You are on page 1of 1

Ang tangi kong pagtingin kay crush

Napagawi… Nanood… Pagdapo ng aking mga mata hinihiyawan siya ng madla. Porma niya’y
kakaiba na sa akin nagpangawa. Hindi man siya yung kagalingan pero para sa akin siya’y may
panggagalingan. Limang pangungusap ang nangusap sa aking imahinasyon tungkol kay crush.

Maingay ang bawat panig. Nagtutulakan at naghihiyawan ang bawat estudyante maging ako ay
napasasama sa mga taga-suporta kahit sa umpisa hindi naman talaga tagahanga. Tila isang sakit na
nakahahawa at di mo namamalayan nadapuan ka na pala. Mainit ang tunggalian ng dalawang koponan,
di ko akalain sumiklab ang aking paghanga sa imahe ng isang nilalang. Nilalang na tila nilaan sa aking
mata. Sa bawat pagtuloy ng laro mas lalo ko siyang nasilayan at hinangaan. Hindi man sila nanalo,
punong-puno naman siya ng kagalingan sa aking paningin. Lahat ay nag-umpisa sa paggawi ng aking mga
mata.

Napagawi. Isa, dalawa, sampu hanggang sa di ko na mabilang ang atensyon na aking nilaan sa
kaniya. Hindi ko man sadya pero tadhana ata ang nananadya. Hanggang hindi ko namalayan pinapanood
ko na ang bawat kilos na kaniyang gawa.

Nanood. Simula nang nakilala ko siya tila siya ang bida sa korean novela na pagkat
sinusubaybayan ang bawat kabanata ng buhay niya. Sa ngayon hindi naman malala ang aking
nararamdaman ngunit sapat na sa akin ang maging inspirasyon siya.

Pagdapo ng aking mga mata hinihiyawan siya ng madla. Sa ilang pagkakataon na natuon ang
aking atensyon, memoryado ko na ang akniyang pigura. Mahahaba ang kaniyang biyas, may katangusan
ang ilong, Moreno ang kutis, malago ang maitim at makapal niyang buhok. Mga katangiang humuli sa
aking paningin at atensyon.

Hindi masama ang magkaroon ng paghanga sa isang tao dahil sa kaniyang katangian. Dapat
gawing inspirasyon at magsilbing daan ito upang magawa mo ng mga bagay na ikauunlad ng iyong
pagkatao. Payo ko lamang sa mga kabataan “use your crush as your inspiration not a destruction” from
random thoughts. Chill-chill lang at huwag apurado. Lahat ng bagay ay nasa tamang pagkakataon kung
maghihinatya ka.

You might also like