You are on page 1of 1

VANESSA

Heto na naman ako at kakatha,


Isang tula para sa’yo Vanessa.

Hayaan mong iparating sayo,


Nilalaman ng puso’t isipan ko,
Lahat ng mga ito’y totoo,
Galing sa puso walang halong biro.

Sa bawat pagtipa ng mga letra,


Nakangiti habang ito’y ginagawa,
Pag ika’y pinaglaanan ng tula,
Ibig sabihin sa puso ko’y espesyal ka.

Ngayong panahon ng epidemya,


Hindi ko naisip at inakala,
Magkakaroon ng bagong kakilala
Pangalan niya ay Vanessa E. Petrola

Isang babaeng may busilak na kalooban,


May katangi-tanging kagandahan,
Isang babaeng dapat pagkaingatan,
Dapat minamahal at di sinasaktan.

Sa mga araw na ika’y sawi,


At tila ba hirap na ngumiti,
Huwag mag-alala at mag-atubili,
Sa akin ay lumapit at sumangguni.

Sa mga oras na tila ayaw mo na,


Dahil sa bigat na iyong nadarama,
Isipin mong andito ako’t dadamayan ka,
Kahit di man tayo magkasama.

Sa mga panahong wala aking presensya,


At tila ba ako’y naglahong parang bula,
Huwag mangamba ako’y di mawawala,
Tandaan mo laging nasa puso’t isip ka.

Huwag matakot di ka nag-iisa,


Kasama mo ako sa lungkot at ligaya,
Kaibigang susuporta at mamahalin ka,
Isang babaeng may ngalang DIANA.

Kung iniisip mong ito’y panandalian,


Nagkakamali ka aking kaibigan.
Pagkakaibigan natin ay walang hanggan,
Pangako sa’yo hindi kita iiwan.

DIANA J. CERALDE
6/20/2020 11:28pm

You might also like