You are on page 1of 3

Pangalan: _____________________________________Baitang at Pangkat: _____________

Pangalan ng Guro: ________________________________


MODULE CODE: LDS1-ART5-Q1-01

ARTS 5 – MODULE 1
Week 1
UNANG KUWARTER

Overview:
Alinsunod sa Basic Learning Continuity Plan (BLCP), Most Essential Learning
Competencies (MELC) ginawa ang module na ito sa MAPEH, ARTS component na
gagamitin ng mga mag-aaral sa ikalimang baiting.

Learning Competencies: Discusses events, practices, and culture influenced by


colonizers have come to our country by way of trading.
_____________________________________________________________________

Aralin 1 Ang Paglalayag sa ating Kultura

Panimula:
Ang aralin ito ay naglalaman ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga
sinaunang kultura ng mga Pilipino. Narito ang ilang likhang sining ng ating mga ninuno
na naging napahalaga sa kasaysayan ng mga Pilipino.

Talakayin Natin:
Ang mga makalumang uri ng sasakyan at bahay ay nagpapakita ng kagalingang
sining ng tao sa paggawa. Noong unang panahon sa Pilipinas, nakalalayag ng mga tao
sa 7,000 nitong isla gamit ang Pulido at magagandang uri ng Bangka na tinatawag na
balangay o balanghai. Tinatayang ito ang pinakamatandang uri ng sasakyang pantubig
sa natagpuan sa Katimugang bahagi ng Pilipinas.
Ang balangay ay tinatayang pinakamatandang ginamit na sasakyang pantubig at
nagmula sa Timog-Silangang Asya. Ang pagkakatuklas sa balangay ay patunay sa
kagalingang sining at paglikha ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop.
Ang pinakamatandang Bangka ay tinatayang mula pa sa taong 320. At ang mga bahagi
nito ay natagpuan sa karatig lugar sa Butuan City sa Agusan del Norte noong huling
bahagi ng 1970.
Magsanay tayo:
Paano maiguguhit ang balangay?
Ang balangay ay inilarawan gamit ng makakapal at maninipis na linya.
Ang katawan ng balangay ay maaaring gamitan ng makakapal na linya o contour
lines. Ang mga maliliit na bahagi ay maaaring iguhit gamit ang mga maninipis na
linya.
Sundan ang guhit na bumubuo sa hugis nito gamit ang iyong daliri. Ang
linyang bumubuo sa hugis ng balangay ay tinatawag na contour line.
Ang contour line ay linya na sumusunod sa hugis ng bagay na ginuguhit.
Ang cross-hatching ay isang paraan ng shading kong saan paulit ulit ang
pagguhit ng pinag-krus na linya at ang contour shading ay nagagawa sa
pamamagitan ng patagilid na pagkiskis ng lapis o iba pang gamit pangguhit sa
papel.

Gawin Natin:
Ang mga kagamitan na gagamitin:
1. Bond paper
2. Lapis (pencil)
3. Pantasa (sharpener)
4. Pambura (eraser)
Panuntunan sa Paggawa:
1. Tingnan ang larawan sa ibaba. Tingnan ang hugis at contour ng balangay.
Iguhit ito sa bond paper gamit ang lapis. Gumamit lamang ng magaan at manipis
na guhit upang madaling burahin at palitan kung nagkamali.
2. Kapag kontento na sa sketch, gawing makapal ang linya ng kabuuang hugis
ng balangay. Guhitan ng kurbang linya ang mga kanto kung kinakailangan.
3. Guhitan ang detalye ng balangay gamit ang manipis na linya gaya ng mga
kahoy sa katawan ng bangka at nipa o kogon sa maliit na silungan ng bangka.
Dagdagan ng kakaibang detalye upang maging katangi-tangi ang desenyo ng
balangay.
4. Bigyan ng lalim ang larawan sa paningin at pandama gamit ang cross-
hatching technique. Bigyang pansin ang madilim at maliwanag na bahagi ng
larawan.
5. Burahin ang mga hindi kinakailangang linya kapag natapos na.
Isaisip Natin:

Ang balangay ay sinaunang sasakyang pantubig na


natagpuan sa Timog-silangang Asya. Tinatayang ito ay
nagawa bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.
Ang pagkakatuklas sa balangay sa Butuan City ay
mahalagang patunay sa kagalingang pansining at
paglikha ng mga Pilipino.
Contour line ang tawag sa linyang bumubuo sa hugis ng
isang iginuhit na bagay. Ito ang linyang ginagamit ng
mga baguhan sa sining ng pagguhit.

Repleksyon:
Sa iyong palagay, anong dapat tandaan sa pagguhit kong ikaw ay isang
baguhan pa lamang. At anong aral ang matutunan natin sa pagguhit ng isang
balangay.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Sagutan Natin:
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas ng pinakamatandang bangka sa
Butuan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

2. Ano ang ipinahihiwatig o pinatutunayan ng pagkakatuklas nito sa angking


kagalingang sining ng mga sinaunang Pilipino?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

3. Paano nagagamit ang mga contour line sa pagguhit ng balangay?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Balikan Natin:

Pag-aralan ang Contour line, Contour shading at cross hatching.

References:
Halinang Umawit at Gumuhit, Grade V., Hazel P. Copiaco, Emilio S. Jacinto Jr. mga may-akda

You might also like