You are on page 1of 1

Magandang Umaga sa ating Ginagalangan na ating mga Guro at sa Aming Kapwa Estudyante, sa

okasyong ito nais kong magbigay ng isang Talumpati patungkol sa pagkakaibigan, napili namin itong
isang espesyal na paksa para magbigay linaw sa ating lahat kung Gano ka halaga ang pagkakaibigan .

Ang Pagkakaibigan ay isang simpleng Relasyon na binubuo ng Dalawa, Tatlo o marami pang iba . Ang
pagkakaroon ng tunay at Mapagmahal na kaibigan sa Mundong ito ay parang Swerte Ika ngalang nila.

Ang tunay na kaibigan ay isang espesyal na Regalo na nanggaling sa Panginoon na ating nakuha. Sila
din ay isang halimbawa. At nagiging Gabay natin patungo sa ating tagumpay ng ating buhay. Ang ating
mga kaibigan ay isang saksi sa ating paglalakbay sa ating buhay upang maging magaan at masaya ang
ating buhay.

Sila din yung tunay na kaibigan nakapag may mali tayong nagawa hindi sila tumatawa o nagbibigay ng
isang maling hinala datapwat sila yung nagbibigay ng suporta upang maitama ang ating maling nagawa.
Ang tunay na kaibigan ay lagi nandyan para sa kanilang kaibigan at handang tumulong kahit na sila ay
may kanya – kanyang ginagawa. Ang pagkakaibigan ay walang katulad sa mundong Ibabaw na kalian
may Hinding- hindi maipagbibili kahit kanino man. Ito ay depende sa tunay na Pagmamahal na nililikha
ng mga taong binubuo ng isang pagkakaibigan.

Ang pag kakaibigan ay hindi din Depende sa materyal na bagay na nagbibigay ng saya o ano paman sa
Mundong ito. Ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan ay isa ring kaligayahan sa ating buhay at
kalian may Hindi magkakalimutan at palaging nandyan sa isat isa. Tayong mga tao may mga problema
tayong tayong nararanasan na dumadaan sa ating buhay , sa ganitong paraan isa ang ang ating kaibigan
na ating naging sandalan.upang malampasan natin ang anumang pagsubok. Sila ay gumaganap at
nagkakaroon ng malaking parte sa ating Buhay.

Ang buhay kapag walang tunay na kaibigan ay parang isang puzzle na hindi mabuo-buo. Ito ay hindi sa
pagiging masaya kundi sa hindi pag kakaroon ng tunay ng kaibigan sa ating buhay na atin ring isang
yaman na maipagmamalaki. Ang tunay na kaibigan ay ang pagkakaroon at pagbibigay ng kasiyahan sa
bawat isa maliit man o Malaki nagsasabhan ng mga sekreto at problema na walang pag-aantubili. Ang
isang tunay na kailangan ay hindi naghuhusga sa kanilang kaibigan kundi tinutulungan ang bawat isa
upang malampasan ang mga ito. Sila din ang nagiging gabay na kapag katulad ng isang mahabang tulay
at nagbibigay ilaw sa madilim na landas.

Ang tunay na kaibigan palaging nag iintindi ng buo at nagbibigay ng payo upang gawin ang tama. Sila din
yong mga tunay na kaibigan na hindi sumusuko.at naging simbolo sa kanilang mga mahal na kaibigan .
ang masasabi lang namin na ang tunay na kaibigan ay hindi matatawaran at walang katulad ditto sa
ating mundo .

Maraming Salamat po  

You might also like