You are on page 1of 2

KAHIT SAAN

ni:
Jose Corazon de Jesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo,


may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,


nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa


at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana

G
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

ON
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita

N
na sa masetas mong didiligin sana

K
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

SA
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,


akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
Ano ang saknong?
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo! Inihanda ni: Diana J. Ceralde
2. Tercet 5. sestet
kapag binubuo ito ng
Ito ang pangkat o grupo ng kapag binubuo ito ng
tatlong taludtod anim na taludtod
mga taludtod o linya ng tula.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang mga kamay mo’y pampawi ng lungkot, Hindi ko alam kung paano sisimulan,
Kiliti ng haplos sa diwang malikot, Sa dami ng salita na pumapasok sa'king isipan,
Kapag nababagha’t ibig makalimot. Hawak ang papel at panulat pagkat ako ay susulat,
Susulat ng tula, tulang iaalay sa'yo tanda ng
pasasalamat,
3. QUATRAIN Walang mapiling salita, saan ako magsisimula?
kapag binubuo ito ng Paano nga ba nagsimula?

apat na taludtod 6. Octave


Halimbawa: kapag binubuo ito ng
Ang mga kamay mo’y pampawi ng lungkot, pitong taludtod
Kiliti ng haplos sa diwang malikot,
Halimbawa:
Kapag nababagha’t ibig makalimot,
Hindi ko alam kung paano sisimulan
Ang mga kamay mo ang siya kong gamot.
1. Couplet Sa dami ng salita na pumapasok sa'king
isipan
kapag binubuo ito ng Hawak ang papel at panulat pagkat ako ay
4. QUintet
dalawang taludtod susulat
kapag binubuo ito ng Susulat ng tula, tulang iaalay sa'yo tanda
Halimbawa: limang taludtod ng pasasalamat
Ang mga kamay mo’y pampawi ng Halimbawa: Sana'y matapos ko ito bago mo kami
lungkot, Kung may isang ibong tuwing takipsilim, lisanin
Kiliti ng haplos sa diwang malikot. nilalapitan ka at titingin-tingin, Sa iyong pag-alis isa lang ang aking hiling
kung sa iyong silid masok na magiliw Baunin mo ang mga matatamis na alaala
at ika’y awitan sa gabing malalim. . . natin.
Ako iyan, Giliw!

You might also like