page 1of 12

12

Filipino sa Piling Larang


AKADEMIK

Unang Markahan Modyul 6


Ikaanim na Linggo

Ang Wika
Ang wika ay isang
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos paraan g a rbitra ryo
upang magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na
nabibilang sa iisang kultura.

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1
PANIMULA
Ang Modyul na ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral na kumukuha ng
asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) para sa Baitang 11 o 12 ng
Senior High School. Nakapokus ang nilalaman ng modyul na ito sa iba’t ibang anyo
ng pagsulat na lilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na maging mabisa, kritikal,
at maingat sa pagkatha ng mga sulatin sa larang ng akademik.
Binuo ang modyul ng mga awtor ayon sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) mula sa Kagawaran ng Edukasyon upang maipaabot sa mga mag-aaral
bilang alternatibong kagamitan sa pagkatuto. Isinaalang-alang ang mga katangian,
kalikasan, at kailangan ng mga mag-aaral sa Panahon ng Bagong Normal.

Sa pamamagitan ng mga modyul ng asignaturang ito, layuning makamit ang mga


sumusunod:

a. Malaman ang angkop na proseso sa pagsulat,


b. Mahasa ang kakayahan (lingguwistik, diskorsal, sosyolingguwistik, diskorsal, at
istratedyik) ayon sa akademikong larang, at

c. Makabuo ng orihinal na kalipunan ng mga akademikong sulatin na naaayon sa


pormat at teknik;

Magiging katuwang ito ng guro at mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto


sa pagsulat sa larang ng akademik gamit ang Wikang Filipino.
Ang mga matatamong kasanayan ay inaasahang magagamit bilang produktibong
kasapi ng lipunan at mapakikinabangan sa realidad ng buhay ng mga
propesyunal.

Alamin Natin
chrome-extension://gicdkbgeaegfghgkdgaejkfeppmlobel/source/img/wrap.png

Ang Modyul 6 ay naglalaman ng Pagsulat ng Bionote.


May tagpo talaga na kinakailangan malaman ang iyong impormasyon upang
maipakilala ang iyong sarili sa mga tao. Maaring ito ay makapagpatibay ng
pundasyon ng iyong identidad o ‘di kaya ay magkaroon sila ng kamalayan sa iyong
pagkatao.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakakasusulat nang maayos ng akadamikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Subukin Natin

Bago tayo magtungo sa aralin na tatahakin sa modyul na ito, subukin


muna natin ang iyong kaalaman hinggil sa pagsulat ng bionote.

2
Paunang Pagtataya
Para sa unang pagtataya, bisitahin lamang ang site na ito:
https://docs.google.com/document/d/1JU3Akw6gYIbSEtDPXesWqsHSw8Om6K37Ed3Hsi7
M-UQ/edit?usp=sharing.

Modyul
6 Pagsulat ng Bionote

A. Kahulugan at halaga ng bionote


B. Dapat tandaan sa pagsulat ng bionote
C. Mga hakbang sa pagsulat ng bionote

Balikan Natin

Gawain 1
Ilahad ang kahulugan at ipaliwanag ang mga uri ng sintesis gamit ang
tsart.

Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino


para sa LINK o SITE kung saan maaring ipasa ang iyong GAWAIN 1. Ito ay
makatutulong na mapanatili ang di natin paglabas sa ating mga tahanan
at maging ligtas sa pandemya. Maraming salamat!

3
Tuklasin Natin

Gawain 2
Ipagpalagay na dapat na kilalanin ang mga taong nasa ibaba sapagkat ang
mga kagalang-galang na panauhin ay iyong ipakikilala sa programang
pangkalusugan laban sa COVID-19 ng inyong pamahalaang lokal. Isulat ang mga
hinihinging impormasyon.

Pangalan:
Edukasyon:
Katangiang Personal:
Ambag sa lipunan:
Ginagampanang tungkulin:

https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte

Pangalan:
Edukasyon:
Katangiang Personal:
Ambag sa lipunan:
Ginagampanang tungkulin:

https://en.wikipedia.org/wiki/Francisco_Duque_III

Pangalan:
Edukasyon:
Katangiang Personal:
Ambag sa lipunan:
Ginagampanang tungkulin:

https://tnt.abante.com.ph/ncrpo-chief-eleazar-binastos-ng-3-hotel-guard/

Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino para sa


LINK o SITE kung saan maaring ipasa ang iyong GAWAIN 2. Ito ay makatutulong
na mapanatili ang di natin paglabas sa ating mga tahanan at maging ligtas sa
pandemya. Maraming salamat!

4
Talakayin Natin

Modyul 6: Bionote
A. Kahulugan at halaga ng bionote

Naranasan mo na bang ipakilala sa isang pagtitipon o magpakilala


ng isang bisita o panauhin bilang isang tagapagsalita? Alamin natin
ang kaugnayan nito sa bionote.

Mula sa Bernales, et al. (2017) ang bionote ay isang sulating


nagbibigay impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala
siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang diin nito ang mga
bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga
paniniwala at mga katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang
indibidwal hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o
tagapakinig kundi upang pataasin ang kanyang kredibilidad.
Maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong
mabago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa
isang indibidwal.

Ayon muli sa Bernales, et al. (2017), mahalaga ang kakayahan na


magkaroon ng kaalaman sa epektibong pagsulat nito, kabilang sa
mapaggagamitan nito ang sumusunod:

1. pagsulat ng aplikasyon sa trabaho;


2. paglilimbag ng mga artikulo, aklat o blog;
3. pagsasalita sa mga pagtitipon;
4. at pagpapalawak ng netwok propesyonal.

B. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote


Ayon sa Bernales, et al. (2017), narito ang dapat alamin sa pagsulat
ng bionote mula sa Guidelines in Writing Biographical Notes, ay ang
sumusunod:
1. Balangkas sa pagsulat. Tinutukoy sa pagbuo ng balangkas ang
prayoritisasyon ng mga impormasyong isasama sa bionote.
Kailangan alamin kung alin sa mga impormasyon ang kailangang
bigyan ng higit na elaborasyon. Maging estratehiko sa paglalagay
sa mga impormasyong ito. Alamin ang kailangang bigyan ng higit
na elaborasyon.

5
2. Haba ng bionote binubuo. Binubuo lamang ito ng isa hanggang
tatlong talata. Subalit depende sa pangangailangan nagbabago
ang isang bionote.

Mula kay Brogan (2014), may tatlong uri ang bionote: micro-
bionote, maikling bionote, at mahabang bionote.

Una, ang micro-bionote. Ito ay inuumpisahan ng pangalan,


sinusundan ng mga ginagawa/ nagawa, at tinatapos sa kung
paano makokontak ang paksa ng bionote. Karaniwang makikita sa
social media bionote o business card bionote.

Samantala ang maikling bionote ay binubuo ng tatlo hanggang


limang talata tungkol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito
ang bionote ng may-akda sa isang aklat. Makikita din ito sa mga
journal o iba pang babasahin.

Ang huli, mahabang bionote, ginagamit ito sa pagpapakilala ng


natatanging panauhin. Mahalagang maghanda, kung gayon, ng
iba’t ibang haba ng bionote upang may magagamit sa anomang
pagkakataon.

3. Kaangkupan ng nilalaman. Ang bionote ay isinusulat para sa


isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na
pagkakataon. Dapat mong malaman hindi lahat ng
natamo at mahalagang ipormasyon tulad ng propesyonal, trabaho,
o edukasyon ay kailangan mong isama sa pagsulat nito.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Mahalagang isaalang-lang ang


pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito
kahusay, kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensibilidad ng
mga taga pakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa
paghahatid ng mga ipormasyong ukol sa ipinakikilala.

5. Larawan. Tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan para sa


bionote kung kinakailangan. Hanggat maaari ay propesyonal at
pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan.
Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang
propesyonal na potograpo.

C. Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Bionote

Matatagpuan sa aklat nina Bernales, et al. (2017), ang hakbangin sa


pagsulat bionote mula kay Brogran (2014) at Hummel (2014). Narito ang
panukala ng dalawang eksperto, ay ang sumusunod:

6
1. Tiyakin ang layunin. Kapag tiyak ang layunin, matutumbok ang
impormasyong nararapat na mabasa o marinig ng mga tao. Mapataas
din ang kredibilidad ng taong ipinakikilala.
2. Magdesisyon kung anong haba ng bionote ang isusulat sapagkat
kadalasan ay may kahingian ang mga organisasyong hmihingi nito.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. Kahit na personal na
bionote ang iyong isinusulat, iminumungkahi ang perspektibong ito dahil
na nanunyutralays niya ang pagbubuhat ng sariling bangko dahil sa
paglalahad ng tagumpay na natatamo. Samantalang sa social media,
ginagamit ang panauhan dahil sa personal akawnt mo ito at inaasahan
na sarili mo mismo ang nagpapakilala.
4. Simulan sa pangalan. Magkakaroon na agad ng katauhan ang
ipinapakilala at ang pangalan ang pinakamahalagang matandaan bilang
propesyunal at malaman ang mga tagumpay nito.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Sa pamamagitang nito,
maitataas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.
6. Isa-isahin ang mahalagang tagumpay. Pipiliin mo lamang ang mga
impormasyong ibibilang na maaaring makapagpataas ng antas ng
pagpapakilala sa iyo at mahalagang naaayon ito sa iyong mga
tagapakinig o mambabasa.
7. Idagdag ang di inaasahanag detalye. Mahalaga may surpresa. Tiyakin na
may kaugnayan ito sa okasyon o panganganilan ng pagpapakilala sa iyo.
8. Isama ang impormasyon kung paanong posibleng makontak ng mga tao.
Sa ganitong paraan, mapadadali ang iyong ugnayan sa kanila.
9. Basahin at isulat muli. Basahin nang malakas ang isinulat na bionote.
Sa pagbasa malalaman moa ng mga dapat pang ayusin, tanggalin o
dagdagan. Masusuri ang epektibo ng paglalahad at iyong mabibigyan ng
personal na puna ang pagsulat. Sa huli, muli itong isulat.

Maaring i-download ang kopya ng TALAKAYIN NATIN sa link na:


https://docs.google.com/document/d/1GE5gRbflYsug1iWhEzNw26LhG7o_So-
312tIvCeiwmc/edit?usp=sharing.

Pagyamanin natin
Ngayon, iyo ng naunawaan ang pagsulat ng bionote. Isang hamon na
pagyamanin ang iyong kakayahan na suriin ang isang bionote.
Gawain 3

Basahin ang isang halimbawa ng bionote sa link na ito:


https://docs.google.com/document/d/1ljtp2ZvAhPqCWQJQSR8lMRGtoEX
qNGHR9PhHwIHU51g/edit?usp=sharing.
Gumawa ng tsart upang himayhimayin ang mga mahahalagang
impormasyon. Bigyang-diin ang sumusunod:
A. Pangalan

7
B. Edukasyon
C. Propesyon
D. Ambag sa lipunan
Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino
para sa LINK o SITE kung saan maaring ipasa ang iyong GAWAIN 3. Ito ay
makatutulong na mapanatili ang di natin paglabas sa ating mga tahanan
at maging ligtas sa pandemya. Maraming salamat!

Tandaan natin

Mahalagang handa ka sa anomang pagkakataon o okasyon para sa iyong


pagpapakilala sa sarili.

Gawain 4
Sa bahaging ito, ikaw ay susulat ng isang maikling bionote patungkol sa iyong
sarili bilang isang mag-aaral. Huwag kalilimutan ang mga bagay na dapat
tandaan sa pagsulat. Maaring basahin muna ang ilang halimbawa mula sa
internet. Narito ang link:
https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/isang-bionote/.
Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino para sa
LINK o SITE kung saan maaring ipasa ang iyong GAWAIN 4. Ito ay makatutulong
na mapanatili ang di natin paglabas sa ating mga tahanan at maging ligtas sa
pandemya. Maraming salamat!

Isabuhay natin

Marahil, minsan ikaw ay maaatasan na ipakilala ang isang panauhin o


kilalang tao sa inyong komunidad o sa isang pagtitipon. Mahalagang maipakilala
mo ng epektibo ang inyong panauhin at magkaroon ng kamalayan sa kanyang
pagkatao.

Gawain 5
Panuto: Sa pagkakataong ito, ikaw ay malayang makapipili ng politiko sa inyong
lungsod na iyong nais na ipakilala sa mga tao. Mahalagang siya ay hulwaran at
dapat na pamarisan. Ngayon, ikaw ay susulat ng isang mahabang bionote.

Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino para sa LINK o SITE


kung saan maaring ipasa ang iyong GAWAIN 5. Ito ay makatutulong na mapanatili ang di
natin paglabas sa ating mga tahanan at maging ligtas sa pandemya. Maraming salamat!

8
Tayahin natin
Bilang pangwakas na pagtataya, susukatin ang iyong pagkatuto sa modyul
na ito.

Pangwakas na Pagtataya
Para sa huling pagtataya, bisitahin lamang ang site na ito:
https://docs.google.com/document/d/1HLvEBDbbEEqD18qUntFgzFD9JZptYlThimiU8Zi
4bf0/edit?usp=sharing.

Gawin natin

1. Magsaliksik hinggil sa Talumpati (Kahulugan, Uri, Gabay sa Pagsulat).

2. Maghanda para sa Modyul 7.

Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino para sa LINK o SITE


kung saan maaring ipasa ang iyong nasaliksik. Ito ay makatutulong na mapanatili ang di
natin paglabas sa ating mga tahanan at maging ligtas sa pandemya. Maraming salamat!

Repleksiyon ng Natutuhan
May mga pagkakataon kakailanganin mo ng bionote sa pagpalaot sa iyong buhay
bilang mag-aaral at sa iyong propesyon. Layunin ng bionote na di ka lang
ipakilala sa mga tao sapagkat ito ay makatutulong din na mapataas ang
kredibilidad ng iyong pagkatao.

Panuto: Gamit ang nasa litrato. Magbigay ng iyong repleksyon sa pagsulat ng


isang bionote.

https://www.fintechfutures.com/2017/01/are-we-heading-for-an-identity-crisis-in-fintech/

Paalala: Iminumungkahi na makipag-ugnayan sa iyong guro sa Filipino para sa LINK o SITE


kung saan maaring ipasa ang iyong REPLEKSYON. Ito ay makatutulong na mapanatili ang di
natin paglabas sa ating mga tahanan at maging ligtas sa pandemya. Maraming salamat!

9
Sanggunian

Mga Aklat
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., Pascual, Maria Esmeralda A. 2016.
Filipino sa Piling Larangan Akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
Bernales, Rolando A., Atienza, Glecy C., Talegon, Vivencio, Jr., Rovira, Stanley G.,
2009. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungi sa Pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Constantino, Pamela C., Zafra, Galileo S. 2016. Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Santos, Corazon L., Concepcion, Gerard P. 2016. Filipino sa Piling Larang
Akademik (Kagamitan ng mga Mag-aaral). Pasig City. Department of
Education- Bureau of Learning Resources

Elektronikong Hanguan

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/

10
Development Team of the Module

Writer: ARCHIE L. NAZARIO


Editors:
Language Evaluator: MICHAEL D. RAMA
Content Evaluator: DR. NOREEN BILLANES
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

11

You might also like