You are on page 1of 1

Xyrah A.

Rabanillo
BSIT Block II
Talumpati tungkol sa kaibigan
Kaibigan. Sino nga ba naman sa atin ang walang itinuturing na kaibigan? Ika nga,
“No man is an island”. Mahirap nga naman kung wala kang kaibigang makakasama o
mapagsasabihan ng problema.
Ang pagkakaroon ng kaibigan ay hindi nadadaan sa pera, yaman o popularidad.
Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Madalas sila ang kasama natin sa panahon na
tayo ay masaya o malungkot. Mas nakakasama pa nga natin sila ng mas matagal kaysa sa
ating pamilya. Maraming pagkakaibigan ang nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong
panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o
katagal ang mahalaga ay ang mga nabuong alaala, masaya man ito o malungkot. Ang
kaibigan ay hindi lamang nandyan upang tayo ay pasayahin ngunit nandyan rin upang
maging kaagapay sa mga panahong sinusubok tayo ng buhay.
Lahat ng tao pwede nating tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabing tunay.
Sino ba? O ano ba ang tunay na kaibigan?
Sila ba yung kasama mong kumain? Yung kasama mong gumala? O yung
nagpapakopya sayo kapag exam? Ang tunay na kaibigan ay ang mag-aahon sayo sa
panahong lunod na lunod ka na at magsisilbing inspirasyon sa pagpapatuloy sa buhay.
Maraming naghahanap ng tunay na kaibigan upang makaramay sa mga pagsubok ng
buhay. Mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mga tunay na
mananatili sayo. Malaking bahagi sa buhay natin ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan,
sino ba namang ayaw?
Para sa akin ang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon na ikaw ay masaya
at lalo na sa panahong nangangailangan ka ng kaagapay. Hindi ipaparamdam sayo na
mag-isa ka. At higit sa lahat hindi ka ipagpapalit. Bago matapos ang araw na ito,
pasalamatan natin yung mga tunay nating kaibigan na kailan may hindi tayo iniwan.
Isang pasasalamat dahil hindi nila tayo sinukuan. Masasabi kong hindi man ako ganoon
kaswerte sa buhay pag-ibig ngunit napakaswerte ko naman sa mga kaibigan ko.
Maraming Salamat.

You might also like