You are on page 1of 24

PAALALANG PROPESYONAL

Gayon na lamang ang pagpapahalaga ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapanatili ng


propesyonalismo sa hanay ng mga guro kaya’t ipinatupad ang kontrobersyal na DepEd Order
(D.O.) no. 49, s. 2022. Sa pamamagitan nito, mapapanatili ang kredibilidad ng kagawaran at
maiiwasan ang ugnayan nito sa politika.

Nilagdaan ni Sara Duterte, kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang D.O. No. 49 noong ika-2 ng
Nobyembre 2022. Inamyendahan nito ang dating D.O. No. 47, s. 2022 na naglalayong paigtingin
ang mataas na antsa ng propesyonalismo sa pagbibigay edukasyon.

Ayon sa unang probisyon sa ilalim ng panuntunan, hindi pinahihintulutan ang koneksyon ng


mga guro sa sinumang politiko para humingi ng pabor para sa pansariling interes. Inaasahan din
ang kanilang direktang pakikipag-ugnayan sa kagawaran hinggil sa mga isyung pang-edukasyon
na kanilang hinaharap.

Batay naman sa ikalawang seksyon, ipinagbabawal ang relasyon at ugnayan sa social media sa
pagitan ng guro at mag-aaral maliban kung ang paksa ay pampaaralan at kung kaanak ng guro
ang estudyante.

At sa panghuling seksyon, mandato ang responsableng paggamit ng teknolohiya upang iwaksi


ang disimpormasyon.

Malinaw na ang adhikain ng alituntunin ay paigtingin ang disiplina at propesyonalismo sa hanay


ng kaguruan upang hindi na mauilit ang pang-aabuso sa mga mag-aaral, pigilan ang
pagpapakalat ng maling impormsayon sa internet, at mapanatiling malinis ang imahe ng
kagawaran na ang pangunahing layunin ay hubugin ang kinabukasan ng bansa.

Bagamat maganda and tunguhin ng kautusan, umani ito ng pambabatikos mula sa mga guro at
iba pang propesyonal. Kinukuwestiyon ng Association of Concerned Teachers (ACT) partylist ang
motibo ng DepEd sa pagpapatupad ng isang panuntunan na magpapahina umano sa boses ng
mga guro hinggil sa mga isyung kanilang kinakaharap. Iminungkahi rin House Deputy Minority
Leader France Castro na imbis na magpatupad ng kautusang nakasasakal para sa mga guro,
nararapat na pagtuunan ng pansin ang iba’t ibang krisis pang-edukasyon gaya ng kakulangan sa
kagamitang pampaaralan, ang mababang komprehensyon ng mga pilipinong mag-aaral, at ang
kakulangan ng pampinansyal na suporta sa mga guro.

Ayon nga sa pilosopong si Plato, “Sukatan ng pagkatao ang kung anong ginagawa nito sa
kanyang kakayahan.” Sa pagpapatupad ng D.O. No. 49, hindi nawawalan ng boses ang
kaguruan, bagkus ang kanilang sigawat hinaing ay idinederekta sa nararapat na otoridad, ang
kagawaran, upang agad na mabigyang pansin at malapatan ng epektibong solusyon.

Sa usaping krisis pang-edukasyon naman, pampinansyal na isyu ang nais nitong resolbahin. At
sa tulong ng pondo na nakalaan sa Kagawaran ng Edukasyon na pumalo sa P 676B, kayang
tugunan ang mga hinaing pang-edukasyon na ito. Ang tanging katanungan lamang ay “kailan?”
Samantalang, Kaugalian at moralidad ang pinagtutuunan na maiayos ng D.O. No. 49.

Kaayusan at propesyonalismo lamang ang nilalayong paigtingin ng ipinasang alituntunin.


Maraming umiiral na batas ang may katulad na obhektibo gaya ng Code of Conduct And Ethical
Standards at Philippine Teachers Professionalism Act of 1994 kaya’t hindi na nakapanininbago
at nararapat na isapuso at isagawa ang mas pinagtibay na kautusan.
May Parusa Man o Wala, Dapat Pa Ring
Dumisiplina

Hindi komo’t pangalawang tahanan natin ang paaralan ay aasta tayo na parang nasa sarili
tayong tahanan. Wala naman d’yan ang ating ina pang kunsintihin ang ating mga kinikilos.
Bagaman naririyan ang ating mga guro, ang kanilang oras ay hindi atin upang igugol ito sa
pagdidisiplina. Lahat naman ng tao ay may pasensya, ‘diba? Kaya kung hindi ka kikilos nang
naaayon sa iyong natutuhan, aba’y kailan pa? Kailangan mo pa ba ng parusa?

Hindi na iba sa bawat paaralan ang mga paglabag ng mga mag-aaral sa ilang mga patakaran
gaya ng hindi pagsusuot ng ID, hindi pagpasok sa klase sa itinakdang oras, pagcu-cutting classes,
pagmumura sa presensya ng guro, maging ang paninigarilyo sa hindi pansining lugar gaya ng
gilid ng palikuran at labas ng paaralan. Kahit na pinagtutuunan ito ng pansin ng punong guro,
mga guro, at mga kawani ng paaralan, nananatiling hindi natutuldukan ang problemang ito.

Mapipigilan naman ang maling pagkilos ng mga bata lalo na kung mayroon silang kinatatakutan
na nais iwasan. Hindi nga ba’t mas napapasunod tayo sa mga taong mahigpit at istrikto dahil
ayaw nating mapuna nila tayo? Kung sasanayin ang mga mag-aaral sa ganitong pamamaraan,
masasabi ko na maitutuwid and kanilang pag-uugali at pagsunod sa mga patakaran. Kung sa
paaralan pa lang ay madidisiplina na sila, nakatitiyak ako na hanggang sa hinaharap,
mauunawaan nila ang kahalagahan ng pagsunod.

Totoo ngang ang kagandahang asal ng kabataan ay nalilinang sa tulog ng mga kamay na
aagapay sa kanila. Sa tahanan, bata pa lamang ay itinuturo na ng magulang ang tamang pag-
uugali at pakikipagtrato tungo sa kanilang kapwa. Sa paaralan, ang mga guro ay naririyan upang
ituwid at hubugin ang paggawa ng desisyon at aksyon ng mga mag-aaral upang maihanda sila sa
mundo ng pakikibaka. Sa totoo lamang, hindi naman nagkukulang ang kanilang patnubay sa
atin, kaya marapat na hindi lamang isaisip ng mga mag-aaral ang mga leksyon at moral na
kanilang natutuhan. Sa halip, ito ay dapat na isagawa at isabuhay, may parusa man o wala.
Tigil na sa pagbibisyo, mga kabataan

Sadyang mahirap na ngang puksain ang pagbibisyo sa ilang mga kabataan. Bagaman
patuloy na umiiral ang mga batas na nagsasabing bawal tumangkilik ng sigarilyo, tabako, at
vape ang mga kabataan, para bang nawawalan ito ng kabuluhan dahil sa mga paglabag nila.

Nasa kahon na nga ng sigarilyo ang mga komplikasyon at sakit na maari nilang anihin dulot
nito. Ngunit wala man lang takot ang dumadapo sa kanila. Kung minsan, maging ang mga
magulang ay tila ba hinahayaan na lamang sila sa paggawa ng ganitong bisyo. Tuloy, sa kalye,
parke, at maging sa paaralan ay nagagawa nila ito nang walang alinlangan.

Hindi na iba sa mga paaralan ang ganitong mga paglabag. Kahit na parating naririyan ang
mga guro at kawani ng paaralan, patuloy pa rin ang kanilang mga paglabag sa itinakda nitong
mga palatuntunan. Dahil sa kawalan ng disiplina, hindi natigil ang suliraning ito kahit pa ilang
beses na sila nahuhuli. Sa katunayan, maituturing pa nga silang matatapang dahil nakuha pa
nilang mag-iwan ng upos ng sigarilyo at tumatangkilik ng vape sa harap mismo ng paaralan.
Dahil dito, hindi lang nila kalusugan ang naapektuhan, kundi pati na rin ang kalusugan ng mga
mag-aaral na nakakalanghap ng usok mula sa mga produktong ito.

Hindi komo’t hindi nakamatyag ang mga magulang at guro ay nangangahulugang hindi na
susunod sa kanilang mga utos at habilin. Marapat lamang na isabuhay nila ang pagkukusang-
loob na gawin ang kanilang tungkulin at gampanin bilang kabataan.

Kung sa murang edad ay nalalabag na nila ang itinakdang batas ng pamahalaan—ang


Tobacco Regulation Act, paano pa nila tatanawin ang kabuluhan ng ibang batas sa hinaharap?
Kung ngayon pa lang ay mayroon ng kemikal ang kanilang mga baga, paano na ang magiging
kondisyon nito sa kanilang pagtanda? Hindi ba’t mahirap ang pagtigil sa pagtangkilik ng sigarilyo
at vape na naglalaman ng nicotine? Kaya naman dapat lang na ngayon pa lang masawata na ito
para sa kanilang kinabukasan.

Ito ang layuning nais isakatuparan ng Mariano Ponce National High School Supreme
Student Government (MPNHS SSG)—ang mawaksi ang mga mag-aaral na nahuhuling
naninigarilyo sa labas, at maging sa loob ng paaralan. Planong magsagawa ng SSG ng
orientation para sa mga magulang, guro at mag-aaral ukol sa masasamang epekto ng
paninigarilyo at paggamit ng magsagawa ng bag checking upang tiyakin na walang masamang
produkto at kagamitan ang naroroon sa loob ng kanilang bag.

Kung ito ay naaprubahan ng punong guro ng paaralan, nakatitiyak ako na magiging epektibo
ang hakbanging ito sapagkat talagang maibabalik ang disiplina ng bawat Poncenians, gayon na
rin ang kanilang obligasyon na sundin ang kanilang tungkulin bilang mag-aaral.

Para sa akin, mahalaga ang pakikiisa at pagkukusa ng bawat mag-aaral upang tunay na
maisagawa ang kilos na ito. Magiging matagumpay lamang ang hangarin ng MPNHS SSG kung
sama-samang magtutulungan ang bawat Poncenians. Kaya naman habang ikaw ay kabataan,
ituon ang sarili’t isipan sa edukasyon at kalusugan. Dahil kapag ikaw ay nakapasok na sa mundo
ng pakikipagsapalaran, ito ang dalawang susi tungo sa mabuti at masaganang kinabukasan.
“ Ano-anong interventions ang isinasagawa
para matugunan ang learning loss ng mga
estudyante?”

1) Jonathan Miranda
“Binibigyan naming ng interventions (modyul) ang mga bata na pwede nilang aralin at
sagutan sa bahay. Mula sa modyul na ibinibigay ko, gumagawa ako ng 10 na katanungan para
malaman ko kung may natutunan ba sila sa lesson, bali, nagiging review na din nila iyon. Sa
paraang iyon, nakakacomply sila sa pagkukulang na ipinagagawa ng teacher.”
2) Sheirine de Guzman
“Bilang guro ng Math 7, napapansin ko ang kakulangan sa kaalaman ng mga estudyante
sa four fundamental operations at pagtukoy ng place value kaya nagsasagawa ako ng mga drills
bago simulant ang klase kung saan nakapaloob ang mga lessons nila at meron din akong
dinadagdag na worksheets para lubos nilang maintindihan ang mga lessons”
3) Sarrah Jane Cruz
“Sa pagtuturo, sinasama namin ang ‘Least Mastered Skills’ kung konektado siya sa
kasalukuyang tinuturo naming tapos nagbibigay kami ng dagdag na activities para mas
maintindihan nila yung lessons. Kaya bago kami gumawa ng aktwal na lesson plan dinidiscuss pa
namin yung nasa LSM.”
4) Philip Martinez
“Ang ginagawa kong paraan ay nagbibigay ak ng remedial para sa mga students
nakakakuha ng mababang scores sa quizzes sa paraan na pinasasagutan ko sakanila yung mga
activities sa modules ng quarter na yon, para napapraktis na din nila yung mga natutunan nila.”
5) Mary Grace Rayala
“Sa math, bukod sa basic drills na isinasagawa ay nagpapauwi din ako sakanila ng mga
homebased activities para kapag nawawalan ng pasok atleast sa bahay nakapagpraktis sila.
Nagsasagawa din ako ng ‘reteach’ kung saan itinuturo uli naming yung lesson lalo na yung
napapasama sa Least Mastered Skills, bukod don nagsesend din ako ng youtube links sakanila.”
6) Marlon Santiago
“Sa ICT, kakulangan ng kagamitan ang nakikita kong isang sanhi ng learning gap sapagkat
di naman lahat ay may kapasidad na bumili ng gamit. Para maapply nila yung lesson ginagamit
naming yung mga computer sa computer room para kahit papaano ay makaexperience sila at
malaman nila yung mga basics na kelangan sa lesson nila.”
7) Irene Torio
“Isa sa nakikita kong problema ay yung mga students na walang tiyagang pumasok
kadalasan dahil sa family problems or financial problem. Para makatulong sakanila, ang
ginagawa ko ay nagbibigay nalang ako ng activities sa module na pwede nilang sagutan sa
bahay, madalas ko din silang kinukumusta at kinakausap.”
8) Teofila Nolasco
“Karaniwang naging epekto ng pandemya sa estudyante ay nagkakaroon sila ng ‘lack of
self-esteem’ yung kahit alam nila yung sagot nahihiya sila magsalita. Para matugunan ang
suliranin na ito, nagbibigay ako ng extra activities (written) sakanila madalas ko din silang
pinupuri para maboost yung confidence nila.”
9) Isabel Navarro
“Ang personality at attitude ng estudyante ay malaking epekto rin sakanilang pag-aaral.
Tinutulungan ko na maimprove ang kanilang personality sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin
sa mga effort nila na magparticipate sa klase. Kinakausap ko din sila nang sa gayon ay
maibabahagi nila yung personal na isyu nila sa bahay ng sa gayon ay matulungan ko silang
makaadapt sa sitwasyon na iyon”
10) Nelson Nicdao
“Mayroong mga students na talented pero wala silang confidence sa pagpeperform na
nakakaapekto sa grades nila. Para mailabas yung talent na iyon ineencourage ko sila sa
pagpeperform sa klase ko (MAPEH) pinupuri ko rin sila madalas para maboost yung confidence
level nila.”
Masasabi mo bang buhay pa rin ang diwa
ng bayanihan sa nagdaang pandemya?

1. Kyle Tiotangco (9-STE)


“Opo, dahil kung ating titignan ang mga nangyayari sa ating kapaligiran… Ang walang tigil na
patulong ng bawat isa upang tayo’y umangat at umunlad mula sa sira at sakit na iniwan ng
pandemya hindi lamang sa puso’t isipan ng bawat isa, ngunit sa lahat ng aspekto ng ating pang
araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga senyales na buhay pa ang diwa ng bayanihan.”
2. Philip Martinez (Guro sa MAPEH)
“Tayo kasing mga Pilipino, sa tuwing may kalamidad, palagi tayong nagtutulungan, kaya mabilis
tayong nakababangon. Sa karanasan ko naman, kaming dalawa ni Sir Marlon ay may ginagawa
kaming programa tuwing Disyembre kung saan namimigay kami ng pagkain sa mga
nakakasalubong naming kahit anong edad at kasarian para makatulong.”
3. Gilbert Sayo (Guro sa A.P.)
“Oo naman, maraming pagkakataon na nanatili sa bawat Pilipino ang bayanihan sa iba’t ibang
paraan. Halimbawa, pag nakakita tayo ng pulubi, kahit kaunti, binibigyan natin sila dahil sa
kagustuhan nating tumulong.”
4. Edgardo Malubay (Guro sa Science)
“Noong panahon ng pandemya, may mga nawalan ng trabaho kaya kung magkakapit-bahay,
nagbibigayan sila kung ano yung meron sila. Kaya yung diwa ng pagtutulungan noong
pandemya at kahit ngayong natapos ito ay nariyan parin dahil tayong mga Pilipino ay sanay tayo
na nagbibigay.”
5. Jenica Gonzales (10-Chastity)
“Oo, dahil maging sa pag-aaral at pagkatuto, nagtutulungan ang mga mag-aaral. Nasaksihan ko
nga yung “Online Bayanihan Walang Mapag-iiwanan” ng MPNHS SSG last school year. Marami
itong natulungan na poncenians sa pagsasagot nila ng gawain.”
6. Jireh Dagdag (9-STE)
“Oo, dahil noong maraming naapektuhan ng pandemic, nakita natin yung mga nakaka-angat sa
buhay na handa at kusang loob na nagpapaabot ng tulong para sa mga nahihirapan.”
7. Trishia Catanghal (10-Cordiality)
“Oo naman, pero online. Gaya ng mga donations na ipinadadala na lang sa G-cash. Naipapaabot
natin ang tulong at pagmamalasakit sa tulong ng teknolohiya. Totoo ngang walang makakapigil
sa pagtutulungan at bayanihan.”
8. Bernadette Santos (Guro sa MAPEH)
“Kahit saan man tayo mapadpad, naririyan pa rin ang bayanihan. Sa paaralan, ang mga guro ay
nagtutulungan (nagtatanungan), Sa mga gawaing ipinapasa sa kanila, ang mga mag-aaral at mga
guro ay nagtutulungang maiayos ang srkyon para maipresenta nang mabuti ang MPNHS. Kapag
maayos ang students, maayos din ang school.”
9. Edelito Hiponias (Security Guard)
“Oo, bilang isang security guard, nakikita ko yung bayanihan ng mga estudyante sa tuwing
sumusunod sila sa mga patakaran ng paaralan, nagsusuot ng Facemask, pagsunod sa social
distancing, atbp. Sa aming mga guard naman, mapapamalas naming ang bayanihan sa
pagbabantay ng school at pagsisigurado na manatiling ligtas ang estudyante.”
10. Princess Mica Javier (SSG President)
’Naniniwala ako na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa kasalukuyang pandemya. Isang
halimbawa nito ang mga community pantry na sa kasagsagan ng pandemya ay may
nagmamagandang loob na nagbibigay nang kusa para sa mga nangangailangan. Lahat tayo
nahirapan dahil sa pandemya pero sa kabila nito nandon pa rin yung puso nilang tumulong at
magbigay.”
Walang May Kailangan Nito

Matapos isabatas ng pamahalaan ang vape bill, pinatunayan lamang nilang hindi kayang
bitawan ng gobyerno ang pera’t industriya para sa kaligtasan ng mamamayang Pilipino.
Taong 2021 pa lamang, isyu na ang panukalang vape bill o Ang Republic Act 11900,
kinokontrol ang pag-aangkat, pagmamanupaktura, pagbebenta, pamamahagi, at paggamit ng
mga produktong vape, iba na ang nakaupong pangulo hindi pa rin nabibigyang pansin ang batas
at panawagan ng sambayanang pilipinong ibasura ito.
Maraming nadismaya matapos maging ganap na batas ang Vape Bill. Inaasahan na
ibabasura ito ni pangulong Bongbong Marcos (PBBM) dahil sabi na rin ng mga eksperto na isa
itong banta sa ating kalusugan. Nakasaad sa artikulo VI, seksyon 27 ng konstitusyon, mayroong
kapangyarihan ang pangulo na i-veto o ibasura ang ano mang panukalang batas ngunit dapat
ipabatid ng pangulo ang kaniyang pag-veto sa loob ng 30 na araw matapos matanggap ito; at
kung hindi, ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya. Alam naman ni PBBM na
magdudulot ito ng masama sa ating kalusugan, mayroon din naman siyang kapangyarihan para
ibasura ito ngunit ipinagsawalang bahala lamang ito.
Masama pa sa batas na ito ay ibinaba ang edad ng mga kabataan na makakagamit at
makakabili nito. Mula 21-anyos, ginawang 18-anyos ang pwedeng bumili samakatuwid, parang
ang hakbang ito ay nanghihikayat pa sa mga kabataan na magbisyo sa halip na iwasan ito.
Mayroon bang makatwiran na dahilan ang pangulo para hindi ito i-veto gayong kinabukasan ng
kabataan ang nakataya dito?
Maraming masamang epekto ang paggamit ng vape, taliwas sa sinasabi ng pamahalaang
maaaring maging alternatibo, ayon sa pag-aaral ng mga doctor, mayroong tatlong negatibong
epekto ito. Una, Doble ang magiging epekto nito sa mga hindi naninigarilyo at maaaring sa
pagtagal ng panahon ay mahikayat na rin silang gumamit ng tabako, ayon sa kanila, mahihikayat
lamang ang mga kabataang gumamit nito dahil sa maluwag na patakaran. Ikalawa, magbibigay
daan ito sa adiksyon sa pagdodroga. Ikatlo, maaaring pasimula ito ng pagkakaroon ng bisyo ng
kabataan sa kalaunan ay magiging dahilan ng pag-inom ng mga alak. Beterano sa pangangalaga
ng kalusugan na mismo ang nagsabi, sapat na marahil itong dahilan bilang patunay na masama
ang epekto ng vape kahit sa anong paraan.
Lubos na nadismaya ang mga doctor sa naging desisyon ng pamahalaan, ayon nga kay
Dr. Antonio Dans “habang inaalagaan naming ang kalusugan ng bayan, ibinenta naman nila ang
kalusugan ng mamamayan.” Tama nga naman! Kabi-kabila na ang naririnig na panawagang
ibasura na ang batas na ito, tila ba di ito naririnig ng pangulo. Kahit saang anggulo tignan,
walang katuturan ang vape bill, halatang mas pinanghahawakan ng pamahalaan ang kita mula
sa industriya ng tabako kaysa sa kalusugan ng mamamayang Pilipino.
Kung tunay ang hangarin ng pamahalaang ipatigil ang epidemya sa paninigarilyo, bakit
kailangan pang hayaan ang paggamit ng iba’t ibang flavor sa vape at ibaba ang edad ng
maaaring gumamit nito? Tila ba nanghihikayat pa sila ng mga kabataang bumili ng ganitong
klase ng produkto, Malaki nga naman ang kitang matatamo kung maraming Pilipino ang
gagamit ng tabako. Hindi tunay ang hangarin ng nagpasa ng batas na itong ipatigil ang
paninigarilyo, ang nais nila’y ibenta ang kalusugan ng mamamayang Pilipino sa industriya ng
tabako.
Ayon pa kay Former House Deputy Speaker Wes Gatchalian, umaabot sa higit kumulang
Php 15.3 bilyon ang nakuhang buwis ng pamahalaan sa produktong vape. Sa isang banda may
maitutulong nga ang pagbebenta ng vape sa pag-angat ng ating ekonomiya subalit ipagpapalit
ba naman ng pangulo ang kinabukasan ng kabataan para sa kaunting pag-unlad. Asan ang
political will kung ganon?
Isa sa kaligiran ng maunlad na bayan ay tiyakin ang malusog na pamumuhay at itaguyod
ang kagalingang panlahat lalo na ang mga kabataan. Akala ko ba’y nais ng pamahalaan ng
maunlad na bayan, sa papaanong paraan nakatulong ang Vape Bill sa pag-unlad gayong ito ang
nagbibigay daan upang masira ang hinaharap ng mga pag-asa ng bayan.
Maaaring binibigyang pansin ni PBBM ang pagpapaangat ng ating ekonomiya upang mas
mapaunlad pa ang ating bansa. Ngunit hindi naman makatarungan na isakripisyo ang
kinabukasan ng kabataan para sa bahagyang pag-unlad, marami pang paraan para umunlad
habang pinapababa ang bilang ng mga nagbibisyo. Ibasura ang Vape Bill, walang may kailangan
niyan!
Maaari pa ring hindi maghatid ng kabutihang panlahat ang sinangayunan ng
nakararami.
Sa gitna ng pinakalugmok na lagay ng ekonomiya. Tingin ng pamahalaan ay nararapat
gawing prayoridad ang pakikipagsapalaran sa bilyon-bilyong piso para sa walang
kasiguraduhang investment fund na ilalagay lang sa peligro ang kinabukasan ng bansa.
Ikinasa nila Speaker Martin Romualdez. Senior Deputy Majority Leader Ilocos Norte
Rep. Sandro Marcos, gayundin ng apat pang mambabatas ang House Bill No. 6608 o ang
Maharlika Investment Fund para sa layunin ng pamumuhunan sa malalaking proyekto. Pabor
ang mayorya salower chamber sa MIF na naging daan upang maakumula ang 279-6 boto at
maaprubahan ito sa huling reading noong ika-15 ng Disyembre, halos 2 linggo lng ang nakaraan
matapos itong ipanukala.
Hango ito sa Sovereign Wealth Fund ng ibang bansa gaya ng Singapore at Hong Kong,
subalit hindi lahat ay naging progresibo tulad sa Malaysia kung saan nasangkot sa corruption
scandal ang dating Prime Minister Najib Razak matapos kamkamin ang bilyon-bilyong SWF ng
bansa. Dito lamang sa Pilipinas ay may mahabang listahan ng mismanaged funds gaya ng coco
levy, Philhealth at iba pa na sa halip na makatulong ay nalagas lang sa kaban ng bayan. Sa agwat
ng kaibahan ng mga inspirasyong bansa, anong kasiguraduhang magiging matagumpay ito sa
atin? Sapat ba ang political will ng mga namamahala rito upang ‘di maulit ang masalimuot na
pangyayari?
Nagmumula sa sobrang kita ng gobyerno ang pondo para sa SWF subalit wala tayong
sobrang pera sa ngayon. Sa katunayan, sobra ang gastos ng gobyerno kaysa kit anito kaya may
PHP11 trilyon tayong “deficit”, Sa kabila nito. Kukunin ang parte ng pondo mula sa tubo ng
Bangko Sentral na pumalo lang sa PHP54 bilyon na hindi sapat sa PHP175 bilyong hindi na raw
kukunin sa GSIS at SSS.
Samantalang, kung malugi naman ang investmensts ng Maharlika fund, sasagutin daw
ng gobyerno ang pagkatalo. Isinusugal ng pamahalaan ang ponding inilaan na lang sana sa mga
proyektong may kasiguraduhan, sa pagpapatibay ng katarungang panlipunan, at pagpapaunlad
sa pamumuhay ng maralita.
“Pinakikinabangan ang mabuting pagbabalak, ngunit anf dalus-dalos na paggawa’y
walang kahihinatnan.” Sunod na ilalatag sa senado ang panukalang investment fund. Bilang
naatasang magpaunlad sa bansa, nararapat lamang nap ag-aralan itong mabuti upang ‘di
dumausdos ang Pilipinas.
Maraming imprastraktura na ang naitayo na walang tulong mula sa isang investment
fund. Bakit kinakailangan pang isugal ng pamahalaan ang kinabukasan ng bansa? Panahon na
para siguruhin ang seguridad ng kaban at ilaan ito sa mga proyektong maghahatid ng
kasaganahan sa bansa at mga mamamayan nito.
Isinusugal na Bukas

Maaari pa ring hindi maghatid ng kabutihang panlahat ang sinasangayunan ng


nakararami.

Sa gitna ng pinakalugmok na lagay ng ekonomiya, tingin ng pamahalaan ay nararapat


gawing prayoridad ang pakikipagsapalaran sa bilyon-bilyong piso para sa walang
kasiguraduhang investment fund na ilalagay lang sa peligro ang kinabukasan ng bansa

Ikinasa nila Speaker Martin Romualdez, Senior Deputy Majority Leader Ilocos Norte
Rep. Sandro Marcos, gayundin ng apat pang mambabatas ang House Bill no. 6608 o ang
Maharlika Investment Fund para sa layunin ng pamumuhunan sa malalaking proyekto. Pabor
ang mayorya sa lower chamber sa MIF na naging daan upang maakumula ang 279-6 boto at
maaprubahan ito sa huling reading noong ika-15 ng Disyembre, halos 2 linggo lang ang
nakaraan matapos itong ipanukala.

Hango ito sa Sovereign Wealth Fund ng ibang bansa gaya ng Singapore at Hong Kong,
Subalit hindi lahat ay naging progresibo tulad sa Malaysia kung saan nasangkot sa corruption
scandal ang dating Prime Minister Najib Razak matapos kamkamin ang bilyon-bilyong SWF ng
bansa. Dito lamang sa Pilipinas ay may mahabng listahan ng mismanaged funds gaya ng coco
levy, Philhealth at iba pa na sa halip na makatulong ay nalagas lang sa kaban ng bayan. Sa agwat
ng kaibahan ng mga inspirasyong bansa, anong kasiguraduhang magiging matagumpay ito sa
atin? Sapat ba ang political will ng mga namamahala rito upang ‘di maulit ang masalimuot na
pangyayari?
Nagmumula sa sobrang kita ng gobyerno ang pondo para sa SWF subalit wala tayong
sobrang pera sa ngayon. Sa katunayan, sobra ang gastos ng gobyerno kaysa s akita nito kaya
may PHP11 trilyon tayong “deficit”. Sa kabila nito, kukunin ang parte ng pondo sa tubo ng
Bangko Sentral na pumalo lang sa PHP54 bilyon na hindi sapat sa PHP175 bilyong hindi na raw
kukunin sa GSIS at SSS.

Samantalang, kung malugi naman ang investments ng Maharlika Funds, sasagutin daw
ng gobyerno ang pagkatalo. Isinusugal ng pamahalaan ang ponding inilaan na lang sana sa mga
mga proyektong may kasiguraduhan, sa pagpapatibay ng katarungang panlipunan, at
pagpapaunlad sa pamumuhay ng maralita.

“Pinakikinabangan ang Mabuting pagbabalak, ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y


walang kahihinatnan.” Sunod na ilalatag sa senado ang panukalang investment fund. Bilang
naatasang magpaunlad sa bansa, nararapat lamang napag-aralan itong mabuti upang ‘di
dumausdos ang Pilipinas.

Maraming imprastraktura na ang naitayo na walang tulong mula sa isang investment


fund. Bakit kinakailangan pang isugal ng pamahalaan ang kinabukasan ng bansa? Panahon na
para siguruhin ang seguridad ng kaban at ilaan ito sa mga proyektong maghahatid ng
kasaganahan sa bansa at mga mamamayan nito.
Paglalakbay ng Binhi sa Kaniyang Pag-uwi

Sa patuloy na pagsisigasig, kaginhawaan kaya’y lalapit? Hanggang kailangan maglalayag


sa masikip na katig? Pag-asa’t liwanag ang tinatanaw sa langit.

Sampung minuto na makalipas ang alas onse, ito’y hudyat na ang aming klase para sa
araw na ito at tapos na. UWIAN NA. Para sa mga mag-aaral na katulad ko, ito na marahil ang
ang pinakamasarap na salitang aming nadinig sa buong araw na ito matapos ang nakakapagal at
nakaka-ubos lakas na mga gawin at tungkulin sa aming paaralan. Bagaman may gabundok na
takdang aralin na iniwan sa amin, kami’y masaya sapagkat uuwi na.

Tanaw ng aking mga mata ang mga kamag-aral kong nagkukumahog na makalabas sa
tarangkahan. Hindi ako kaiba sa kanila sapagkat batid kong ang landas mula sa aming paaralan
patungo sa aming tahanan ay isa na namang pakikibaka. Mayroong mga mag-aaral na piniling
sumakay sa traysikel na nasa tapat ng aming eskwela. May iilan din naman na malugod na
naghihintay sa kanilang mga ama para sundin sila. Subalit, marami ang handang baybayin ang
mahabang kalsada ng lungsod ng Baliwag, alang-alang sa kalagayan ng kanilang mga bulsa.

Palabas ng aking paaralan, sandali akong huminto upang magnilay sa pasya na para sa
akin ay lubhang mahalaga. Sa natitira kong limampong piso sa aking pitaka, paano ko
mararating ang aming tahanan? Nagtungo ako sa toda na nakapila sa tapat ng aming paaralan
upang tanungin ang pamsahe mula Bagong Nayon hanggang Sta Barbara. “Sitenta”, sagot ng
kuya. Gulat at kilabot ang dumapo sa akin. Hindi makaya ng ipinabaon ni ina ang pamasahe
pauwi sa aking pahinga. Sa puntong ito, mas minarapat kong maglakad papunta sa sakayan ng
dyip at gumasta ng sampung piso sa halip na sitenta pesos.

Sa aking paglalakad, ang araw ay nakatirik. Ang aking mga bilog na mata’y naging singkit
dahil sa hindi matiiis na init. Pawis ko’y tumatagaktak, at ang aking mga binti’y batak na batak.
Ngawit at pagod ay dumapo sa akin, ngunit hilahin man ako nito pababa ay hindi ako
magpapagapi, sapagkat ang tangi kong tunguhin ay malasap ang upuang sasalubong sa akin pag
uwi.

Sa dalawampung minuto kong paglalakad papunta sa aking paroroonan, nakasalubong


ko ang aking mga kaibigan na bumibili ng Banana cue at samalamig. Sakto naman na kumalam
ang aking tiyan, kaya nagtungo ako sa kanilang direksyon. Balak ko sanang bumili, subali ito’y
naudlot nang malaman ko ang presyo ng mga ito. Kinse pesos ang Banana cue, habang
sampung piso ang maliit na baso ng samalamig. Aking napag-isip, kung susumahin ang presyo
nitong akin meryenda at ang pamasahe pauwi, kinse pesos lamang ang matitira sa limampung
piso kong baon- napakaliit na halaga kung iipunin o gagamitin para sa aking eskwela. Nang
walan pag-aalinlangan, lumisan ako sa tindahan at tuluyang nagpaalam sa aking mg kaibigan.
Sabi ko pa sa aking sarili, “hindi na baling magutom ang tiyan, ‘wag lang mabawasan ang salapi
sa aking impukan.”

Sa aking bawat paghakbang, ramdam ko ang pagngatog ng aking mga tuhod. Sa bigat ng
aking mga dalahin, hindi ko malingap ang lugod. Bagaman saw ana ang paa sa paglalakad, sa
pagtawid ay hindi ko nalilimot ang pag-iingat. Nang hindi ko namamalayan, binabaybay ko na
ang palitada ng Glorietta;humahakbang sa mga hagdan, tanaw ang sakayan na may mahabang
pila. Matapos ang pakikipagsapalaran sa loob ng silid-aralan, at mahabang paglalakad sa ilalim
ng arawan, bumungad sa akin ang isa na naming larawan---larawan ng hirap, pagod at sakit sa
kalamnan.

Dahil sa ako’y walang magagawa, nang may pagod nang isip at katawan, sa mahabang
linya ay pinilit kong pumila. Ako at ang kapwa ko Baliwagenyo ay nag-uunahan para sa
maginhawang uupuan. Bakas sa aming mga mata ang inip at panghihina. Hindi maitatago ang
kagustuhan at paghahangad na kami’y makapagpahinga na.

Halos sampung minute nang pumarada ang susunod na dyip. Pang-labing isa ako sa pila
ngunit sampuan lamang ang sasakyan. Naawa siguro sa akin ang tsuper, kaya naupo ako sa
upuan na kung saan daga’t ipis lamang ang makakaupo. Alam kong masikip at masakit, subalit
alam kong masaya ako;kontento sa upuang ito. Sa tatlumpung minute kong paglalkbay, sa
wakas ay nakasakay din sa kasangkapang maghahatid sa akin sa aming bahay.

Kasabay ng pagbitaw ko nang malalim na paghinga ng ginhawa, napatingin ako sa


bintana ng aking sinasakyan; asul na langit, malalambot na ulap, maginhawang alapaap.
Maganda ang pagiging matatag, ngunit parati bang magtitiis? Ang maginhawang paglalakbay ng
mga binhi sa arawan, kailan makakamit? Kailan makakangiti sa langit?

Isang araw nanaman ang lumipas sa akin. Bukas, ako at ang kapwa ko Baliwagenyo ay
muling maglalakbay para sa buhay na aming minimithi.
Gospel

~kawikaan 20:11~ “Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa. Kung ang
kaniyang gawa ay magigig malinis at magiging matuwid.”
Mahal na Patnugot,

Magandang araw! Nais ko pong pasalamatan ang aming punongguro na si Sir. Erwin
John F. Santos dahil sa kaniyang patuloy na pagkilos para sa ikagaganda at ikaaayos ng aming
paaralan. Ako’y natutuwa rin po dahil sa mga SSG officers na patuloy na ginagawa ang kanilang
mga trabaho kahit ito ay mahirap. Ang mga piling mag-aaral po na ito ay karapat-dapat sa aking
paningin sapagkat nakikita ko po ang kanilang paghihirap pati narin ang kanilang katagumpyan
pagdating sa mga kaganapan sa aming paaralam. Maytoon lamang po akong alalahanin
sapagkat marami akong nakikitang mga mag-aaral na naninigarilyo sa loob at labas ng geyt ay
nakahanda na ang sigarilyo at lighter. Sana po mayroong maipatupad sa ating paaralan
patungkol sa paninigarilyo

Sumasainyo,
Sharmaine
Relaks? Sa Gitna ng Delubyo

Aba’y hinay-hinay sa pagrerelaks hindi pa tapos ang laban nandito pa ang


kalaban…

Nakababahala na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay


masyadong maluwag pa rin ang gobyerno, eto namang Pinoy inaabuso! Apura ang
swimming, aba’y gusto niyo ba na mag balik tayo sa dati?

Batay sa tala ng OCTA Research, tumaas nang 32% ang Covid-19 rate sa
buong bansa nitong Mayo, masama pa roon ay posible muling umabot sa 800-
1,000 ang kaso ng Covid-19 sa araw-araw. Masyado kasing naging kompyansa ang
mga tao, napapansing sa 10 tao na nakakasalubong 3 o 4 na lang ang naka
facemask. Dagdag pa rito, hindi na rin nasusunod ang social distancing.

Kalma lang po sa pag mamarites, may Covid pa!

Samantala, sa gitna ng hamon na kinakaharap natin sa kalusugan ay wala


pa ring itinatalagang kalihim ng Department of Health (DOH) si Pangulong
Bongbong Marcos (PBBM). Paano natin masosolusyunan ang problemang ito kung
walang namumuno sa sektor ng kalusugan? Ganun bang kadami ang problema ng
bansa para makalimutan ni PBBM magtalaga ng kalihim?

Parang albularyo lang tuloy ang gumagamot sa lumalalang sakit ng Pinas,


walang konkretong gamot at panay pantapal na solusyon.

Di umano, malaki ang ibabagsak ng ekonomiya kung muling magkakaroon


ng lockdown. Nitong nagdaang pandemya pa naman ay bumagsak nang 11.5%
ang ating ekonomiya. Di kaya ito ang dahilan kaya niluwagan muli ni PBBM ang
mga protocol sa bansa, upang muling mapaunlad ang ekonomiya? Subalit hindi
naman makatarungan na isapalaran niya ang kalusugan ng taumbayan para sa
bahagyang pag-unlad ng ekonomiya na negosyante lang din naman ang
nakikinabang, nasaan ang political will niya kung gayon?
Kung tutuusin mas madaling matatapos ang problema sa Covid kung may
matalinong pamamahala at masunuring mamamayan. Paigtingin pa ng gobyerno
ang pagpapatupad ng mga polisiya. Sundin ng mamamayan ang health protocols,
magpabakuna o magpa-booster para may sapat na proteksyon sa virus. Ngayon
pa lang ay maging maagap na, huwag nang hintayin pang bumalik sa dati.
Tuldukan na ang lumalalang kaso ng Covid nang tuluyan na tayong makapag
relaks!
Itakwil ang Lipunang Materyalistiko

Umani ng batikos ang isang Pinay teen mula sa Singapore matapos


tawaging ‘luxury’ ang 80 SRD (3, 312.24 PHP) tote bag na binili sa Charles and
Keith.

Ang mga talakayan ukol sa pribilehiyo at kayamanan ay nangibabaw sa


social media mula noong ang 17 taong gulang na sa si Zoe Gabriel ay excited na
ibinahagi sa isang TikTok video kung saan nag-unbox siya ng kaniyang “first luxury
bag”- isang regalo mula sa kaniyang ama. Hindi inaasahan ng Filipina teenager na
kukutyain siya ng mga tao dahil sa inaakala na karangyaan.

Banat ng isang netizen, “Who’s gonna tell her” na tila ba namamahiya at


nangmamata.

Iba talaga ang nagagawa ng anonymity sa internet, napapalabas ang tunay


na kulay! BULLY!

May isang pag-aaral na pinamagatang “Signaling Status with Luxury Goods:


The Role of Brand Prominence”. Ito ay nagmungkahi ng isang taxonomy o sistema
ng klasipikasyon ng mga mamimili base sa kanilang yaman at katayuan sa buhay.

Ang mga Patricians o yung mga taong galing sa pamilyang may mataas na
social rank ay ang mga lehitimong mayayaman. Napaka yaman nila ngunit hindi
nila nararamdaman ang pangangailangang ipakita sa publiko. Gayunpaman, nais
nilang iugnay ang kanilang sarili sa mga kapwa nila Patrician. Ginagawa nila ito sa
pamamagitan ng mga banayad na senyales na tanging ibang Patrician lamang ang
makakakilala. Sa kaso ng tote bag, halimbawa, ang mga logo ng mamahaling
brand ay lilitaw lamang nang banayad (ibig sabihin, maliit na emblem lamang ang
makikita sa produkto) o hindi lalabas. Tanging ang mga tunay na kayang bumili at
may access sa mararangyang produktong ito ang makakaalam na ang naturang
designer tote bag ay pinahahalagahan na kasing halaga ng bahay, kotse, at
taunang kita ng tao! Bakit nila ito ginagawa? Well, gusto nilang i-gatekeep. Ayaw
nilang maugnay sa di umano’y mapagpanggap na middle-class.
Ang mga Parvenus ay ang mga middle-class na kabaliktaran ng mga
Patricians. Kung ang mga Patricians ay banayad, sila ay mahilig ipag sigawan ang
kanilang brands. May malaking logo na mistulang isinisigaw na, “Hindi mo kami
kayang abutin”.

Ang mga Proletarians ay ang huling grupo, sila ay mga mahihirap na hindi
inaalala ang mga brands dahil ang kanilang alalahanin ay magkaroon ng sapat na
kita araw-araw.

Ang mahalagang tanong ay bakit kailangang ipagmayabang ang mayroon


ka? Nabubuhay tayo sa isang lipunang nangingibabaw ang pagiging materyalistiko
kaysa pagiging mabuti. Hihilahin pababa ang kapwa’t iaangat ang sarili.

Sa diksyunaryo, ang salitang luxury ay isang bagay na nagdaragdag


kasiyahan o kaginhawahan ngunit hindi lubos na kinakailangan. Ang luxury ay
relatibo sa lifestyle ng bawat tao. Sabi nga ng isang netizen “Anumang bagay na
higit sa aking pangangailangan ay mga pagpapala.” Totoo nga naman hindi ba?
Ang tulog para sa isang pagod sa trabaho ay maituturing na luxury, maski pagbili
ng sibuyas sa Pilipinas ay luxury!

“Ang mga komento ninyo ang nagpakita kung gaano kayo kaignorante dahil
sa inyong yaman. Maaaring para sa inyo ang $80 bag ay hindi luxury. Ngunit para
sa akin at aking pamilya ay mahalaga ito at lubos akong nagpapasalamat sa aking
ama sa pagbili sa akin nito. Pinaghirapan niya ang perang iyon. Hindi ako
makapaniwalang nagtamo ako ng batikos dahil lamang sa bag na nagagalak akong
magkaroon.”

Tunay ngang hindi mabibili ng salapi ang kaligayahan, intelihensya, lalo’t


higit ang moralidad.
Electric Fan: Band – aid sa Nagnanaknak na
Sugat ng Edukasyon ng Kabataan

“Anak, magtapos ka ng pag- aaral upang makaahon sa hirap “. Madalas mo


itong maririnig sa mga mahihirap na nagsisikap. Sa Pinas kasi, edukasyon ang
solusyon. Hindi baleng mahirap, basta magkadiploma, tama?

Ang sagot diyan eh DEPENDE. Depende sa kalidad ng edukasyong natamo


mo.
‘Yan ang tumambad sa nakapanlulumong resulta sa isinagawang
assessment ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS)
dalawang taon na ang nakararaan. Nangulelat ang Pilipinas sa iskor ng mga
Pilipinong mag- aaral na 297 sa Mathematics at 249 sa Science.

Solusyon ng DepEd? ELECTRIC FAN!

Kamakailan lang ay mahigit 100 mag- aaral sa Cabuyao City sa Laguna ang
hinimatay dahil sa gutom at dehydration matapos lumahok sa isang fire drill.
Matapos ang insidente, iminungkahi ni Senador Koko Pimentel na gamitin ang
150M na “confi-funds” ng DepEd upang ipambili umano ng karagdagang electric
fan sa mga pampublikong paaralan.

Band-aid lang ito kumpara sa nagnanaknak na sugat ng edukasyon!

Ang pamahalaan naman kasi, hindi mo mawari kung sadyang hindi nag-iisip
o nais lang mangurakot. Paniguradong matutulad lang ito sa isyu ng laptop na
nuknukan ng mahal, pagkaraan ng ilang araw eh magsisi-usok na…

Sa kabila naman ng lahat na ito, itong si Sara Duterte; ang naturingang


kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon eh patuloy na binabatikos at tinatawag na
terorista ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) matapos manawagan na mag-
hire ng mga karagdagang guro sa bansa!
Habang bukambibig ang “sipag at tiyaga” at magsumikap ka” hungkag na
ito para sa maraming nagsikap at walang pinatunguhan dahil parati nalang palpak
ang gobyerno’t ampaw ang kanilang edukasyon.

Hindi electric fan ang sagot sa mga Pilipinong mag-aaral na hindi makaahon
sa kangkungan. Konektado rito ang pang-ekonomikong estado ng mag-aaral sa
husay nya sa eskwelahan -ito ang gulong ng buhay. Kung mahirap ka, lalong
kumikitid ang hagdan ng pag-angat mo sa lipunan.

Halimbawa, kapag malnourished ang bata, asahan nang mapurol din ang
utak. Parang edukasyon sa Pinas, tinimbang ngunit kinulang… Maraming
Pilipinong mag-aaral ang nakararanas ng kadahupan sa buhay dulot ng katakawan
ng ganid na gobyerno.

Hindi bentilasyon kundi aksyon ng solusyon. Hindi naman tataas ang


kalidad ng edukasyon sa suhestyon ng pamahalaang suspendihin ang in-person
classes at magpatupad ng blended learning pansamantala. Sa katunayan, lalo lang
bababa. Hindi ba’t nagkaroon ng learning gap simula nang ipatupad ito noong
lockdown? Ang mainam dyan eh putulin na ang pasok ngayong Mayo! Ano ba
naman ang isang buwang sakripisyo? Paniguradong mauulit lang sa mga susunod
na taon ang mainit na isyung ito kung hindi pa magdedesisyon ang Deped ngayon.
Pangulo na rin mismo ang nagpahayag na madali namang baguhin ang school
calendar. Hindi dapat nagdurusa nang ganito ang mga susunod na magpapatakbo
ng lipunan.

You might also like