You are on page 1of 2

PAGKAKAIBIGAN

Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa


materyal na bagay. Karaniwang pinaghihirapan ang makakuha at magkamit ng isang
mabuting kaibigan. Kung hindi naman maaalagaan ang isang kaibigan ay nawawala na
lamang na parang bula. Ang pag-iingat ng isa sa iyong mga pinakamahalagang
kayamanan sa buhay ay maihahalintulad sa pag-aalaga ng isang kaibigan.

Tunay na nakapagpapaligaya magkaroon ng isang kaibigan. Sa mga


pagkakataong ika’y malungkot at nag-iisa ang isang kaibigan ay maaasahan. Sa lahat
ng pagkakataon ay nariyan siya upang ika’y gabayan at damayan. Katulad na lang ng
ilang naglalaan ng panahon upang makasama lang ang kaibigan. Sa mga pangyayaring
hindi kanais-nais, kaibigan pa rin ang nagbibigay ng tamis at ligaya. Sa mga
pagkakataong ika’y nag-aakalang katapusan na ng mundo, ang isang kaibigan ay siyang
nagbibigay lakas. Walang pakundangan din silang nagpapatawad kung ika’y nagkaroon
ng kasalanan. Ang ilang mga ‘di pagkakaunawaan ay agad-agad natatapos at naaayos.

Mga kaibigan nga nama’y daig ang pilak, ginto at salapi, ni minsa’y hindi
mabibili ang kanilang pagpapatawad at paniniwala. Sa bawat ligayang iyong
nararamdaman, kaibigan din ang gumagawa. Pinapagaan nila ang iyong pakiramdam
kunnakararamdam ng sakit at poot. Iyong ligayang nakakamtam ay hindi nauubos,
kahit na ikaw ay kapos sa pera. Sila’y laging andiyan upang ika’y paligayahin at
magbigay ng liwanag. Sa tuwing magkakamit ng tagumpay, ang kanilang suporta ang
iyong taglay sa lahat ng oras.

Kaya naman sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa lahat ng inying


natulong. Nagpapasalamat ako nang walang humpay at kayo’y aking nakilala. Maraming
salamat sa inyo at ako’y inyong naunawaan kahit na ako’y karaniwang nagbabago ng
ugali. Kayo’y mga biyaya ng Diyos. Nawa’y hindi kayo magbago, ako’y mabibigo kung
kayo ay awawala sa aking buhya. Ni minsan ay hindi sana kayo mawalay sa aking
buhay. Kayo ay mananatili sa aking puso at isipan. Ang inyong mga ginintuang pangalan
ay aking iimprenta sa aking puso. Mga kaibigan, nawa’y ang ating samahan ay hindi
magbago.

You might also like