You are on page 1of 2

BALDERAS, PATRICIA A.

BSEE

PAGPAPAKAHULUGAN SA ISANG KAIBIGAN

ANO ANG KAIBIGAN PARA SAYO?

Ang kaibigan ay katropa, kabarkada, karamay, kasangga, kapatid, kapamilya at kapuso na

andiyan hindi lang sa oras ng kasiyahan kundi pati na rin sa oran ng kalungkulan. Ito ay isang

nilalang na dapat bigyan ng kahalagahan dahil ito ay bigay ng maykapal. Kailangang ingatan at

mahalin dahil ito ay isang gabay kahit saan mang landas patungo ito’y naka alalay sa iyo sa oras

na ikaw ay mahina at nagsisilbing takbuhan sa anumang oras ng pangangailangan. Ang tunay na

pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang

pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito'y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na

mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng

iisa kundi para sa isa,t isa.

ANO- ANO ANG INAASAHAN MONG GAWI NG IYONG MGA KAIBIGAN?

Kaibigan na palaging nandiyan sa kalungkutan man o kasiyahan, sila’y taga suporta mo sa

mga minimithi na gusto mong marating at hindi ka ka pababayaan sa gitna ng mga laban, anyan

sila lagi para tumulong at dadamayan ka sa tuwing ikaw ay nadadapa o nasasaktan. Sila ay

mapagkakatiwalaan, maaasahan, papahalagahan at mamahalin ka.


KARANASAN MULA SA KAIBIGAN

Mga kaibigan na itinuring ko ng parang aking mga kapatid. Sila ang nagbigay kasiyahan

sa mga oras na ako’y may mga kinikimkim na kalungkutan. Pinarasan nila saakin na ako’y hindi

nag iisa sa buhay, lagi nila akong ginagabayan sa lahat ng bagay. Tinulungan nila akong

magkaroon ng bagong ako na mas masaya na sa buhay.

Bago ko nakilala ang aking mga tunay na kaibigan galing ako sa mga maling tao na tinawag

ko ding kaibigan ngunit ako’y nagkamali sa kanila akala ko’y masaya sila sa aking narating ngunit

patalikod nila akong sinasaksak gamit ang mga salitang masakit pa sa matalim na bagay. Akala

ko’y masaya sila na kasama ako ngunit hindi ito totoo dahil sila pa mismo ang dahilan ng

pagbagsak ko. Ngunit nagpapasalamat ako sa mga maling taong naka salamuha ko dahil kung

hindi dahil sa kanila hindi ko malalaman na may ibang tao na mas totoo kisa sa kanila. At ngayon

ay masaya ako sa aking mga bagong kaibigan na matatawag ko na totoong nagmamahal at

nagbibigay ng suporta sa akin.

You might also like