You are on page 1of 2

Willy, Ang Bukod Tangi

Naniniwala na ako sa konseptong walang permanente sa Mundo


Dumating noong ikalawa ng Agosto taong dalawang libo’t labimpito
Wala man lang isang taon, parang kisap-mata ang paglisan mo
Heto na naman tayo sa puntong mapapahugot kang totoo
Ayoko ng drama pero bakit ganun nakadudurog ng puso

Ang sandaling ito ay para sa aming punong-gurong katangi-tangi


Top 6 sa Principals Test at Certified NEAP Lecturer, talagang lodi
Hayaan mong mamutawi sa aming mga labi mga salitang papuri
Na nararapat lang ikabit sa pangalang Willy

W- illy ang pangalan niya, apelyedo niya’y di Revillami


Kapag ngumiti na aba’y makalaglag panty
Di ako nagbibiro talagang siya ay pogi
Kamukha niya ‘yong host ng Wowowee
Pareho silang malaki ang tiyan at magandang lalaki

I-lang buwan na lang sana mag-iisang taon kana


Sa Carael NHS kung saan ikaw ang Kuya at Ama
Kahit ayaw pa namin wala ng magagawa
Wala ng magbabago kahit kami ay lumuha
Ilang araw na lang at sa pasuka’y di na makikita

L-imang OIC ang nadagdag pagkat ikaw ay maabilidad


Hindi ka maramot kaya kami ay mapalad
Ang paaralan ay tunay ngang pinaunlad
Marami ka ng narating sa mura mong edad
Tiyak tuloy-tuloy pa ang iyong paglipad

L-agi mong tatandaan kahit nasaan ka man


Nakatatak ka na sa aming puso’t isipan
May mga nangyari mang di kagandahan
Baunin ang magagandang ala-alang pinagsaluhan
Salamat sa pagsisilbi bilang punong-guro sa aming paaralan

Y-akapin mo ang panibagong yugto sa iyong buhay


Sa iyong pag-alis kami man ay malumbay
Hangad pa rin namin ang iyong tagumpay
Sana nagustuhan mo ang tulang inalay
Para sa’yo ito Sir Willy, bukod tangi kang tunay

You might also like