You are on page 1of 4

PANGKAT 3

PANGALAN NG KASAPI:
FRANCINE MAY COLOSO
RODRIGO BAGUISA JR.
ZANE MARIAN GREGORIO

Ang lathalain ay may iba’t ibang katangian, kabilang na dito ang lathalaing pang kaalaman sa
musika, mang-aawit, isa na sa mga halimbawa nito ang “anibersaryo:selebrasyon ng katapan-
gan, kalayaan” at “namumukod tanging tema/paksa: kapaligiran, kababaihan, mga anak, pag-
ibig sa bayan”.

HALIMBAWA:

 Anibersaryo : Selebrasyon ng Katapangan, Kalayaan

Pahayag ng Commission on Human Rights sa ika-36 Anibersaryo ng EDSA People Power


Revolution
Nakikiisa ang Commission on Human Rights sa pagdiriwang ng ika-36 Anibersaryo ng EDSA Peo-
ple Power Revolution. Ito ay isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan na nagpamalas ng li-
kas na katapangan ng mga Pilipino na manindigan para sa kalayaan, karapatang pantao, at dem-
okrasya. Pinuri ng buong mundo ang ehemplo ng Pilipino na magsagawa ng mapayapang rebo-
lusyon para iwaksi ang karahasan, korupsyon, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa panahon ng
Batas Militar sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.

Sa ating pagdiriwang, sariwain natin ang diwa at mga aral ng EDSA People Power. Pangunahin
dito ay ang kakayahan nating magsulong ng mga positibong pagbabago sa mapayapang paraan
at ang kapasidad natin na magkaisa laban sa anumang pang-aabuso at pagyurak sa karapatan at
dignidad. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga hamon na nagpapaalala sa paniniil na di-
nanas ng bansa noong panahon ng Batas Militar. Kasama dito ang talamak na patayan at kara-
hasan; pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag; kawalan ng pananagutan at hustisya; pag-
mamanipula sa katotohanan at pagrebisa sa kasaysayan; mga kakulangan at kalabisan sa tugon
ng gobyerno na nakaaapekto sa dignidad ng mga bulnerableng sektor, atbp. Bilang pagkilala sa
mga sakripisyo at pagdurusa ng mga lumaban sa kalupitan ng Batas Militar, mahalaga na patu-
loy tayong manindigan laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan; kawalan ng
hustisya; at, pagyurak sa katotohanan.

Ang okasyong ito ay pagkakataon para palakasin ang pagtataguyod sa karapatan sa katoto-
hanan at pagtiyak na hindi na maulit ang mga paglabag at pang-aabuso sa gitna ng talamak na
pagrebisa sa katotohanan. Pinapaalalahanan natin ang lahat, lalo na ang mga kabataan na si-
yang huhubog sa kinabukasan, na kung paano natin natatandaan ang kasaysayan ay may ma-
laking epekto sa pagharap natin sa mga kasalukuyang hamon at humuhubog ng ating hi-
naharap. Gayundin, kinikilala natin ang ideyalismo at sigasig ng maraming sektor, kabilang ang
mga kabataan at kababaihan, na naninindigan laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso at kawa-
lan ng hustisya.

Lahat tayo ay may tungkulin na tandaan ang kasaysayan para maprotektahan ang ating bayan
sa iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao na kalimitang nanggagaling sa authori-
tarian na estilo ng pamamahala. Ang buo at makatotohanang pag-alala sa nakaraan ay susi sa
pagpapatibay ng ating mga karapatan at kalayaan na mahalaga sa pag-abot ng ating kabuuang
potensyal. Sa lahat ng panahon, mananatili ang katotohanan na ang ating karapatan, dignidad,
at dangal ay tunay lamang na maitataguyod sa lipunang demokratiko at mapagpalaya.

https://chr.gov.ph/pahayag-ng-commission-on-human-
rights-sa-ika-36-anibersaryo-ng-edsa-people-power-revo-
lution/amp/

 Namumukod tanging Tema/Paksa : Kapaligiran, Kababaihan, Mga anak, Pag-ibig sa


Bayan
Laban ni Maria: Mga Hakbang para Makalaya si Juan

Sila ang ilaw dahil sila ang nagsisilbing tanglaw. Ang mahinhing si Maria ay ang nagbigay ng
buhay at siya ay patuloy na makikipag-laban para sa buhay. Hindi na lingid sa kaalaman ng
marami, base sa mga naisulat sa kasaysayan ang katapangang ipinakita ng mga kababaihan,
higit pa noong panahon ng pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas.

Sa likod ng mayuming pagkilos ay ang marubdob na pagnanais na makamit ang pagkakapantay-


pantay na nararapat na matamasa ng bawat isa. Taong 1887 noong maglunsad ng kilusan ang
Cigarreras, na tinawag na Alboroto de Cigarreras de Manila. Ito ay binubuo ng mga kababaihang
trabahador sa Maynila noong ika-19 na siglo. Sa kilusang ito, ay hiniling ng mga Cigarreras na
pataasin ang sahod at magkaroon ng maayos sa kondisyon sa trabaho. Ito ay isa lamang sa
marami pang pangyayaring nagtatampok ng kakisigan ng kababaihan na tumatak sa kasaysayan.
Nariyan din ang mga kababaihang nagtampok at nagtaas ng bandila ng katapangan ng kaba-
baihan tulad nina Gabriela Silang, Melchora Aquino, at marami pang iba.

Ito ay patunay na simula pa noong panahon na ang imahe ng kababaihan ay minanipula ng mga
mananakop ngunit hindi nito mahahadlangan ang marubdob na damdamin na nasa diwa at pat-
uloy na nabubuhay sa isipan ng mga kababaihan. Kung nagawa ng mga kababaihan noon ang
lumaban, isipin ang maaari pang magawa ng mga kababaihan ngayon, lalo na sa ganitong mas
lumalalang sitwasyon dulot ng pandemya. Mas nagkakaroon ng apoy ang nagbabaga nang
damdamin ng mga kababaihan na pigilan at tuluyang wakasan ang opresyon na patuloy na di-
naranas ng bawat Pilipino. Sa kahit anong panahon ng sigwa o anumang kaguluhan, palaging
mayroong taong handang lumaban upang makamit ang kapayapaan o kalayaan na karapatang
dapat matamasa ng bawat isa. Sa kasalukuyang pangyayari sa bansa kung saan kaliwa’t kanan
ang pagpatay hindi lamang sa ating karapatan ngunit pati sa buhay ng mga Pilipino kasabay pa
ng pagsupil ng kalayaan sa pamamahayag, hindi papayag ang mga kababaihan na patuloy ang
pag-alipusta sa ating karapatang-pantao.. Dahil sa mga kamaliang nagaganap mas sumisiklab
ang pagnanais natin na lumaban.
Lady Ann Salem. Taga-patnugot ng isang tanyag na altermidya. “Hindi dapat tayo pinarurusa-
han para sa paniniwala natin. Hindi tayo dapat magdurusa dahil sa ating propesyon, aso-
sasyon, sa ating pamamahayag”. Ito ang mga salitang binitawan ni Lady Ann Salem na
kamakailan lamang ay nakalaya mula sa pagkakahuli sa kaniya ng awtoridad dahil sa umano’y il-
legal possession of firearms na natagpuan sa kanyang tinutuluyan. Siya ay higit na kilala sa
larangan ng midya dahil sa kanyang matapang na paglalabas ng katotohanan at mga suri sa
publiko. Makailang ulit na rin nakatanggap ng kabi-kabilang “red-tagging”, ngunit sa kabila nito
ay buong tapang pa rin ang pag anunsyo na siya ay isang aktibista. Lantaran din niyang isinapub-
liko na isa siyang peryodistang may kinikilingan na para sa masang Pilipino at sa inaaping bansa.
Ang pagkahuli sa kanya, ang pagtatanim ng pekeng ebidensiya, at ang patuloy na pag-aakusa sa
kanya bilang isang terorista ay isang patunay na isa siyang malaking hamon sa kasalukuyang ad-
ministrasyon. Sa kabila naman nito ay patuloy pa rin siya sa paghawak sa kanyang propesyon
hindi lang bilang isang peryodista, kundi bilang isang babaeng aktibista na mayroong marubdob
na pagnanais na makita ang pagwawakas ng kasalukuyang administrasyon na lubos na nagpapa-
hirap sa lahat.

Victoria Tauli-Corpuz. UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous People, Founder and
Executive Director of the Tebtebba Foundation (Indigenous Peoples’ International Center for Pol-
icy Research and Education). “Nakikita ng gobyerno ito (red-tagging) bilang oportunidad
upang tanggalin ang mga taong hindi nila gusto.” Siya ay isang indegenous leader galing sa
Kankana-ey Igorot people mula sa Cordillera. Mahigit tatlong dekada siyang nagtayo ng kilusang
magtataguyod sa karapatan ng mga katutubo at karapatan ng mga kababaihan. Isa siyang kila-
lang aktibista, aktibong nagtatag at nagpalakad ng iilang NGO na sumesentro sa pagpapakilala
sa mga katutubong tao at sa mga karapatan ng kababihan. Ang mga NGO rin na ito ay nagtata-
guyod ng kamlayang panlipunan at pangkalikasan. Isa rin siya sa mga nasa mahabang listahan
na inakusahan bilang terorista.

Iilan lamang sila sa mga kababaihang handang maglingkod sa bayan nang buong puso at mag-
bigay ng serbisyong nararapat na makamtan ng bawat Pilipino. Kung kinaya ng mga kababaihan
noon lumaban, mas makakaya rin ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Lumaban sila
sa hangaring makalaya ang Pilipinas sa mga mapang-aping mananakop. Ngayon, Si Maria ay
lumalaban upang makalaya ang mga Pilipino sa mapang-aping sistema ng Pilipinas.

Katapangan nang maituturing ang pagpili na mamulat sa katotohanan na ang bansang Pilipinas
ay biktima ng opresyon mula sa estado, ano pa’t tumayo at gamitin ang boses upang marinig at
magbukas ng marami pang isipan upang isiwalat ang mga kamaliang ito. Ganito ang ginagawa
ng maraming kababaihan sa panahon ngayon. Hindi na lamang nabibilang sa mga daliri ang mga
kababaihan na nais na tumindig at lumaban para sa kanilang karapatan at sa karapatan ng
buong bansa. Higit na mainit sa mata ng administrasyon ang mga kabataang pilit na gumagawa
ng paraan upang marinig ang kanilang mga hinaing. Ngayong buwan na inilaan para sa mga kab-
abaihan, bigyang pansin at pagpupugay ang mga kababaihang lumaban, lumalaban, at patuloy
na lalaban para sa magandang kinabukasan.

https://pahayagangthecatalyst.word-
press.com/2021/04/01/lathalain-laban-ni-maria-mga-
hakbang-para-makalaya-si-juan/

You might also like